KABANATA VIII: PANAGINIP

1150 Words
Dalawang gabi nalang ang kanilang ilalagi bago sila bumalik sa siyadad, naubos na ang kanilang pagkain, kaya naisipan nilang mamalengke kahit malayo. Sinamahan ni Jenill ang tita ni April sa palengkeng may kalayuan. Naiwan ang apat na nasa kalagitnaan pa ng kanilang himbing sa pagkakatulog na pati ata ang kanilang butas ng pwet ay humihilik na rin. Naging maayos naman na rin ang lagay ni April matapos niyang mailahad ang buong pangyayari sa mga kaibigan. Unti-unti na ring bumalik ang kanyang sigla dahil nangungulit na sya ng mga sumunod na oras kagabi. Habang tinatahak nila ang Jenill ang daan palabas ng kanilang bahay ay may narinig siyang tumawag ng kanyang pangalan. Tinig ito ng isang babae. Hindi niya na ito pinansin sa pag-aakalang pinagtitripan nanaman siya ng mga barkada. Biglang bumigat ang pakiramdam ni Jenill, parang may nakaakbay sa kanya ngunit wala naman silang kasamang iba ng tita ni April. Agad na napansin ng tita ni April na parang bumagal ang lakad ni Jenill at parang namumutla ito. Kaya agad silang huminto sa ilalalim ng isang malaking puno dahil baka pagod lang si Jenill sa kanilang paglalakad. Ngunit kakaiba na ang kanyang pakiramdam sa paligid. Pakiramdam niya may kasama silang nilalang na hindi nila nakikita. Kinuha ng tita ni April ang isang langis sa kanyang pitaka at ipinahid sa namumutlang si Jenill. Ipinapahid ito upang layuan sila ng anumang klaseng element, ngunit hindi ito magtatagal, ang bisa nito ay tatagal ng labing-walong oras lamang. Unti-unti na ngang bumalik ang sigla ni Jenill at pinagpatuloy nila ang paglalakad hanggang sa marating na nila ang kinaroroonan ng kanilang sasakyan. Habang binabagtas ng dalawa ang daan patungong palengke ay madaming tanong ang bumabalot sa isipan ni Jenill ngunit nahihiya siyang magtanong sa tita ni April. Sa bahay nila Jenill, nagising na nga ang mga magkakaibigan at agad nilang hinanap ang dalawa nilang kasama. “Guys nakita nakita niyo ba sina Jenill at tita ni April?” paghahanap ni Owen. “Ah, nagpaalam sa akin kanina si Tita, mamamalengke daw sila ni Jenill dahil ubos na daw ang mga pagkain na dala natin.” Tugon ni April “Laro nalang tayo guys. Wala naman nang magawa ee” pagyayaya ni Wawie “GAME!” pagpayag nilang lahat. Habang tinatahak nila Jenill ang daan pauwe ay naglakas-loob na syang magtanong sa tita ni April ng mga katanungang kanina pa umiikot sa kanyang isipan. “Hmm, tita pwede po bang magtanong?” pagbabasag sa katahimikan ni Jenill sa loob ng sasakyan. “Ano un?” sagot ng tita ni April “Saan niyo po natutuhan ang mga panggagamot na ginagawa niyo sa amin?” tanong ni Jenill “Ah yun ba, laki kasi akong probinsya. Manggagamot ang aking mga lola at lolo doon. Napapanood ko ang kanilang ginagawa at mahilig din akong magpakwento tungkol sa mga kakaibang nilalang. Nang namatay ang aking mga lola at lolo ay pinasa nila sa akin ang kapangyarihan nila sa panggagamot ngunit hindi ko ito tinuloy dahil napadpad ako sa siyudad para maghanap ng trabaho.” Paliwanag ng tita ni April Nadatnan nila Jenill ang na nagkakatuwaan ang mga kaibigan kaya sumali si Jenill at nagpanukala ng parusa na lalagyan ng uling sa mukha ang matatalo sa kanilang laro. Nang mapuno na nang uling ang mukha ni Wawie ay biglang napatakbo sa kwarto si April at umiiyak. Agad siyang sinundan ng mga kasama at pinakalma. Naalala kasi ni April ang itsura ng kapre sa mukha ni Wawie na puno nang uling. Ganun na ganun kasi ang itsura ng nag-anyong Mang Paeng. “Sorry April, di ko sinasadya.” Paghinging paumanhin ni Jenill. Kinagabihan, maagang natulog ang lahat, pareho pa rin ang mga magkakasama sa kwarto. Sa kalagitnaan ng hatinggabi ay sumigaw si Jenill habang natutulog na syang ikinagulat ng kanyang katabing si Joshua. Para siyang nangingisay at hindi maintindihan ang itsura ng kanyang mukha. Sa sobrang takot ay agad niyag ginising ang iba nilang kasama dahil hindi niya din alam ang kanyang gagawin. Agad nilang ginising ang si Jenill ngunit hindi nila ito magising kaya naisip ng tita ni Jenill ang ginagawa ng kanyang lola sa mga taong binabangungot. “Kumuha kayo ng kutsilyo sa baba. Bilis!” utos ng tita ni April at agad na tinalima ni Wawie. --Panaginip ni Jenill— Ako’y napadpad sa isang hardin na puno ng magaganda at mahalimuyak na mga bulaklak. May nakita siyang akong magandang babae sa hardin. Siguro sya ang tagapangalaga ng lugar na ito. Nilapitan ko sya ngunit habang ako ay papalapit sa kanya sya naman ay lumalayo sa akin. Ninais kong makuha ang kanyang atensyon kaya tinawag ko sya. Pagharap niya isang babaeng may matatalas na ngipin, nanlilisik ang mga mata, at may mahabang dila. Sa sobrang takot ko ay napatakbo ako bigla ngunit naabutan niya ako dahil sobrang bilis niya tumakbo. Ang babae kanina ay nagmistulang kalahating kabayo at kalahating babae na may sungay sa noo. Ikinulong niya ako sa isang kulungan na ang rehas ay gawa sa mga matitibay na rattan na kung pipiliting sirain ay maaaring ikaputol ng anumang parte ng iyong katawan. Sigaw nalang ang tangi kong nagawa ngunit ang aking lakas ay malapit ng maubos ngunit tila wala pa ring nakaririnig sa aking hinaing. --Dulo ng Panaginip— “Kung sino ka mang element ka lisanin mo ngayon din ang katawan ni Jenill kung ayaw mong tuluyan nang lumisan ng pangmatagalan” ani ng tita ni April nang kinuha niya ang kutsilyo kay Wawie at winasawis ito sa kama kung saan natutulog si Jenill. Ilang saglit pa lamang ay kumalma na ang pagtulog ni Jenill at agad nila itong ginising. Pawis na pawis si Jenill nang imulat niya ang kanyang mga mata at nagtataka sya kung bakit pinalilibutan siya ng mga kasama. Ikwinento niya ang tangi niyang naaalala sa kanyang panaginip. Ang kalahating kabayo at kalahating babaeng nakatatakot ang itsura na may sungay sa noo. Hindi na nagtaka ang tita ni April sa kwento ni Jenill. Nasundan nga sila ng Anggitay. Ang nilalang na narinig ng kausap ni Jenill sa telepono. Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan ay pumapasok ito sa panaginip ng kanyang biktima. Habang nagpapakita siya sa panaginip ay dinadaganan niya ang kanyang hanggang sa ito ay hindi na makahinga at tuluyan nang mamatay. “Pre alam mo ba para kang ginagahasa ng madaming babae, grabe ka makaungol.” Pagbibiro ni Wawie “Manahimik ka nga dyan Wawie, ikaw kaya bangungutin dyan. Iwanan ka naming ditto sa bahay mag-isa” paninita ni April kay Wawie. “Grabe ka naman sa ginagahasa ng mga babae Wawie, hindi lang mga babae, pati na rin mga bakla.” Panggagatong ni Joshua sa banat ni Wawie “Isa kappa dyan Joshua” sita ni April. “Bukas na bukas oorasyunan ko na itong bahay na ito para hindi na gambalain pa ng kung anong mga element ang mga titra dito” singit ng tita ni April.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD