Chapter 25

1301 Words
"Dito." Pagturo niya sa lupa. Hindi dito yung pinuntahan namin doon sa panaginip ko. Kahit papaano'y para akong nabunutan ng malaking tinik saaking dibdib. "It's just a dream." Mahinang usal ko kaya ako kumakalma. "Why'd you want to know? Is there something you want to know?" Tanong niya kaya ako umiling ng bahagya. "Wala lang iyon. Halika na. Bumalik na tayo." Sambit ko kaya kahit naguguluhan siya'y gumawa na siya ng kaniyang lagusan. Papasok pa lang kami ay biglang dumating si Jasper na may dalang mga bulaklak. "Oh? Anong ginagawa niyong dalawa dito?" Nakangiti niyang sabi atsaka inilapag ang mga bulaklak na hawak niya sa puntod na nasaaming harapan. "You knew? Ok. Hindi ko na kasi nasabi sa'yo dati. Amara said, it's better to not say something to you that has a connection to him." "Him?" Halos bulong kong tanong at napalunok. "Yes. Damon. Dito namin siya nilibing." Pagkasabi niya ng mga iyon ay para akong matutumba. "Si Hiro. Siya ang nakaisip na dito ilagay ang katawan ni Damon. Napagkasunduan naming dito na siya dahil kapag doon siya sa kaharian kung saan siya nabawian ng buhay ay maaring kahit sa kabilang buhay ay nagugulo pa rin ang kaniyang katawan." Paliwanag niya. "Hindi ko naman inaasahan na nararapat lang talagang dito siya dahil naririto ang kaniyang tahanan." "Nanggaling nga dito ang Reyna." Dagdag niya. Alam nilang lahat na dito nilibing si Damon? Bakit hindi nila sinabi saakin? Ngayon ko na nagpagtagpi tagpi ang ibang pangyayari. Ang ginamit niyang pakikipag laban dati sa Emperador ay ang espadang naririto kay Valentine ngayon. Sabi ko na nga ba't pamilyar ito saakin. Ngunit paano niya ito nakuha? Kung ako ang kasama niya dati, bakit hindi ko naman alam na may espada palang ganito? "You aren't suppose to be where you are. You are suppose to be dead, broke, sad, left alone. The life you have right now is not yours. It is not yours, Talisha." Mga salitang umulit ulit saaking isipan. "Every dawn, I think? Nagpupunta dito ang Reyna upang siya ay kausapin, bigyan ng bulaklak. Mga ganong bagay." "Valentine. Bring me back." Sambit ko pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. Mabilis kaming nakabalik at agad akong sumakay saaking kabayo atsaka umalis. I don't know where should I go right now. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at saan ba ako pupunta. Nakita ko na lamang ang sarili kong naglalakad sa tulay. Naupo ako sa gitna atsaka pinagmasdan ang mabilis na agos ng tubig sa ibaba. Ano ba talaga ang buhay na dapat kong kinalalagyan ngayon? Sila Tracy, Jackson at Jack na nga lang ang pinagkukuhanan ko ng lakas upang tumayo at harapin ang malupit na mundo, mawawala pa. Don't I really deserve them? Ang mga nakikita ko saaking panaginip ay may katotohanan ba? Kung katotohanan nga iyon, anong nangyari at naririto ako ngayon? Bakit imbes na kasama ko si Damon ay wala siya ngayon? Please. Give me answer. I need answer. Masyado ng masakit. If those dreams are true, all those pain I've had suffered is not worth it? Or I deserved it all? "Please. I beg you. Give me answer. Anyone who hears me. Please." Wika ko sa hangin. Natigil ako nang mapatingin ako sa grupo ng halong kababaihan at kalalakihan na nagtatawanan sa kaharian ng Voreen. Maingat ko silang sinundan hanggang sa nakarating kami sa kweba na kung saan ay maliit ang daraanan. Isa-isa silang pumasok sa loob kaya rin ako sumunod. Ilang minuto ang lumipas hanggang sa makita ko na ang dulo nito. Nagkwentuhan ulit sila atsaka nagpatuloy ng magkakasama. Ang katulad ng pinasukan naming kweba kanina lang ay parang sa kwebang pinasukan namin noon ni Chase nang dalihin niya ako sa isang babaylan na mag aalis sa koneksyon namin ni Jack. Hindi ito basta kweba kundi mahiwagang kweba- siguro? Huminto silang lahat atsaka unti-unting gumawa ng tugtog gamit ang kanilang boses. Ang iba ay pinagtatama ang palad, ang iba naman ay pinagkikiskisan ito. Mayroon ding pumapadyak na sumasabay sa tonong nililikha nila. May kung ano saakin na nagtulak na sumabay sa kanilang paglikha ng magandang tugtog. Nagulat pa sila dahil saakin ngunit nginitian lang nila ako at nagpatuloy. Sa hindi ko inaasahan- ngunit parang alam ko- ay biglang nagdilim ang langit. Isa-isa kaming nasinagan ng bawat bituin sa itaas. Hindi ko alam kung bakit ngunit parang pamilyar saakin ang nangyayari. Nasinagan na sila lahat ng sinag ng bituin at ako na lamang ang hindi. Nakangiti silang humarap lahat saakin at mas nilakasan ang tugtog na aming nililikha. Pinalibutan nila ako at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay para akong lilipad. Lahat sila ay ang nililikha na lamang na tugtog ay gamit ang kanilang boses. Naghawakan sila ng kamay at nausog sila ng kaunti upang mag bigay ng espasyo na para saakin. Nagpunta ako doon at humawak na rin sa dalawa kong katabi. Habang lumalakas ang nililikha naming tugtog ay ang paglakas din ng liwanag na nakatutok saamin. Bigla akong napapikit at napaatras nang magliwag ng sobra ang aking paningin. Pinilit kong i-adjust at nang unti-unti na itong umayos ay nabigla ako saaking nakikita. Ang aming katawan ay nakabilog pa rin at magkahawak parin kami ng kamay, ngunit hindi na kami lumilikha ng tugtogin. Ang mga kasama ko ay katulad kong nakahiwalay na sa kaniya-kaniya naming katawan. "Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong saakin ng babae na may magandang mata. Lumapit naman sakaniya ang babaeng singkit. "Talisha. Ako si Talisha." Tugon ko. Nagkatinginan silang dalawa at parang may pilit na inaalala. "Ahhh. Iyong nakipag kasunduan sa mga dyos at dyosa?" Anila kaya ako napakunot. "Kasunduan?" "Oo. Sikat na sikat nga ang iyong ngalan dahil sa ginawa mo para sa iyong mahal." "Oo. Ngunit bakit ka naririto ngayon? Diba't may sarili ka na dapat na katawan?" Tanong ng singkit na babae. "Sariling katawan?" "Anong nangyayaru sa'yo? Bakit parang wala kang alam sa mga sinasabi namin?" Tanong ng may magandang mata ngunit sinagot ko sila ng salubong ang kilay. Magsasalita pa lamang sila ay bigla kaming nakarinig ng malakas na tunog ng kampana. "Hala. Nanjan na si Don Rafael." "Don Rafael?" Tanong ko ngunit hinila na lamang nila akong dalawa sa gilid. Lumitaw ang matandang lalaki kasama ng mga babae at lalaki na nakasunod sakaniyang likuran. Lahat sila ay nakayuko samantalang ang matandang lalaki ay taas noong naglalakad patungo saaming harapan. "Sa tingin ko'y sapat na ang ilang taong paninirahan niyo dito. Hayaan niyong ang iba rin ang makasubok." Aniya. May mga sinabi pa siya ngunit hindi naman ito maaring makatulong upang masagot ang aking katanungan. May puti at silver na kulay ang lumitas sa kaniyang gilid. Isa-isa nang pumasok ang mga kasama ko kanina kaya ako bigla kinabahan. "Saan tayo pupunta?" Mahinang tanong ko. "Babalik na tayo. Halika na. Baka makita pa nila tayong hindi pumasok, lagot tayo." Wika ng singit na babae. May kinausap siya sa isa sa mga nasa likuran niya at hindi ko na nagawang marinig ang kaniyang sinasabi dahil kami ay tuluyan ng nakain ng liwanag. Nag adjust ulit ang paningin ko. Bumungad saakin ang parang panibagong lugar. "Dito tayo nakatira. Dito talaga tayo." Sambit ng may magandang mata. "Halika. Ihahatid ka namin sa-sa tingin namin ay gustong gusto kang makita." Paghila nilang dalawa saakin. Nakarating kami sa may maliit na bahay na katabi ang malaking puno. Kumatok ang babaeng singit at ilang segundo pa ay maingat itong bumukas. "Ano ang kailangan- T-t-t-t-talisha?" Hindi makapaniwlaang tanong ng babaeng may kulay asul na mata. "Bobbie!" Tawag niya sa loob ng kaniyang tirahan. "Bilis!" "Bakit ba kasi? Ano nanaman bang problema mo, Martha? Ha?" Nabitiwan niya ang basong hawak niya nang makita ako. "T-t-talisha?" Gulat niya ring tanong. Agad nila akong niyakap ng mahigpit na animoy napakatagal nila akong hindi nakasama. "Nakabalik ka, Talisha. Nagbalik ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD