CHAPTER 7

1319 Words
CHAPTER 7 ROSE POV: "SALAMAT ATE. THE BEST KA PO TALAGA! Isa kang hulog ng langit sa amin ni nanay," masayang bigkas ng kapatid ko nang makabalik ako sa hospital dala ang pera na ipangbabayad sa operasyon ni nanay. Hindi nagdalawang-isip na tinulungan ako ni Ms. Sashi Paloma. Ramdam niya raw ang pagmamahal ko sa aking pamilya kaya wala siyang nakikita na dahilan upang ayawan niya ang aking kahilingan. Nakakatuwa lang dahil kahit hindi gaanong mahaba ang pinagsamahan namin nitong si Sashi ay hindi niya naisip na tumanggi. Parang noong isang araw lang kami nagkakilala na dalawa. Pero ngayon ay halos feeling ko, matagal ko na siyang kilala at matagal ko na siyang kaibigan. Pero kahit na pinahiram niya ako ng pera ay pinilit ko pa rin siya na sumama nang sa gano'n ay maniwala siya nang husto. Kahit na alam kong hindi siya nag-iisip ng negatibong bagay tungkol sa akin. Sadyang gusto ko lamang na maging malinis ang konsensya ko. Kasama ko na rin ngayon si Ms. Sashi Paloma na siyang tumulong sa akin at pinautang ako ng malaking halaga para lang makatulong siya sa pagpapa-opera kay inay. Kinapalan ko na ang aking mukha kay Ma'am Paloma dahil kapag tinagalan ko pa ang pakikipagchismisan ay baka malagay pa sa kapahakaman ang aking ina. Si mama pa naman ang lakas ko, kaya gusto kong manatili rin siyang malakas. I want her to be here always. Gusto kong masaksihan niya at maranasan ang karangyaan sa buhay. I know that life is not just only a temporary. Pero kung kaya naman talaga na gawan ng paraan para dagdagan ang pananatili dito sa mundo ay gagawin ko talaga, kahit ano pa iyan. "Magkapatid tayo... Nanay natin yung nasa peligro kaya natural lang na magtulungan tayong dalawa. At ako ang panganay na anak kaya dapat lang na ako ang gumawa ng paraan. Basta kapag nakapagtapos ka na, huwag ka munang magjojowa para naman masuklian mo rin ang paghihirap ni inay sa atin," saad ko bilang pag-aadvice sa nakababata kong kapatid na si Sheila. Gusto kong iparating sa kanya na kahit anong problema pa ang dumating sa amin ay ako ang magiging kasanday niya. "Yes, hija. Your sister have a point. And trulalo naman talaga na kayo ang dapat na magdamayan sa mga ganyang problema," pagsisingit ni beki sa usapan naming magkapatid bilang pagsang-ayon sa aking sinabi. "Salamat din po sa tulong niyo Ma'am Sashi... Buti na lang po talaga at nag-iwan kayo ng calling card, dahil kung hindi, baka hindi kayo na-contact ni ate, at wala kaming malapitan na tulong," ani nito sa aking manager sa paraan na talagang nakakagaan ng loob. "Ano ka ba, tama na 'yang mga drama chulalo! Kung ako sa inyo, pray to God para maging successful ang operation ng mama niyo." Si Beki na siya na mismo ang nagpatigil sa aming dramahan. Natatawa na lamang kami na magkapatid sapagkat yung mga hand gestures ni Ma'am Sashi Paloma ay talagang nakakadala ng good vibes. Isama mo pa yung language nilang mga beki na daig pa ang taga-ibang planeta kung magsalita. Dinaig niya rin ako sa kaartehan kung kumilos. Yung dating niya ay babaeng-babae. Kikay na kikay kung tatawagin. Kulang na nga lang ay magpalit siya ng ari para lang maging totally na dalaga. NAIBIGAY ko na pala sa doctor ang pera na kakailanganin para sa operasyon ni mama. At pinagdarasal ko na sana malagpasan ni mama ang pagsubok na ito. Matapos ko kasing mapirmahan ang kontrata ay dito na agad ako tumungo, na kasama ang aking manager. Hindi na ako tumagal pa sa kompanya dahil wala akong balak na hintayin ang pagbabalik ng CEO. Sabi kasi ni Ma'am Sashi ay baka raw bumalik ito at pwede ko itong makausap. Pero syempre tumanggi naman ako na makaharap pa yung may-ari ng kompanya dahil natatakot ako na makausap siya. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung salitang masyadong strikto ang lalaki. Tumitiklop pa naman ako kapag gano'ng tao ang nakakausap ko. Pero kanina, habang nasa kompanya ako ay bukambibig ng mga babaeng empleyado na gwapo nga ang binata. Kaya halos lahat sila ay kinikilig kahit na merong bad attitude ang taong 'yon. Mga babae nga naman, basta pogi, wala na silang pakialam pa sa ugali. But I'm not belong to those girls. Ibahin niyo ako dahil hindi ako tumitingin sa panlabas na itsura. Bonus na lang sa akin ang kagwapuhan. "Hindi ko na kayo masasamahan pa Ms. Santilla. I need to go back in Company ha? Dahil meron pa akong trabaho na dapat asikasuhin," saad ni Ms. Paloma sa akin. "Sige ho Ma'am. Mag-iingat po kayo ha? Bukas po I'll start agad sa pagmomodel. Gagalingan ko po, I promise Ma'am," sambit ko naman sa kanya. Ayokong sayangin ang tulong nito kaya talagang pag-iigihan ko ang pagmomodel. Sa araw na ito ay itinuon ko ang aking oras at atensyon sa aking kapatid habang hinihintay namin si mama. Kabado pa rin kami dahil wala pang kasiguraduhan kung magiging maayos ang kalagayan ng nanay namin. Pero matapang at palaban siya kaya alam kong makakaya niya ito. Sa kanya ako nagmana sa pagiging matapang at hindi sumusuko sa hamon ng buhay. AFTER the operation ay laking tuwa naman namin dahil dininig ng Diyos ang aming panalangin. Nalagpasan nga ni nanay ang operasyon, na kung saan ay naging matagumpay ang pag-alis ng bukol sa kanya. "Nay, si ate po ang gumawa ng paraan para magamot ka... I'm so proud of you nanay dahil talagang nilakasan mo ang 'yong loob," ani ni Sheila. Bahagyang napatingin si nanay sa aking gawi at ngumiti siya. "Madiskarte talaga si ate nay. Alam niyo ho ba, isa na siyang model. Pumirma na siya ng kontrata sa isang kompanya. Kaya ayo'n, yung manager niya mismo ang nagbigay ng pera para mapa-operahan ka... Ang swerte mo talaga inay dahil meron kang magagandang anak," patuloy na sabi ng aking kapatid. Sa sobrang daldal niya ay siya na yung nagkwento ng mga dapat kong sasabihin. Pero sa totoo lang, sobra akong nasisiyahan dahil binigyan ng pangalawang buhay si mama. Makikita niya rin ang anak niya sa mga magazines. At higit sa lahat, mararanasan niya na ang karangyaan na matagal ko nang pinapangarap sa kanilang dalawa ni Sheila. MATAPOS ang buong araw ay pinili ko na tumungo muli sa kompanya. It's another day. And this is the first time na papasok ako sa aking new work. Si Ma'am Sashi ang pana'y train sa akin ng mga posing. Meron din na maraming make-up artist ang nag-aayos at nagpapaganda lalo ng aking mukha. Sa una ay nakakati ako sa mga ina-apply nila, pero ilang minuto ay nasanay din ako. "Ilang beses ko na itong nasabi sa'yo Ms. Santilla, pero ang ganda mo talaga. Kung naging lalaki ako na straight, niligawan na kita," pagbibiro nito kaya't napatawa ako ng malakas at nahampas ko pa siya sa braso. "Ay grabe ka kung makapagreact sisteret ha? But don't worry, may lawit ang tipo ko. Mga katulad ni Mr. Fuentez ang mga bet ko, malalaki ang hotdog. Higit sa lahat merong ugh, pandesal," usal nito may kasamang pag-ungol. Tila binibigyan niyang focus yung hinaharap ng CEO kaya nasabi niya na malaki ang dala-dala nito. "Loka ka talaga Ma'am Paloma... Baka mamaya may makarinig sa'yo at isumbong ka sa lalaki, edi pareho tayong dedo niyan," turan ko sa mahinang salita sa beki upang sawayin ito sa kanyang inaakto at binubuka ng bibig. "Ano ka ba, hindi tayo madededo dahil nasa atin ang tagumpay niya... Sa'yo pala since ikaw ang model. You are the face of the Company na siyang mag-eendorse ng mga brands. Perfect diba? Ang laki ng magiging ambag mo sa kanya," saad nito para ipaalala na meron din akong kapangyarihan dito sa Kompanya. Oo nga pala, sila yung naghabol sa akin kaya bakit naman ako kakabahan. Dapat nga siya ang kabahan, dahil kapag pinagalitan at pinahiya niya ako ng husto, magdadabog ako at aalis bilang model ng company niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD