Habang papasok ng eskwelahan ay hindi mawala sa isip ni Rania ang tanong na 'hahanapin ba siya ni Samson' at 'pupuntahan ba siya nito'.
Umaasa kasi talaga si Rania na hahanapin at pupuntahan siya ng binata. Kahit walang kasiguraduhan umaasa pa rin siya.
Wala naman kasing masama sa umasa hindi ba? It's not like she will die if she hopes.
Iniling ni Rania ang kaniyang ulo ng makapasok na siya sa loob ng silid aralan niya.
Inilabas ni Rania ang libro para sa asignatura niya ngayong araw at itinuloy ang pag-aaral na natigil kagabi dahil sa kaiisip niya sa mga bagay-bagay.
Kailangan niyang mag-aral ng mabuti at makapagtapos. Para kung sa gayon man na hanapin siya ni Samson ay may mukha siyang maihaharap rito kapag nagkita na silang muli.
"Magandang umaga Rania!" Masayang bati sa kaniya ng mga kapwa mag-aaral niya na pumasok sa loob ng silid
Ngiti lang ang isinagot ni Rania sa kanila at nagpatuloy na sa pag-aaral.
Hindi kasi siya gaanong nakikihalubilo sa mga kaklase niya. Maghihintay muna siya na ang mga ito ang mauunang mag a-approach sa kaniya. Isa pa matanda siya ng dalawang taon sa mga ito. Kaya mas pinipili niya nalang ang huwag masyadong makihalubilo sa mga ito.
Hindi naman sa bumabase siya sa edad ngunit iniiwas niya lang ang sarili sa kumplikasyon at gulo na alam niyang hindi magdudulot ng maganda.
--
"Are you really going to see that woman after everything?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amabelle kay Samson.
"Don't stop me, Belle." Iyon lang ang isinagot ni Samson sa kaibigan.
Naiirita namang nagmaktol si Amabelle sa isinagot sa kaniya ng kaibigan.
"I thought you are all over her, Samson. Ano itong ginagawa mo ngayon?" Naiiritang tanong ni Amabelle. Habang tumatagal kasi hindi na niya naiintindihan ang kaibigan.
Hindi niya matukoy kung ano ba talaga ang pakay ng kaibigan. Naguguluhan at nalilito siya. Hindi rin naman nag-aabala si Samson na ipaliwanag sa kaniya ang lahat. And it frustrate her that she doesn't know what's going on.
"Trust me on this, Belle. I know what I am doing." Sumuko nalang si Amabelle at hinayaan na ang kaibigan. Wala din naman siyang magagawa.
"Fine! But I'm coming with you." Matigas na saad ni Amabelle at nauna ng lumabas ng mansyon. Kailangan niya kasing sumama para mabantayan ang kaibigan. Baka kung mapaano na naman ito. Mabuti na iyong nandun siya para maagapan niya ang maaaring mangyari.
Samson's parents are counting on her and she won't let them down again.
As soon as she step inside the car. Amabelle can't stop thinking about Zachariah.
How is he doing now? Will he be surprise if he sees me? Am I ready to see him again?
Ilan lang ang mga tanong na iyon ang tumatakbo sa utak ni Amabelle. Nabalik lang siya sa huwisyo niya ng tumabi sa kaniya si Samson at nagsimula ng umandar ang sasakyan.
"You ok?" Tanong ni Samson kay Amabelle na tango lang ang isinagot ng huli.
Hindi na umusisa pa si Samson at nanahimik nalang din.
He will gonna see Rania again. After three long years he will definitely see her again.
Hinanda at inayos ni Samson ang sarili ng makapasok na sila sa main gate ng subdivision kung saan nakatirik ang mansyon ng mga Asidera.
At nang tumigil ang sasakyan sa harap mismo ng mansyon ay agad na bumaba si Samson at pumasok sa loob. Naramdaman niya ang pagsunod ni Amabelle sa kaniya. Halata sa aura ng kaibigan na kinakabahan at balisa ito. Ngunit hindi nalang ito sinita ni Samson.
Looks like his bestfriend are having a cold feet.
Binati siya ng mga katulong ng nasa may main door na sila. Even yaya Merling was there greeting him with a wide smile.
"Welcome back, Master." Sabay-sabay na bati ng mga ito sa kaniya.
Tango lang ang itinugon ni Samson at tuluyan ng pumasok sa loob.
And as soon as he get inside. Walang nagbago sa paningin niya. Kung ano ang itsura ng mansyon ng umalis siya ganun pa rin ang itsura nito ng makabalik na siya.
"So, you're finally back." Nabaling ang paningin ni Samson sa ikalawang palapag ng mansyon kung saan nakatayo ang kaibigang si Zachariah.
Kumunot ang noo ni Samson pagkakita ni Gonzales.
That's impossible! What was he doing here?
"What are you doing here?" Hindi napigilan ni Samson na tanungin ang kaibigan ng makababa ito mula sa itaas.
"What do you think bro?" May kakaibang ngiti sa mga labi ni Zachariah ng maupo siya sa sofa at nakatitig sa matalik niyang kaibigan na tahimik lang sa tabi niya.
Kumuyom naman ang kamay ni Samson.
What was that suppose to mean?
"Where's Rania?" Direktang tanong ni Samson.
"Why? What do you want from my wife?" Lahat sila tila nagulat sa sinabi ni Zach.
Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamay ni Samson dahil doon.
Wife?! That's why he's here?
Samson gritted his teeth. Handa ng sugurin ni Samson si Zachariah ng bigla itong tumawa at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Pfft! You should have seen your face man. Priceless! Very priceless! I was just kidding." Natatawang saad ni Zachariah. "Come here, man. Welcome back!" At niyakap ni Zach sandali si Samson tsaka sinuntok ng mahina ang balikat nito.
"Tarantado ka pa rin ano?" Hindi maikakaila ang pagkairita sa boses ni Samson ng makipag-usap kay Zach.
Nagkibit balikat si Zach. "That's my nature." Pagmamalaki pa nito.
Napailing nalang si Samson at nabaling ang tingin kay Amabelle na kanina pa tahimik at nakatitig lang kay Zachariah.
Pasimpleng siniko ni Samson ang kaibigan at natataranta naman itong tumingin sa kaniya.
"What?" Mahina ang boses nito.
Sumenyas si Samson at itinuro si Zachariah.
Napangiti nalang si Samson ng tumikhim muna ang kaibigan bago hinarap si Zach.
"Hey." Panimula ni Amabelle. "How are you?" Ramdam ni Samson ang kaba sa boses ng kaibigan.
"I'm good." Kaswal na sagot ni Zach sa huli. Pagkatapos ay inaya na sila ni Zach na umupo na ginawa naman nila.
"So where is she?" Tanong muli ni Samson ng makaupo na sila.
"She's not around for the mean time." Naguluhan naman si Samson sa isinagot ng kaibigan.
"What time will she gonna be home?" Usisa ni Samson.
Nagkibit balikat si Zachariah sa tanong ni Samon.
"Don't know. Maybe next month. Next year. Who knows." Parang balewalang sagot ni Zach sa kaniya.
"What do you mean?" Gustong linawin ni Samson ang sagot ng kaibigan.
"Wala siya dito. Mahigit dalawang taon na siyang hindi umuuwi dito sa mansyon nila. No one knows where she's at now." Of course that's a lie. Zachariah definitely know where Rania is. Gusto niya lang pahirapan ang kaibigan ng konti.
"What?! And you let this happen?!" Galit na tanong ni Samson.
All this time he thought Rania was fine. And now he found out that she's nowhere to be found? He's furious.
Mabilis na tumayo si Samson. "I need to do something. I'll leave you two here alone." Pagkatapos sabihin ni Samson iyon ay nagmadali na siyang lumabas ng mansyon at tinawagan ang taong makakatulong sa kaniya.