CHAPTER 5 (ANG PAGKIKITA NG DALAWA)

2073 Words
CHAPTER 5 JACK's POV: "WHAT KIND OF REPORT IS THIS? Ito ba ang pinapagawa sa'yo ni Papa? Bakit parang ang layo? Walang konek sa brand na ilalabas natin?! Nasaan ba ang utak mo at parang hindi mo yata ito ginagamit?!" panenermon ko sa sekretarya ni Papa. Halos umusok ngayon ang aking ilong dahil mali-mali ang natanggap kong reports na siyang pinagawa ko sa secretary. Pinag-aralan ko kasing mabuti kagabi ang ilalabas na bagong produkto sa Kompanya. At base sa mga reports na natanggap at nabasa ko ay masyadong malayo ang ginawa niya na animo'y minadali ang pagkakatype niya nito. Gaya pa naman nang sinabi ko, ayoko na puro kamalian ang pairalin kapag nandito sa trabaho. Hindi rin uso sa akin ang awa dahil bilang CEO, karapatan kong pagsabihan sila. "Pasensya na ho Sir, hindi ko naman po alam na mali pala sa mata niyo ang ginawa ko... Pero talagang ginawa ko ho ang best ko d'yan," kinakabahan na sagot ng babae. "Then your best is not enough... Hindi pwedeng pasensya na lang lagi ang nasasabi niyo kapag nagkakamali kayo. Hindi lahat ay nadadaan sa pasensya. Tandaan niyo 'yan. At teka nga, ilang buwan ka na bang sekretarya ni papa?" pagdidiretsang tanong ko. Gusto kong malaman kung ilang buwan o kung umabot na ba siya ng taon dito sa Kompanya. Kasi kung tumagal na siya rito ay parang hindi naman yata makatarungan ang trabahong pinapakita niya rito sa Kompanya. Pinapaakyat niya ang dugo ko. "T-two years na po akong Secretary ng papa mo Sir. At ni minsan, hindi naman niya ako sinabihan na ganyan," wika nito bilang sagot. Pinaparating niya sa akin na wala akong puso at hindi ako katulad ni papa na mabait sa kanila. "Ibahin mo ako kay papa. Hindi ako pumapayag na ganito ang natatanggap kong report. Paano na lang lalago ang negosyo kung yung mga workers dito na katulad mo ay hindi tumatanggap nang pagkakamali? Kaya pala hanggang ngayon ay hindi umaangat ang Kompanya dahil hindi man lang kayo binibigyan ng leksyon ni papa," giit kong saad. Gusto ko lamang na maging tapat sa kanila para hindi na magpatuloy pa ang katangahan nila rito. Baka mamaya ay yung mga empleyado rito ay mahawaan niya pa at dumami pa ang mga tanga. Kaya wala akong pakialam kung masaktan ko man ang damdamin niya. Nagiging prangka lang ako at ayokong makipagplastikan. "Pero Mr. Fuentez, ngayon lang ako nagkamali. Aaminin ko ho, hindi ako nakapagfocus habang ginagawa ko ang report. Paano po kasi may sakit ang anak ko, kaya masyado ho akong nataranta kagabi. Minadali ko ang trabaho. Pero hayaan niyo ho, uulitin ko na lamang. Aayusin ko yung report at papalitan ko ng panibago," wika niya na akmang kukunin ang mga papeles sa kamay ko. Mabilis ko naman itong inilayo at tinitigan siya nang matalim sa mata. Hindi ko gusto ang pananalita. Nawawalan siya ng respeto sa akin. Nakakalimutan niya yatang CEO ako rito. "Hindi na kailangan pa na ulitin. Hindi mo na kailangan mapagod. Binibigyan na kita ng pahinga dahil ngayon pa lang, inaalis na kita sa trabaho... Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ni papa na pumili siya ng sekretarya na may anak na. Magiging sagabal sa Kompanya kung iintindihin ko ang anak mo. Ang trabaho ay trabaho. Labas na roon ang anak mo. Kung anong oras ko binigay ang trabaho, ayon dapat ang atupagin mo. Ganyan ka dapat maging Professional sa trabaho mo. Hindi 'yung idadahilan mo pa ang bata," pahayag ko na hindi man lang ako nabulol sa aking sinabi. Matatalim na salita ang binabato ko sa kanya. Nakakalimutan ko na ang pagiging makatao. Pero ito ang tamang paraan para disiplinahin ko sila nang matuto. Kitang-kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ng babaeng ito na tila mangiyak-ngiyak siya sa kanyang narinig. "Pero Sir, I really need this job. Yung posisyon ko po sa pagiging sekretarya ay pinaghirapan ko rin naman ho. Hindi naman ho basta-basta ang nilaan kong oras para lang makamit ko ang posisyon ko dito sa Kompanya," saad niya habang pinipigilan ang sarili na huwag mapaluha. "Kung talagang pinaghirapan mo, hindi sana aabot sa ganito ang lahat. Kaya balutin mo na ang mga gamit mo at umalis ka na," malamig na sambit ko. She was about to say something again pero madiin ako nagsalita nang huling litanya. "YOU'RE FIRED." madiin na sambit ko para hindi na magpaligoy-ligoy pa. Sobra naman ang pagkabigla ng sekretarya. Hindi niya siguro inaasahan na ganito ang gagawin ko sa kanya. Matapos nang pagtatrabaho niya sa pamumuno ni papa ay basta ko na lang siya itatapon na tila wala ng pakinabang sa kompanya. "Sir naman. Masyado naman po yatang unfair kung aalisin niyo ako sa trabaho. Isang beses lang ako nagkamali sa inyo. Bakit parang ang bilis niyong magpa-alis ng mga tao na katulad ko. Hindi ba pwedeng bigyan niyo ako ng pangalawang pagkakataon?" nagmamakaawang bigkas nito. "Isang sagot lang naman ang dapat kong sabihin sa'yo. Karapatan ko ang magpaalis dahil siniswelduhan ko kayo. Pero dahil makulit ka, uulitin ko na iba ako kay papa. Kaya huwag mo akong ikukumpara sa kanya. Iba ako magpatakbo ng negosyo. I also hate giving another chance. I need a perfect secretary here. At sa palagay ko, hindi ikaw ang deserve sa posisyon ng pagiging sekretarya," saad ko na may matalim na titig sa kanya. "But no one is perfect Mr. Fuentez. Kahit nga ikaw ay meron ka ring pagkakamali na ginawa sa buhay mo. Baka nga mas malala pa yung pagkakamaling nagawa mo kaysa sa nagawa kong report," ani nito na tila may lakas siyang loob na sabihin ito. Halos umigting ang aking panga at pumutok ang aking ugat sa noo. Kaya mariin kong hinawakan ang ballpen na konti na lang ay masisira ko pa. "Leave..." Isang salita ang siyang binigkas ko pero puno ito ng galit. "Yes Mr. Fuentez. Aalis na ako. Hindi na ako magmamakaawa pa sa inyo. Halata naman sa'yo na wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Palibhasa, anak-mayaman ka. Kaya hindi mo iniisip ang kalagayan nung iba," wika niya na parang kasalanan ko pa yata na tanggalin siya sa trabaho. "Walang kinalaman dito ang ang kalagayan mo sa kompanya... But yes, I don't care about your personal or family problem. Dahil hindi ko naman kailangan problemahin o isipin ang pinagdaraanan mo. I have no time for it. Wala rin akong oras na pakinggan ang mga drama mo sa buhay. I am now the new CEO, kaya dapat lang na maging Professional ako," pahayag ko sa babae. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya. "Hindi sa lahat ng oras ay dapat mong pairalin ang pagiging Professional mo Mr. Fuentez. Baguhan ka palang sa pagiging CEO, kaya huwag kang masyadong mataas ang lipad, dahil baka dumating ang araw na pagsisihan mo 'yang ginawa mo... Bilog ang mundo, marahil nasa ibabaw ka ngayon, pero gagapang ka rin," ani nito na nagawa pa akong pagbantaan bago siya lumabas ng opisina. Daig niya pa ang isang mangkukulam kung makapagsalita sa akin. Napangiwi na lamang ako ng labi. Akala niya yata ay masisindak ako sa mga sinabi niya. Hindi ako gano'n na tao na madaling matakot. Kung tutuusin, inuumpisahan ko pa lamang ang pagiging strikto ko. Gusto ko na katakutan ako ng mga empleyado rito para maging maayos ang kanilang pagtatrabaho. At yung tungkol sa pagpapairal ng puso? Ang tanga naman yata kung susundin ko siya. Kailan man ay hindi na iiral pa ang puso kong ito. Bato na ang damdamin ko kaya hindi nila ako pwedeng diktahan kung ano ang dapat kong gawin. Ako na ang nagpapatakbo nito kaya walang sino man ang pwedeng komontra sa mga desisyon ko. Sa paglabas ng sekretarya ay siya namang pagpasok ni Sashi Paloma. Ang kinuha ni papa para makahanap ng model para sa new brand na ilalabas sa susunod na linggo. Dahil mainit ang aking ulo ay sinungitan ko siya. "What?" bigkas ko na hindi pa rin maalis ang pagiging seryoso ko at pagkakaroon ng malakas na boses. "Mr. Fuentez, I have a good news for you. Pumayag na yung model na kinuha ko. Yung sinabi ko sa'yo na super ganda at perfect woman. Pinapasundo ko na siya. And later, she will be here," ani niya para ibahagi sa akin ang balitang bitbit niya. "So? What do you want me to do? Pasalamatan ang babaeng 'yon?" usal ko sa beki at pinapairal ko pa rin ang aking masamang ugali. "Sir naman..." bigkas nito. "Ms. Sashi Paloma, I don't have time to that woman. Kung pumayag na siya, edi bigyan mo na kaagad ng kontrata. Bayaran mo na rin para hindi na magbago ang isip na umalis. That's it. Hindi 'yung kailangan mo pa akong balitaan. Saka mo na lang ako kausapin o puntahan kapag natapos na ang pagmomodel niya para makita ko kung sakto ba talaga sa brand," pananapos ko ng usapan. "O-okay Mr. Fuentez. Masusunod ho. Ako na lamang ang bahala sa kanya na mag-entertain mamaya," ani ni Sashi. Ang dami niya kasing sinasabi at hindi naman ako interesado sa babaeng 'yon. She's not even special. Kailangan lang siya ng kompanya, at hindi ako ang may kailangan. Besides, I will pay her. Babayaran ko naman ang oras niya sa pagmomodel ng mga brands na siyang ilalabas next week. Tumayo na ako para sana umuwi muna. I want to talk to papa. Kailangan kong ipaalam sa kanya ang mga palpak niyang empleyado na pinatalsik ko. Karapatan niya pa rin namang malaman ang mga nangyayari sa Kompanya. Ayokong isipin niya na isinasawalang bahala ko ang pagiging CEO ko dahil baka magtaka siya na may pinaplano ako. At kahit naman magalit siya at kontrahin niya ako ay hindi ko papakinggan ang ano mang sasabihin ni papa. I know to myself that I can make this company to be better. Kaya kong palaguin at pasikatin ito sa pamamagitan ng pamumuno ko mismo. Hindi ko naman ito papabayaan dahil nakasalalay din dito ang aking tagumpay. Nang makalabas ako ng opisina ay pumasok na ako sa elevator. Nasa 9th floor ang office ko kaya para mapadali ang aking pagbaba ay sumakay na ako ng elevator. Hindi ko inaasahan na pagbukas nito ay may isang babae ang siyang bumundol sa akin at dali-daling pumasok sa loob habang ako ay palabas na ng elevator. Sa parte pa lamang nang pagbundol niya sa akin ay nakuha niya na agad ang atensyon ko. Hindi niya yata kilala na ako ang CEO ng kompanya para umasal siya nang ganito. Akma ko sana itong pagsasabihan kaya lang unti-unti nang sumara ang pinto ng elevator dahilan para masilayan ko na lamang ang kagandahan ng kanyang mukha. She's gorgeous. Parang kakaiba ang ganda nito na hindi pangkaraniwan sa mga nakikita kong babae. I don't know why but my eyes stucked on her na tila nagslow-motion pa ang pagsara ng pinto ng elevator. Nabalik lang ako sa aking sarili nang tuluyan na itong sumara. "Damn it. Hindi ka dapat nadadala sa kahit anong ganda ng babae Jack," I told to myself para sawayin ko ang aking mata at utak. Pero hindi ko pwedeng hayaan na lamang basta-basta ang babae sa ginawa niyang pagbangga sa akin. Lalo na't merong nakakita sa amin na binangga niya ako. Baka isipin ng lahat na may favoritism ako pagdating sa mga empleyado. Nang marealized ko ito ay kaagad akong sumakay ng elevator para sana sundan kung anong floor pupunta ang babae. Pero base panghuhula ko lamang ay naabutan ko siya sa fifth floor na tila may hinahanap siyang tao. Pasimple akong umubo upang kunin muli ang presensya nito. At hindi nga ako nahirapan dahil tumingin ito sa aking gawi. Pero ang babae ay binigyan niya lang ako ng panyo na animo'y inaakala niya yata na meron akong sakit. "Hindi ko pa 'yan nagagamit na panyo, kuya... Kaya pwede niyo hong magamit 'yan para naman hindi ka marinig ng CEO dito... Balita ko pa naman ay masungit ang may-ari ng kompanya na ito. Kaya dapat iwas ka sa pag-uubo at baka pandirihan ka no'n... Sige ha? May hinahabol at hinahanap kasi ako," turan nito sa akin na dire-diretso siya kung magsalita. Para siyang tren na hindi man lang huminto. "Sandali lang---" Pipigilan ko pa sana ang dalaga pero hindi niya yata narinig ang sinabi ko dahil sa pagtakbo niya ulit sa loob ng elevator upang sumakay na naman pataas. That woman is something different. Kakaiba. "Hindi niya yata alam na kaharap niya na yung mismong CEO." tanging sambit ko at saka napailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD