Chapter 8
Jack's POV:
"Congratulations everyone! We are on top 1. Tayo ang pinaka-effective at famous pagdating sa mga brands na inilalabas natin. I'm so happy that we did it in just one week!" Masayang balita ko sa mga empleyado rito na siyang parte ng Kompanya.
Hindi ako naging malamig sa kanila ngayon. Bagkus, pinili ko na ipakita ang pagkakaroon ko ng mabuting ugali. Kahit papaano ay meron silang ambag sa akin, kaya't nanguna sa listahan ang pangalan ng company na pagmamay-ari mismo ni papa, na siyang magiging akin din pagdating ng tamang panahon. Kukunin ko rin ito kapag alam kong nasa tuktok na ako ng tagumpay.
Pero sino bang mag-aakala na sa loob ng isang linggo ko lamang bilang CEO, usap-usapan na kaagad ang aking kompanya. Halos lahat ng mga balita sa dyaryo at telebisyon ay nakakasama sa usapin ang mga brand na nilalabas namin.
Isa sa mga rason kung bakit ganito naging kaganda ang kinalabasan ay dahil natanggal ko na ang mga taong pana'y pagkakamali ang nagagawa sa kompanya. A people like them are not allowed here. I will not accept them as part of my family in my company.
Perfection is a must. A one mistake is a crime. Ganyan ang patakaran ko rito.
"So let's have a celebration tomorrow... Sa ngayon ay umuwi na kayo and have time to your family," usal ko sa kanila.
Maganda ang aking mood sa araw na ito kung kaya't walang paninigaw at panenermon ang siyang ginawa ko. Kaya ang mga empleyado ay nakahinga ng maluwag na animo'y nagustuhan nila ang aking ibinalita.
"Thank you Sir..."
"Maraming salamat Mr. Fuentez, congratulations to us!" Kanya-kanyang pagbati nila sa naging matagumpay namin.
Pero inilinga ko ang aking mata, nagbabakasakali na mahanap nito ang model na si Ms. Santilla.
She's one of the reason why this company bloom in a very fast time
Kaya lang hindi ko mahagilap ang dalaga. Wala rin si Sashi Paloma ngayon. Siguro ay magkasama ang dalawa.
Napailing na lamang ako dahil tila nagiging interesado na yata ako nang husto kay Ms. Santilla. Hindi naman ako ganito noon. Pero nang makita ang kagandahan niya ay hindi na iyon maalis sa isipan ko.
Gusto ko sana siyang makausap na kaming dalawa lang, just to know her more. Kaso yung aking pride ay hindi kaya na humarap sa kanya. Ayokong madistract ako nang dahil lang sa babae. Kaya pinipigilan ko ang aking sarili na huwag magkaroon ng paghanga o pagtingin kay Ms. Santilla.
At dahil nga't naging matagumpay ang kompanyang pinapatakbo ko ay siya namang pag-iral ng galit at inggit ng aking magaling na step brother. Hindi niya yata matanggap na nalalamangan ko na siya sapagkat hindi pa man nag-iisang buwan ay nangunguna na agad ang kompanya namin sa survey bilang most effective and most famous brand in the Philippines.
Pinag-igihan at pinagtuunan ko talaga nang pansin ang aking gampanin bilang CEO ng kompanya. Hindi ko hinayaan na bumagsak ito sa kamay ko. Kaya si papa, tuwang-tuwa nang malaman niya na umaangat lalo ang aming negosyo sa aking pamamalakad. Kaya hindi pwedeng bumagsak ako dahil kilala ko ang ugali ni papa, ayaw niya rin na biglang nasisira o nalulugi ang kompanya.
Ang ibang empleyado kanina ay natutuwa rin, pero ang ibang mga tao naman ay merong sama ng loob sa akin dahil mismo sa pagpapalayas ko sa kanila.
Pero wala naman akong pakialam sa iisipin ng mga 'yon, dahil para sa akin, negosyo lang ang mahalaga. Pera ang usapan dito kaya dapat lang na maging mahigpit ako.
"Congrats for the sucesss of our Company, my son. Hindi ako nagkamali na pinili kita na maging kapalit ko," sambit ni papa na siyang natuwa sa naging kinalabasan ng ratings.
Malayo na ang narating ng Kompanya. Dati ay nasa katamtaman lang ito nung siya pa ang nagpapatakbo. Ngayon ay higit pa sa langit ang natatamasa namin.
"Sinabi ko naman sa'yo papa. I can make the company better. Hindi lang nga naging better dahil naging best pa. Kung siguro sa iba niyo binigay ang posisyon ay tiyak akong lumagapak na ang Kompanya mo," ani ko bilang pagpaparinig sa kapatid ko na anak sa labas.
Gusto ko siyang insultuhin at maliitin dahil nararapat lang sa kanya na tapakan ang pagkatao. Masyado kasi siyang bobo sa mga bagay na ganito. Hindi kakayanin ng utak niya ang makipagkompetensya sa mga matatalino at madidiskarteng tao.
Ang kaya niya lang na maging kakompetensya ay walang iba kundi ako. Pero hindi niya ako magagawang hilahin pababa. Baka nga siya pa itong tirisin ko.
Nasa hapag-kainan kami habang nagcecelebrate ng aming tagumpay bilang Top 1 in the Business. Bukas ay doon naman ako tutungo sa Kompanya para sila naman ang bigyan ko ng konting saya. Ito yung ipinangako ko sa kanila kanina.
"Tsk. Naka-chamba ka lang. Hindi naman sa lahat ng oras ay nakadikit sa'yo ang tagumpay... Baka sa taas ng lipad mo ay bigla ka na lang mahulog at mangapa," bigkas ng aking step brother na talagang ayaw niyang tanggapin na nasasapawan ko siya.
Kahit kailan talaga ay ayaw nitong naaangatan ko siya. But he's too late. He can't do nothing.
"Son, huwag ka naman ganyan kay Jack. Dapat kayong dalawa ay nagkakasundo dahil kahit bali-baliktarin ang mundo ay magkapatid kayo, magkadugo pa rin kayo," sambit ni papa para alisin ang hidwaan sa pagitan namin.
Mapakla akong napatawa dahil wala akong panahon na magpatawad. Hindi uso sa akin ang salitang kapatawaran.
Natahimik tuloy kami at wala ni isa ang nagsalita. Saka lang nagkaroon ng ingay nang kunin ni papa ang magazine at tiningnan ang babaeng model ng Kompanya.
"Siya ba ito hijo? Yung endorser ng new brand natin?" tanong nito sa akin habang tinitingnan niya ang litrato ni Ms. Santilla.
"Yeah. Siya nga," tugon ko naman.
Naalala ko na naman tuloy ang unang beses na nagkita kami ng babaeng 'yan. If I'm not mistaken, siya yung babae na bumangga sa akin sa elevator. Siya rin yung babae na nagmamadali at hindi man lang humingi ng paumanhin. At nang hinabol ko siya ay hindi niya nakilala na ako ang CEO ng kompanya. Sa halip, she just gave me a handkerchief na akala niya ay meron akong ubo.
Kaya doon pa lamang ay nakuha niya na ang atensyon ko. But I can't deny the fact na naging paborito ko siya sapagkat hindi ko siya nagawang pagsalitaan ng masama.
And that was the last time na nagkita ang landas namin. We're both busy to each other. Nasa opisina lang ako. Samantalang siya ay busy sa pagpoposing dahil sa mga brands na minomodel niya.
Kaya hindi pa kaming dalawa nag-uusap. Hindi ko pa siya hinaharap dahil baka matulala lang ako sa ganda niya.
Aminado rin kasi ako na sobra akong tinamaan sa dalaga. Hindi dahil sa gusto ko siya, kundi dahil sa nagandahan nga ako sa pagmumukha nito. She's definitely a perfect woman.
"Talagang maganda kung pumili si Sashi Paloma... Nakuha niya ang babaeng nababagay sa Kompanya... Alagaan mo 'yang dalaga Jack, huwag mong papakawalan dahil baka kunin pa siya ng ibang Kompanya," wika ni papa.
"Kahit huwag niyong sabihin ay talaga namang hindi ko hahayaan na agawin siya ng iba," tugon ko kasabay nang pag-inom ko ng tubig.
Marahas naman na inagaw ni Alfred ang magazine sa kamay ni papa na tila gusto rin tingnan ang model.
Tila may balak siya na gustuhin ang babaeng nasa magazine.
"Kung gusto niyo papa, liligawan ko ang babae na ito para na rin maging parte ng pamilya natin.... Hindi naman malabo na magustuhan niya ako kapag nalaman niyang isa rin akong Fuentez," wika nito na tama nga ang naging takbo ng utak ko.
Ginagamit niya ang apelyido ni papa para lamang magmayabang.
"Rose is our model, kaya huwag mong sisirain ang imahe niya," turan ko kay Alfred na ngayon ay nawalan ako ng gana na kumain dahil sa desisyon nito na nagpainit ng aking ulo.
"So what Jack? Ayaw mo no'n, magiging sister-in-law mo siya kung magkataon. At least, nakatulong ako," pahayag ng aking step brother.
"Nakatulong? Sa tingin mo ba ay makakatulong sa atin ang iniisip mong 'yan? Masyado ka talagang makasarili Alfred, hindi mo iniisip yung babae... Sumisikat na siya kaya huwag mong sisirain ang buhay niya," saad ko muli.
I'm being concern to Ms. Rose right now.
"Masyado ka naman yatang concern sa babaeng 'yan. Bakit Jack? Do you like her?" tanong niya na nagpatigil sa akin.
Hindi ko siya masagot dahil hindi ko pa nga alam ang ugali ni Rose. Wala pa kaming interaction na dalawa. Pero ayoko na mapunta ang babae sa demonyo kong kapatid. Hindi siya mapagkakatiwalaan.
"Tumigil na nga kayo dahil nasa harap tayo ng pagkain... Kung saan-saan kasi napupunta ang usapan niyo kaya humahantong sa hindi pagkakaintindihan ang lahat," pagsasaway ni papa.
But instead na magpatuloy ako sa kinakain ko ay tumayo na ako dahil hindi ko kayang magtagal dito sa mansion na kasama si Alfred.
Kapag nakikita ko ang pagmumukha niya ay umuusbong lalo ang galit ko sa binata.
"Saan ka na pupunta anak?" tanong ni papa.
"Nawalan na ako ng gana papa. Pagsabihan mo na lang 'yan na magaling mong anak. Baka hindi ako makapagtimpi at patulan ko na siya," usal ko rito.
"Masyado ka namang apektado Jack sa sinabi ko... Babae lang naman 'yon. Gusto nga kitang tulungan pero tumatanggi ka... Pero kahit anong tanggi ang gawin mo at kahit anong pigil mo pa sa akin, lalo akong nauudyok na kilalanin si Rose," paglilitanya nito dahilan para umigting ang aking panga.
"Alfred, tumigil ka na." Si papa na biglang inawat ang paborito niyang anak.
"Subukan mo lang... Hindi ako magdadalawang-isip na patulan ka Alfred. Hindi laruan ang babae, kaya huwag mong guguluhin ang buhay ni Rose," huling sambit ko na may kasamang pagbabanta sa binata.
Wala akong pakialam kung marinig ito ni papa. Wala naman na naging ambag ang magaling niyang anak. Puro sakit lang sa ulo ang binibigay niya.
Pambabae lang ang alam nito sa buhay.