"Anong ibig niyong sabihin?"
"Kami ang kaibigan mo, Talisha. Magkakaibigan tayong tatlo." Sagot ni Martha.
"Hindi ko kayo naiintindihan." Aniko kaya sila nagkatinginan at bumuntong hininga.
"Ganito. Ipapaliwanag namin sa'yo lahat." Wika ni Bobbie.
"Noong tayo na ang pupunta sa labas ng ating mundo ay ayos pa ang lahat. Ngunit sa ilang taon natin sa mundong pinanggalingan mo ngayon ay may isang lalaking kinahulugan mo ng loob."
"Oo. Pinakilala mo siya saamin. Boto kami sakaniya ngunit hindi pwede dahil magkaiba tayo, Talisha. Buhay siya, totoong buhay at tayo'y hindi." Sabi ni Martha.
"Ano ang gagawin natin sa mundong iyon?" Tanong ko.
"Hindi mo ba talaga natatandaan? Siguro'y ito ang resulta ng kasunduang ginawa mo.
"Nagpupunta tayo doon upang gawin ang kaniya-kaniya nating trabaho, Talisha. Ako'y bantayan ang batang babae hanggang mahanap niya ang kaniyang kapareha. Si Martha naman ay bantayan ang chimera."
"Ako?" Tanong ko.
"Bantayan ang espada ng hari." Sabay nilang sambit.
"A-anong nangyari? Anong kasunduan ang ginawa ko?" Tanong ko ulit kaya sila nagpakawala ng malalim na paghinga.
"Dahil pagmamahal mo sa Haring iyon ay nagawa mong ipagkatiwala sakaniya ang espadang binabantayan mo, Talisha. Nagawa mo ring makausap ang dyos at dyosang nagbigay sayo ng iyong kahilingan."
"Anong kahilingan?" Tanong ko kay Bobbie.
"Ang mabuhay ka upang makasama mo ang lalaking iyon." Sagot niya.
"Ngunit hindi mo alam na may kapalit ang mga ito." Singit ni Martha.
"Ito ay ang mawawalan ka ng ala-ala at hindi mo malalaman ang hinaharap."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang ibig kong sabihin ay hindi mo maalala ang nangyari. Hindi mo maaalala lahat. Ang alam mo lang ay kung anong ginawa nilang alaala sa'yo na may konekta sa realidad."
"Ha?" Tanong ko.
"Basta wala kang maaalala. Wala, lahat, walang kahit ano." Sagot ulit ni Bobbie.
"Sa hinaharap naman ay hindi mo rin ito malalaman. Wala ka ring magagawa dito. Parang sa mga totoong nabubuhay. Hindi nila ito malalaman." Sambit ni Martha.
"Ano naman ang hinihiling ng dyos at dyosang nakausap ko?"
"Iyan ang hindi namin alam, Talisha. Sa lahat ng naririto ay ikaw lang ang unang-unang naka kausap ng dyos at dyosa."
"Ilang taon na akong wala?" Tanong ko. Bahagya silang kumunot sa tanong ko ngunit tumango rin sila.
"Sobrang tagal na, Talisha. Sobrang tagal." Anila.
"Kailan ulit tayo makakapunta sa mundong pinanggalingan ko?"
"Matagal-tagal ulit. Iba naman ang pupunta doon at magtatagal sila ng ilang taon bago ulit bumalik dito."
"Kailangan kong bumalik. Kailangan kong malaman ang hiling ng dyos at dyosa saakin."
"Teka. Kung wala kang alaala, bakit ka naririto ngayon? Diba'y may sarili ka ng katawan? Diba't may sarili ka ng buhay?" Tanong ni Martha.
Hindi ako nakasagot dahil pati ako'y hindi ito alam.
"Maaring hindi niya pa nagagawa ang hiling ng dyos at dyosa. Maaring binibigyan ka nila ng maliit na alaala upang maalala mo ang inyong napag usapan." Wika ni Bobbie.
"Paano ko ito magagawa kung hindi ko nga ito maalala? Paano ko iyon magagawa eh naririto na ako?" Tanong ko na nagpatahimik sakanilang dalawa.
Kung nagkaroon ako ng sariling katawan at buhay, sino ang lalaking- si Damon? Pero bakit sa panaginip ko'y buhay siya? Bakit-
Siguro'y ang panaginip ko ang nagpapakita ng buhay ko kung sakaling hindi ako nakipag kasunduan sa dyos at dyosa.
Ano ba ang hiling nila? Kung ako'y buhay at katawan, sila'y ano? Paano ko ito maalala?
"Hindi ko alam kung ano ang hiling ng dyoa at dyosa saakin."
"Alam ko na. Balikan kaya natin ang mga maaring makapag paalala sayo?"
"Ngunit hindi ito sigurado dahil ang halos bubuo saiyong alaala'y nasa mundong iyon, Talisha. Dahil doon nagumpisa lahat. Nang makilala mo ang lalaking iyon." Bawi niya sakaniyang sinabi.
"Subukan lang natin, Bobbie. Umpisahan natin noong bago tayo magpunta sa mundong iyon." Ani ni Martha.
.
Ang lugar na ito'y para lamang tirahan ng mga tao. Ngunit halos walang puno at tanging tahanan at magagandang rosas ang nakikita . Imbes na kalsada o semento ang naririto'y lupa. Kitang kita rin ang bundok saaming kanluran na humahaplos sa mga ulap.
May kaunti saakin na parang masaya akong naririto, ngunit malaking parte saakin ang gustong-gusto ng umalis.
"Ito? Ito ang paborito mong upuan." Sabi ni Bobbie ngunit umiling ako.
Ilan pa ang mga pinakita at tinuro nila ngunit kahit isa'y wala akong maalala.
"Kailan aalis ang susunod na magpupunta sa mundong iyon?"
"Tatlong araw magmula ngayon." Sagot ni Martha.
"Saglit. Talisha, hindi maganda iyang naiisip mo." Wika ni Bobbie saakin.
"Ito lang ang paraang naiisip ko. Bakit, may iba pa bang paraan bukod sa magkunwaring kabilang sa pupunta sa mundong iyon?" Tanong ko ngunit hindi sila sumagot.
"Ngunit hindi ito madali, Talisha. Hindi madaling lumusot kay Don Rafael. Dahil sa ginawa mo dati ay sobra silang nag higpit." Ani ni Martha.
"Sige. Para sa kaibigan naming wala ng magawa kundi pumasok sa gulo, malaking gulo." Patawang sambit ni Martha.
"Hindi ka na nagbago, Talisha." Pagtawa ni Bobbie kaya rin natawa si Martha.
...
Habang naliligo kami sa ilog- napagusapan kasi nilang samantalahing kasama ako dahil hindi nila alam kung kailan ulit ako mawawala. Masyadong maraming taon daw kasi akong nawalay sakanila kaya sobra na lang ang tuwa nilang nagbalik ako.- ay nakakita ako ng pulang rosas kaya ko ito nilapitan.
Ilang minuto ako ditong nakatitig at para itong may gustong ipahiwatig ngunit hindi ko maintindihan. Para may kung ano saaking natutuwa ngunit hindi ko alam kung bakit.
Nagpunta ako sa mababaw na parte ng ilog atsaka nahiga. Napatingin ako sa nagaagawang kulay ng lila, asul at pulang kalangitan habang ang puting ulap ay tumatakip sa ibang parte nito.
"Talisha." Tawag nila saakin atsaka lumapit.
Nahiga rin sila saaking tabi atsaka namin pinagmasdan ang mga bituing kumikislap.
"Sayo ang bituing iyan, Talisha." Ani ni Martha atsaka tinuro ang makislap na bituing nasa pagitan ng dalawang halos tatlong beses ang liwanag kumpara sa tinukoy niyang saakin.
"At iyang nasa dalawang gilid mo'y kami." Sambit ni Bobbie.
"Parang ayos natin ngayon." Dagdag niya.
"Ikaw at ikaw lang ang nagiisang bunso para saamin, Talisha." Wika ni Martha.
"Ikaw lamang ang aming anak. Ang nakababata naming kapatid, ang bunso saating magkakaibigan at ang nagiisa naming tirahan." Sabi naman ni Bobbie.
Hinawakan nilang dalawa ang aking kamay atsaka ako hinalikan sa pisngi.
"Kung sakaniya ka totoong sasaya, ipagkakatiwala ka na namin sakaniya, Talisha. Ngunit lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin."
"Sana'y matandaan mo ito, Talisha."
"Sinong siya?" Halos bulong kong tanong na hindi ko inaasahang lalabas saaking bibig.
Nalilito ako saaking nararamdaman. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang totoo kong mahal o kung mayroon ba talaga.
"Ang lalaking puno't dulo ng lahat, Talisha. Ang lalaking minahal mo kaya nagawa mo ang lahat ng iyon." Tugon ni Bobbie.
Ilang minuto pa kaming nakahiga nang mapagdesisyunan naming bumalik na saaming tahanan.
Pagkarating namin ay nagbihis din kami agad. Naghahanda na ng makakain sina Martha samantalang ako'y naririto pa rin sa tinukoy nilang aming silid.
Naagaw ng atensyon ko ang bintana kaya ako doon lumapit at pinagmasdan ang magagandang rosas sa labas at ang bundok na napaka payapa.
Ang kapayapang bumabalot saakin ay sobrang nagpapagaan ng aking pakiramdam, ngunit may malitt na parte saaking hindi mapakali.
"Talisha? Handa na ang makakain." Pagkuha ni Martha ng atensyon ko.
Lumabas na kami atsaka nagsimula ng kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may kumatok sa pintuan.
"A. Napadalaw ka." Bati sakaniya ni Bobbie.
Ang kaniyang ngiti ang unang mong mapapansin pag siya'y tinignan. Napakaganda nito.
"Kamusta ka na?" Tanong sakaniya ni Martha habang siya ay binibigyan ng makakain ni Bobbie.
"Masaya. Masaya dahil pagkatapos ng napakahabang taon ay makakalabas na ako." Aniya kaya kumunot ang dalawa. Bigla naman tumaas ang kyuryosidad ko sa ibig niyang sabihin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Oo nga. Hindi ba't kadarating mo lang?" Tanong ni Bobbie.
"Hindi. May isang lalaking nagmakaawa saakin na kunin ang posisyon ko upang siya'y makapunta doon imbes na ako. Binigay ko naman dahil sa rason niya."
"Hhmm? Napaka bait mo talaga."
"Maganda naman ang kaniyang rason. Ayos lang iyon saakin." Sambit niya.
"Sino ba siya?" Pabirong tanong ni Martha.
Sumubo muna siya samantalang ako'y uminom ng tubig.
"Ang pangalan niya'y Damon." Sagot niya.