Tahimik lang na nakikinig si Rania sa professor nila habang ang iba ay abala sa pakikipag-usap sa mga katabi ng mga ito.
Napapailing nalang si Rania ng paminsan-minsan na tumitingin ang prof. nila sa mga kaklase niya. Gusto niyang sitahin ang mga ito ngunit pinili niya nalang ang tumahimik.
Ayaw niyang masabihan ng pakialamera o mapapel. She have done that before and it brought her no good.
Nang matapos ang klase ay agad na lumabas si Rania para makauwi na siya ng maaga. Sabado na bukas at dadalawin na naman siya ni Zachariah. Aasarin at guguluhin na naman siya nito. Pero ayos lang naman sa kaniya iyon.
Nagpapasalamat pa nga siya at dinadalaw siya nito kahit malayo. Tapos ang dami pa nitong dala sa tuwing dumadalaw ito.
He was spoiling her and Rania likes it so much. Zachariah was the brother she never have and she's very thankful for him that he choose to stay by her side.
Sa lahat ng mga nagawa niya noon inaasahan na niyang walang dadamay o tatanggap pa sa kaniya. Pero nagkamali siya.
Sa kamamadali niya ay hindi napansin ni Rania ang taong mababangga niya. Huli na para umiwas pa siya at nagkabungguan silang dalawa.
Nalaglag ang mga dalang gamit ni Rania ni hindi man lang tinitingnan kung sino ang nabangga niya.
"Pasensya na." Paghingi niya ng paumanhin at nagmamadaling pinulot ang mga gamit sa sahig.
Nang matapos na si Rania ay nagtuloy-tuloy na siya sa paglakad.
"Wait." Napatigil si Rania sa paglalakad ngunit hindi siya lumingon.
"You forgot your pen." Ani nito dahilan para mapalingon siya.
Ganun nalang ang panlalaki ng mata ni Rania ng mapagsino ito.
Mabilis ang hakbang ni Rania para kunin ang ballpen niya.
"Thank you." Nagpasalamat si Rania sa lalaki at tuluyan na siyang umalis na walang lingong-likod na ginawa.
--
Pagkarating sa bahay niya ay agad na naglinis si Rania sa buong bahay. Nakakahiya naman kasi kay Zachariah kung abuntan nito ang bahay niya na magulo.
Hindi naman sa hindi siya naglilinis. Araw-araw pa nga niyang ginagawa iyon eh. Ayaw lang kasi ni Rania na may maipintas sa kaniya si Zachariah kaya naglilinis siya.
At kapag nagbalik na naman si Zachariah siguradong dadagsain na naman ng mga tao ang bahay niya. Particularly, ng mga babae.
Sa ilang beses na pabalik-balik si Zachariah da lugar ay naging popular na ito sa mga babae. Hindi rin naman maikakaila ni Rania na gwapo si Zachariah. Bulag lang ang hindi makakakita sa kagwapuhang taglay nito. Kaya minsan ay inaasar niya ito.
Natutuwa kasi siyang kapag naaasar na ito at napipikon. Sobrang nakakatuwa kasi ang reaksyon ni Zach sa tuwing inaasar ni Rania.
Nang matapos sa paglilinis ay nagpahinga sandali si Rania bago maligo at magbihis. Kumain siya at pagkatapos ay natulog.
--
"Iba ang ngiti natin ngayon Vent ah." Puna ng isa sa mga kaibigan ni Vent ng makapasok ito sa dorm nila.
Mapaglarong ngiti lang ang isinagot ni Vent sa mga katropa at dumiretso sa kama niya.
"Aba nga naman! Ngayon ko lang nakita si Vent na ngumingiti ng ganito. Ano kayang meron?" Usisa ni Rex na isa din sa mga kaibigan ni Vent.
"Ano dre? May maganda bang nangyari sayo ngayong araw?" Tanong ni Rabby.
"May binigay na naman siguro sa kaniya si Mayor. Binilhan kana naman ba ng bagong sasakyan bro?" Si Albert na tumigil sa paggigitara niya.
Umiling lang si Vent at hinayaan ang mga kaibigan na isipin ang gusto nilang isipin.
Hindi mawala-wala sa isipan niya ang imahe ng babaeng nakabangga niya kanina. Ang ganda kasi nito at napakamalumanay pa ng boses.
Hindi nagkakainteresado si Vent sa mga babae noon ngunit ng makabunggo at makita niya ang babae kanina ay nag-iba ang pananaw niya. Nagkainteresado siya bigla sa isang babae.
And he didn't get the chance to ask her name. Nagmamadali na kasi itong umalis. Pero hindi niya makakalimutan ang maamong mukha nito.
At sisiguraduhin niyang magkikita silang muli. Hindi malabong mangyari iyon lalo na at nasa iisang unibersidad lang sila.
He badly want to know her name. Tiyak na maganda ang pangalan nito kagaya ng kagandahang taglay nito.
I will definitely know your name Ms. Pretty. Ani ng isipan ni Vent.
Hindi pinansin ni Vent ang mga maiingay na kaibigan at nakinig nalang ng mga kanta sa telepono niya habang inaalala ang imahe ng babae.
ZACHARIAH POINT OF VIEW
"Yow." Bati ko kay Samson ng pumasok ako sa opisina niya at naabutan siya na umiinom.
"What do you want Gonzales?" Walang ganang tanong ni Samson habang umiinom sa hawak na baso.
"Wala naman. Dinadalaw lang kita. Tanghaling tapat umiinom ka? Okay na ba sayo yan?"
Alam ko kung bakit ka nagkakaganito ngayon Samson. Alam kong napu-frustrate kana kakahanap kay Rania.
Isang mapaglarong ngisi ang lumitaw sa aking labi at umupo sa harapan niya.
"So, anong balita?" Tanong ko kapagkuwan.
"As usual. Still no clue." Pikon na sagot ni Samson.
And I smirked with that.
Of course wala kang makukuhang clue dahil lahat ng mga private investigator mo hinaharang ko. I want to test your capability Samson. Hindi pwedeng makuha mo lang si Rania ng ganun-ganun na lang. Who knows what your thinking.
"Ahh. Well, aalis na ako. May lalakarin pa kasi ako." At tumayo na ako para umalis na.
"Why are you so chill about this matter Gonzales? May alam ka ba kung nasaan si Rania?" Seryoso ang mukha ni Samson ng tanungin ako.
Nginitian ko lang siya. "I know nothing and I don't have to worry about this matter Samson. It's not my concern to know where Rania and her where abouts." Sagot ko na nakapamulsa.
"Three years ago I have nothing to do with Rania. And three years later I still have nothing to do with her. Kaya hindi ko obligasyon si Rania. And why did you leave her in the first place?" Dagdag ko.
Nakangiti lang ako ng umiwas ng tingin si Samson. Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya sa balikat niya.
"It's your problem Samson. I have nothing to do with it. Hindi natin alam ang takbo ng panahon. Bilisan mo pare baka mahuli kana." Iyon lang at lumabas na ako ng opisina niya.
Narinig ko nalang ang pagkabasag ng baso sa loob ng opisina niya. Napangiti nalang ako.
Kaibigan kita Samson ngunit mas mahalaga na sa akin si Rania ngayon. Kung ano man ang binabalak mo aalamin ko iyon. I won't let you have my sister not until you prove yourself to me first. Kilala kita Samson. Oo nga mahal mo si Rania noon. Pero tatlong taon na ang lumipas at wala kang paramdam sa kaniya tapos ngayon babalik ka. Babalikan mo si Rania. You're up for something and I know you have ulterior motives. And I will find that out in no time.