CHAPTER 13
JACK POV:
"ATE talaga bang okay ka na? Kasi pwede ko naman mapuntahan yung magaling na albularyo para patingnan ka... Ang conservative mo kasi masyado," saad ng dalagitang babae na panay sunod kung saan ako pumupunta.
Nasa loob lang ako ng kanilang bahay, gusto ko sanang kumain muna bago ako umalis para magkaroon ng laman ang tiyan ko, kaso hindi ko gusto ang mga nasa ref. Hindi ako sanay sa mga kinakain nila.
"Can you please stop following me? Kanina pa ako sayo naiirita... Pwede bang hayaan mo akong mapag-isa at gawin ang gusto kong gawin?" turan ko na rito.
Hindi na nga mapakali ang utak ko tapos sumasabay pa siya sa aking pinoproblema.
I want to go in our Company. Pero paano nila ako makikilala kung nasa katauhan ako ni Ms. Rose Santilla?
"Ikaw ate ha? Ang salbahe mo masyado. Pero sige, ako na lang ang mag-aadjust. Iisipin ko na lamang na dahil sa pagkabagok ng ulo mo, kaya ka ganyan kung umasta... Concern na nga yung tao ay papagalitan pa," pananaray nito kasabay nang pag-alis niya sa harapan ko para tigilan na ako.
Gusto ko sanang humingi ng pasensya, pero ako si Jack Fuentez, at hindi uso sa akin ang salitang "sorry" lalo na kung alam kong wala akong kasalanan. At kahit naman may kasalanan ako ay hindi ko ibababa ang aking pride.
Kumuha na lamang ako ng malamig na tubig para mabawas-bawasan ang init ng aking ulo. Naisip ko na baka kapag uminom ako nito ay mahimasmasan ang pagkatao ko nang sa gano'n ay makaisip ako ng pormal.
Ilang minuto rin ang tinagal ko sa pagiging tulala hanggang sa naisipan ko na tumawag sa mansion.
Kung nandito ako sa bahay ni Rose, siguarado ako na yung katawan ko ay nando'n sa bahay.
Sana lang tama ang hinala ko na si Rose ang nagdadala ng katawan ko. Dahil kung siya nga ay pwede ko pa siyang malapitan. Baka sakaling kami lang na dalawa ang makalutas nitong problema.
Kahit ayokong puntahan ang kapatid ng dalaga dahil sa maling inasta ko ay pinili kong makitungo sa kanya na naaayon sa tama.
"Pasensya na. Masakit ang ulo ko kaya nakakapagsabi ako ng kung anong mga masasakit na salita... Marami akong problema na kinakaharap ngayon," saad ko sa dalagita nang maabutan ko siya sa maliit na sala. Busy ito sa pagcecellphone kaya sa kanya ako makakahingi ng tulong para makatawag ako sa mansion.
"I know ate. Alam ko na binubuhay mo kami ni nanay. Ikaw ang nagpapaaral sa akin at may utang ka pa na dapat bayaran sa manager mo dahil sa malaking pera na inutang mo sa kanya para maoperahan si inay... Marami kang problema ate at naiintindihan ho kita. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ang init ng ulo mo sa akin? Hindi ka naman ganyan diba? Pakiramdam ko po tuloy ay parang pabigat na ako sa'yo," paglilitanya nito.
Sa dami ng sinabi niya ay unti-unti kong nalalaman ang buhay ni Ms. Rose Santilla. Sino bang mag-aakala na yung kagandahan ng kanyang mukha ay merong nakatago na maraming problema at pasanin sa buhay. May sakit pala ang ina nito at siya pa ang nagpapaaral sa taong kausap ko sa mga oras na ito.
"Kaya nga humihingi ako ng pasensya. Ang laki ng pagsubok ko ngayon. Nagkaroon ako ng problema sa pinagtatrabahuhan ko. So I need to call m-my manager. Si Sashi Paloma. Gusto kong magpaalam sa kanya na hindi muna ako papasok ng trabaho dahil kailangan kong magpahinga... Kaya baka pwedeng mahiram ko muna saglit ang cellphone mo?" balik na wika ko sa babae.
"Bakit ate? Nasaan po ba yung phone mo? Yung dinala ka namin sa hospital ay hindi namin nakita ang phone mo... Ano ba talagang nangyari sa'yo?" usisang bigkas niya at talagang desidido siyang malaman ang nangyari sa kanyang kapatid.
Paano ko ba maipapaliwanag ito? Wala akong alam sa buong estorya. Ang tanging natatandaan ko lamang ay humihingi ng saklolo sa akin si Rose dahil gusto raw siyang gahasain ng isang lalaki na nasa Kompanya ko mismo. Ayon nga lang ay hindi niya naibanggit ito kung sino.
"Mahabang kwento... Saka ko na lang sabihin sa'yo kapag nakausap ko na ang manager ko," ani ko na lamang bilang pagpapalusot.
"Sige ate... Eto na ang phone ko," tanging turan ng dalagita kasabay nang pagpapahiram niya ng cellphone.
Mabilis ko itong kinuha at dali-dali akong bumalik sa loob ng kwarto ni Rose.
Tinype at dinial ko kaagad ang number ng tatawagan ko.
"Please answer the telephone," mahinang saad ko. Panay ring lang kasi ang telepono na tila walang balak na sagutin ng mga maids ang tawag ko.
I was about to end the call dahil nawalan na ako nang gana at pag-asa na may sumagot nito, kaya lang ay biglang may nagsalita na ibig sabihin ay merong nakarinig ng pag-ring ng telepono.
"Sino ito?" Si Alfred na siyang kapatid ko sa ama ang nakasagot.
Hanggang dito ba naman sa telepono ay siya pa rin talaga ang makakausap ko.
"Kung wala kang importante na sasabihin, ibababa ko na ang telepono. Masyado kang nakaka-istorbo," asar na tugon niya dahil hindi ko pa nagawang magsalita.
"I'm Ms. Rose Santilla, the model of the Company... Hinahanap ko si Mr. Jack Fuentez, nandya ba siya Sir?" pahayag ko na lamang. I don't have choice kundi ang pangatawanan muna ang pagiging babae dahil ayokong malaman ni Alfred ang naging kalagayan ko. Baka ito pa ang maging dahilan niya para pabagsakin ako at pasamain sa harap ng maraming tao, lalo na kay papa.
"Ohh... Ms. Santilla... I'm glad na ako ang nakasagot ng tawag mo. Talagang sumasang-ayon sa akin ang tadhana dahil binigya niya ako ng pagkakataon na makausap ka," usal nito sa kabilang linya.
Sinasabi ko na nga ay ikatutuwa nito na marinig ang pangalan ni Rose. Ito pa lang kasi ang huli naming pagtatalo na ang dahilan ay si Ms. Santilla mismo.
Balak niya kasing ligawan ang dalaga para ipamukha sa akin na kaya niyang makuha ang mga babae na gusto niya.
Pero hindi ko naman ito hahayaan na mangyari, ngayon pa kaya na ako ang nasa loob ni Rose Santilla.