Chapter 17

1296 Words
"Hon. Ayos ka lang?" Tanong ni Charlie kay Hiro. Hindi pa ako makapaniwala noong nalaman ko na may namamagitan sakanila. Kaya naman pala si Sofia na lang ang natira sakanilang magkakaibigan noong nandoon kami sa kaharian ni Agnes. Nandito pala ang isa nilang kaibigan na si Charlie. Nasaan na kaya si Luna? "Anong gusto mo?" Tanong niya ulit ngunit hindi siya iniimik ni Hiro. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa binubuhos kong inumin para kay Jack. Nang aalis na ako ay nasalubong ko pa ang kaniyang pag titig saakin. "Mommy!" Masayang bati saakin ni Tracy pagpasok ko sa silid. Si Jackson naman ay seryosong nakikipag laro sakaniyang ama. "Bakit?" Tanong ko kay Tracy at inilapag ang inumin sa maliit na lamesa. "Mahirap po yung laro nila. Atsaka nakaka boring. Board games- board games pa silang nalalaman. Hhmmp." Pag irap niya kaya natawa si Jack. Napatingin ako sa Reyna na nasa pintuan na nakangiti habang kami ay pinag mamasdan. Napangiti rin ako ng maliit dahil sa hindi ko alam na dahilan. . Pagkatapos naming makipaglaro sakanila Tracy ay pinatawag ako ng Reyna. "Kailangan mong magpunta sa mga nakatataas, Tala. Ngayong araw mo na malalaman kung ano ang naging desisyon nila." Ani ng Reyna. "Ok. Should I go now?" "Yes. But Sebastian must come too. He needs to defend you. Napagusapan na ng ibang namumuno na siya ang sasama sa'yo. Mabilis lang naman kayong mawawala." Wika nila. Tumikhim ako upang pakalmahin ang sarili ko. "Sige na. Upang makabalik din kayo agad." Sambit nila kaya na ako lumabas. "Are you ok?" Tanong ni Jack pagkarating ko sa kusina para sana uminom ng tubig. "Si Hiro at ako ay may kailangan puntahan." Tugon ko dahilan ng hindi niya pag salita ng ilang segundo. "Kailan?" "Ngayon na." Nagpaalam na ako atsaka na rin sumakay sa kabayo katulad ni Hiro. Parehong may nakabalot na tela saamin upang hindi makita ang aming mukha. Habang nasa daan ay tanging huni ng ibo, mga dahong nagsasayawan dahil sa hangin at yabag ng aming kabayo ang naririnig. Sobrang mapag biro talaga ang tadhana. Ilang oras ang lumipas nang makarating kami saaming destinasyon. Pagpasok namin sa loob ay bumungad saamin ang magarbong pasilyo. Ang ilaw na nasa itaas ay may mga diyamante at ginto. Ang mga disenyo naman sa paligid ay gawa sa mga hiyas. Pagkarating namin kung nasaan ang Emperador ay agad na din kaming nag umpisa. "He who greeds must dismissed." Sabi niya sa matandang lalaking nakaupo sa harapan. "He who seeks for peace must remain." Singit ng Emperador kay Hiro. "He who is mendacious must eliminate." "Watch your word." Sabi agad ng Emperador kay Hiro ngunit diretso pa rin ang kaniyang tingin. "Jumping into a conclusion without any proof and blaming others should execute." "Using ones power for it to escape the truth and manipulate others must remove in its place." Pagkasabi ni Hiro ng mga salitang iyon ay nabalot kami ng katahimikan. Kung hindi dahil sa matandang lalaki ay tatagal ito ng ilang minuto. "Defendant. What will you say for you to be the righful creature to reign this Empire?" Kalmadong tanong ng matandang lalaki saakin. "I once ruled this Empire and I know the state of the people here. First is because I am one of the people before I sat on the throne. Second is I am true and my intentions are pure." "All I longed is to be at peace and tranquility, and I know the people desired that too." "As for you. If you were really good, you mustn't need any validation and your people must not have a second thought for you." Tingin ko sa Emperador. Nabalot ulit kami ng ilang segundong katahimikan. Napatingin naman ako kay Hiro na hindi ata napansing nakatitig siya saakin. "For it to be fair. The people should choose between the two of you." Aniya at ilang momento pa ay pumasok ang isang lalaki na may dalang sobre. Sa pagbukas ng matandang lalaki sa sobre ay nagkasalubong ang tingin namin ng Emperador. After a second when he smirked at me, the man in front of us speak. "Almost tie. But Talisha's name is first." He said. "Tss." Balik ko sakaniya. . "Sino ka ba?" Marahas na paghila ng dating Emperador saakin. Hahawakan na sana siya ni Hiro nang bigyan ko siya ng tingin na nagsasabing hindi. "Can't you see? I am the Empress so get your filthy hands off of me." Pagalis ko ng kaniyang kamay ngunit mabilis niya akong naitulak sa pader. "Huwag kang nangingi-alam dito." Inis niyang wika kay Hiro dahil pilit niyang inaalis ang kamay ng lalaki saaking leeg. "How can you be the Empress when you turn your back to them? Where were you in that long years?" "Pagkatapos mo silang balewalain? Ako ang sumalo sakanila nang iwanan mo silang nakasabit. Tapos ngayong umaayos na ang kapaligiran, umaayos na kami, babalik ka? Kukunin mo sila? Para ano, ha? Para iwanan ulit sila?" Madiin niyang sambit. "You don't know anything." Madiing sagot ko bawat salita. "Sa pag-iwan mo pa lang sa Emperyo, sa mga naririto ay malinaw nang nagsasabi na hindi ka karapat dapat mamuno bilang Emperatris." "I repeat. You, don't, f*****g know, anything." Sambit ko atsaka siya marahas na tinulak dahilan ng pagtama ng katawan niya sa pader. "I am just reclaiming what's mine." Aniko sabay ng pagtingin sakaniya ng taas hanggang baba bago umalis. Bago ako makasakay saaking kabayo ay may nakita akong pamilyar na lalaking naglalakad. Palayo na siya sa kinaroroonanan namin. Hindi ko alam ngunit biglang bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa pamilyar niyang hubog. . Habang pabalik na kami ay naisip ko ang mga responsibilidad na naiwanan ko. Kung hindi ba ako naging mahina noon, hindi mangyayari ang mga ito sa Emperyo? Saamin? Kung hindi pa muna dumating sila Jackson ay magiging ganito ba ang kalagayan naming lahat? Hindi ba pwedeng ginagawa ko ang aking responsibilidad bilang Emperatris habang ako'y masaya saaking pamilya? Hindi ba pwedeng maging payapa ang buhay ng aking kambal? Hindi ba pwedeng tama na ang naranasan naming hirap ni Jack dati? Kahit hindi niya sinasabi ay alam kong hinihiling niya rin ang payapang buhay para saaming pamilya niya. Dahil pareho kaming lumaking hindi kasama ang tunay na magulang. Pareho kaming napilitang huwag dumipende sa iba. Gustong gusto ko ng lumayo, kami ng pamilya ko katulad nila tita Clara at mamuhay ng normal. Walang pinuno, walang laban, walang panganib saaming buhay dahil saaming kalaban. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko, namin ni Jack, kung malaman man ng ibang namumuno sa iba pang Emperyo na magkasama kami ng aking kapareha at may anak kami. "Tala!" Napalingon agad ako kay Hiro nang tawagin niya ako at nakita kung paano niya ibato ang kaniyang espada sa kalabang papatay sana saakin. Kung dati ay wala lang saakin kung mabawian ako ng buhay, pero ngayon ay nagbago lahat dahil sakanila Tracy. Ayoko silang iwan at hindi pwede dahil masyado pa silang bata. Ayokong matulad sila saamin ng kanilang ama na habang lumalaki ay hindi kasama ang totoong magulang. Ayokong maranasan nila na pinagpapasa-pasahan ng mag aalaga sakanila. Once is enough. Ayoko ng hindi ulit masaksihan ang pagtanda ng dalawa. Ilang araw ko lang silang nakasama nang sila ay maipanganak ko, ayoko ng magkahiwalay ulit kami. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya saakin. "I don't want to die. I can't die, Hiro." Aniko at hindi na napigilan ang pagtulo ng aking luha na agad ko ring pinunasan. "I won't let that happen." Aniya na parang hindi-hindi niya papayagan si kamatayan na kunin ako. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga atsaka inayos ang sarili bago ulit tumingin saaking dinaraanan. Nabalot kaming muli ng katahimikan hanggang sa makarating kami sa kastilyo. "Tala? Tala!" Nakangiti niyang bungad nang malampasan namin ang gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD