Chapter 16

1355 Words
"Raven?" Tanong niya ulit. Sinundan ko naman ang kaniyang tinitignan. "It's you, Raven." Aniya ulit. Ang ibong nasa braso ng Emperador ay parang may hinahanap. Nakangiting tinapos ng Emperador ang pakikipag usap kay Hiro sa ibaba bago umalis kasama ng kaniyang hukbo. Samantalang si Jack ay patuloy sa pagtitig sa agilang nasa braso ng lalaki. Pumasok na kami sa loob at bumalik ulit kaming dalawa sa kaniyang silid. "Who's Raven?" Tanong ko habang siya ay parang malalim ang iniisip. "He's still alive? Bakit? Bakit nasa lalaking iyon si Raven?" Tanong niya sa kawalan. "He is my pet when I was still a kid. Ang akala ko ay patay na siya dahil niligtas niya ako dati. Noong may nagtangka akong kitilin, humarang siya at siya ang natamaan ng punyal. Pero bakit ngayon ay buhay siya?" "It's been a long long years, Raven. Good to see him again." "Paano kung hindi ka na niya maalala?" Tanong ko at nakita ang paglungkot ng kaniyang itsura. "I will respect it. Maybe he needs his new master." "I understand, Jack." ... Ilang linggo na ang nakalipas nang dumating kami sa kaharian nila Hiro. Nandito ako ngayon at naglilibot sa Emperyo habang ang mga nakatataas ay nag dedesisyon kung ibabalik ba ako saaking trono o hahayaan na lang nila ang lalaki na mag muno. Sila Tracy at Jackson ay nasa Reyna samantalang si Jack ay katulad kong naglilibot. Nakarinig ako ng grupo ng mga lalaking nag uusap habang nakasakay sakanilang mga kabayo. Agad kong kinuha ang telang nakasabit saaking kabayo atsaka ito sinuot. "Hindi niya alam na marami ng nakapasok at nagmimistulang mata ng kaniyang mga kalaban sakaniyang Emperyo." Ani ng isang lalaki. "Mabuting siya na ang mamuno. Mabilis lamang siyang mapaikot dahil ang iniisip niya lang ay ang mga nakasunod sakaniya." Wika ng isa. "Maigi na nga iyon. Kaysa sa bumalik ang dati nilang Emperatris. Mahihirapan tayong makapasok dito dahil parang alam niya ata lahat ng mukha ng mga naririto." Patawang sabi ng isa. "Hindi naman na siya makakabalik. Matagal na siyang wala. Patay na siya." "Pero ang kaniyang kapareha? Naalala niyo pa ba kung sino sa mga tumulong sakaniya ang kaniyang kapareha?" "Nandoon ba? Para namang wala." "Kung nandoon siya, dapat ay kasama niya ang babae. Alam niyo yun? Syempre sila'y magkasintahan, bakit hindi sila palaging magkasama?" Stupid! Hindi naman ibig sabihing magkapareha o magkasintahan kayo ay palagi kayong magkasama. "Halika na nga. Ipaalam na natin ang nangyayari." Sambit ng isa atsaka nagsuot ng makapal na diyaket. Nagsuot na rin ang kasamahan niya atsaka pinatakbo ang kanilang mga kabayo. Sinundan ko sila ngunit nagbigay ako ng pagitan upang hindi ako mapansin. Halos mag iilang oras akong nakasunod sakanila nang makarating kami sa Emperyo ng Strevioa. Sa pagsunod ko sakanila ay may nag agaw ng aking buong atensyon kaya ako napahinto. "How can I make your memories back?" "You are one of them, aren't you? Isa kang kalaban." "Oh man. I am not. f*****g come to your senses." "Who are you?" "I am Jack. Remember? Man, go bring back your memories. Things will get better if you get your memories back." "So, do you know who I am?" "Yes. Of course. We planned this, remember? Remember it, damn you." "And your name is not Mace, you idiot. Your name is Matthew. Matthew douche? Remember that?" Planned? What f*****g plan is that? "Sshhhh." Pagtigil ko sa aking kabayo dahil hindi ito mapakali. Bigla naman akong napatingin sa paligid dahil saaking napagtanto. Pasimple akong tumingin sa itaas ng mga puno at napansin doon ang mga kalaban na naghahanap ng magandang pwesto para sa pagtira saamin. "Shit." Nagkasalubong ang paningin namin ng isa sa mga kalaban at kasabay ng pagbitaw niya ng tali sakaniyang pana ay ang pagpatakbo ko ng aking kabayo. "Let's get out of here. Jack you need to explain something." Aniko sakaniya. Agad siyang sumakay sakaniyang kabayo. "I'm sorry man. I need to do this." Aniya atsaka kumuha ng buwelo sa pagsuntok kay Mace o Matthew. Hinila niya ito upang makasakay sa likuran atsaka na kami nagmadaling umalis. Ang telang nakabalot sakaniyang mukha ay naalis na dahil hindi niya ito magawang hawakan. Ang isang kamay niya'y nasa tali ng kabayo samantalang ang isa ay nakahawak sa lalaki. "Jack." "It's ok. Let's just get out of here." Tugon niya agad at tuluyang naalis ang telang nakabalot sakaniyang ulo. Iniwasan namin ang mga palasong tinitira ng mga kalaban. Wala kaming dalang pana upang pambawi at hindi namin pwedeng gamitin ang espadang nasa saamin dahil malalaman nila kung saan kami nanggaling. Nakarating kami sa hindi ko mawaring lugar ngunit alam kong nasa Emperyo ng Strevioa pa rin kami. Ang mga kalaban ay nawala na rin. "Anong plano ang sinasabi mo kanina?" Tanong ko sakaniya habang binababa niya ang lalaki. "We met each other before. I helped him escaped from those who were chasing him so he said he owe me his life." "And?" Tanong ko ulit. Nagpakawala naman siya ng malalim na paghinga. "Noong nakuha kayo ng mga bampira- kayong dalawa ni May, ay akala kong hindi na kita makikita ulit. Na wala na talaga. But then, after how many years he saw me and that gives me a bright idea." "Bumalik kaming dalawa sa lugar kung saan kita huling nakita. Oo nga pala, hindi ako iwanan nila Jasper dahil alam nilang babalik ako sa'yo." Patawa niyang sabi. "At nang magkita ulit kami upang bigyan niya ako ng balita ay dinala niya saakin si May na walang malay. He said, they fought. Kalaban daw siya. Oo na hindi, kasi kalaban siya dahil nawala ang kaniyang memorya, hindi dahil kakampi pa rin natin siya." "Kumuha ako sakaniya ng balita tungkol sa nangyari at sinabi niya saakin na buhay ka at ang anak natin. Ang kaso ay pinapahirapan ka, kaya ako gumawa ng plano." "Ang plano ay magkukunwari si May na wala pa ring memorya at si Matthew naman ay papasok bilang kakampi nila, ngunit nagkagulo na nang malaman nila na kalaban si Matthew." "Nagawa ni May na itakas ang dalawa nating anak." Aniya. "Samantalang tayo ay nasa kamay pa rin nila." Maliit kong ngiti. "At least our twins are safe." Sambit niya. "I love you." Aniko atsaka lumapit kasabay ng pag alis ko ng tela saaking mukha upang siya ay halikan. "Ang akala ko ay hindi mo na kami babalikan. I thought it will be the end." Pagyakap ko sakaniya. "I thought it also." Tugon niya. Ilang minuto pa ang lumipas nang naisipan naming bumalik na. Pagkarating namin sa kastilyo ay tinali ni Jack sa upuan si Matthew hanggang sa siya ay magkamalay doon. "Do you remember me?" Tanong niya sa lalaki ngunit nakatitig lamang siya dito. "Why-" "Mom." Makahulugang putol ni Jack sa Reyna. Tumango ang reyna atsaka lumabas kung nasaan sila Jackson. "No." Sagot ni Matthew. Nahaplos na lamang ni Jack ang kaniyang buhok at napahinto na parang may napagtanto. "Hiro. Hiro. I need that asshole." Sambit niya at nagmadaling umalis. "Do you recognize me?" Tanong ko ngunit sinagot niya lang ako ng titig. "Partners? Tala?" Tanong ko ulit. "Let me tell you something." Kalmadong sabi niya kaya ako bahagyang lumapit. "Closer please. May ibubulong ako." Aniya. Lumapit naman ako ngunit alerto kung sakaling gumawa siya ng bagay na hindi ko magugustuhan. "Partners? You're telling me that we are partners? If we are, why did you betrayed us? Me?" Mahina ngunit madiin niyang sabi. "Look. We were partners, before." "Oh, really?" Sagot niya. Idadapo niya na sana ang kaniyang labi saakin ng biglang pumasok sila Jack at Hiro. "Not my wife." Madiing sabi ni Jack atsaka hinila ang upuan ni Matthew paharap sakaniya. "Do you recognize this?" Tukoy niya sakaniyang mukha ngunit hindi sumagot ang lalaki. "How about this?" Tukoy niya sa mukha ni Hiro. Maaring mas maalala niya nga ang mukha ni Hiro dahil sa buhok niya. Dahil kasi sa nangyaring pagpapahirap kay Jack ay naging kulay abo ang kaniyang buhok. "c**k?" Tanong niya pagkatapos ng halos limang minutong pagtitig niya sa mukha ni Hiro. "f*****g Jack. Douche." Sagot niya sa lalaki. "Jack?" Tanong niya at ngayon ay nakatingin na kay Jack. "Yeah. Nice to see you again, douche." Ngiti niyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD