Nagrerecall pa rin sa isipan ni Samson ang mga sinabi ni Zachariah sa kaniya kahapon. Hindi ito mawaglit sa isip niya sa kadahilanang kahut na sarili niya ay hindi sigurado kung ano ba ang nararamdaman ni Rania para sa kaniya. Ginugulo siya ng mga sinabi ni Zachariah kahapon. Mahigpit pa nga ang pagkakahawak niya sa kaniyang cellphone. Nagtatalo ang isip niya kung tatawagan niya ba si Rania o hindi. Sobrang frustrasyon na ang kaniyang nararamdaman at para na siyang masisiraan ng bait. Binuksan niya ang cellphone at nagpunta sa speed dial at hinanap mula roon ang number ni Rania. Nagdadalawang isip pa rin si Samson kung tatawagan niya ba ito. Biglang dinumbol ng kaba ang dibdib ni Samson ng tumunog ang hinahawakan na cellphone at lumitaw ang pangalan ni Rania sa screen. Napalunok si Sa