Chapter 1

1038 Words
The well-known tycoon, Samson Gabe Yu is back in the Philipines. Medias are going crazy for his arrival. "Oh bakit mo pinatay ang TV Rania?" Tanong ni Zachariah kay Rania ng bigla nalang pinatay ang TV. "Wala lang. Bakit aangal ka?" Sagot ni Rania na ikinailing lang ng ulo ni Zach. "Aakyat na muna ako Zach. Magre-review pa ako para sa exam ko sa susunod na araw. Huwag kang magulo." Ani ni Rania at iniwan siya doon sa sala. Hindi umangal si Zach at hinayaan ang dalaga. Alam niyang seryoso at pursigido si Rania sa pag-aaral para makapasa ito at makagraduate. Kaya imbes na kulitin ang dalaga ay napagpasyahan niya nalang na buksan muli ang TV. Gusto niyang panoorin ang pagdating ng kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita. Ilang taon na nga ba ang lumipas ng umalis ito? Magta-tatlong taon na at ngayon pa lang nito naisipang umuwi. Isang sarkastikong ngisi ang lumitaw sa mga labi ni Zach. Hindi alam ni Zach kung ano ang magiging plano ni Samson ngayon na nakauwi na ito. Hindi na din kasi sila nakakapag-usap dahil abala ito masyado sa China at hindi naman din niya ipinilit na makipagkomunikasyon pa dito. Wala na rin siyang komunikasyon sa nobya magmula ng sumunod ito kay Samson. Bigla nalang siya nitong blinock na hindi niya alam ang dahilan. Hindi na rin naman siya nag-aksaya ng panahon na kausapin ang nobya. Wala naman kasi siyang ginawang kasalanan kaya bakit siya pa ang maghahabol? Ni hindi niya nga alam kubg may nagawa ba siya na ikinagalit nito. Pero balewala na iyon sa kaniya ngayon. Sa loob ng dalawang taon nasanay na siyang wala ito sa tabi niya. Hindi niya din alam kung mahal pa ba niya si Amabelle o hindi. Hindi na kasi niya pinagtutuunan talaga ng pansin ang bagay na iyon. Sa nakalipas na taon tanging si Rania lang ang nakakasama niya. Abala siya sa pagpapatakbo ng negosyo nila habang si Rania naman ay abala sa pag-aaral. Kung tutuusin nga para na silang magkapatid dalawa. Well, he see Rania as his younger sister that he never have. Sa dalawang taon na nakakasama niya si Rania ay nakilala niya ang totoong ugali nito. Taliwas sa mga pananaw niya noon. And he won't let someone mistreat Rania or anything. He will protect Rania like what most older brother do to their younger sisters. Hindi alam ni Zach kung ano ang tinatakbo ng isip ni Samson. Kaya gagawin niya ang lahat maprotektahan lang si Rania. Pagkapasok ni Rania sa kaniyang kwarto ay hindi niya mapigilang mapabuntong hinga. Dinahilan niya nalang kay Zach na magre-review siya pero ang totoo ay hindi naman. Iniiwasan niya lang na mapag-usapan nila si Samson. What now? Naitanong niya sa sarili. Ngayong nakabalik na si Samson, ano na ang mangyayari? Umaasa si Rania na tutuparin pa rin ni Samson ang pangako nito sa kaniya na babalikan siya nito. Na siya ang unang pupuntahan nito pagnakabalik na ito. Umaasa ang puso niya na hanggang ngayon ay mahal pa rin siya ni Samson. Kahit na ba magtatatlong taon na ang lumipas magmula ng umalis ang binata. Hindi man sigurado si Rania pero umaasa pa rin siya. Ang kailangan niya lang gawin ay maghintay. Hihintayin niya kung kailan siya pupuntahan ni Samson. Ganun na nga ang gagawin niya. Naglakad siya patungo sa kama niya at umupo sa gilid nito. Kinuha niya ang laptop niya at binuksan ang isang video file na kung saan paulit-ulit niyang pinapanood sa loob ng tatlong taon. Nang magsimula na ang video ay hindi mapigilan ni Rania ang mapaluha. ~~ I love you sweetheart. I can't wait for you to become my wife. I'll wait no matter how long it takes sweetheart. Happy 17th Birthday my Rania. Enjoy your day. Mwahh ~~ The Samson on the video said as it ended. Pinahid ni Rania ang mga luha na namalisbis sa kaniyang pisngi. Ilang beses na ba siyang humiling na sana maibalik niya ang mga oras? Maraming beses na. Kahit na alam niyang kahit gaano pa kadaming dasal pa ang gawin niya hinding-hindi na maibabalik ang lahat ng oras na nasayang dahil sa kaniya. Nang umalis si Samson at nagpuntang China pinili ni Rania ang lisanin ang mansyon at manirahan ng simple sa isang probinsya. Sa tulong ni Zachariah ay nakahanap siya ng maayos na matitirhan sa Bukidnon. Sa loob ng dalawang taon na paninirahan niya sa Bukidnon ay walang kahit sinong kakilala niya na bukod kay Zach ang nakakaalam kung nasaan siya. Hindi naman siya nag-sisisi na nilisan niya ang mansyon dahil natuto siyang tumayo sa mga sarili niyang paa. Natuto siyang gumawa ng mga gawaing bahay na dati ay hindi naman niya ginagawa. Natuto siyang gumamit ng mga hindi mamahaling bagay. Natuto siyang maging simple at marunong na siyang magpahalaga sa mga maliit na bagay na natatanggap niya. She can now see how beautiful life is that she failed to see before. And she's grateful for this chance to see life in brighter perspectives. She won't act with impulse again. And as much as she can she will cherish everyday that God will give him, everything she receives and she wont repeat the same mistake she made before. Natuto na siya. And she learned a lot from that mistake. Kaya pipilitin niyang huwag ng maulit iyon. Mas palalawakin niya pa ang isip niya at hinding-hindi na siya mag-a-assume o magko-conclude pa. Sana nga hindi pa huli ang lahat sa kaniya. Sana may pag-asa pa rin na magkatuluyan sila ni Samson. Sana. -- "So what are your plans now Samson?" Tanong ni Amabelle kay Samson. Nakasakay sila sa kotse ni Amabelle pauwi sa Villa Nia. Nalingon ni Samson ang matalik na kaibigan. "My plans?" Si Samson na may namumuong kakaibang ngiti sa mga labi. "I will get what is mine, Amabelle. Let me rephrase that. I will claim it. And if anyone will get in my way will be crushed." Sagot ni Samson. Napakunot noo naman si Amabelle. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Samson. But whatever it is. She will support him all the way. Ibinaling muli ni Samson ang paningin sa labas ng bintana. Babawiin niya ang dapat na sa kaniya. And no one can stop him from doing so. No one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD