"Where are we going?" Tanong ni Jackson ngunit wala ni isa saamin ni Jack ang makasagot.
"Cave is waving at us. Look. Diyan muna tayo magpalipas ng gabi." Aniko.
Nakalayo naman na kami sa lugar na iyon dahil sa bilis naming tatlo.
Nagpunta kami doon at sinindihan ni Jack ang mga kinolekta niyang kahoy upang makagawa ng apoy.
Hinaplos ko ang mahaba at puting buhok ni Tracy atsaka siya hinalikan sa noo.
"Nasaan na ang nag alaga sainyo? Nasaan na si Lucinda?"
"She died because of her curse." Sagot ni Jackson.
If she can still hear me, I sincerely thank her for taking care of my two babies.
Napatingin naman ako kay Pen, o tamang sabihin na May. Of all my friends and relatives that I thought I could depend my life to, she, this demon saves my life, saves us- my twins in the brink of death. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa ngunit nagpapasalamat ako.
Sa ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung bakit hindi niya ako maalala. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sakaniya pagkatapos siyang mapasakamay ng mga bampirang iyon at gamitin laban saakin noon.
Marahil ay tinurukan ulit siya ng likidong hindi ko mawari kung saan gawa ngunit alam kong pang alis ito ng memorya.
Kung hindi dahil sa pagpapanggap niya bilang kakampi nila Pimus ay hindi niya magagawang itakas si Jackson. At kung hindi rin dahil sakaniya'y hindi kami magkikita ni Jack, hindi ko makikita kung gaano siya nawasak dahil sa inaakalang wala na kami.
"Mom. Can I ask you something? Naguguluhan lang talaga ako." Ani Jackson kaya ako napatingin sakaniya.
"Ano iyon?"
"If Tracy and I are twins, why am I older than her? I mean, our situation is confusing." Sambit niya na nagpatawa saakin ng marahan. Hinaplos ko ang kaniyang buhok atsaka siya hinalikan sa noo.
"Always remember this, Jackson. Your sister's body is weak. So as an older brother, protect her."
"When you two are in my womb, there's an incident that makes your sister weak. Ang kapatid mo ay hindi katulad nating bampira. At kaya siya nagtagal sa saakin ng ilan pang taon dahil hindi niya makakayanan kung sasabay siya sayo."
"Why?"
"My powers and your Dad's, we gave it to the both of you so you will survive."
"Bakit ako lang ang may abilidad? Bakit siya wala? Bakit hindi siya bampira?" Tanong niya ulit. Nagpakawala ng malalim na paghinga si Jack atsaka naupo katabi niya.
"Baby, listen. Supporting once life is hard especially when that life is in a verge of death. Your mom is fighting for you two, so am I. But I am fighting in a different way for the three of you."
"Anong ibig niyong sabihin? Bakit ba kami nasa bingit ng kamatayan?"
Nagkatinginan muna kami ni Jack bago siya ngumiti atsaka halikan si Jackson sa tuktok ng kaniyang ulo.
"Let's just say we gave one medecine to the two people who needs it. Diba isa lang ang pwedeng makagamit dahil kung hahatiin iyon ay walang mangyayari?" Tanong niya kaya tumango si Jackson.
"That's what happened to the two of you. When we gave our powers, you got it all that's why you were born. And Tracy got a little that's why she stays in your mom for a little longer for her to survive."
"Ibig sabihin.. kasalana-"
"No. It's not your fault, baby." Pagputol ko sakaniya.
"Don't ever think and feel that it is your fault." Ani naman ni Jack sakaniya.
"For twelve years..." sambit niya sa kawalan atsaka bumuntong hininga.
Napailing naman ako ng bahagya dahil sa ala-ala noong napagkamalan ko siyang binata na. Ang pananalita niya'y hindi naayon sa kaniyang edad.
"Matutunaw sila." Wika ni Jackson kaya naalis ang titig ko kay Tracy. Napansin ko naman ang biglang pag iwas ng tingin ni Jack saakin.
"I missed the two of you, but I think you missed each other more. I just go to sleep." Pag irap niya atsaka tumabi kay Tracy. Nahiga rin siya saaking hita na nagpatawa saakin ng mahina.
"Pareho kayo." Jack mouthed.
Makalipas ang halos isang oras na pag titig namin ni Jack sakanila Tracy habang natutulog ay napag desisyunan naming mag pahangin sa labas.
Hindi ko kayang matulog dahil hindi ako sigurado sa kaligtasan namin dito.
Napatingin ako kay Jack na biglang iniwas ang paningin kaya ako napakunot.
"May problema ba? Bakit parang kanina ka pa nakatitig saakin?"
"I missed you, Tala. Hindi mo man lang ako yayakapin? Halikan sana.. yung matagal."
"Matagal?" Patawa kong tanong.
"Pwede mo namang gawin. Halika nga." Aniko atsaka siya niyakap ng mahigpit.
"I love you."
"I love you too." Bulong ko sa gilid ng tenga niya.
Bigla siyang nag seryoso atsaka ako hinalikan sa noo pagbaba niya saakin bago mabilis na nawala saaking harapan.
What the hell is wrong with him?
Babalik na sana ako sa loob nang lumitaw siya saaking harapan. Inayos niya muna ang kaniyang damit atsaka inabot saakin ang kapipitas niya lang na bulaklak na nanggaling sa gilid.
"Saan ka nanggaling? May masama ba akong nagawa?"
"Wala. I just missed you so f*****g much." Tugon niya atsaka ako hinalikan.
.
"Are we ready to go back?" Mahinang wika ko kay Jack habang kami ay nakahiga.
"Even when we're not, we should. Gusto kong sa kabila ng mga nangyari, especially the thing my brother did, ay makita pa rin nila ang dalawa. Hindi nila alam na buntis ka, Tala. Alam kong mabibigla na lamang sila kung makita nila ang dalawa."
Bumuntong hininga ako atsaka naupo. Agad namang humiga sa hita ko si Jack habang hinahalik-halikan ang aking kamay.
"Ayokong madamay sila sa nag aabang na problemang hindi na dapat nila masaksihan. The conflict is not done yet. As you've said, this is only the beginning." Aniko.
"It's inevetable, mon amour. The conflict will never leave them because their parents is in that conflict."
"Hindi ako nagsisisi na dumating sila. Ang pinag sisisihan ko lang ay dumating sila habang nasa gitna pa ako, tayo ng labanan. Maiipit sila, Jack. Ayokong dumating ang araw na gagamitin sila laban saatin."
"Ayoko mang gawin ito pero ito lang ang makakabuti para sa kaligtasan nila." Aniko at alam kong pareho kami ng iniisip.
"I understand, mon amour."
"We should explain everything to mother. Alam kong mapoprotektahan niya ang kaniyang mga apo. As for me, I will be on their side. Hindi pwedeng makalabas sa apat na dulo ng kastilyo ang tungkol saatin at saating mga anak."
"Alam na ng nakararami na ikaw ang kapareha ko, Jack. Hindi tayo pwedeng mag padalos dalos."
"Sinong mag mimistulang magulang ng dalawa kung sakaling malaman ng iba na mayroon na sila?" Tanong ko.
"Let's think about that when we get there. Hindi ko na alam ang kalagayan ng kaharian. Ilang taon na rin ang lumipas." Tugon niya.
Bigla kong naalala ang pagkikita namin ni Hiro noong ako ay nagpunta doon. Hinalikan ko si Jack upang kahit papaano'y gumaan ang loob ko dahil sa nangyari dati.
Hindi ko alam kung makakayanan ko ba na patawarin sila Hiro. Maybe, just maybe, the time will.