CONTINUATION...
JACK POV:
"As I was saying, I am looking for Mr. Fuentez. Nandyan ba siya? I need to talk to him, may importante kaming pag-uusapan," saad ko ulit.
Ayokong makipaglandian sa kapatid ko dahil nandidiri ako sa kanyang ginagawa. Ganito pala ang pakiramdam kapag hinahabol o kinakausap ka ng isang babaero, bigla na lang mag-iinit ang ulo mo.
Pinagsabihan ko na siya noon pa man nang hindi pa ako napunta sa katawan ni Ms. Santilla, pero hindi niya ako pinagbigyan at talagang itutuloy niya ang plano na ligawan ang dalaga para lang sa pansarili niyang kasiyahan.
Sa palagay ko tuloy ay mismong tadhana na ang gumawa ng paraan para lang mailayo ko si Ms. Santilla sa demonyo kong kapatid.
"Bakit hindi ka na lang pumunta rito? Pwede kitang sunduin kung gusto mo para makausap mo ng personal ang brother ko. Nasa taas pa kasi siya at nagpapahinga. And you know what, ayaw no'n magpa-istorbo kaya sunduin na lang kita dyan sa inyo... Taga saan ka nga pala, Ms. Santilla? You want a coffee date?" pahayag nito bilang tugon sa akin.
Kung saan-saan nakakarating ang usapan namin na talagang desidido siya na makita ng personal ang dalaga.
Pero pasensyahan na lang kami dahil yung katawan ni Rose ay pagmamay-ari ko muna. At habang nasa katawan ako ng babae, hinding-hindi ko papahawakin si Alfred, hindi ko rin hahayaan na makalapit siya kay Rose.
"Mr. I don't know who you are, si Mr. Fuentez ang sadya ko at hindi ikaw. Kaya kung pwede lang ay gisingin mo si Mr. Jack dahil siya ang gusto kong makausap. It's about business and I guess that's enough reason to talk to him. Hindi naman 'yon magagalit sa akin lalo na't ako ang model ng Kompanya," wika ko sa binatang nasa phone call.
Rinig ko ang paghinga nito nang malalim na tila naawat ko siya sa pagiging makulit niya.
Kung magkataon na talagang si Rose ang kausap niya, sa tingin ko ay hindi siya nito susungitan at pagsasabihan nang ganito. Baka nga ay gumalang pa siya dahil sa apelyido na dala rin ni Alfred.
"Okay, sure Ms. Santilla... Papagisingin ko ang kapatid ko sa maid para hindi ka na magalit," saad niya kasabay nang pagtawag niya kila Manang.
"Manang, pa-gising naman si Jack. Sabihin mo, gusto siyang kausapin ni Ms. Santilla, yung model," pag-uutos nito.
Masyado talaga siyang tamad at kahit simpleng kilos ay hindi niya magawa. Inaasa niya pa rin ito sa mga katulong.
Nagtitimpi lamang ako nang galit kay Alfred. Alam ng Diyos na punong-puno na ako sa lalaking 'to. Sadyang pinipigilan ko lamang ang aking sarili dahil baka masayang lahat ng mga pinaplano ko.
"Ms. Santilla, huwag ka masyadong highblood, sayang ng ganda mo kung papairalin mo ang init ng iyong ulo. Ngayon pa nga lang kita nakausap ay tinatarayan mo na agad ako. Sige ka, baka mabawasan anv kagandahan mo kapag laging nakataas ang kilay mo," tanging usal ng binata at nagawa pa akong kausapin habang hinihintay niyang bumaba ang akala niya ay kapatid ko.
Hindi na ako umimik pa dahil rinig ko na ang yapak na nanggagaling sa hagdan.
Ramdam ko na maging si Rose ay gusto na rin akong makausap dahil sa pang-aagaw nito ng telepono kay Alfred.
"Saan ka pupunta?" pagtatanong ng lalaki.
"Sa itaas... Bakit?" agad na sagot ni Rose na siyang nasa loob mismo ng tunay kong katawan.
Sa paraan nang pananalita niya ay halata agad na hindi ako 'yon. Hindi naman gano'n ang pakikitungo ko sa kapatid ko.
Hindi kami nag-iimikan no'n. Nag-uusap lang kami kapag kaharap si Papa pero sa ganyang sitwasyon ay hindi ko nagagawang kausapin si Alfred.
"Hindi ba pwedeng ito mo na lang kausapin si Ms. Santilla? Bakit kailangan mo pang idala 'yang telepono sa kwarto mo?" tanong ng kapatid ko. Rinig ko ang usapan nila dahil hindi naman binababa ni Rose ang telepono.
"Kasi gusto ko. At hindi maganda ang pakiramdam ko kaya gusto kong kausapin ang b-babae habang nakahiga ako sa kama. Kaya bye bye," mabilis na sambit ng dalaga habang tumatakbo na siya pabalik ng kwarto.
Kahit hindi ko man nakikita si Alfred ay alam ko na kaagad ang reaksyon ng kanyang mukha. Nabubuo ang katanungan sa kanyang isipan na dapat ay hindi niya malaman ang nangyari sa akin.
"Hello Mr. Fuentez, ikaw ba 'yan? Ikaw ba yung nasa katawan ko?" agad na sambit ni Rose na hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
Nakarating na yata siya sa kwarto. At ang room kong 'yon ay talagang walang makakarinig sa kanya dahil kung ano man ang tunog o boses na maganap sa loob ng silid ko ay hindi maririnig sa labas.
"Ako nga... At 'yang katawan ko ay ikaw ang nandyan. Hindi natin pwedeng patagalin ito Ms. Santilla. Maraming maaapektuhan kapag nalaman nilang nagkapalitan tayo ng pagkatao. So we need to solve this problem as soon as possible. Malaking pera ang mawawala sa akin kapag ikaw ang gumamit ng katawan ko," usal ko sa madiin na pananalita.
"Alam ko naman 'yon... Alam kong mahalaga para sa'yo ang Kompanya at ang posisyon mo. Pero hindi ko rin naman gusto na makarating ako sa katawan mo noh? Kung makapagsalita ka d'yan ay akala mo kagustuhan ko ang nangyari sa atin," ani ni Rose na animo'y hindi niya nagustuhan ang pananalita ko.
"Ikaw yung humarang sa akin sa daan habang nagmamaneho ako ng kotse, muntik pa nga kita mabunggo no'n ng sasakyan diba? Kaya malamang ikaw ang sisisihin ko... Malay ko ba na may iba kang intensyon kaya mo ginawa ito . Gusto mo sigurong makanakaw ng pera sa kompanya gamit ang katawan at mukha ko," pahayag ko na hindi ko na rin napigilan pa ang sarili na pagbintangan at pagbuntungan siya nang galit.
"Ang babaw naman yata ng tingin mo sa akin Mr. Fuentez. Parang pinaparating mo na magnanakaw ako... Instead na magtulungan tayo ay ganyan pala ang takbo ng utak mo... Kung alam mo lang ay ayoko sa katawan mo, hindi ko pinangarap na mamuhay sa loob ng isang lalaki na antipatiko ang ugali at mas masahol pa sa hayop kung mangbintang!" paninigaw niya.
Muntik na akong mabingi dahil sa malakas nitong boses.
Hindi ko lang makontrol ang sarili ko, bakit ko nga ba nasabi iyon? Bakit ko nagawang pagbintangan ang dalaga?