CHAPTER 2

1872 Words
CHAPTER 2 ROSE POV: "Magandang gabi Tisay!" pagbati ng mga kalalakihan dito sa amin habang palabas ako sa squatter na lugar. Kahit sa ganitong lugar kami nakatira ay ipinagmamalaki ko ang barangay namin dahil samut-sari ang mga taong nandirito. Complete package na nga kung tawagin dahil merong mga chismosa, basagulera, lasinggera at marami pang iba. Pero kahit ganyan ang kanilang ugali, ni minsan ay hindi nila ako inaway. Bagkus, naging kaibigan ko pa ang mga ito. Palakaibigan kasi akong tao. Ayan ang turo sa akin ni mama na dapat lahat ng mga nandito ay pakisamahan ko nang maayos. "Maganda gabi rin sa inyo mga Tsong! Tagay na naman kayo ha? Ang mga bituka niyo n'yan, masusunog agad. Makakaharap niyo nang maaga si San Pedro," pagbibirong sambit ko sa kanila. Paano, bote ng alak agad ang siyang nasa lamesa nila na animo'y magsisipag-inuman na naman. Walang katapusan ang kanilang pag-iinom na tila ginawa na nilang vitamins ang alak. By the way, I am Rose Santilla, twenty-five na ako. At tisay ang tawag nila sa akin dahil sa kagandahang taglay na meron ako. Masyado raw kasi akong pinagpala ng Diyos na halos nasalo ko na ang pagiging maganda sa mundo. Single rin ako at wala pa akong plano na umibig. Para kasi sa akin, pamilya muna bago ang kalandian. Pero may trabaho akong pinagkakaabalahan. Isa akong call center girl at halos two years na akong nagtatrabaho na gano'n ang posisyon. Sa sobrang liit ng sweldo ko ay wala pa akong naiipon kahit piso. But still, nasisiyahan naman ako sa aking trabaho. Ayon nga lang, nakakaantok dahil ang duty ko ay tuwing gabi. Umuuwi lang ako nang maaga kaya sa umaga ay antok lagi ang sumasalubong sa akin. Sumakay na ako ng taxi dahil baka ma-late pa ako. Ayoko namang maranasan na malagyan ng late sa log book. "Good evening Rose. Buti naman dumating ka na. Two minutes na lang mag-uumpisa na ang trabaho natin," saad ng kaibigan ko na siyang katrabaho ko rin sa call center. "Oo nga eh. Nagmamadali talaga ako dahil ayoko naman na magkaroon ng red marks ang log book ko... Paano umupo na tayo para makapagsimula na," saad ko para umpisahan ang aking trabaho. Mahalaga sa aking ang bawat minuto kaya hindi ko talaga ito sinasayang at inaaksaya sa pakikipagchikahan. Pero kapag break time ko naman ay nakikipagkwentuhan ako sa aking mga katrabaho. Kagaya na lamang ngayon, matapos ang ilang oras na pag-upo ko at pakikipag-communicate sa mga tumatawag ay dumating din sa punto na kailangan ko na ring magpahinga muna saglit. Magkakape sana ako para hindi ako dalawin ng antok. Kaya lang, yung mga katrabaho ko, biglang lumapit sa akin para alukin ulit ako na maging model. Ewan ko ba sa kanila, halos gabi-gabi na nila akong pinagsasabihan na pumasok ako sa larangan ng pagmomodelo pero patuloy ko itong tinatanggihan dahil hindi ko naman hilig ito. "Rose, pumayag ka na kasi na maging model. Sayang ng ganda mo kung hindi mo pagkakaperahan," saad ni Bea habang sinusundot pa ang aking tagiliran. "Sapat na ang trabaho kong ito para matustusan ang pangangailangan namin sa bahay. Kaya hindi na ako papasok sa inaalok mo," wika ko sa babae. Ilang tao na rin ang pumilit sa akin, but my answer is always a big NO. "Pero--" Akma pa sana siyang magsasalita pero mabilis kong kinipot ang kanyang labi para matigil na ang kanyang bunganga. "Bea, limited lang ang oras natin sa break time. Pwede bang huwag mo na ako kulitin. Gutom na gutom pa naman ako," ani ko sa dalaga dahilan para tumango na lamang ito. Hindi naman siguro bawal ang tumanggi diba? Modeling is not for me. Marahil maganda nga ako at sexy ang katawan ko, pero hindi talaga modeling ang para sa akin. Natapos ang pagtatrabaho ko na pana'y pangungulit ng mga kasama ko ang aking natanggap. Marami kasing naghahanap ngayon ng model for their brand at ako ang siyang napili nila dahil nga't kakaiba raw ang aking karisma. Kung saan-saan at kung kani-kanino nakakarating ang pangalan ko kaya madalas ay sinasadya nila ako kausapin through my social media accounts. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong artista na hinahabol nila. "ATE! MAY NAGHAHANAP NA NAMAN SA'YO!" sigaw ng kapatid kong babae mula sa ibaba. Oo, panibagong araw na naman. And today is my day off. Kaya kasalukuyan ako ngayon na nagsusuklay ng buhok habang nakaharap sa maliit na salamin. Maalaga ako pagdating sa aking sarili. Hindi ko pinapabayaan ang kutis ko, lalo na ang malambot at mahaba kong buhok. That's why maraming nagsasabi sa akin na perfect woman na ako at nababagay ako maging isang model sa magazine. Pero alam ko naman na hindi ko 'yon kaya. Hindi pa ako gaanong confident kapag nakaharap sa camera. Nahihiya pa ako at kinakabahan kaya hindi ko pa magawang pumasok sa gano'ng trabaho. "Ate, bilisan mo na po. Naghihintay yung tao sayo!" muling bigkas ni bunso. Her name is Sheila. College student na siya kaya ako ang nagpapaaral sa kanya. Ako ang nagbabayad ng kanyang tuition para lang matuloy ang kursong kinukuha niya sa kolehiyo. Kaya kung ano-ano na ring work ang napasukan ko. At dahil na rin sa ganda ko ay natatanggap naman kaagad ako. Yung sweldo ko ang pinagkakasya ko sa gastusin sa bahay at sa pagpapagamot kay nanay. My mother have a breast cancer. Nasa stage 1 at patuloy siyang ginagamot. I know she can fight the cancer kaya hinding-hindi ako magsasawa at mapapagod na magtrabaho para rin mapagamot ang aking ina. Bumaba na ako para hindi na sumigaw pa ang kapatid ko. Wala rin akong ideya kung sino ang siyang naghahanap sa akin. Day-off ko ngayong araw kaya imposible naman na puntahan ako rito ngga katrabaho ko. Hindi naman siguro gano'n kakulit si Bea para habulin ako hanggang dito sa amin. Kaya talagang naintriga ako kung sino ba ang taong naghahanap sa akin sa labas ng aming bahay. Nang makababa ako ay mabilis akong sumilip sa mismong labasan para tingnan ang tao. Isang beki siya na may kasamang photographer na lalaki. "Sino ho kayo?" I asked the gay. "Oh, hi Ms. Rose Santilla, tama ba?" balik na bigkas nito nang banggitin niya ang aking pangalan. "Yes ako nga... Bakit niyo ako kilala at ano ho bang kailangan niyo?" pagtatanong ko muli sa magalang na pananalita. I don't even know them. Baguhan lang sila sa paningin ko. Pero base sa postura nila ay tila nasa maganda silang kompanya na nagtatrabaho. "I'm Sashi Paloma... Isa akong manager sa well-known Company here in the Philippines... Nandito ako dahil gusto sana kitang kunin bilang model. Si Ms. Bea ang nagrecommend sa akin tungkol sa'yo, yung katrabaho mo... And as I see right now, you have a perfect face, Ms. Rose. Aside kay Bea, marami ring nagturo sa akin na puntahan kita dahil talagang maganda ka. Kaya pwedeng-pwede kita na ipasok bilang endorser ng brand namin," pahayag niya bilang pagpapaliwanag sa akin ng kanyang pakay. Tiningnan ko naman nang maigi ang beking kaharap ko. Gusto kong usisain kung nagsasabi ba siya ng totoo. Baka mamaya ay isa pala siyang masamang tao na may maitim na balak. Sa panahon ngayon ay mahirap nang magtiwala pa. "I'm sorry. But I'm not interested. I also have work and I don't have time for it," saad ko rito. Hindi na sa akin bago ang mga beking lumalapit para lang kunin nila ako at alagaan. Ang mga katulad ko raw kasi ang kanilang hinahanap pagdating sa mga pageants o kung ano pa man na pwedeng pagkakitaan. At gaya nang sinabi ko kanina, hindi pa ako handa para humarap sa camera. Kaya kahit sino pa ang kumausap sa akin ay talagang salitang 'ayoko at hindi' ang naitutugon ko. "Pero Ms. Santilla, sayang naman kung palalagpasin mo ang ganitong oportunidad. Bihira lang ngayon ang mga ganitong blessing na biglang mapupunta sayo.... Why don't you give it a try?" pangungumbinsi niya. Bahagya akong ngumiti dahil kahit anong mabulaklak ang sabihin niya ay hindi pa rin ako papayag. Hindi ko tatanggapin ang alok nito. "Pasensya na ho talaga. Hindi po talaga ako interesado... Marami naman dyan na ibang babae. Siguro mas mabuti kung sila na lang ang kulitin niyo. Hindi ko pinangarap na pumasok sa modeling," I said again. Napabusangot naman ang mukha ng beki na tila disappointed siya na hindi niya nakuha ang sagot kong 'OO'. "Siguro nga't hindi ka pa handa sa ngayon. Pero hindi ako mawawalan ng pag-asa na magbabago ang desisyon mo Ms. Santilla... Ikaw ang kailangan namin at alam kong magiging kailangan mo rin ako... Tutulungan kita na mabago ang buhay mo... Besides, bagong CEO na ang nagpapatakbo ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. At alam mo ba, hindi siya matanda kundi isang poging binata na wala pang girlfriend... Malay mo, matipuhan ka niya diba? At magkadevelopan pa kayo," usal nito. Kahit saang topic na siya nakarating para lang pabaguhin ang takbo ng utak ko. Akala niya naman ay madadala niya ako sa poging new CEO. Hindi naman ako mahilig sa lalaki. "Kayo ho talaga. Nag-aaksaya lang po kayo ng oras na kausapin ako... Pagdating sa ganyang usapin lalo na sa pagrerelasyon at pagkakaroon ng chance sa sinasabi mong NEW CEO ay wala pa 'yan sa isip ko... Kaya please, sa ibang tao na lang kayo lumapit," wika ko muli upang paalisin na ang beki. "Sige kung 'yan ang pasya mo. Hindi muna kita kukulitin... But anyway sisteret, here is my calling card for in case of emergency na mag-change ang iyong mind," pahabol na saad niya kasabay nang paglahad nito ng maliit na card na kanyang tinutukoy. At para matapos na ang usapan at makaalis siya ay kinuha ko na lamang ito. Ayoko naman na maging bastos sa kanila. Hindi ko na sila nagawang ayain pa sa loob ng bahay dahil hindi ko talaga gusto ang kanilang ipinunta. "Bakit hindi niyo tinanggap ang modeling ate? Ayaw niyo po ba talaga na pumasok sa gano'ng trabaho? Kung ako kasing-ganda mo, kukunin ko agad ang trabaho na 'yon." Si Sheila na biglang sumulpot sa likuran ko na tila nakikinig pala sa usapan namin ng beki. "Ano ka ba. Pati ba naman ikaw ay ipagtutulakan mo ako sa modeling na 'yan? Eh hindi nga ako sanay... Ayokong sumuot ng mga revealing clothes. Bukod pa roon, kontento na ako sa trabaho ko bilang isang call center girl," proud na aking wika. "Ang tanong, kasya ba ate ang kinikita mo sa atin? Parang wala na nga pong natitira sa inyo na pera dahil masyadong karampot ang sweldo niyo sa ganyang trabaho. Hindi tulad ng pagiging modeling, mag-smile ka lang, magpoposing, eh malaking pera na agad. At may chance na makapasok ka pa sa showbiz. Yung makikilala ka bilang pinakamagandang model sa Pilipinas," mahabang litanya ng aking kapatid. Binatukan ko naman siya para hindi na ito mag-imagine pa nang kung ano. "Loka ka talaga. Ayaw ko nga... Kung gusto mo ikaw na lang magmodel," turan ko rito. "Ate naman, para kang engot. Hindi naman tayo magka-level ng ganda. Palibhasa, pinagpala ka at mahal ni Lord kaya inubos sayo ang kagandahan. Tapos yung napunta sa akin parang tiki-tiki lang," bigkas nito na ako pa ang sinisi kung bakit hindi siya gaanong maganda. But don't get me wrong, my sister is also beautiful. Sadyang humble lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD