CHAPTER 6
ROSE POV:
"Ikaw ba si Ms. Rose Santilla?" tanong ng isang driver na siyang inutusan yata ni Ma'am Sashi Paloma na sunduin ako rito sa bahay.
Nakaitim siya na kotse at sa palagay ko siya na nga itong sinasabi ng magiging manager ko na susundo nga sa akin.
"Oo ako nga ho," sagot ko sa lalaki.
"Kung gano'n ay pumasok na kayo Ma'am. Huwag kayong mag-alala dahil ako yung driver ni Ms. Sashi Paloma. Kaya halika na ho, kailangan ho nating magmadali dahil baka maabutan pa natin si Mr. Fuentez," ani niya kasabay nang pagpapakilala niya sa akin.
Nakakapagtaka nga lang dahil tila takot na takot sila sa Fuentez na 'yan. And I think, he is the owner of the Company na siyang sinabihan ni Ma'am Sashi na ubod nang kasungitan sa katawan.
Hindi na nga ako tumagal pa at kusa na rin akong pumasok sa loob ng sasakyan. Nag-umpisa na ngang magmaneho si Manong driver. Ilang sandali ay nakarating na kami sa Kompanya.
Nang maihatid niya ako rito ay hindi niya na ako sinamahan pa na pumasok dahil ang mga driver na katulad niya ay maghihintay lamang daw sa labas.
Sa pagpasok ko sa loob ay tila naliligaw pa ako sa kalakihan nito. Ang ginawa ko ay nagtanong-tanong ako sa mga taong nandirito. Hindi naman nila ako masisisi sapagkat ngayon pa lang ako nakapasok sa ganitong lugar.
Minadalian ko na ang aking kilos dahil nga't ayokong sayangin ang bawat segundo, minuto at oras ko. Kaso may isang lalaki akong nabangga na hindi ko naman sinasadya. Hindi ko siya makilala dahil hindi ko nakita ng buo ang kanyang mukha. Masyado kasing mabilis ang pagsara ng elevator kaya hindi ko naaninag ang kanyang itsura.
Pagkarating ko naman sa fifth floor ay merong isang binata na panay ubo dahilan para maawa ako sa kalagayan niya. Yung ubo niya kasi ay hindi biro.
Naiintindihan ko naman kung bakit nagkakaroon ng sipon at ubo ang mga tao rito ay dahil sa malakas na aircon. Masyadong malamig sa kompanya na aakalain mong nasa America ka na.
Kaya sa awa ko ay binigyan ko siya ng panyo dahil ayoko rin namang mapahamak siya.
At sa haba ng aking paghahanap ay natagpuan ko rin sa wakas si Ms. Sashi Paloma.
"BUTI naman at nagbago talaga ang desisyon mo Ms. Rose Santilla. Kailangan ka talaga ng Kompanya na ito. Masyado mo kasing sinalo ang kagandahan kaya ang laki ng opportunity na naghihintay sayo. At dahil pumayag ka na nga, hinding-hindi ka magsisisi na ako magiging manager mo," wika ni Ms. Sashi Paloma habang kausap ko siya.
Halos malula nga ako sa laki ng kompanya na tinutukoy niya. Nadadaanan ko na ito pero ngayon lang ako nakapasok sa Company na super classy ang datingan.
Naalala ko na naman tuloy ang nabangga ko kanina at hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari sa akin nung pumasok ako ng elevator. Daig ko pa ang isang aso sa sobrang bilis nang pagtakbo ko para lang makapasok sa elevator. Akala ko kasi ay kanina pa si Ma'am Sashi naghihintay kaya binilisan ko talaga ang aking kilos para na rin makautang agad ako ng pera para sa operasyon ni nanay.
Hingal na hingal pa rin ako hanggang ngayon at medyo kabado ako dahil yung titig ng lalaki kanina na aking nabangga ay halos kainin ako dahil sa kanyang galit. Tanging sa mata niya lang kasi ako nakapagfocus dahil iyon ang siyang nangibabaw sa ekspresyon niya. And I don't know him, hindi ko rin alam kung anong trabaho o posisyon niya rito sa Kompanya, pero sana ay hindi na magtagpo ang landas namin dahil baka ipahiya niya ako. Hindi ko pa naman alam ang ugali nito.
"You want some water ba muna? Parang hindi ka yata makahinga... Ano ba kasing nangyari before you go here?" tanong ni Ms. Sashi nang mahalata niya ang kakaibang paghinga ko.
Dinaig ko pa ang isang atleta dahil sa pagiging the flash ko kanina para lamang mahanap siya.
"Nanibago lang kasi ako sa ganitong building Ma'am. But I'm okay... Sadyang may na-encounter lang ako kanina na lalaki. Yung isa ay nabangga ko at mata lamang ang natitigan ko. Tapos yung pangalawa ay inabutan ko ng panyo dahil pana'y siya ubo," turan ko naman sa kanya.
Gaya nga nang pinag-usapan namin ay pinasunod niya nga ako sa driver kaya napunta ako sa ganitong lugar.
Hindi ko naman lubos maisip na nagsasabi siya ng totoo. Malaki ngang oportunidad ito para sa akin. Mukhang mapapagamot ko agad si Inay at magagawa nang mapa-operahan siya gamit ang pera na iuutang ko rito kay Ma'am Paloma.
Hindi ko pa kaso nabanggit ang tungkol sa kalagayan ng nanay ko. Pero base sa mukha niya, ramdam ko agad na meron siyang busilak na puso.
But for now, kontrata muna ang hinihintay at hinihingi ko para masiguro na hindi nga scam ang alok ni Ma'am Paloma.
Kinakabahan tuloy ako na may halong excitement dahil sa modeling na gagawin ko.
"I'm happy to be part of this Company. Lalo na sa'yo Ma'am Sashi. I'm not good when it comes sa pagmomodel o pag-aawra, but I am willing to learn naman," saad ko sa beki.
"Wow. That's impressive. Ayan ang gusto kong marinig sa isang aspiring model na katulad mo... Honestly kasi, gusto ko talaga sa isang tao yung pursigido sa trabaho na binibigay ko. I can train you until you perfect the modeling," nakangiting sabi niya dahilan para ngumiti rin ako.
Maya-maya ay inilabas niya sa envelope ang papeles na dapat kong pirmahan. I guess, this is the contract that I've been waiting for.
"Binigay na ito sa akin ni Mr. Fuentez. Gusto ko nga sana na siya na mismo ang makausap at makaharap mo, kaya lang yung new CEO dito ay parang nireregla. Ang init lagi ng ulo tapos nakakatakot. Pero keri naman dahil pogi siya," pahayag niya ulit na tila kinikilig pa rin siya sa kabila ng ugali na meron ang may-ari ng Kompanya.
Doon sumagi sa isip ko ang lalaking nabangga ko kanina. Pero imposible naman na CEO 'yon. Sa kalakihan ng kompanya na 'to, hindi naman yata siya ang nakabangga ko sa elevator.
"Masama pala ang ugali ng CEO dito?" biglang tanong ko na kusang bumuka ang aking bibig.
Mabuti na ring usisain at alamin ko ang tungkol sa CEO dahil baka tumiklop agad ako kapag sinungitan ako ni Mr. Fuentez.
"Hindi naman literally na masama. Pero strikto, oo... Malayo siya sa papa niya. Yung papa niya kasi ay masyadong mabait sa amin, kaso nagkasakit at medyo mahina na ang katawan kaya siya ang pinalit para merong tumayo na CEO," pagpapaliwanag nito kaya unti-unti ay nagegets ko na rin ang pinupunto niya.
And I realized na ang hirap pala nitong pinasukan ko. Nasa maganda nga akong kompanya, pero kaakibat nito ay yung walang puso pang CEO ang magiging boss ko.
Pero laban lang. Para kay mama naman ang ginagawa ko. Handa akong tiisin ang panenermon niya kung sakali na magtagpo ang aming landas.
"But don't worry Ms. Santilla, sa tingin ko naman ay hindi ka kayang sungitan ni Mr. Fuentez kapag nakita ka niya... Sa ganda mong 'yan, tiyak na mapapanganga siya sa pagiging anghel ng mukha mo," saad nito para hindi ako kabahan at mawala ang takot na namumuo sa aking dibdib.
Pilit tuloy akong ngumiti dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.
Sana lang nga ay madala pa sa ganda ko ang lalaki para hindi niya ako masungitan.
Kung mangyari man na pagsabihan niya ako at pagsalitaan nang kung ano ay bibilhan ko siya ng napkin. Si Ma'am Sashi na rin kasi ang nakapagsabi na tila nireregla ang lalaki dahil sa ugaling taglay na meron siya.
"Anyway, sign this contract na. Kapag napirmahan mo na ito, wala na itong urungan ha? You will be the face of the new brand that will be launching next week," pahayag niya muli na may kasama pang hand gesture.
I smiled again at mabilis kong kinuha papel at ballpen, just to sign the contract.
Hindi ko na ito pinatagal pa dahil talagang kailangan ko ng malaking pera.
After I signed, kinapalan ko na ang aking pagmumukha.
"Miss Sashi Paloma, may favor sana ako na sasabihin sa'yo kung okay lang naman," ani ko at hindi mapakali ang aking legs. Ganito ako kapag nahihiya. Ang likot masyado ng legs ko.
"Yeah sure. What is it?" tanong nito dahilan para diretsahin ko na siya.
"Mangungutang sana ako Miss Sashi. Nakakahiya man pero kailangan ko kasi ng pera. Nasa hospital ang nanay ko. Kailangan niya pong maoperahan sa lalong madaling panahon. Kaya nga ho tinanggap ko yung alok niyo dahil kayo lang ang matatakbuhan ko... Okay lang po sa akin kung ibabawas na lang sa sweldo ko," mahabang litanya ko.
Dahan-dahan namang hinawakan ng beki ang aking palad na tila naiintindihan niya ako.
"I understand you Ms. Santilla... Hindi naman ako madamot sa pera kaya mapapautang kita... Hayaan mo, sasamahan kita na pumunta ng hospital ngayon para ma-operahan agad ang nanay mo," ani nito na ikinatuwa ng aking dibdib.
Labis naman ang pasasalamat ang sinabi ko sa kanya. Nasa tamang manager na yata ako. Mukhang malaki ang magiging ambag niya sa buhay ko lalo na sa pagiging model ko.