Chapter 7

1105 Words
THIRD PERSON POINT OF VIEW Gustong sundan ni Samson si Zachariah pagkalabas nito sa opisina niya. Gusto niyang kilatisin at tanungin ito. Nay kutob siyang may itinatago ito sa kaniya ngunit hindi niya matukoy kung ano iyon. Isang tawag ang pumukaw sa ulirat ni Samson. "You called?" Pagsagot ni Samson. "I lost him. Looks like he already knew that he was being followed." Kumuyom ang kamao ni Samson sa narinig. "Don't stop tailing him, mi amigo. I want to know what he was hiding." Bilin ni Samson sa kaibigan na nasa kabilang linya. "I'll do what I can Samson." Iyon lang ang sagot nito at pinutol na ang tawag. Nabaling ni Samson ang paningin sa labas ng building pagkalapag niya ng telepono. Sana mali ang iniisip niya. Dahil kapag napatunayan niya ang hinala niya. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya. Ngunit isang bagay lang ang mahalaga kay Samson. Iyon ay ang makita si Rania tiyaka na niya aasikasuhin ang ibang bagay kapag tuluyan na niyang nahanap si Rania. I will find you, Rania. I surely will. -- Nasa may field si Rania para hanapin ang mga kagrupo niya sa paggawa ng proyekto nila sa isang asignatura. Kanina pa siya palinga-linga at paikot-ikot kakahanap sa mga ito ngunit hanggang ngayon hindi niya pa rin mahanap kung nasaan ang mga ito. Nangangalay na ang mga binti niya kaya naisipan niyang umupo muna para makapagpahinga. Hindi niya rin matawagan ang mga kagrupo niya dahil wala siyang number ng mga ito. Kasalanan niya din kasi hindi niya hiningi ang number kahit isa lang man sa mga ito. Ngayon nahihirapan tuloy siyang hanapin ang mga group mates niya. Minamasahe ni Rania ang mga binti habang palinga-linga pa rin sa paligid. Nagbabakasakali na may masulyapan siya na isa sa mga kasama niya. "Hi." Naangat ni Rania ang paningin sa taong nakatayo sa harapan niya. "Uhmm. Hello?" Nag-aalangan na tugon ni Rania sa lalaing nakatayo sa harapan niya. "I'm Venedict. Just call me Vent." Nakangiting inilahad nito ang kamay. Awkward na ngumiti si Rania at nagpasyang tumayo. "Nice meeting you. But I need to go." Iyon ang sinabi niya at umalis na si Rania. That was weird. Ani ni Rania sa kaniyang isip. She doesn't even know the guy. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla nalang siyang inapproach nito. "RANIA!!" isang sigaw ang nagpabaling kay Rania. "RANIA DITO!!" nakita ni Rania ang mga kasamahan na kumakaway sa kaniya kaya mabilis siyang lumapit sa mga ito. "Nandito lang pala kayo. Kanina pa ako palibot-libot." Paghahayag niya at umupo sa bakanteng upuan. "Pasensya kana Rania. Nahirapan kasi kaming maghanap ng ibang pwesto. Tiyaka nakalimutan din namin hingin ang number mo." Paliwanag ng isang miyembro ng grupo. "It's ok. May kasalanan din naman ako. Hindi ko din hiningi ang number ni isa sa inyo. Kaya hindi niyo kailangan humingi ng tawad sa akin." "Iyon naman pala eh. Wala naman palang dapat ipag-alala. Magsimula na tayo." Sabi ng lider nila at inatasan sila isa-isa ng mga dapat gawin. Kaniya-kaniya silang naglabas ng kanilang mga laptop at nagsimula ng gawin ang nakatoka sa kanila. The process went well while their making their project hanggang sa nagkayayaan ng umalis. Gusto sanang tumutol ni Rania at ipagpatuloy pa ang ginagawa para matapos na dahil maaga pa naman ngunit hindi niya nalang ginawa. Marami kasi ang pumayag at lalabas lang siyang KJ kapag tumutol siya. Sisikapin niya nalang siguro mamaya na tapusin ang dapat na tapusin. "Ahm. Kayo nalang. Uuwi na din kasi ako kaagad." Pagtanggi ni Rania sa kanila ng inanyayahan siya ng mga ito. "Bakit naman Rania? Maaga pa naman. Pwede pang gumala." Pagpupumilit ng mga ito. Mabilis na iniling ni Rania ang ulo at humihingi ng paumanhin sa mga kasama. "Pasensya na talaga kayo. Hindi lang talaga ako pwede ngayon. Baka sa susunod nalang." Sagot niya nalang para matapos na ang usapan. "Sige na nga. Basta sa susunod ha?" Paniniguro ng mga ito. Hilaw na ngumiti lang si Rania sa kanila at nagpaalam na mauuna na siya. ZACHARIAH POINT OF VIEW As much as I wanted to confront Samson. Mas pinili ko nalang manahimik at asarin pa siya ng todo. Pasensyahan nalang kami ngunit hindi ako titigil sa kung ano man ang ginagawa ko ngayon. Tinawag ko ang aking sekretarya. "I want you to book me a flight to Hong Kong for tomorrow. Paki-cancel na din lahat ng mga appointments ko sa susunod na tatlong araw." Utos ko sa kaniya. "Okay po Sir Zach." Masunuring tugon nito at lumabas na ng aking opisina. Kinuha ko naman ang cellphone ko at may tinawagan. "Handa na ba?" Tanong ko ng sagutin agad nito ang tawag. "All done. All you have to do is to show up." Sagot nito sa aking tanong. Ngumisi naman ako dahil dun. "Good. I'll wire the money in your account." Nakangiti kong sabi. "You should be, Gonzales." Kunwari pagbabanta nito sa akin. Tumawa lang ako bago pinutol ang tawag. Sinong may sabi na hindi ko pwedeng puntahan si Rania? Kahit na pinapasundan ako ni Samson kampante ako na hindi niya matutunton si Rania. Maaga akong umalis ng opisina ko para makapag-empake. Natext ko na rin si Rania na darating ako mamayang gabi. Kailangan kong sabihin sa kaniya ang tungkol kay Samson at sa mga pinaggagagawa nito para mahanap siya. Alam kong magiging masaya si Rania kapag nagkataon. Pero kilala ko din siya. Kahit na malaman niyang hinahanap siya ni Samson hindi siya magkakandarapa na punatahan ito. I just want to give her a heads up at ipaalam sa kaniya ang plano ko. Pagkatapos kong mag-empake ay agad na akong bumaba patungo sa basement kung saan nakapark ang kotse ko. And as soon as I settle myself inside I drove away from the building heading my way to the airport. Habang papunta ako ng airport kita ko ang isang kotse na sumusunod na naman sa akin. Mukhang maraming sasakyan at loko at papalit-palit lang ito. Ang bobo naman ng taong kinuha ni Samson. Masyadong halata kung sumunod. Napangisi nalang ako at hindi inintindi ang nakasunod sa akin hanggang sa makarating ako sa airport. SAMSON POINT OF VIEW I received a call from my friend and I instantly answered it. "Any update?" I asked directly after answering the call. "He's heading his way to the airport." He answered and I can hear the horning sound of the cars. "Where are you at?" "I was stuck in a traffic." "Alright. I'll handle the rest." I said and called someone else to know where Zachariah is going. I really want to know what his up to. Because I have a strong feeling he know where Rania is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD