Napagdesisyunan ng tita ni April na bago sila umalis bukas sa tahanan nila Jenill sa probinsya ay maging ligtas at kaaya-aya ito sa mga susunod na dadalaw at titira rito.
Inihanda na niya ang kanyang mga gagamitin sa orasyon na kanyang gagawin sa loob at paligid ng bahay upang ang sinomang titira o dadalaw rito ay hindi na muli gagambalain hanggat nabubuhay ang taong nag-orasyon dito.
Pinakuha niya ang mga magkakaibigan ng mga halamang gagamitin niya sa tinitirhan ni Mang Paeng. Binigay ng tita ni April ang listahan na kukunin ng magkakaibigan alam na raw ni Mang Paeng ito. Hindi niya na ito pinaliwanag kung ano ang gamit nito
“Kailangan kumpleto ang mga halaman na inyong kukunin dahil anumang kulang sa sangkap ng orasyon ay magkakaroon ito ng kakaibang epekto na hindi ko alam kung mabuti o masama ang maidudulot sa atin” paalala ng tita ni April sa magkakaibigan.
“Ipahid niyo rin itong langis na ito sa inyong katawan kung sa gayon ay hindi kayo masusundan o malalapitan ng anumang uri ng nilalang na hindi nakikita.” Bilin ng tita ni April sabay abot ng isang bote na may lamang langis.
Agad nila itong ipinahid sa kanilang katawan at sabay-sabay tinungo ang daan sa kinororoonan ng bahay ni Mang Paeng. Naglakad sila nang walang pag-aalinlangan dahil malakas ang tiwala nila sa binigay na proteksyon sa kanila.
Init at pagod ang kanilang naging kalaban sa pagtahak sa bahay ni Mang Paeng dahil kasagsagan ng katirikan ni Haring Araw sila pumunta at ito ay may kalayuan sa bahay na kanilang tinutuluyan at nakalimutan din nila magdala ng tubig na papahid sa kanilang pagod at uhaw sa paglalakad.
Nang marating nila ang kinororoonan ng tahanan ni Mang Paeng na siyang kinagulat ng mama ay pinatuloy sila nito at sinabi ang kanilang sadya sa kanilang pagpunta.
“Mang Paeng, maaari po ba kami makahingi ng halamang gagamitin sa orasyon. Madami po kasing nangyaring kakaiba na ngayon lang naming naranasan.” Pangunguna ni Wawie.
“Oo nga po, tulad na lamang po ng gumaya sa inyong wangis pero ang totoo kapre pala. Dinala niya ako sa lugar at gagawin daw akong asawa. Iwwwww he’s so pangit and n***o. Buti sana kung ikaw talaga yun edi sana hindi na ako umalis sa bahay nun” dagdag ni April na siyang nagpatawa sa lahat.
“Ang harot mo talaga April. Ako naman po Mang Paeng mayroon din pong mga duwendeng nagtago ng gamit ko sa aming bahay buti nalang po hindi namin sila pinansin kaya nilabas din nila.” Pagkukwento ni Owen
“Sa akin naman po, nasundan daw po ako ng Anggitay ba tawag dun? Yung kalahating kabayo, kahating babae. Pumasok pa yun sa panaginip ko kaya muntik na akong bangungutin buti nalang naagapan ng mga kasama ko.” Singit ni Jenill.
“Madami kasi talagang insidente ng mga kinukwento niyo sa lugar naming. Hinihintay ko na nga lang kayo magkwento ee kaya nagtaka ako nang umalis kayo ng bahay ng walang nababanggit na mga ganun. Mabuti nga at walang napahamak sa inyo ee kasi iyong ibang bisita rito at mga baguhan ay halos hindi na nakakabalik ng buhay o kung mayroon man ay may sakit na sila sa pag-iisip na dala ng mga elementong iyon. Mabait naman sila, huwag lang sila magagambala dahil oras na magalaw niyo sila o matipuhan nila kayo hinding hindi na kayo makababalik pa. Kaya nga nagtatanim ako ng mga halamang gamot dahil ito nalang ang maitutulong ko sa mga taong nakaranas ng hagupit ng mga lamang lupa.” Paliwanag ni Mang Paeng
Isa isa na ngang kinuha ni Mang Paeng mga halamang gamot na kailangan ng mga magkakaibigan na gagamitin ng tita ni April sa kanyang gagawing orasyon sa loob at paligid ng bahay.
Nang makabalik si Mang Paeng galing sa kanyang taniman na inisa isa na nila ang mga halamang gamot na kanilang kailangan dahil ang bilin ng tita ni April na dapat kumpleto ang kanilang dadalhin dahil kung may kulang man ay hindi magiging matagumpay ang gagawing orasyon.
“Maraming salamat Mang Paeng, malaking tulong po ang mga halamang gamot na ito sa amin. Mauuna na po kami, kailangan na po kasi naming madala agad ang mga ito.” Pagpapaalam ni Jenill
“Maraming salamat sa inyong pagtitiwala sa akin. Naway magtagumpay kayo sa inyong isasagawang orasyon. Mag-ingat kayo sa inyong paglalakbay. Paalam mga Ginoo at binibini. Hanggang sa muli nating pagkikita.” Tugon ni Mang Paeng.
“Paalam po Mang Paeng” paalam ng mga magkakaibigan
“Paalam baby Paeng. Babalikan kita diyan soon.” Pabirong banat ni April na syang nagpahagalpak sa tawa ng lahat.
Ilang oras pa ay narating na nila ang bahay nila Jenill at iniabot nila ang mga halaman na nakuha nila sa bahay ni Mang Paeng.
Kinolekta ito ng tita ni April, pinagsama sama at isinalang sa malaking kawa na may lamang tubig. Hinintay itong kumulo at isinalin sa malaking garapon.
Pinayuhan na huwag nang panoorin ng mga magkakaibigan ang gagawing orasyon ng tita ni April dahil baka baka distorbo at makagulo sila sa daloy ng dasal. Ang mga babanggitin na dasal ng tita ni April ay sagrado at sila lang na manggagamot ang nakakaalam nito.
“Kinikilabutan ako mga pre sa ginagawa ng tita ni April.” Ani ni Wawie
“Ako din naman medyo natatakot din sa magiging kalalabasan ng orasyon pero nagtitiwala naman ako sa kakayahan ng tita ni April.” Banggit ni Jenill.
Nang matapos nang dasalan ang orasyon ay isinaboy na ito ng tita ni April sa loob at sa paligid ng bahay at nakasisigurado siya na hindi na muli manggagambala ang mga elementong sumunod sa kanila sa mga susunod na titira sa bahay na kanilang tinitirhan.
Matapos ang orasyon ay agad niyang tinawag ang mga kasama para sabihin na tagumpay ang orasyong kanyang ginawa. Kaya nakahinga na sila nang maluwag.
Bukas nang umaga ang balik nila sa siyudad kaya matapos nilang maghapunan ay inayos na nila ang kanilang mga gamit at natulog na nang wala nang iniisip pang kung ano.