Everything run so smoothly for the past few days. Wala pa gaano nagiging problema si Rania sa pag-aaral. Palagi din silang magkausap ni Samson at ng kuya Zach niya. Sana magtuloy-tuloy na ang ganoong set up. Iyong maayos lang at wala ng gulo. Masaya lang kasi pag ganun. Pero hindi niya alam kung hanggang saan lang ang kasiyahang iyon. Pero ninanais niya na tumagal pa at kung maaari ay di na maputol pa. Kasalukuyang ginagawa ni Rania ang kaniyang mga takdang aralin para ipapasa bukas. Nakapagsaing na siya at nakapagluto ng ulam para sa hapunan niya ngunit wala pa siyang gana kumain. May hinihintay kasi siyang tawag mula sa Pilipinas kaya naisipan niyang gumawa nalang muna ng mga homework niya. Mag-iisang buwan na pala siya sa London at unti-unti na siyang nakaka-adjust sa kultura ng mga