"Kami ay magbabalik."
"Aasahan ko 'yan ate. Huwag naman na sanang magbabalik ka pagkatapos ng maraming taon. Ayoko ng maulit ang nangyari."
"Mahirap mag isa. Ayoko ng maging mag isa. Nakakasawa ng maging malungkot." Pagyakap niya saakin kaya ko hinaplos ang kaniyang buhok.
"Hindi bale. Nandito naman at kasama mo si Ana. Maaring maging si ina ulit siya, Agnes." Aniko.
Nakwento niya saakin ang pagiging si ina ni Ana dati. Nasa sakaniya na pala ang tuta kaya pala hindi ko na siya nakita. Mabuti na rin iyon dahil alam kong hindi para saakin ang pag aalaga ng mga katulad ni Ana.
How I wish the trio is here.
"Sige. Kami ay aalis na." Paalam ko.
Nag paalam na rin kami sakanila Amara at Sofia na naiwan sakanilang magkakaibigan ni Luna. Sila kuya at Jasper ay nais kaming samahan ngunit si kuya ay hanggang sa mismong pagitan ng Ceba at Voreen lang dahil napag usapan namin na kailangan mag doble o tripleng ingat dahil ako ay bumalik na.
Maaring alam na ito ng mga kalaban at atakihin ulit kami kaya mas maiging mag ingat.
"Hold this. You must control your balance, baby." Wika ko kay Jackson na tinuturuan kong magpatakbo ng kabayo.
"I'm scared." Mahinang sabi niya.
"Don't be. You're doing it. Look. You're good." Sagot ko.
Ayokong sabihin sakaniya na naririto lang ako, kami, dahil ayokong lumaki siyang naka depende saamin. I wan't him to be responsible just like his father and independent just like me.
"Oh, ikaw na ang magpatakbo." Sambit ko ngunit nakaalalay pa rin ako sakaniya.
"Daddy. Nauuna na sila!" Malakas na sabi ni Tracy kaya binilisan nila upang kami ay mahabol. Binilisan din ni Jackson.
"Daddy! Bilis!"
"Kuya! Ano ba naman yan. Antayin mo ako."
"Akala ko ba pabilisan ito? Madaya ka. Hindi ikaw ang nagpapatakbo." Reklamo niya at mas binilisan.
"Mag iingat ka, Jackson. Nag aaral ka pa lamang. Huwag kang magpapadala sa panandaliang esmosyon mo."
"I'm sorry mom." Tugon niya. Inalalayan ko siyang pabagalin ng bahagya ang pagtakbo ng kabayo dahil hindi niya pa ito alam.
"Palit kayo?" Rinig kong tanong ni Jack kay Tracy.
"Opo, opo."
"I'm scared. The horses are running." Mahinang wika ni Jackson.
"Saan ka natatakot? Sa kabayong tumatakbo o sa maaring hindi namin kayo mababantayan ng iyong ama?
"Ahhh... Hindi ko alam."
"Hhmm...."
"Switch?"
"Sure." Sagot ko kay Jack nang nakapantay sila saamin.
Mabilis akong tumayo atsaka tumalon katulad niya. Pagkapalit namin ay mabilis niyang pinatakbo ang kanilang kabayo.
"Mommy. Nauuna na sila!" Wika ni Tracy.
"Sunod na tayo?" Tanong ko.
Napangiti ako nang sumang ayon siya agad kaya ko mabilis na pinatakbo ang kabayo. Mabilis kaming nakahabol at ang pagtawa ni Tracy ang bumabalot saamin.
Nagkatinginan kami ni Jack at nagpalitan ng makahulugang ngiti. Nagbigay pa kami ng malaking espasyo sa pagitan namin at mas binilisan ang pag takbo.
Dahil sa bilis ng pagpapatakbo namin ay nakarating kami agad sa pagitan ng dalawang kaharian.
"Ba-bye tito. Babalik kami. Laro ulit tayo." Ani ni Tracy.
...
Pagkarating namin sa harapan ng kastilyo ay binati kami ng maraming nag e-ensayong hukbo. Kahit malayo pa ay kitang kita ko ang Hari na binabantayan ang paligid.
"Don't be surprise, baby. Just what we've said to you, your father has a twin. Identical twin."
"Yes mom." Mahina niyang sagot.
Bumukas ang gate ng kastilyo at si Jasper ang nakipag usap dahil kilala na nila siya. Ilang segundo pa ay tinignan niya muna kami lalo na ang dalawa dahil sa telang nakatakip sakanilang mga ulo.
"Bro. I f*****g miss you." Mahinang sabi niya kay Jack ngunit naririnig ko pa rin ito.
"Bro what the f**k? I'm here. Chill, okay?" Patawang sabi niya.
"I'm just f*****g around." Tugon ni Jasper pagdating namin sa harapan ng mismong kastilyo.
Pagkababa ni Jack ay biglang bumukas ang malaking pinto at bumungad ang Reyna na tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha.
"James." Unang salitang lumabas sakaniyang bibig bago alisin ang kamay dito. Niyakap nilang dalawa ang isa't isa bago mapatingin ang Reyna saakin at sa dalawa.
"Tala." Salubong nila saakin pagbaba ko atsaka rin ako niyakap.
"What happened? P-paano kayo nakaligtas? Sino sila? Saan kayo nanggaling?"
"Ma. Isa-isa lang. Pero bago iyan, maari ba kaming pumasok sainyong kaharian?"
"Saating kaharian. Halika na kayo. Masyado lang akong nadadala."
Pagpasok namin ay agad na nag utos ang reyna para sa aming makakain.
"So?"
"Ma. Here is Jackson and Tracy. My twins." Wika niya kaya halos mahimatay ang reyna dahil sa halo-halong emosyon. Pagkatapos niyang kumalma at uminom ng tubig ay bumalik siya sakaniyang tindig.
"Twins? Your twins? Oww.. how lovely they are. Pareho pa kayo ng kulay ng buhok." Nakangiting sabi nila.
"Can you give me a hug? Please?" Anila habang sila ay nakaupo upang pantayan ang dalawa.
"Mommy." Bulong ni Tracy na parang may gustong ibulong saaking tenga.
"Is she our grandmother?"
"Yes she is." Bulong ko rin kaya siya ngumiti.
"Ahhh. My heart is melting right now. They are so lovely." Sambit nila habang patuloy na sa pag agos ang kanilang luha.
Napatingin ako kay Jack nang mapansin na hindi siya mapakali. Kahit hindi siya halos gumagalaw ay pansin ko ito.
"What is it? Is there something wrong?"
"I can sense something. Something bad."
"Mom! Dad. I have something to tell you." Biglang singit ni Tracy saamin.
"What is it?" Pagbuhat ko sakaniya.
"My heart is keep on pounding. May nararamdaman po akong kakaiba. Hindi ko alam kung ano. I feel uneasy." Aniya kaya kami nagkatinginan ni Jack.
"Like, there is something bad were about to happen? Is that it?"
"Opo? Hindi ko po alam. Para pong may ginawa akong kasalanan kahit wala. Para pong hinahabol ako ng kung ano kahit wala naman." Sagot niya kay Jack.
"Maybe because you've met her. Go on. Makipag laro ka na muna sakanila." Aniko. Pagkababa niya'y niyaya ako ni Jack papunta sa kaniyang silid.
"Tracy got my ability. Anong masama ang mangyayari?" Seryoso niyang tanong at humawak sakaniyang sintido.
"Maaring nakita nila tayo. Inaasahan ko na ito, ngunit handa ba tayo para doon?" Sabi ko at pinag krus ang mga braso.
"We should get ready. Paano na lang ang ibang kaharian dito?"
Hindi ako makasagot sakaniyang tanong dahil pati ako'y walang maisip na paraan. Hindi ko alam kung ako pa ba ang kinikilala nilang Emperatris kaya hindi ako maaring humakbang ng padalos-dalos.
Nasa kalagitnaan pa kami ng paguusap ng makarinig kami ng parang hukbo na may mga sinasabi. Agad kaming nagpunta sa taas ng kastilyo katulad ni Jasper upang tignan ito.
"Who is that?"
"He is the new Emperor, Tala. Maraming may ayaw sakaniya dahil sa pamamalakad niya sa emperyo. Ngunit wala naman kaming magagawa dahil sino naman kami para lumaban sakaniya, diba?"
"Everytime he has something to say, he has that many army of his or should I say his loyal followers, but the truth is leeches. Maganda ang ginagawa niya na siya mismo ang nagpupunta upang makipag usap pati na rin ang pag tingin niya sa kalagayan ng bawat kaharian, ngunit ang pangit naman ay hindi niya alam mamuno ng ganito kalaking nasasakupan."
"What do you mean? Quindoma seems at peace."
"It seems. Kaya naging ganito katahimik dahil kumonti ang mga hukbo. Kung hindi dahil sa katangahan niya, hindi sana nilipol ng mga kalaban ang ating mga kakampi."
"Sa tuwing may labang magaganap, palagi niyang kinakausap ang mga namumuno sa bawat kaharian."
"Why? Is that even necessary? Diba dapat ay hindi niya sila pinapaalis sakanilang kaharian? Once must enough."
"I don't know. Siguro ay nagtatanong siya kung papayag ba ang mga hari o reyna sa katangahang plano niya."
"When you two are gone for a long years, this Empire is, let's just say a playing place. Basta, isipin niyo na lahat ng masasakit, masama o kaawa-awang pangyayari. Iyon na yun. Ganon kalala ang nangyari sa Emperyong ito."
"How about the Orchian?"
"The Mantriv's Emperor is now reigning at the two Empires."
"How about the Emperor there before?"
"He's dead."
"Tsk. Good for him." Sagot ko agad at napairap.
Tinaas ng lalaking may diyamante at ginto sakaniyang suot ang kaniyang kamay atsaka parang tumatawag ng ibon. Isang malaking agila ang sumigaw at mabilis na dumapo dito.
"Raven?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jack. Mahina lamang ito kaya hindi ito narinig ni Jasper.