Chapter 4

1137 Words
Isang magandang umaga ang sumalubong kay Rania pagkagising niya. Tinanghali na siya ng gising. Palibhasa wala siyang pasok ngayong araw kaya kumportable siyang hindi gumising ng maaga. Mamayang tanghali pa di naman ang dating ni Zachariah kaya wala siyang dapat na ipag-alala. Itinali ni Rania ang basa pang buhok dahil kakatapos niya lang maligo at nagbihis tiyaka siya bumaba para maghanda ng agahan niya. Nang makababa siya isang napakabangong halimuyak ng pagkain ang sumalubong sa kaniya. "You're finally up, sleepy head." Pang-aasar ni Zachariah sa kaniya. Napasimangot naman si Rania sa huli. "Ba't ang aga mo ngayon? Akala ko ba mamaya ka pa?" Naitanong ni Rania at kumuha ng fresh milk sa ref. "Wala kasi akong masyadong gagawin kaya naisipan kong pumarito ng maaga. Bakit? Masama bang nandito na ako?" Pagkukunwari'y nasasaktan ito at may pahawak pa ito sa dibdib. Napairap nalang si Rania sa inaasta ni Zachariah. "Tsk. What's up?" Kilala na ni Rania si Zach kaya ng magtanong siya ay agad na ngumiti si Zachariah sa kaniya. "You really know me well." May nakakalokong ngisi sa mga labi na Zach. Sumimangot lang si Rania at nameywang. "Ano na naman ang ginawa mong kalokohan ha Zachariah?" Parang nanay na pinapagalitan ni Rania si Zach na may malokong ngiti. "Nothing much. I just need a little entertainment for myself." Maloko namang sagot ni Zachariah kay Rania. Rania just shrugged her shoulder and drank her milk. Sanay na siya na may gagawing kalokohan si Zachariah. Hindi man niya alam kung ano iyon ay hindi niya rin naman tinatanong. Tumahimik nalang si Rania at ninanamnam ang pag-inom niya ng fresh milk. Humarap si Zachariah kay Rania ng matapos siyang magluto at umupo kaharap nito. "Aren't you going to ask me about it? Don't you want to be nosy?" Nangangasar ang mukha ni Zachariah habang pabirong sinusundot ang braso ni Rania. "Hindi. I perfectly know that doesn't concern me. Kaya hindi na ako magtatanong." Tapos ay tinampal ni Rania ang kamay ni Zach. "But it just might." Ginalaw galaw ni Zach ang kaniyang kilay habang nakatingin kay Rania. "What do you mean?" Biglang nagkainterest si Rania doon. Umalis si Zachariah sa pagkakaupo at kumuha ng dalawang plato. "Let's just say, someone visited the Mansion." Panimula ni Zachariah habang inilalapag ang mga pinggan. Could it be Samson? Sa isip-isip ni Rania habang nakasunod ang mga mata kay Zachariah at sa ginagawa nito. Naghintay lang si Rania na ipagpatuloy ni Zach ang pagkukwento. Ngunit hindi na nagsalita pa si Zach at tanging ngiti lang ang ibinigay nito sa kaniya. You can't just left me hanging Zach! Sa isip-isip ni Rania. Gusto niya sanang usisahin ang kaibigan ngunit hindi niya nalang itinuloy. Aasarin na naman siya nito pag nagkataon. Hindi niya uusisahin ang kaibigan dahil alam niyang sasabihin din naman nito sa kaniya lahat. Mahilig lang talaga itong mang-asar. "Okay." Iyon lang at nagsimula na si Rania kumain. "Okay? Is that what you have to say? Aren't you gonna ask me who it is?" Pangungulit ni Zachariah sa kaniya. Umiling siya ng mabilis. "Nah-uh. You can keep it to yourself Zach. I don't want to be involve." Iyon lang at binigyan niya ng matamis na ngiti ang kaibigan. Akala mo ikaw lang ang marunong mang-asar ha? Hehe. Pinagpatuloy ni Rania ang pagkain habang salita pa rin ng salita si Zachariah na hindi niya naman na pinapansin. -- "Damn it!" Samson hissed and throw the folder containing useless report from his PI. Ilang private investigator na ang binayaran ni Samson ngunit wala pa rin siyang makuha na matinong balita mula sa mga ito tungkol kay Rania. Lahat nalang pare-pareho lang ang mga inirereport sa kaniya. He's so frustrated right now. "Letty, can you call Gonzales and ask him to come over my office." Inutusan ni Samson ang bago niyang sekretarya gamit ang intercom. Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng opisina niya. Kalaunan ay pumasok si Letty. "Sir, Mr. Gonzales is not around. His secretary told me that he will be away for two days." Kumunot ang noo ni Samson sa sinabi ng sekretarya niya. "Wala bang sinabi kung saan pupunta si Gonzales?" Usisa ni Samson. Kinukutuban kasi siya. "Wala po sir. Iyon lang po ang sinabi sa akin." Magalang na tugon ni Letty kay Samson. "You may leave. Thanks." At lumabas na nga si Letty. Naiwan naman si Samson na nagtataka. Saan ka naman pupunta Gonzales? Sa isip ni Samson. Nagdududa siya kung bakit bigla-bigla nalang aalis ang kaibigan. May tinatago ba ito sa kaniya? Pero kilala niya ang kaibigan hindi ito gagawa ng isang bagay na ikakasira ng pagkakaibigan nila. Kilala mo pa nga ba Samson? Wala nga bang nagbago? Kastigo ng isip ni Samson. Kinuha ni Samson ang kaniyang telepono at tinawagan ang isa niyang kaibigan. "Samson. Glad you call." Pagsagot nito kay Samson. "I need your help." Direktang saad ni Samson sa kausap. "The great Samson needs my help! What can I do for you my friend?" "May papasundan ako sa iyo. And also I want you to find someone for me." Tugon ni Samson sa tanong nito. "Send me the details. Jusqu'à la prochaine fois, mon ami." "Till next time." Tugon ni Samson at pinutol na nito ang tawag. Napabuntong hinga nalang si Samson. Ayaw niyang pagdudahan ang kaibigang si Zach. Ngunit kung may tinatago ito sa kaniya at tungkol kay Rania iyon. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya. RANIA POINT OF VIEW "So how's your school going?" Tinanong ako ni Zach nang makaupo siya sa tabi ko. "Everything is good. Makakagraduate din ako." Nanunood kami ngayon ng chinese drama. At ewan ko ba kay Zach at iyon ang napili niya. Nababakla na siguro. Hahaha. "Well, that's good. Keep it up." Tapos ginulo niya ang buhok ko. Nakatikim naman siya ng isang malakas na pagsiko mula sa akin sa ginawa niya. "Aray! Napakasadista mo talaga!" Reklamo niya at lumayo ng kaunti sa akin. Tumawa lang ako sa naging reaksyon niya. "Huwag mo kasing guguluhin ang buhok ko KUYA!" pagbibigay diin ko sa kuya. Ayaw niya kasing tinatawag ko siyang kuya. Sumimangot siya at akmang pipisilin ang pisngi ko ng maunahan ko siya at nakaiwas ako. "Sige subukan mo. Kung ayaw mong maparalisa." Banta ko sa kaniya na ikinatigil niya naman. Nakangiti lang akong bumaling muli sa TV at nanood. Ganun din naman ang ginawa ni Zach at tinantanan na ako. Kinabukasan ay maagang umalis si Zach na hindi ko naman tinutulan. Mukhang may mahalaga din kasi itong aasikasuhin. Linggo na ngayon kaya naghanda na ako para magsimba. Dapat kasama ko si Zachariah ngayon pero dahil nga ay maaga itong umalis mag-isa nalang akong magsisimba ngayon. Pero ayos lang naman kasi walang makulit na mangungulot sa akin. Makakapasyal pa ako ng matiwasay na walang kasamang nagrereklamo. Anyway, kamusta na kaya Samson? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD