CHAPTER 3
JACK's POV:
"GOOD MORNING MR. FUENTEZ." Mga pagbati at pagyuko ng mga taong nakakasalubong ko habang papasok ako ng Kompanya.
Panibagong araw na ngayon at mag-uumpisa na ako bilang CEO ng kompanya na pinagkatiwala ni papa. Kaya papatunayan ko mismo sa kanya na wala sa kalingkingan ko ang paborito niyang anak sa labas na si Alfred.
Itataas ko ang kompanya para mas makilala ng mga tao. Kapag nangyari ito, tiyak na wala nang masasabi pa si papa sa akin.
Napag-usapan na rin namin kahapon ang tungkol sa model na kukunin namin para sa lalabas na produkto. At ang sabi ni papa ay meron na raw siyang binigyan na trabaho na pwedeng maghanap ng model. Isa raw itong bading na magaling sa mga gano'ng bagay. Kaya hindi ko na ito masyadong inalala pa.
Dire-diretso na lang ako sa paglalakad habang walang reaksyon ang aking mukha at binabalot lamang ito ng pagiging blangko at malamig na itsura.
Ganitong ugali ang ipapakita ko sa kanila. Ilalabas ko ang pagiging seryoso ko pagdating sa trabaho.
Hindi naman ako mahilig maghanap ng mga kaibigan kaya yung dapat kong i-akto ay ang pagiging CEO para galangin nila ako at respetuhin.
Kahit naman wala ako sa kompanya ay ganito pa rin ako. Hindi na yata uso sa akin ang sumaya. Ni pag-ngiti ay hindi na magawang umukit sa aking labi.
Inubos ko na yung ngiti ko kahapon sa pa-welcome party.
Sumakay na ako ng elevator para mapadali ang pagpunta ko sa mismong office. At dahil baguhan pa lang ako rito ay hindi nawala sa tabi ko ang sekretarya para mag-assist sa akin. Kasama ko siya ngayon habang busy ito sa pagtotour ng bawat sulok ng kompanya.
"This way Sir... Eto ho yung opisina ng papa niyo na magiging opisina niyo na rin. Napalitan na rin yung pangalan na nakalagay sa mesa which is pangalan niyo na ang nakasulat," wika nito habang ginagaya ako patungo sa aking opisina na siya namang sinusunod ko.
Malaki ang space ng aking office. Maganda at maaliwalas tingnan ang siyang opisina na iniwan ni papa para sa magiging pwesto ko.
So I can say, that I love this place. Pasado siya sa panlasa ko kaya wala akong masabi na negatibo.
"Alright... Pwede ka nang umalis," ani ko sa sekretarya na hindi siya tinitingnan sa mukha. I'm not even interested about her looks.
Kahit na hapit na hapit masyado ang kanyang kasuotan ay hindi ko ito pinuri.
Kaso nang sinabihan ko siya ay hindi pa rin umalis ang dalaga na animo'y may hinihintay pa siyang sasabihin ko.
Kaya agad ko siyang tiningnan sa mukha. Ang reaksyon ng kanyang itsura ay tila may pang-aakit ito.
"Ano pa ba ang hinihintay mo? I already told you that you can leave... At pwede ba, nasa kompanya ka, wala ka sa bar para magsuot ka ng ganyan... So tomorrow, make sure na maging maayos ang kasuotan mo," turan ko sa sekretarya na animo'y napabusangot siya sa aking sinabi.
Kung sana ay umalis na siya kanina pa ay hindi siya makakatanggap ng panenermon ko.
"Y-yes Sir. I will wear a formal dress. Sige po Sir... Just call me na lang po if you need something," malambing na sambit niya kahit sa kabila nito ay napahiya siya. Hindi na lamang ako sumagot pa, bagkus, sinenyasan ko na siya na lumabas na dali-dali niyang ginawa.
Gusto kong mapag-isa muna para matingnan ko ang bawat sulok ng opisina.
Honestly, it's really a good-looking. All in all are perfect.
Kaya pinili kong umupo na sa aking office chair para simulan ang trabaho.
Sabi ni papa ay marami siyang iniwan na mga papeles na hindi pa niya napipirmahan. Kaya isa-isa ko itong binasa dahil gusto kong makasiguro na magkakaroon ako ng kita rito. Pautakan lamang ang pagiging CEO. Kung ginagamit man ako ni papa, pwes, mas gagamitin ko ang posisyon ko para makakuha ng pera na dapat ay meron ako.
Sa pagbabasa ko ay nakita ko nga na meron akong dapat pirmahan. Kaya sa mismong oras na ito, ang mga papeles ang siyang inuna kong asikasuhin dahil baka naghihintay na ang ibang ka-sosyo namin sa negosyo. Hindi sila dapat pinaghihintay dahil baka mainip ang mga ito.
Masusi kong pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga papeles sa mesa. Pag-aaralan ko ang lahat nang ito. Talagang sinisigurado ko na walang sabotahe ang magaganap. Hindi lang yung mga pipirmahan ko ang aking binasa dahil maging mga papel na nakatago sa opisina ni papa ay aking binigyan ng pansin.
Kilala ko kasi si Alfred. Kapag alam niyang nasa tuktok na ako, gagawa siya ng paraan para lang sirain ako. At ayon ang hindi ko dapat hayaan na mangyari.
Dapat maunahan ko siya sa pwede niyang gawin.
Habang busy ako sa pagbabasa ay bigla ulit na pumasok ang aking sekretarya na animo'y may mahalaga siyang sasabihin. Kaya tinapunan ko ito nang tingin, kasabay nang pagsasalita niya.
"Sir, Ma'am Sashi Paloma is here," bigkas nito dahilan para kumunot ang noo ko.
Hindi ko kilala ang binabanggit niyang pangalan kaya nagpatuloy naman siya sa pagsasalita para hindi na ako magtanong pa.
"Siya ho yung kausap ng papa niyo dati tungkol sa paghahanap ng model. Kilala siya bilang manager sa showbiz. At the same time, meron din siyang kontrata under sa Company na ito," pahayag ng dalaga para maintindihan ko ang pinupunto niya.
Kung gano'n siya ang tinutukoy sa akin ni papa na makakausap ko ngayong umaga dahil inutusan niya pala ang beki na maghanap ng model.
"Sige, papasukin mo siya," pagbibigkas ko naman na agad niyang sinunod.
Importante nga't na makausap ko ang beki dahil masyadong mabilis lang din na tumakbo ang oras. Ayoko naman na mapahiya ako sa mga ka-sosyo na wala pa kaming model na mairerepresenta.
Inilapag ko ang mga papel na hawak ko para lang makausap ang sinasabi nitong Manager. Hindi ko pa kasi gaanong alam ang tungkol sa pinag-usapan nila ni papa at kung para saan ang model na ito. Ang tanging alam ko lang ay meron dapat kaming makuhang model. Pero marami kasing brand ang siyang lalabas kaya baka sa isang brand lang namin ito kailangan.
Sa pagpasok ni Sashi Paloma ay hindi ko maiisip na bakla ito. Dinaig niya pa ang babae sa kanyang kagandahan at kaseksihan, lalo na sa panonoot nito.
"Hi Mr. Fuentez, it nice to see you. Ang gwapo mo pala lalo sa personal. Parang kailan lang ay sa picture lang kita nakikita. Ngayon, kaharap na kita at kausap," pahayag niya na may kalandian sa boses.
Napangiwi ako ng labi dahil halata naman dito kung gaano siya napahanga sa kagwapuhan ko.
Hindi pa naman ako sanay na humarap sa mga taong lumiko ang landas.
"I don't want to waste my time... Sabihin mo na agad ang tungkol sa kailangan mo. At para saan ang pinag-usapan niyo ni papa noon?" bigkas ko na hindi maalis ang pagiging seryoso sa aking mata.
I need to be Professional when it comes to this matter. Kaya dapat gano'n din siya dahil nasa loob siya ng opisina ko.
"Okay Mr. Fuentez... Tungkol sa pinag-usapan namin ng papa mo, it's about having some endorser to your new brand. May mga bago kasi kayong produkto na ilalabas. So as manager ng mga girlalu na super magaganda, ako ang nilapitan ng papa mo. He told me na maghanap ako ng babae na babagay sa produkto niyo. Siya ang magiging model at face of your new launch product. At meron akong suggestion na babae. She's totally suits in any products that you will be launching. In tagalog, sa kahit anong produkto ay nababagay ang babaeng gusto kong kunin," paglilitanya nito.
"Yes meron ngang lalabas na produkto sa kompanya. And as soon as possible, I need the model. Pero nasaan ang babaeng tinutukoy mo? Papuntahin mo siya rito agad para makapirma ng kontrata," turan ko sa kanya na walang pasakalye sa pag-uusap.
Napakamot naman ito na tila may problema siya tungkol sa modelo na pinagmamalaki niya sa akin.
Kaya naningkit ang mata ko na tiningnan ang beki at hinihintay ko ang paliwanag niya.
"That's the problem Mr. Fuentez. Yung babae kasi na gusto kong kunin, ayaw pumayag eh... Napakaganda niya. She's really like an angel na para bang makita mo lang ay mapapa-wow ka," wika nito dahilan para magsalubong ang kilay ko.
"Kung ayaw ng babaeng nilapitan mo, then look for another woman. Hindi lang siya ang babae dito sa mundo para habol-habulin mo... I need a model asap. Huwag kang sumamba sa ayaw naman," bigkas ko upang iparating dito na ayoko ng maraming paligoy-ligoy.
"Pero Mr. Fuentez, siya lang talaga ang babae na pinagpala ng kagandahan sa mukha. Hindi nakakasawa ang ganda niya. And I bet, you will love this woman," wika niya na may kasama pang hand gesture.
"I don't care about that woman. Kung wala siyang interes, hindi rin ako interesado na kunin siya... Ang gusto ko ay meron ka na agad na makuha within this week. Dahil kung wala, ako na mismo ang tatapos ng pinag-usapan niyo ni papa. Your contract will be terminated," pagtatapos ko nang usapan.
Hindi na ito nakaimiki pa, sa halip ay tumango na lamang siya.
Kung si papa ay madali nilang mapakiusapan, pwes ako hindi.
CEO na ako ng kompanya, hindi dapat ako pinaghihintay. Ayoko pa naman sa lahat yung maraming dahilan. Madali akong mainip kapag gano'ng empleyado ang meron ako.
"Makakaasa kayo Mr. Fuentez, I'll try my best to---" I cut his words.
"Gawin mo na lang. Ayoko na puro pangako lang," bigkas ko at hindi ko na siya hinayaan na magsalita pa.
Nagkaroon tuloy ng katanungan sa isipan ko kung sino ba ang model na tinutukoy niya. At bakit ang kapal ng mukha nito na tanggihan ang Company ko na kinukuha siya bilang endorser.
Hindi niya ba alam na malaking pera ang nakapatong sa kanya sa konting pag-momodelo at harap niya sa camera.
Dapat nga na magpasalamat siya dahil yng oportunidad na mismo ang siyang lumalapit sa kanya.