CHAPTER 9 (MASAMANG BALAK KAY ROSE)

2739 Words
CHAPTER 9 Rose POV: "SI ATE, SIKAT NA TALAGA! Sana all!" bigkas ng kapatid ko habang tumatalon-talon siya. Nagawa niya pang lumabas ng bahay para lang i-announce sa kapitbahay ang naging matagumpay ko. Halos lahat ng madadaan sa bawat sulok ng Manila at ibang lugar ay mukha ko ang siyang nakadikit. Maraming pa-billboards ang ginawa sa akin. "Sikat na ang ate ko! Sikat na siya mga kapitbahay!" muli nitong sigaw na animo'y gusto niyang ipagkalat kung gaano ako kagaling. She's my number one fan. Talagang todo support ang kapatid ko sa akin. Well, after the successful operation of my mother, ay pinili ko na ngang atupagin at bigyan ng oras ang pagmomodel. Pinili kong ilaan na rin dito ang atensyon ko para mabigyan ko ng magandang shot ang mga brands na minomodel ko. Sa una ay nahirapan ako. Aminado ako na hindi ako masyadong kagalingan pagdating sa pagpoposing. Nakakatuwa lang isipin at nakakataba ng puso dahil tripleng blessing at magandang balita ang dumating sa akin ngayong linggo. Unti-unti na kasi akong nakikilala. Halos lahat ng mga nadadaanan ko ay pinabillboard na ang aking pagmumukha dahilan para lahat ng nakakakilala sa akin ay nagpapapicture na kasama ako. Daig ko pa ang isang artista na pinagpipilahan. Kaya malaking pasasalamat talaga ang masasabi ko ngayon sa may-ari ng Kompanya. Because of the opportunity that they gave to me ay umabot ako sa ganitong posisyon. Kahit na sinasabi ng iba na masyadong magalitin si Mr. Fuentez ay hindi maipagkakaila na hindi siya kuripot pagdating sa sweldo. Ang laki nga ng binibigay niyang pera sa amin. He's really a professional person. Ayon nga lang ay nahihiya ako na makausap siya dahil last week ko lang din nalaman na siya pala yung binigyan ko ng panyo. Nakakahiya dahil napagkamalan ko pa siyang may sakit at kung ano-ano ang sinabi kong pangbaback-stab kay Mr. Fuentez, tapos siya rin pala iyon. Napapahamak ako ng sarili kong bunganga dahil sa kadaldan na aking tinataglay. Pero salamat naman sa Diyos dahil sa isang linggo ko na pagtatrabaho bilang model ay hindi pa ako nakita ni Mr. Fuentez. Wala yata siyang balak na tingnan man lang ang behind the scene photo shoot ko. And it's good dahil kung nandun siya ay tiyak na pagagalitan niya ako kapag nagkamali. Balita ko pa naman na below to the belt ito kung makapagsalita sa mga empleyado niya. At buti na lamang ay hindi niya ako nasesermonan pa. Sana lang ay makalimutan niya ang kahihiyan na nagawa ko noon nang first time kong makatapak dito sa kompanya. Dahil sa nalaman ng kapatid ko ang pagiging sikat ko ay nagsalo-salo kaming pamilya. We celebrate it in a simple way. Pero syempre, hindi naman ako nakakalimot sa dati kong buhay. That's why I also decided to give some foods to all neighbors. Sila pa naman ang umagap kay nanay nung sinugod ito sa hospital. I just can't believe it. Parang kailan lang ay nangangapa pa ako at palaging umaasa na sana ay matupad ang aking pangarap sa pamilya. At ngayon ay nangyari na nga. Nang matapos ang araw na kasama ko ang aking kapatid at si nanay ay tumungo na ako sa Kompanya. Today is another day. Nadatnan ko ang mga taong nagtatrabaho sa Kompanya na animo'y lahat sila ay malayang isinuot ang mga gusto nilang damit. Nagtataka ako kung anong meron at ganito na lamang sila kasaya na tila wala ng takot ang nabuo sa kanilang dibdib. Naisip ko tuloy na baka sinasaniban lang ang mga tao rito. Napahinto na lamang ako sa paglalakad nang sumulpot si Ma'am Sashi Paloma sa aking harapan. Nakangiti siya kasabay nang mahigpit niyang yakap sa akin. "Hindi ko na keribels itong nangyayari! I'm really happy for you, Rose. Halos ikaw na ngayon ang pantasya ng mga kalalakihan dahil sa ganda mo at sexy ng katawan mo," sambit ni Ma'am Sashi. I already know about it. Nakikita ko nga minsan sa social media na dinidikit nila ang mukha ko sa kanilang mga motor o kotse. Hindi ko alam kung paghanga ba talaga ang nararamdaman nila o sadyang pinag-iisipan nila ako ng masama. Anyway, nasanay na pala sa akin si Ma'am Sashi na tawagin ako sa aking pangalan dahil close na rin daw naman kami. At okay na 'yon sa akin dahil masyadong pormal kung tatawagin niya pa akong Ms. Santilla. "Grabe ka naman sa pantasya Ma'am Sashi, ang laswa pakinggan. Feeling ko, inaakit ko ang mga lalaki," ani ko sa beki. "Just kidding... Pero alam mo naman ang mga kalalakihan for this generation right? Masyadong madudumi ang mga utak nila. Kaya hindi mo alam kung ano ang tinatakbo ng kanilang isipan," saad nito which is true naman. Hindi namin hawak ang mga isip ng lalaki kaya yung pagmomodel ko at mga litrato ko sa magazines at billboard ay hindi ko alam kung idol ba talaga nila ako o keme-keme lang. Sa magazines at billboard kasi ay tanging naka-two piece o bra ang suot ko, depende sa minomodel ko na brand ang aking suot. Pero sabi nga ni Ma'am Sashi, huwag kong iisipin ang negatibo at kailangan ko lang muna magfocus sa positibo. At ang positibong bagay na nakatulong sa akin ay nakakaahon na kami nila nanay sa kahirapan. "Anyway, be ready for the new photo shoot later," bigkas niya dahilan para magtaka ako. "Later Ma'am? Akala ko po ba ngayon mismo na oras ang photo shoot ko," saad ko naman. "Mamaya na lang natin gawin 'yon hija, dahil ang balita ko ay papunta na rito si Mr. Fuentez para magcelebrate din tayo na mga empleyado at parte ng Kompanya," sabi nito hudyat para kumabog nang mabilis ang aking puso. Eto na yata ang pinakahihintay ko. Ang magkita ulit kami ng personal pero kinakabahan ako dahil baka maalala niya ako. I am so dead today. Sana lang ay nakalimutan niya na 'yon dahil kung hindi, baka matodas ako kapag pinahiya niya ako sa harapan ng maraming tao. "Ba't parang namutla ka yata Rose? Is there something wrong ba?" pagtatanong ni beki. "Ah ano kasi, wala naman po. E-excited lang gano'n," tugon ko habang napapakamot sa aking batok. "Akala ko pa naman kung napano ka na... Just wait me here ha? Magreretouch lang ako," sambit na paalam ni Ma'am Sashi Paloma na animo'y pinaghahandaan niya na makita si Mr. Fuentez. Samantalang ako ay nakaupo at hindi mapakali ang aking binti. Bilang isang model ay masyado nang bonggahan ang suot ko. Hindi na ito yung simpleng tshirt o pants. Bagkus, naka-strap ako na dress. Dahil may curve ang aking body ay bakas dito ang pagiging sexy ko. Hindi naman maalis ang tingin ng lalaki na nasa dulo na kanina ko pa nakikita na nakatitig sa akin. Naiilang tuloy ako dahil hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may kakaiba itong balak. Yung lalaking 'yon ay merong share kuno sa Kompanya na mismong ka-partner din ni Mr. Fuentez sa pagpapatakbo ng negosyo. Kaya ayoko naman na pagsabihan ito dahil baka mabaliktad lamang ako kapag nagkataon. Napaiwas na lamang ako nang tingin nung masilayan ko ang pagdila nito na para matakot ako. Agad tuloy akong napatayo at akmang lalabas ng office para tumungo rin sa comfort room. Sa pagmamadali ko dahil sa aking takot ay may nabangga na naman ako. And this time ay wala na akong kawala pa dahil yung taong nakabangga ko ay si... Mr. Fuentez. Ang makapal niyang kilay ay halos magkasalubong na tila pinipigilan nito na sermonan ako. "S-sorry ho. H-hindi ko sinasadya. Pasensya na sa pagiging lampa ko. Naiihi na po kasi eh," sambit ko kahit na nakakahiya ang aking palusot. Jusko inday! Bakit ganitong paliwanag pa ang binigkas ko. Nakakabawas yata ito ng ganda. "So you are Ms. Rose Santilla? Hindi ako magkakamali na ikaw yung model ng kompanya ko?" wika niya na may seryosong boses. Malapitan naming natitigan ang aming mukha. Ngayon ko lang napagtanto na ang gwapo niya nga sa personal kaya masyado akong nadidistract sa kanyang itsura. I don't know what to say. Tila nabingi ako sa tanong niya kaya hindi ako makasagot. Instead, napatitig ako sa mukha ni Mr. Fuentez. Para ko na ring nakalimutan yung tingin ng lalaki sa akin kanina at naibsan ang takot dahil sa paghaharap namin ng CEO ng kompanya. "Wala ka bang balak man lang na sagutin ang tanong ko Ms. Santilla? Hindi ba dapat ay ginagalang at nirerespeto mo ako... But since, ngayon lang tayo nagkausap ay palalagpasin ko ang ginawa mong ito... I know that this is the second time na nabangga mo ako," pahayag niya upang ipaalala sa akin ang unang beses na meron akong nabangga na lalaki. And as far as I remember, ay isang beses lang nangyari na meron akong nabangga. So it means siya rin 'yon? Oh s**t! Ang akala ko ay yung panyo lang ang naging kahihiyan ko. Pati pala sa elevator, siya itong nabunggo ko. Patay talaga ako neto! Hindi nga sya ulyanin dahil naalala niya pa 'yon. Pero buti na lang talaga at hindi niya ako gaanong pinahiya. "S-sorry Mr. Fuentez... N-nagmamadali kasi ako nang araw na 'yon. And you know, hinahabol ko kasi that time yung kontrata kaya masyado akong kabayo kung kumilos. Napabilis ang takbo ko, tapos hindi ko na namalayan yung mga tao sa paligid ko. Pasensya na ho talaga," paghihingi ko pa rin ng tawad. "You don't need to say sorry. It's okay. Past is past... Ang mabuti pa ay umihi ka na dahil magsisimula na ang celebrasyon," turan nito na daig niya pa ang isang Maginoo kung makapagsalita. Ang akala ko pa naman ay ubod ng kasungitan si Mr. Fuentez? Pero bakit ganito siya sa akin? Bakit parang ang bait niya yata? "Sige ho," mahinang saad ko na lamang. Nagmadali na akong pumunta ng comfort room. Hindi naman talaga ako naiihi pero sige na nga lang. I need to apply some lipstick on my lips dahil tila namutla ako nang makausap ko si Mr. Fuentez. Gano'n pala ang pakiramdam kapag harapan mo na siyang nakita't nakausap. Hindi naman nagtagal ay bumalik na ako sa venue. Si Ma'am Sashi Paloma ay naroon na rin at hinihintay pala ako. Kaso wala ng ibang pwesto kundi ang upuan na nasa tabi ni Mr. Fuentez. Ayoko sanang tumabi sa kanya dahil nahihiya ako o baka gawan pa ng issue ang pagtabi ko sa binata. But Mr. Fuentez winked at me, kasabay nang pag-nguso niya na nagpapahiwatig na doon ako umupo sa katabi ng upuan niya. Pilit naman akong ngumiti at walang ano-ano ay lumapit ako sa lalaki. "I am not a monster, Ms. Santilla. Bakit parang takot na takot ka yata sa akin? Hindi naman ako nangangangat, pero marunong akong kumain," bulong nito sa aking tenga na nagpaangat ng balbon ko sa braso. "H-huh?" nauutal kong bigkas. Parang ang dumi yata ng iniisip ko sa salitang marunong siyang kumain. Pero dahil merong pagkain sa mesa ay pinakita niya nga kung paano niya kainin ang nakahanda roon. "That's what I mean, Ms. Santilla... Marunong ako kumain ng pagkain. But I don't eat a woman like you dahil hindi naman ako aswang, kaya wala kang dapat na ikatakot sa akin," usal niya kung kaya't napalunok naman ako ng laway. Diyos ko! Nakakatameme naman pala itong si Mr. Fuentez. Mukhang ako pa ang mawawala sa sarili ng dahil sa kanya. Kahit na masyadong malamig sa Kompanya ay para akong naiinitan dahil pinagpapawisan ako habang katabi ang CEO. Pero kahit papaano ay nakilala namin ang kabutihang side ni Mr. Fuentez. Pag-oras lang siya ng trabaho seryoso at strikto. Pero pagdating sa mga okasyon ay lumalabas din ang pagka-pilyo niya. This day, isang sa salo-salo nga ang ginanap mismo rito sa Company. Cinongratulate namin ang bawat isa dahil naging maganda ang takbo ng negosyo. Labis naman ang tuwa sa aking dibdib lalo na nang marinig ko rin mismo na binanggit niya ang aking pangalan sa pasasalamat. I feel so special today. At the same, I feel so lucky. After the celebration ay pinag-igihan ko ng lubos ang aking trabaho. Kaya lang nang matapos ang ilang araw ay hindi pa rin ako tinantanan nung lalaking nakatitig sa akin nang mangyari ang celebrasyon. Halos nakikita ko siyang sinusundan ako ng tingin na halos ay hubaran niya na ako gamit ang kanyang mata. Kagaya na lamang sa mga oras na ito, nagkasabay kami sa elevator na sumakay. Alam kong hindi ito aksidente dahil tila hinintay niya talaga ang pagdating ko. Parang gusto ko na kaagad na lumabas ng elevator pero pinili ko na maging matapang. Katabi ko siya ngayon at walang paligoy-ligoy na may binulong siya sa akin. "Do you want to have some fun? Join with tomorrow, Ms. Santilla," pagbubulong niya na halos magdikit na ang labi nito sa aking leeg. "No thanks. Hindi ako mahilig sumaya at sumama sa lalaki," diretsang saad ko para matigil na ito. Wala akong oras sa mga ganyang bagay, lalo na kapag usapang katawan na ang nakataya. Ang manyakis niya masyado. Hindi siya marunong rumespeto ng babae. "Ms. Santilla, sayang naman ng offer ko sa'yo... Just have some fun with me, kikita ka kaagad ng malaking dolyar sa akin," pahayag niya ulit na akala mo ay kaya niyang bilhin ang katawan at dignidad ko. "I just said NO. Hindi ba malinaw sa'yo? O baka naman gusto mong makarating kay Mr. Fuentez ang pambabastos na salita mo sa akin?" pananakot ko sana para masindak siya. But he just laugh on me. "Sa tingin mo ba ay paniniwalaan ka niya Ms. Santilla? I have a share here in his company. Kaya masasayang lamang ang pagsusumbong mo. Baka ikaw itong baliktarin ko... Total halata naman sa'yo na gagawin ang lahat, magkapera lang," ani niya na ikinainit ng aking ulo. I was about to slap him, pero bumukas na ang elevator kaya hindi ko na ito naituloy pa. Pinili kong kalimutan ang pambabastos na ginawa ng taong 'yon sa akin dahil naisip ko na baka makasira nga ito ng imahe at trabaho ko. Mahirap pa naman kalabanin ang isang mayaman na katulad niya. And two days had passed, akala ko wala nang mangyayari pa na pambabastos sa akin. Dahil hindi na bumalik ang taong 'yon at hindi ko na siya nakita sa loob ng dalawang araw sa kompanya. But I was wrong. Dahil sa pag-uwi ko ay may isang tao ang siyang nag-abang sa akin pauwi. Hindi ako agad nakahingi ng saklolo dahil nagawa niya akong takutin gamit ang talim na hawak niya. Nakatutok ito sa aking tagiliran. Ang sabi niya ay huwag akong sisigaw kaya ayon ang aking ginawa. Sumunod ako sa gusto niyang mangyari para lang hindi ako masaktan at mapatay. Pero nang makalayo-layo na sa mga tao ay wala pasakalye niya akong tinakpan ng panyo para mawalan ng malay. Nagising na lamang ako na may humahaplos sa binti ko. Na tila may masamang balak nga sa akin. Sa sobrang gulat ay napasigaw na ako. Pero walang makakarinig sa sigaw ko dahil yung lalaki at ako lamang ang siyang tao. Ang lalaking ito ay yung taong may malalim na pagnanasa sa akin. Unti-unti niya akong hinahalikan sa legs at dinidilaan na animo'y hayok na hayok siya na matikman ako at makuha ang p********e ko. Kaya kahit nakagapos ang aking kamay at paa ay hindi ako nagpatalo at pinilit kong lumaban at makawala para lang hindi matuloy ang kanyang binabalak. Habang hinahalikan niya ako ay inaalis ko ang gapos sa aking kamay. Hindi naman ito gaanong nakatali ng mahigpit kaya madali kong mapakawalan ang aking sarili. Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang bote ng wine na iniinom niya at malakas kong ipukpok ito sa kanyang ulo. Nang makita kong nakatulog na ito ay mabilis kong inalis ng tuluyan ang gapos sa aking paa. Dito ko lamang napagtanto na punit-punit na ang aking damit. Tanging saklolo ang sinisigaw ko pero walang nakakarinig sa akin. Tila sumabay pa ang malakas na ulan dahilan para maging basang sisiw ako dahil dito. But still, patuloy akong humihingi ng tulong at nagbabakasakali ako na may dumaan na kotse. Nagawa ko na kasing matunton ang kalsada. At sa pagdadasal ko ay meron ngang sasakyan ang dumaan dito at walang takot na hinarang ito para huminto. Napahagulgol na ako ng iyak dahil buong buhay ko ay ngayon lamang ito sa akin nangyari. Bumaba naman ang isang binata sa kotse na may kakaibang tingin sa mata. Sa mata niya pa lang ay nakilala ko kaagad na si Mr. Fuentez ito. But at this moment, mukhang bad mood yata ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD