CHAPTER 10 (THE BIG ASTRONOMICAL)

1006 Words
CHAPTER 10 JACK POV: "I NEED THE REPORT RIGHT NOW, pero wala ka pang nagawa?!" paninigaw ko sa aking sekretarya sa mismong pagmumukha niya. I can't even control my emotion dahil talagang nakakataas ng dugo ang katamaran na ginawa ng new secretary na hinired ko last week after we celebrate the success of my Company. Sa sobrang bilis na tumakbo ang oras ay mabilis din na lumipas ang mga araw. Kaya heto ako at naging seryoso muli. Itinuon ko ulit ang aking sarili at atensyon sa pagtatrabaho sa Kompanya. Nalalapit na rin kasi ang pagbubukas ng isang Kompanya sa kabila at base sa aking resources ay gusto niyang kunin lahat ng mga ka-sosyo ko sa ibang bansa. And that's the reason kung bakit kailangan kong magpursige dahil ayokong masapawan ang kompanya na ito. "I have a meeting tomorrow in Canada. And I need this f*****g sheet, pero hindi mo pinaghusayan ang trabaho mo," muli kong sambit. Ngayon sana ako aalis para tumungo ng Canada, kaso sinira ng babaeng ito ang araw ko. Galit ang aking mukha habang tinatapon sa babae ang mga papel na aking hawak. Hiyang-hiya naman ang dalaga kasabay nang takot na bumalot sa kanya dahil sa panenermon na natanggap niya mula sa akin. Dapat lang siya mahiya dahil malaking pera ang pinapasweldo ko pero kapalpakan at pagiging tamad ang pinakita niya. Sa unang araw niya sa trabaho ay naging okay naman ang kilos niya. But now, ilang beses nang mali ang mga reports na binigay niya na tila hindi siya natututo. "YOU'RE FIRED." madiin na sambit ko bilang patuloy sa sinabi. Pangalawang beses ko na itong nasabi kaya sanay na rin akong magbigkas ng ganitong salita. "H-ho? P-pero Sir Jack, kakasimula ko pa lang po last week," ani niya na halos mamuo ang luha sa mata niya. "Anong gusto mong gawin ko? Patawarin kita sa ginawa mo? You knew that I hate giving a second chance. Sinabi ko na sayo ito noong hinire kita... So leave," saad ko kasabay nang pagturo ko ng pinto para lumabas siya. Pinaka-ayaw ko talaga sa mga tao ay yung tatamad-tamad at walang alam sa buhay kundi ang magsorry. Kailan man ay hindi ako nakukumbinsi ng salitang 'sorry na iyan' Dahil na rin sa kahihiyan ay tumalikod na ang dalaga at lumabas ng kompanya. Napahilot na lamang ako ng sintindo dahil sa nakakaasar na pangyayari na naranasan ko ngayon. Ang kinalabasan ay ako na naman tuloy ang gagawa ng report. Hindi ako pwedeng umurong sa meeting na magaganap bukas sa Canada. Malaking kliyente rin 'yon at malaking business ang meron siya sa Canada kaya dapat lang na siputin ko siya. Ikinalma ko muna ang sarili bago ako umalis ng opisina. Hindi ako dapat magpadala sa init ng ulo dahil baka wala akong magawa na reports. Gabi na rin nang makalabas ako ng Kompanya. Ngayon ko lang nalaman na masyadong maulan pala sa labas at isama mo pa na merong kidlat ito. Sumakay na ako ng kotse dahil kailangan kong pumunta muna ng hotel para doon muna magpalipas ng gabi. Kapag sa mansion ako dumiretso ay tiyak na hindi ako makakapag-focus dahil nando'n ang magaling kong kapatid na si Alfred. Sa pagda-drive ko ay hindi ko sinasadya na may isang babae na muntik nang mahagip ng sasakyan ko. Masyadong madulas kasi ang kalsada kaya hindi agad ako nakapagpreno, pero buti na lamang at hindi ko napuruhan ang babae. I can't recognize the face of that woman dahil natatakpan ito ng kanyang buhok. Pero yung damit niya ay halos punit-punit na tila may masamang nangyari sa dalaga. Agad akong bumaba at pinili kong pairalin ang kainisan ko dahil sa pagiging tanga niya. Gusto niya yatang mangdamay ng ibang tao. "M-Mr. Fuentez, t-tulungan niyo ho ako," utal-utal niyang sambit. Her voice was so familiar. Parang nakikilala ko siya. Tinitigan kong mabuti ang hugis ng katawan niya at yung height nito, kasabay nang pagtingin ko sa mukha niya na natatakpan pa rin ng buhok. "Ms. Santilla?" bigkas ko sa pangalan niya. Humagulgol naman siya kaakibat ang paglapit nito sa akin. Hinawakan niya ang aking palad habang nagmamakaawa na tulungan ko siya. "I n-need your help Mr. Fuentez. M-may gusto sa akin na gumahasa... N-natatakot ako," saad niya sa kalagitnaan nang pag-iyak niya. Kung minamalas ka nga naman ay meron ka pang problemang natanggap na hindi ko naman dapat na problemahin. "Sa pulis ka humingi ng tulong, hindi sa akin... Marami pa akong gagawin. May meeting pa ako bukas sa Canada kaya nagmamadali ako," ani ko sa dalaga. "Pero kailangan ko ho ng tulong niyo Mr. Fuentez... Makakaya ba ng konsensya na hindi ako tulungan? I am the model of your Company. Makakasira rin sa kompanya niyo kung sasabihin ko sa lahat na tinangka akong gahasain ng ka-sosyo niyo sa kompanya," wika niya hudyat para magulat ako sa sinabi nito. I don't know what to say. Hindi naman sa ayoko siyang tulungan, pero dahil sa binanggit niya ang salitang ka-sosyo, nagkaroon nang katanungan ang utak ko, kung sinong ka-sosyo ang gumawa nito sa kanya. I was about to ask her again, kaya lang isang malakas na pagkidlat at pagtunog ng kulog ang siyang narinig namin ni Ms. Santilla. Kakaibang kidlat ito kaya dito natuon ang tingin naming dalawa ng babae. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kidlat sa tanan ng aking buhay. Matalino ako pero hindi ko matukoy kung anong klaseng kidlat ito. "Pumasok ka na sa kotse baka kung ano pang mangyari sa atin dito. We'll just talk about it later," ani ko kay Rose para sana papasukin na ang dalaga sa aking sasakyan. Tumango naman siya at natigil siya sa pag-iyak. Pero hindi namin inaasahan na yung malakas na kidlat na 'yon ay tatama mismo sa pwesto namin hanggang sa makarating ito sa aming dalawa ni Rose. Tila nakuryenta kami sa isat-isa dahilan para yung katawan namin ay makaramdam ng kakaiba. Hindi ko na rin alam ang sumunod na nangyari. Hindi ko na alam kung sino ang tumulong sa amin dahil sa oras na 'yon ay nawalan kami pareho ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD