"Nasaan si Sandra?"
"Nasa mundo pa rin ng mga tao."
"Hindi ko na siya pipiliting bumalik dito." Dagdag ni Valentine.
"Mom! May bisita tayo." Ani ni Jackson kaya agad kumunot ang aking noo.
Nagpunta kami kung nasaan ang mga tinutukoy ni Jackson at nakita ang limang lalaki na may puting kasuotang nakaupo habang nakaharap sa Reyna.
"Kami ay pinababa upang kayo ay bigyan ng basbas, mahal na Reyna." Sabi ng isa sa Reyna.
"Ganon ba? Papaanong basbas ang nais niyong gawin?"
Hinanap agad ng mata ko sila Jack at Tracy. Narinig ko ang hagikgik ni Tracy at boses ni Jack sa itaas kaya alam kong naglalaro sila doon.
Napatingin ako sa sumilip na makislap na bagay sa may parteng beywang ng isang lalaki na nasa pangalawa sakanilang lima. Ang kulay ng mata ng lalaking nasa dulo ay umagaw saaking atensyon.
It's quite the same as my eyes but more likely May's eyes when she...
"They are demons!" Sigaw ni Tracy sa itaas habang nakaturo sa limang lalaki.
Agad kong sinipa ang kutsilyong nilabas ng isang lalaki at agad iyon ginamit na panghiwa sakaniyang likod. Katulad ng ginawa dati ni May ay hinila ko ang gulugod niya.
Ang Reyna ay yakap-yakap si Jackson samantalang si Valentine ay tinutulungan ako.
Narinig ko ang boses nila Charlie at Hiro na ngayon ay nakikipag laban na rin.
Ang lakas nila ay halos katulad ng kay May, ngunit ang kanilang galaw ay halatang nahasa. Saan ba sila nanggaling? Ano ba ang kailangan nila dito?
Mabilis kong nahila ang buhok ng lalaking mahahawakan na sana ang espadang nasa tagiliran ni Valentine at agad na pinahiga. Ang hawak namang punyal ni Valentine ay pinang saksak niya sa dibdib ng kalaban.
Binaon ko ang aking kamay sa dibdib niya at hinila ang kaniyang puso.
Ang mga katulad nila ay mahirap mamatay. Base na rin sa mga nasasaksak nila Hiro na hindi mamatay-matay.
Bigla kong naalala ang ginawa ko kay May dati kaya ko sinugat ang aking sarili at pinatulo sa bibig ng dalawang demonyo ang aking dugo na nagpahina sakanila dahilan ng pagbagsak ng kanilang katawan sa sahig.
Ang tatlong kalaban ay pinaalis ni Hiro sa mga tagapag silbi at ang dalawang nanghihina naman ay hinila nila Jack at Valentine papunta sa ilalim ng kastilyo at doon tinali.
"Ano ang puntirya niyo dito?" Tanong ni Jack sa mga ito ngunit hindi sila makasagot. Ang kanilang katawan ay umuusok na animoy kumukulo ang kanilang dugo.
"I think they're into that." Pagturo ko sa espada ni Valentine.
"I think so." Tugon niya.
"Ano ba iya- wait. Is that the sword of the King?" Tanong ni Jack.
"Yes."
"So you're his descendant?"
Alam niya ang tungkol dito? Oh yes, marami pala siyang libro.
"No."
"Then how did you get that? Ang alam ko ay hindi iyan nahahawakan ng kung sino-sino."
"It's because I'm its guardian. I am one of the five guardians of this sword."
Guardian? May tagapag bantay ba ang espadang ito?
"Guardian? I thought the King's guardian?"
"Yeah. Sort of."
"Bakit nila gustong makuha ang espadang 'yan?" Tanong ko naman.
"To rule? Or make themselves as a legitimate King. And probably, they're from another realm." Sambit ni Valentine samantalang si Jack ay parang may pilit na inaalala.
"Damn. Yung librong sabi ko ay babasahin ko." Aniya sa hangin.
"Where is it?"
"They burned my house, which means my f*****g books got burned too." Irita niyang sagot kay Valentine atsaka tumingin sa dalawang lalaki na patuloy sa pag usok.
"The thing you've done, is that May's move?" Pag iiba niya.
"Yes. Pulling their spinal cord? Yes, it's May's." Tugon ko.
"How about your blood? I think that is the move of a.... ano na ba iyon?"
"Hunter? Yes, Jack. I'm a hunter and I think Tracy too." Aniko kaya siya agad napatingin saakin.
"Okay. Let me excuse myself, ladies and gents." Pag atras ni Valentine ngunit pinigilan din namin siya.
"If you're one of the guardian of the King, then where's the King? The real King?"
"The only way to know who's the real King is for him to touch and activate the power of this." Sagot niya kay Jack at tinukoy ang espada.
"Okay. What are you waiting for? Find that goddamn King and make this f*****g realm at peace."
"So much pain in my head." Dagdag niya atsaka humawak sa sintido habang nakatingin sa dalawang lalaki na dumadaing dahil sa unti-unting paghiwa ng iba't ibang parte ng kanilang katawan.
"It's not that easy to find the true King, brother. I need to protect this. Hindi lahat ng makakahawak nito ay walang alam sa kung anong klaseng espada ito." Aniya.
"Maraming nag aagawan sa mapa patungo sa kinaroroonan nito. Mapa pa lang iyon. What more if the sword, brother. I bet if they all knew that this sword is inside the coffin of one creature here, they're all gone mad, probably killing each other just to get this." Dagdag niya.
Coffin?
Ang espadang hawak niya ay parang nakita ko na dati.
Siguro ay sa sobrang dami ko ng nakitang espada kaya ko nasabing nakita ko na ito.
"Demons? Demons... Demons. Page 55. Chapter 1 is the introduction, 2 is... f**k is the 2? Ohh, a f*****g names. 3, 4, 5, 6 and.... ok I got it. Chapter 23 is the weaknesses."
Pasimple akong napatingin kay Jack na seryosong nakatitig sa sahig.
"What the f**k is their weaknesses? First stanza is.... about the hunter's blood. And my wife is a hunter. s**t, I don't know she's a hunter."
"Damn it, damn it. I'm distracted about her being a hunter."
Napangiti ako ng maliit dahil sa mga nababasa ko sakaniyang isipan.
His thoughts are overflowing. He is stress.
"How did she knew they are demons?"
Biglang naalis ang maliit na ngiti saaking mga labi ng mabasa ko ang isip ni Jackson.
How did it happen? Maari ba iyon? Si Tracy kaya? Kaya ko bang basahin ang kaniyang isipan?
"Focus. Just look at her and you're good."
"Now think. Think, think, think." Pagbasa ko ulit sakaniyang isipan.
Sinalubong ko ang kaniyang titig atsaka ngumiti ng maliit bago magpaalam upang puntahan sila Tracy.
If those demons got in here, probably they aren't alone. Maaring may mga kasama sila at naghiwa-hiwalay sila upang mapadali ang paghahanap ng espada na nakay Valentine.