Sinalubong si Vent ng mga barkada at mama niya sa labas ng city jail kung saan naghihintay ang mga ito sa kaniya. May kakaibang ngiti sa labi ni Vent ng makaapak ang mga paa niya sa malayang lupa, sa labas mismo ng city jail. Freedom. Ang nasa isip ni Vent habang sinisimsim ang simoy ng hangin. "Congrats brad. Nakalaya ka din sa wakas." Si Rabby ang unang bumati sa kaniya at sumunod naman ang iba niya pang mga kaibigan at panghuli na ang kaniyang mama. "Anak." Maluha-luha ang ina ni Vent ng yakapin siya nito ng mahigpit. Tumugon naman si Vent sa yakap sa ina at sinubsob ang mukha sa dibdib nito. "Si papa?" Tanong ni Vent kapagkuwan ng maghiwalay sila sa yakap ng ina. Nagbago ang ekspresyon sa mukha ng mama ni Vent ng tanungin niya rito ang ama. "Abala si papa mo sa City Hall anak k