Patuloy pa rin ang pagkabalisa ni April nang sumunod na araw na siyang ikinabahala nang kanyang mga kasama. Hindi sanay ang lahat sa inaasal ni April. Kaya kinutuban na sila sa pinanggalingan ni April dahil hindi naman siya naligo sa ilog sa halip ay naglibot-libot nalang ito nang hindi nila namamalayan.
Hindi na sila lumabas para pumasyal pa na siya namang bilin ng tita ni April dahil baka kung anong element pa ang sumama sa kanina pag-uwi. Minabuti nalang nilang maglaro ng dala nilang baraha para malibang habang nagpapalipas ng oras.
Nang umakyat si Jenill para may kuhaning gamit sa kanilang kwarto ay narinig niyang may humihikbing babae. Akala niya ito yung sumusunod sa kanya ngunit nang silipin niya ang kabilang kwarto ay nakita niya ang kaibigan niyang si April na nakaupo sa sahig at umiiyak.
Agad-agad niyang tinatawag ang kanyang kaibigan para pakalmahin ang kaibigan. Lahat sila ay labis ang pag-aalala kay April. Hinintay nilang kumalma ito saka nila ito hinayaang magkwento.
APRIL POV
Ewan ko ba sa mga trip ng kaibigan ko, kung anong maisip yun nalang ang gagawin. Kaya mag-iikot nalang ako dito sa malapit mabilis naman akong makatanda ng lugar ee kaya hindi ako mawawala.
“Si Mang Paeng ba yun?” Tanong ko sa akong sarili
Agad ko siyang tinawag at nilapitan ko si Mang Paeng. Crush ko kasi si Mang Paeng. Una ko palang siyang nakita ay nabighani na ako sa taglay niyang kakisigan, mapupungay na mga mata, matatangos na ilong, at mapupulang mga labi. Tila anghel na binagsak sa langit.
Hindi nga ako nagkamali, si Mang Paeng nga. Hindi ako nito pinansin, hindi siguro ako naalala. Sinundan ko lang kung saan siya tutungo hanggang sa makarating kami sa isang magandang bahay, tila isang palasyo.
Nagtaka ako dahil ibang iba ito sa bahay na pinagdalhan sa amin ni Mang Paeng. Madaming tanim na bulaklak, madaming puno, at madaming ibong nagsisiliparan. Malaparaiso kung titignan ang labas ng kanilang bahay ngunit ang nakapagtataka wala silang mga kapit-bahay.
Pinasok ko ang pintuan nang walang paalam, nakita ko sa loob si Mang Paeng. Iba na ang suot nito at tila nakapormal na. Labis kong ikinamangha ang loob ng malapalasyong-bahay dahil nababalutan ito ng ginto.
Pinaupo ako ni Mang Paeng sa silyang ginto at hinainan ng isang pagkain na ngayon ko lang natikman at isang inumin na hindi pamilyar ang lasa ngunit masarap, mas masarap pa sa mga mamahaling alak na nainom ko na.
Tila nahipnotismo ako dahil lahat ng sabihin niya ay wala akong magawa kundi sundin. Lahat ng kanyang naisin ay aking gagawin. Ginawa niya akong nobya sa sandaling panahon.
Parang ang bilis ng oras sa kanilang lugar, nakapagpalipas na ako ng gabi kasama siya. Wala naman siyang ginawang masama sa akin. Naging payapa ang gabi naming magkasama.
Kinaumagahan, sa aking pagmulat, hindi na si Mang Paeng ang aking katabi sa kama kundi isang matangkad na lalaki, kulot ang mga buhok, sarat ang mga ilong, at maitim ang mga balat. Hindi pangkaraniwan ang kanyang tangkad.
Sa sobra kong pagkagulat ay napasigaw ako na siya namang gumising sa kanya. Napaiyak na lamang ako sa isang tabi dahil sa takot. Nabawasan ang pagiging kalmado ko nang makita kong kumpleto pa ang aking suot.
Agad akong tumakbo palabras ng silid ngunit agad niyang nahawakan ang aking kamay. Tinanong niya kung saan ako pupunta, naiyak ko nalang ako at sinabing babalik na ako sa aking mga kaibigan.
Hindi na daw maaari iyon dahil simula nang araw na iyon ay ako na raw ang magiging reyna ng kanilang kaharian, magiging asawa niya ito, at pamamahalan ang kanilang lugar.
Wala akong magawa dahil walang wala ang aking lakas kumpara sa lakas ng lalaki sa aking harapan kaya umisip muna ako ng paraan kung paano mauutakan at matatakasan ang matangkad na lalaking maitim na kumulong sa akin sa gawa-gawang kastilyo.
Matapos kaming mananghalian ay nagpaalam akong magiikot-ikot sa lugar at hiniling kong ako na lamang mag-isa. Naramdaman niya ang aking balak kaya kinulong niya ako sa isang silid na madilim bilang parusa sa aking pagtatangka.
Nang dalhan niya ako ng makakain ay may isang paru-parong nakasunod sa kanya. Hindi rin siya nagtagal sa aking silid at agad niya itong nilisan. Naiwan ang paro-paro at walang ano-ano’y nagpalit ito ng anyo. Isang magandang diwata.
Tutulungan daw niya ako sa aking pagtakas, nagsagawa kami ng plano na patulugin ng mahimbing ang lalaki pagsapit nang gabi at doon isasagawa ang aking pagtakas. Nang makatulog na ang lalaki sa aking tabi ay binudburan ng gayumang pampahimbing ng tulo ang diwata ang lalaki sa aking tabi. Kailangan daw nito para hindi raw niya maramdaman ang aking pag-alis.
At nagtagumpay nga ako sa aking planong pagtakas, kahit madilim ang paligid ay binigyan ng buwan ng liwanag ang aking daraanan. Lakad-takbo ang aking ginawa, mabuti na lamang ay kabisado kopa ang daanan pabalik kaya nakabalik ako sa inyo. Akala ko iniwan niyo na ako dahil nakalipas na ang dalawang araw bago ako bumalik.
End of April POV
“Grabe pala nangyari sayo, ano bang naisipan mo at di ka nagpaalam na mag-iikot ka. Edi sana sinamahan ka namin” tanong ni Owen
Hindi na nakaimik si April sa tanong nang kaibigan, todo ang kaba nito habang ikinukwento ang nangyari sa kanya. Halos manginig siya sa takot nang magbalik sa kanyang ala-ala ang itsura ng inakala niyang si Mang Paeng.
Pinakalma muna ng tita ni April ang sitwasyon at sinabing “Ang lalaking iyong nilalarawan ay tinatawag na KAPRE. Nagkakatawang tao sila na kawangis ng malapit sa atin para makuha ang loob natin at madala sa kanilang kaharian at gawing asawa. Natipuhan ng Kapre ang iyong angking kagandahan kaya nabighani ito at ginawa ang lahat ng paraan para makuha nito ang loob mo.”
“Kaya pala. Balisang balisa si April. May nangyari pala sa kanya nang hindi man lang natin nalalaman.” Ani ni Jenill
“Buti hindi ka nasundan nun April. May asawa kana pala hindi mo sinasabi sa amin. HAHHAAAHAHA” Pabirong tugon ni Wawie
“Hoy! Ano kaba. Nakapre na nga si April tinawanan mo pa.” paninita ni Owen
“Hindi biro ang pinagdaan ni April sa kamay ng Kapre. Kaya hindi magandang gawing katatawanan ang mga ganoong bagay. Hindi natin alam kung sino sa atin ang susunod na gagambalain ng mga lamang lupa.” Paalala ng tita ni April sa magkakaibigan.
“Nako, matigil naman na sana itong kababalaghan na ito. Hindi na siya nakakatuwa.” Ani ni Joshua