CHAPTER 4
ROSE POV:
"Grabe ka Rose ha? Ang talino mo talaga! Biniyayaan ka na nga ng ganda, pati talino, binigay pa sa'yo ni Lord. Tapos isabay mo pa itong kaswertehan." bigkas ng katrabaho ko matapos akong magkaroon ng certificate dahil sa pagiging masipag ko at pagiging magaling ko bilang call center sa isang kilalang establimento sa Manila.
Ako lang ang nagkaroon ng ganitong certipiko na nagpapatunay kung paano ko ginalingan sa trabaho.
Nakakataba lang sa puso dahil sa kabila ng mga pagod ko ay meron naman na naging magandang bunga ito.
"Salamat.. Kayo rin naman. Kahit hindi kayo nagkaroon ng award, alam niyo sa sarili niyo na ginalingan niyo rin. Kaya congratulations. Pag-igihan lang natin itong trabaho at baka tumaas din ang sweldo natin,"
"Hay naku Rose, huwag ka nang umasa ano? Hindi na mangyayari na tataas pa ang sweldo natin... Maghihintay pa tayo n'yan sa pagputi ng uwak bago taasan ang pera," turan nito na ikinasang-ayunan ko naman.
Tama din naman kasi itong ka-trabaho ko. Wala na yatang pag-asa na tumaas ang aming sweldo. Pero kahit na imposible ay umaasa pa rin ako at hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil meron akong binubuhay na dalawa.
Saka lang siguro ako makakaraos kapag nakapag-graduate na ang kapatid kong si Sheila at gumaling na si inay.
"Magtrabaho na nga tayo, kaysa isipin pa natin ang pera na 'yan. Kapag iniisip ay hindi dumarating eh," pagbibiro kong saad kaya nagtawanan naman kamin.
Nagtrabaho na nga ako. At minabuti kong itago ang certificate dahil gusto kong ipakita ito kay nanay para maging proud siya sa naging achievement ko. Maliit man itong parangal, ay isa pa rin itong patunay na minahal ko ang aking trabaho at nasisiyahan naman ako sa aking ginagawa.
After my work, dumiretso na ako sa bahay.
3:00 o'clock in the morning ako nang makauwi. Kaya naabutan ko ang dalawang tao na mahimbing ang tulog. Hindi ko na sila ginising dahil nakaramdam na rin ako ng pagka-antok.
Inilapag ko na lamang ang aking certipiko sa harapan ng mesa at tumungo na ako sa maliit kong silid.
Nahiga na agad ako sa kama. Sa sobrang antok ko ay hindi na ako nahirapan pang makatulog.
Kaya lang ilang sandali lang ang tulog ko ay naramdaman ko ang pagyugyog sa akin ni Sheila.
"Ate, si nanay... Inaatake na naman ng sakit niya." sambit ng kapatid ko at bigla niya akong ginising sa mahimbing kong tulog. Kung kailan gusto ko na sanang magpahinga at bumawi ng tulog ay saka pa ito nangyari.
Awtomatikong napabalikwas tuloy ako ng bangon para lang tunguhin ang kwarto ni nanay.
Kapag si nanay ang usapan, talagang nagiging alerto ako sapagkat meron siyang iniindang sakit. Ang sakit na 'yon ay matagal niyang nilalabanan at hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang lumalaban. Kaya hindi ako sumusuko sa trabaho.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko naman ang aking ina na siyang nakahandusay sa sahig at animo'y nawalan ito ng malay.
"Humingi ka ng tulong sa mga kapitbahay natin Sheila, kailangan natin agad madala si nanay sa hospital!" pag-uutos ko sa nakababata kong kapatid dahilan para kumaripas na rin siya ng takbo.
Hinang-hina ako ngayon habang pinipilit kong yakapin si mama. Gusto kong sabihin sa kanya na lumaban siya dahil alam ko na malakas siyang tao at makakaya niyang malagpasan ito.
Buti na lamang at malapit ang puso namin sa mga kapitbahay kaya mabilis nilang naisugod si nanay sa hospital.
Bilang anak, awang-awa ako sa kalagayan ng aking ina. Hindi niya deserve ito. Hindi niya deserve ang magkaroon ng cancer. Pero sa tingin ko ay merong plano ang Diyos kaya nangyayari ito sa amin. Isa yata itong pagsubok na dapat naming harapin nang sabay-sabay.
Ilang minuto ang tinagal ng Doctor bago siya lumabas ng room kung saan tiningnan niya ang kalagayan ng aking nanay. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanong ko siya kaagad kung kumusta ang lagay ng nanay ko.
"Is she okay Doc? Kumusta po ang mama ko?" bigkas ko sa magalang na pananalita.
Pero base sa mukha at reaksyon ng Doctor ay tila hindi magandang balita ang sasabihin niya. Kinakabahan man ay pinilit kong pakinggan nang mabuti ang kanyang sasabihin.
"Your mother need an operation... Masyado ng lumalaki ang bukol sa kanyang hinaharap kaya kailangan natin 'yon maalis sa lalong madaling panahon dahil baka lumala pa ang breast cancer ng nanay mo," pagdidiretsa nito. Para akong hihimatayin sa aking narinig.
"H-ho? M-magkano naman po ang kailangan sa operasyon?" tanong ko ulit at hindi ko maiwasan na problemahin ang pera na magagastos. Alam ko na kapag ganitong usapan ay kailangan ng pera. Dahil kung wala kang pera ay hindi nila magagawang operahan ang pasyente. Life is so unfair. Kaya kapag mahirap ka at meron kang ganyang sakit ay asahan mong sa gastusin ka unang mamamatay.
"Malaking halaga ang kakailanganin bago gawin ang operasyon. Sa palagay ko nasa kalahating milyon o pwedeng tumaas sa isang milyon ang kailangang pera para maumpisahan ang operasyon ng mama mo," wika nito dahilan para lumambot na ang dalawa kong tuhod.
Para akong mapapa-upo sa sahig dahil sa perang narinig ko. I don't know if where can I get that big amount of money.
"Saan naman ako kukuha nang gano'ng kalaki na salapi? Isang libo nga ay halos gumapang na ako para lang mahawakan ito. Isang milyon pa kaya?" saad ng utak ko. Wala akong ibang masabihan kundi ang sarili ko lamang sapagkat ako ang siyang breadwinner ng pamilya.
"Ate paano na po 'yan? Baka mawala po sa atin si inay kapag hindi siya naagapan... Ate hindi ko po kaya na mamatay si nanay. Ayoko pong grumaduate na hindi siya kasama," saad ni Sheila habang nakabuntot siya sa likuran ko.
Pareho naming pinakinggan ang sinabi ng Doctor kaya hindi niya rin maiwasan na mapaiyak dahil dito. Maging siya ay na-mroblema rin sa halagang sinabi ng doctor.
Pinatahan ko naman ang kapatid ko dahil ayokong mabalot siya ng lungkot at pagiging negatibo. Kaya pinilit kong pakalmahin ang dalaga. Ayoko na pangunahan kami ng takot dahil baka saan pa ito makarating.
Matapang ako at matapang din si inay. Wala sa aming lahi ang nagpapatalo nang dahil lang sa pera at sa kung anong sakit pa 'yan.
"Huwag kang mag-alala, gagawa ang ate ng paraan," ani ko para hindi na siya lamunin nang kalungkutan.
Parang kahapon lang ay masigla pa si nanay, tapos ngayon ganito ang inabot niya. Tila sasabog tuloy ang aking utak kung saan ko hahagilapin ang pera para lang maoperahan ang aking mama.
Kung kailan may magandang balita sana ako dahil sa award na natanggap ko sa trabaho, ay ganito agad ang naging kapalit.
Tama nga sila, sa kabila ng tagumpay ay merong mangyayari na hindi mo inaasahan kaya dapat lagi lang na maging handa ang tao sa bawat hamon ng buhay.
"Saan ka naman po kukuha ate? Hindi pa naman sapat ang sweldo mo sa call center para bayaran ang isang milyon," pahayag niya na animo'y naguguluhan din siya kung paano ko masosolusyunan ang bayarin.
Eto pa lang yung pinag-usapan namin kanina noong nasa trabaho ako. Maliit ang sweldo ng call center. Kahit mag-umaga kang naka-duty ay hindi na 'yon tataas pa.
"Kung sana lang tinanggap mo yung alok ng mga taong lumalapit sayo, edi sana meron tayong malalapitan dahil may manager na hahawak sa'yo. Pwede ka sanang makautang sa kanya," patuloy na wika ng kapatid ko hudyat para sumagi sa isipan ko si Ms. Sashi Paloma. Ang beki na siyang sumadya sa bahay namin para lang makausap ako. Halata namang may mabuting puso ang manager na 'yon kaya napaisip naman ako nang husto.
"Tanggapin mo na kaya ate. Hindi naman mahirap ang magmodel... Kung sana ako ang pinagpala ng kagandahan at kaseksihan mo ay ako na lamang ang papasok sa modeling industry," pagpapasegunda niya ulit.
Nahimasmasan na nga ang utak dahil sa pangungumbinsi ng bunso kong kapatid.
Napagtanto ko na kahit hindi ko gusto na pumasok sa modeling ay wala na akong maisip na ibang paraan kundi ang tanggapin ang alok niya.
"Tama ka nang sinabi mo Sheila. May pwede tayong malapitan sa oras mismo nang kagipitan natin," usal ko sa aking kapatid.
"Huh? Anong ibig mong sabihin ate?" pagtatanong niya na animo'y nabigla siya sa aking isinaad.
Ngumiti lamang ako rito kasabay nang pagtapik ko sa balikat ni Sheila.
"Tatawagan ko yung nasa calling card na binigay mismo ni Ms. Sashi Paloma. Balak kong pumasok na ng modeling para lang mapagamot si nay... Wala naman sigurong mawawala sa akin kung susubukan ko 'yon diba?" diretsang saad ko.
Ngumiti na rin ang dalaga.
"Opo ate. Walang mawawala sa'yo. Baka nga marami pang manligaw sa'yo na mga mayayaman na lalaki, sagutin mo agad ha?" sambit nito kaya't pinitik ko naman ang kanyang noo.
Pilya talaga ang kapatid ko. Lalaki na naman ang nasa isip kaya doble talaga ang bantay ko sa kanya. Baka kasi mag-asawa agad siya nang maaga dahil sa kapilyahan niya.
"Ang harot mo Sheila! Tama bang ibugaw mo ang ate mo? Puro ka talaga kalokohan. Kita mo nang nasa peligro ang buhay ni inay, gusto mo agad na lumandi ako," bigkas ko muli.
"Sorry na ate. Alam ko kasing stress ka kaya nagagawa kitang biruin. Pero seryoso ate, bagay ka talaga na maging model. Hindi ako magkakamali na sisikat ka. Magiging puhunan mo ang ganda mong 'yan," wika niya na nagawa pa akong pagsabihan ng komplimento.
"Oo na. Oo na... Naniniwala na ako sa'yo kapatid... Kaya ikaw, dito ka lang sa hospital, bantayan mo nang maigi si inay ha? Dahil ako, uuwi ng bahay para hanapin ang calling card nang matawagan ko ang manager," saad ko bilang paalam kay Sheila.
Tumango naman siya kaya hindi na rin ako tumagal pa sa hospital.
Siya muna ang magbabantay kay inay. Dahil kakapalan ko na ang aking pagmumukha.
Panahon na yata para alisin ko ang aking hiya sa katawan. Lalakasan ko lang siguro ang aking loob nang sa gano'n ay tuluyan kong mabayaran ang isang milyon.
Pagdating ko sa bahay, ay kaagad kong hinanap ang calling card na siyang mabilis kong makuha. Dahan-dahan kong tinype ang number ni Ms. Sashi Paloma. Ilang segundo rin ang tinagal bago niya sagutin ang aking tawag. Kahit na kinakabahan ay isinantabi ko na muna ito.
"Hello Ma'am Paloma... It's me, Rose Santilla. Yung kinukuha niyong model sa sinasabi niyong kompanya para sa ilalabas na new brand? Ahm may sadya ho sana ako... I already changed my mind... Gusto ko sanang malaman niyo na pumapayag na po ako. I want to be a model. Interesado na ho ako sa alok niyo," wika ko na ako mismo ang unang nagsalita.
Halos mabingi naman ang aking tenga dahil sa tili nito na tila tuwang-tuwa sa pagbabago ng aking desisyon.
"That's good to here Ms. Santilla. Buti naman at tinawagan mo agad ako. Maghahanap na sana ako ng ibang model dahil yung bagong CEO dito sa kompanya ay mabilis mainip, nagawa nga akong sermonan kanina. Pero dahil pumayag ka na, I'm very sure na matutuwa 'yon dahil nagampanan ko rin ang trabaho ko... So paano, ipapasundo na ba kita riyan sa driver ko para makapunta ka na rito sa Company?" sambit niya na ikinagulat ko bigla.
Jusmiyo marimar! Hindi ko inaasahan ito.
Tila namawis tuloy ang aking yukyok dahil sa biglaan na saad ni Ma'am Sashi.
"Ho? As in ngayon na? Magsisimula agad ako ngayon?" I asked the beki.
"Syempre hindi... Pupunta ka lang dito para pumirma. And syempre para na rin maiharap kita sa CEO... So be ready, okay? Papuntahin ko na kaagad ang driver dyan," pahayag nito na hindi na ako nakatanggi pa dahil sa pagdedesisyon niya.
Kung sabagay, wala naman akong karapatan na tumanggi sapagkat kailangan na kailangan ko talaga ng salapi.
And I guess, this is the right day.
Mukhang mapapasabak na nga ako nang wala sa oras at talagang makakaharap ko pa ang CEO na 'yon. I don't know him. But since Ma'am Sashi Paloma described him as a "mainipin", hindi na ako magtataka na strikto ang lalaking 'yon.
Sana lang ay hindi ko maranasan sa kanya ang pagiging masungit. Dahil kung magkataon ay susungitan ko rin siya pabalik.