"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Tracy habang buhat-buhat siya ni Jack.
Magkahawig silang dalawa. Sa ugali at sa buhok.
"To your grandmother."
"I have a grandmother? Maganda rin ba siya? Parang ako at si mommy?"
"Oo maganda siya. Maganda rin ang mommy mo. Pero ikaw? Hmmm?? Maganda ba siya? Parang hindi." Aniya kaya sumeryoso ang mukha ni Tracy.
"Hindi ako maganda? Talaga? Ganon pala. Mommy, narinig kong may sinabi silang pangalan ng babae. Kate ang pangalan."
Pagkasabi niya non ay inisip kong maigi kung may kakilala ba akong nag ngangalan non, ngunit wala.
Narinig ko ang pagtawa ng bahagya ni May ngunit tumigil din siya agad. Si Jack naman ay nakikita ko sa gilid ng aking mata na diretso na ang kaniyang tingin.
Ilang oras na ang paglalakbay namin ng maingat at alerto ngunit hindi pa kami nakakarating ng Emperyo. Nag iingat kami lalo na sa mga mata ng kalaban dahil hindi nila pwedeng makita ang dalawa.
Kung sana ay bampira rin si May ay nagawa na naming tumakbo. Kung sana rin ay naririto ang tatlo.
I miss them so much. Nasaan na kaya ang kanilang katawan? Gusto ko na silang makita. Maybe if I settled my twins, I can have a time to find their body.
"Daddy, gutom na ako. Tumutunog na yung tiyan ko oh."
"Mainit din. Pwede na ba naming maalis itong tela sa mukha namin?"
"Hindi pwede, anak. Baka may makakita sa inyong kagandahan." Tugon ni Jack.
"Bakit si kuya? Maganda siya?"
"Oo. Magandang lalaki, parang ako."
Gustong gusto ko ng tumawa ngunit pinigilan ko na lamang ito.
"Ano ba ang gusto mo?"
"Ewan ko po."
"Saan ako makakahanap ng ewan? Sa ewan ko ring lugar?"
"Baka sa ewan ko pong lalagyan." Sagot din niya kaya ako napailing.
"Ikaw? Nauuhaw ka na ba?" Tanong ko kay Jackson habang ang dalawa ay nag susutilan na.
"Hindi-" napatigil siya ng biglang lumabas ang kaniyang mga pangil kasabay ng pag pula ng kaniyang mga mata.
"Here. Mommy's going to be fine."
Nag alinlangan pa siya ng ilang saglit bago kumagat saakin. Para siyang ilang araw na hindi nakainom kaya sobra na lang ang pagsipsip niya ng aking dugo.
"Ikaw? Gusto mo ba ng prutas?" Pagtanong ko kay May na kanina pa pinag lalaruan ang kaniyang kutsilyo.
"Not hungry yet." Tipid niyang sagot.
Pagkatapos ni Jackson ay para akong matutumba dahil sa pagkahilo, mabuti na lamang ay naalalayan ako ng patago ni May.
"Thank you." Bulong saakin ni Jackson atsaka ako hinalikan sa pisngi.
"Ahhh. Pangit yan." Reklamo ni Tracy kay Jack nang iaabot niya sana ang prutas na hindi ko alam kung anong klase.
"Opss. Excuse me. We burp." Sambit ni Tracy dahil nagsabay sila ni Jackson.
"Pinapainom mo siya, sino ang magpapainom sa'yo?" Mahinang tanong ni May saakin.
"Ayos lang. Magpatuloy na tayo."
...
Halos mag dadalawang araw kaming naglakbay hanggang sa narating namin ang pagitan ng Emperyo ng Strevioa at Quindoma.
"Magpunta muna tayo sa kastilyo ng inyong tita."
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa kastilyo ni Agnes. Hindi kalakihan ang pinag bago ng paligid.
"Wow..."
"Shhh. Wag masyadong maingay, Tracy. Baka may makarinig sa'yo." Ani ni Jack kaya niya tinakpan ang kaniyang bibig.
Napatingin ako sa bintana ng kastilyo at nakita roon si Agnes na para akong pinag aaralan bago mamilog ang mga mata.
Bakas sakaniyang mukha ang pag mature niya, ngunit napaka ganda niya pa rin.
May mga sinabi siya sa mga kawal bago tumakbo papunta saamin upang salubungin.
"My God. Is this real? Are you real? Ate ikaw ba iyan?" Sunod sunod niyang tanong habang umiiyak.
"Kakalimutan ko muna ang pagiging reyna ko. I miss you, ate. Sobra, sobra." Yakap niya saakin. Napansin niya sila Jackson kaya siya umayos atsaka pinunas ang mga luha na hindi matigil sa pag agos.
"I'm sorry."
"It's ok."
"Tuloy kayo." Aniya.
Napangiti ako ng maliit dahil sa ginagawa niya.
Patuloy siya sa pag utos sa kaniyang mga kawal at mga tagapag silbi habang diretsong nakakapit saaking braso na animoy batang ayaw ng bitiwan ang kaniyang ina.
"Prepare for our dinner. I want it good. I mean, really good." Aniya sa tagapag silbi.
"Hindi ako makapaniwalang nandito ka. Na buhay ka, ate." Pagharap niya saakin atsaka ulit ako niyakap.
"Ahh. Hello." Bati niya sakanila May at Jack.
"Sino sila?" Tanong niya saakin at tinukoy ang dalawa.
"My twins."
.
"So, you want a nice gown?"
"Kahit hindi na po. I just want to be with mommy and daddy and kuya."
"Pati na rin sakaniya." Bulong niyang sambit at tinukoy si May na nag aayos ng damit.
"Bakit naman? Ayaw mo ba yung ganito sa suot ko?"
"Gusto naman po."
"Ayun naman pala. Mag papagawa tayo. Gusto mo yun?"
"Opo." Tugon niya.
"Sige na. Mag laro ka na muna doon. Basta huwag kayong lalabas ng kastilyo at huwag kayong lalapit sa mga bintana."
"Opo. Salamat po." Sagot niya bago tumakbo palayo.
"Ang cute nila. Gosh, I can't sink everything in my mind."
"Ang akala ko ay wala ka na. Tapos nandito ka ngayon kasama ang dalawang mag kambal na gustong gusto ko ng ampunin." Natatawa niyang sabi pag lapit saakin.
"I'm sorry to bother, Agnes. Magpapalipas lang kami dito ng gabi. Dadalihin na namin sila sa kabilang kaharian."
"Ayos lang iyon. Kahit dito na kayo manirahan."
"Babalik din kayo dito diba?" Pag iiba niya.
"Soon. Dadalaw kami dito."
"Kahit ayoko kayong paalisin, wala naman na akong magagawa dahil para ito sa ikabubuti ng dalawa kong pamangkin."
"Thank you."
"Sige. Mag bibihis muna ako." Paalam ko atsaka pumasok sa dati kong silid.
Mabuti na lang at nasabi ko sakaniya ang kalagayan ng dalawa kaya niya ito naiintindihan.
Nasaan na pala sila kuya? Sila Sandra? Si Luna?
Ang salamin kaya? Nasakaniya pa ba?
Pagkatapos kong mag bihis ay oras na rin ng hapunan. Narinig kong nagtatawanan na sila Tracy sa kusina samantalang napansin ko sa labas sila Jasper.
"Saglit? Si Tala ba iyon?" Rinig kong wika niya nang mapansin ako.
"s**t! Siya nga!" Malakas niyang sabi atsaka tumakbo papalapit saakin.
Marahas niyang binuksan ang malaking pintuan atsaka ako niyakap ng napaka higpit. Kung makikita siya ng ibang tao ay mapagkakamalan siyang bata.
"f**k, f**k, f**k. Are a ghost? Nakikita niyo ba siya? Please tell me yes." Aniya sa mga kasama niya.
"Yes."
"Yes! s**t. She's f*****g alive."
"Yes I'm alive but soon to be dead if you keep hugging me that tight." Aniko kaya siya natawa.
"I'm so f*****g sorry. Hindi lang ako makapaniwalang buhay ka. I am so sorry, Tala. Sa ginawa kong pag iwan sa'yo. Hindi kita-"
"It's ok. Mabuti na rin iyon para hindi ka na madamay. At, kailangan ka rin nila dito."
"I still sincerely apologize."
"Ayos na. Nasaan pala si Amara?" Pag iiba ko.
Nagulat na lamang ako dahil sa marahas na pag bukas ng pinto at niluwa non si Amara habang naka sunod si kuya.
"Tala!" Malakas niyang sabi atsaka ako niyakap. Kung hindi dahil sa kakayahan ko'y baka natumba na kami sa sahig.
"I thought you were dead."
"Yeah. We thought." Singit ni Jasper ngunit hindi siya pinansin.
"I missed you. I missed my b***h friend." Pagyaka niya ulit saakin.
Napatingin naman ako kay May na yakap-yakap din ang kaniyang mga kaibigan.
"Jack? Is it really you?" Gulat na wika ni Jasper.
"s**t! It's you bro!" Malakas niyang sabi atsaka tumakbo papunta kay Jack.
"Bro. Bro, bro, bro. No- Fuck."
Hindi na siya nakapalag dahil tumalon na si Jasper papunta sakaniya atsaka siya niyakap. Nakakatawa ang kanilang ayos dahil ang dalawang binti ni Jasper ay nakapulupot sa katawan ni Jack na grabe ang pag iwas ng mukha upang hindi ito madikit sa buhok o katawan ni Jasper.
"Bro, what the f**k? Get the hell down."
"I missed you bro."
"I don't miss you bro. Get down." Mariin niyang sambit.
"I know you missed me bro. I know, I know."
"Kuya." Aniko nang makita siya. Kahit hindi siya nagsasalita ay kitang kita ko ang kagalakan sakaniyang mga mata.
May namumuong luha rin dito ngunit pasimple niyang pinunas atsaka ako niyakap.
"I'm happy that you're alive, Tala. I missed you." Mahina niyang sabi sa gilid ng aking tenga.
"I missed you too, kuya. Hindi ko malilimutan ang ginawa mo noon." Tugon ko. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapag saakin.