CHAPTER 12 (Si Rose sa katawan ni Jack)

1036 Words
CHAPTER 12 ROSE POV: When I open my eyes, nasa magandang silid ako. Sobrang lambot na kama at amoy expensive ang bawat sulok. Yung takot sa aking dibdib ay muli na namang nabuhay dahil sa nangyari sa akin kagabi. Binalakan akong gahasain at halayin ng lalaking pana'y habol nang tingin sa akin noong nasa Kompanya ako. Akala ko ay makakaiwas ako sa kanya pero hindi pala. Dahil sa huli, nagawa niya akong dukutin sa pamamagitan nang pagtatakip niya ng panyo sa ilong ko hudyat para mawalan ako ng malay. Ang tanging naalala ko lang ay nagising ako sa kanyang kotse at pilit na pinupunit ang damit ko para lang hubaran ako. Hindi pa niya ito natuloy dahil nagkaroon ako ng malay, hudyat para manlaban ako. At dahil ayokong makuha niya ang p********e ko na matagal kong iningatan ay talagang nanlaban ako upang makawala sa kamay niya. Sa una ay nahirapan ako na makatakas pero dahil sa malakas na ulan at kulog ay napunta roon ang atensyon niya dahilan para sipain ko siya sa kanyang gitnang parte ng katawan at hindi pa ako nakontento ay kinuha ko ang isang bote at ipinalo ko ito sa kanya. Doon mismo ako nagkaroon ng pagkakataon na makalabas ng sasakyan. Halos madapa pa ako sa kakatakbo dahil sa aking takot. Muntikan pa nga akong mabangga ng kotse na mismong pagmamay-ari ni Mr. Jack Fuentez na siyang boss ko sa Kompanya. Nagmamakaawa ako sa kanya na tulungan ako pero hindi niya ako tinulungan. Ang huling naalala ko lamang ay tinamaan kami ng kidlat ni Mr. Fuentez at ito ang naging rason para mapahiga kami sa kalsada. At ngayon, nagising ako sa lugar na kung saan ay hindi ko alam kung sino ang may-ari nito. Muli kong inilibot ang aking paningin para kilalanin ang silid. Pero yung mata ko ay hindi pamilyar dito. Tila pangmayaman ang silid dahil sa ganda ng mga design at gamit na nasa loob. Sa paglilibot ng aking paningin ay nasilayan ko mismo ang malaking litrato ni Mr. Jack Fuentez na siyang nakadikit sa dingding. "Nasa kay Mr. Fuentez ako? Dinala niya siguro ako rito para tulungan? Sinasabi ko na nga ba, kahit naman pala medyo masungit ang lalaking 'yon ay meron pa ring natitira sa kanyang kabaitan sa puso," pagkakausap ko sa sarili. Nakahinga naman ako kahit papaano nang maluwag dahil napagtanto ko na nasa safe place at safe person ako. Ang buong akala ko kasi ay nakuha ulit ako ng manyakis na 'yon. Kapag nakita ko talaga siya mamaya sa Kompanya ay hindi ako magdadalawang-isip na sampahan siya ng kaso. Hindi na rin ako matatakot pa na magsumbong at sabihin kay Mr. Fuentez ang tungkol sa ugali ng ka-sosyo niya. Ang sarap niyang tirisin gamit ang nail cutter dahil sa ubod ng kamanyakan niya. "Naiihi na ako... Kailangan ko na sigurong umuwi pakatapos ko mag-wiwi, dahil baka nag-aalala na sila nanay sa akin," ani ko muli kasabay nang pagtayo ko para hanapin ang comfort room. Nakakahiya naman kung itatanong ko pa ito kay Mr. Fuentez, hindi ko kasi siya ngayon nakita. Baka nasa baba na ito at naghahanda nang almusal o hindi kaya'y pumasok na siya ng Kompanya. Sa laki ng silid ng binata ay hindi ko kaagad mahanap ang banyo. Ilang minuto ang siyang tinagal ko nang makita ko ang comfort room. Pumasok ako roon at dali-dali kong binaba ang suot ko para umihi sa inidoro. Nagtaka naman ako dahil tila naramdaman ko ang malamig na bagay na dumidikit sa mismong ari ko. Sa sobrang pagtataka ko ay sinilip ko ang aking ari para tingnan kung ano bang klaseng pag-ihi ang ginawa ko. Nakaupo kasi ako ngayon kaya halos mapatalon ako nang masaksihan ko mismo ang pagdungaw ng ulo ng panlalaking ari, matapos kong umihi. "Oh s**t. Totoo ba itong nakikita ko? May t**i ako?" biglang sambit ko. Para na akong baliw dahil kanina ko pa kinakausap mag-isa ang sarili ko dahil sa mga pangyayari na hindi ko naman matukoy kung paano ito nagsimula. Sinampal-sampal ko pa ang aking pisngi dahil tila nasa bangungot pa ako kaya gusto kong magising sa katotohanan. Kaso kahit anong sampal ko ay meron talaga akong ari ng panlalaki na ngayon ko lang nakita sa tanan ng aking buhay. I can't believe this. Sinumpa ba ako para tubuan ng mahaba at matigas na hotdog? Sa kaguluhan nang isipan ko ay bigla akong napakapa sa aking dibdib para icheck kung nandito pa ba ang aking s**o. Kaso wala eh. Wala akong nakapa na malambot na dede, bagkus maliit na u***g lamang ang siyang nakapa ko na animo'y isang munggo ito. "Diyos ko... Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito? Bakit ako umabot sa ganitong sitwasyon? Bakit ako pa?" namumutlang bigkas ko dahil sa samut-saring emosyon ang nangingibabaw sa akin. Saktong napaharap naman ako sa malaking salamin sa banyo, kaya dito ko nasilayan ang aking itsura. Yung kaninang gulat ay lalong natriple ngayon nang mapagtanto ko na hindi ko mukha ang siyang nakikita ko ngayon sa harapan ng salamin. I am Rose Santill, but my body is not mine. I am inside the billionaire's body. Nasa katawana ko ni Mr. Jack Fuentez. "O...M...G..." ang tanging naibigkas ko habang nakahawak ako sa mukha ni Jack. Kaya pala ako nandito ay dahil ang akala yata ng mga tao ay ako si Mr. Fuentez because of my inside face. Pero ang hindi nila alam ay nasa katawan lamang ako ng CEO. "I'm dead... Paano na ako neto? Paano ko sila haharapin? Paano ko sila kakausapin? Sumasakit na ang ulo ko. Do I deserve this? Naging mabuti naman akong tao diba? Wala naman akong kaaway para ganituhin ako. Siguro naman walang may naiinggit sa akin para kulamin ako at ilagay sa katawan ni Mr. Fuentez," mahabang saad ko habang pabalik-balik ako ng C.R. Hindi ako mapakali. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko lalo na kapag kinausap ako ng mga tao rito. Mataas pa naman ang posisyon ni Mr. Fuentez, kaya konting pagkakaming gawin ko ay tiyak na mahuhusgahan ang pagkatao niya. Higit sa lahat, wala pa akong alam sa pagkatao ng lalaki kaya mahihirapan ako nitong umarte. "Sorry Mr. Fuentez. I'll try my best, pero hindi ko maipapangako na magiging perfect ako," saad ko na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD