Chapter 6

1208 Words
RANIA POINT OF VIEW Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya lumingon ako para malaman kung sino ito. Nahuli ko ang isang lalaki na agad na umiwas ng tinginat bumaling sa harapan. Napakunot ang noo ko. Parang pamilyar sa akin ang lalaki. Saan ko ba siya nakita? Inalala ko kung saan ko ba siya nakita. Pamilyar kasi talaga ang mukha niya. Aish! Bahala na nga. Magko-concentrate na muna ako sa oral recitation namin ngayon. It's not that important anyway. During our recitation everything went smoothly. Nakakasagot ang iba ang samantalang ang iba naman ay hindi. And me? I was able to answer each questions what our professor threw at me. It's almost time when the oral recitation was finished. Inayos ko na ang mga gamit ko at sinilid sa aking bag. At nang mag dismiss ang prof namin ay agad din naman akong lumabas para makauwi na. Nagpunta ako sa parking lot ng school at hinanap ang aking scooter. Buti nalang at nagpabili ako nito kay Zachariah. Hindi na hassle sa akin ang umuwi. Minsan pa naman gabi na ako kung makauwi sa bahay dahil sa iba kong klase. Sobrang thankful ko talaga at nandyan si Zach. Ang thoughtful at ang bait pa. Speaking of which, matawagan nga iyon mamaya pagkauwi ko. Sumakay na ako sa scooter ko, nag-sign of the cross bago sinuot ang helmet tyaka pinaandar ko na. -- Nakarating ako sa bahay lampas biente minutos. Pinasok ko ang scooter sa loob ng bakuran ko at pinarada ito ng maayos. Bumaba ako at tinakip ang pantakip sa aking motor. Pagkatapos ay sinarado ko ang gate bago pumasok sa bahay. Pinindot ko ang switch ng ilaw at agad akong dumiretso sa sala para makapagpahinga. Minasahe ko ang aking dalawang kamay dahil nanginginig ang mga ito. Hindi pa rin kasi ako sanay na magmaneho ng motor. Oo, may alam na ako pero hindi pa ako ganun ka confident. Kinakabahan pa rin ako minsan sa tuwing minamaneho ko iyon. Pagkatapos kong masahiin ang aking mga kamay ay kinuha ko ang bag ko at hinanap ang aking cellphone. Agad kong di-nial si Zach ng makapa at makuha ko na ito. Di-nial ko siya ulit ng hindi siya sumagot sa una kong tawag. Ngunit ganun din ang nangyari hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko sa ikalawang pagkakataon. Napabuga nalang ako ng hangin at sumandal sa aking sofa. Mukhang busy na busy si Zach ngayon dahil ayaw magpa-istorbo. Hmmp. Ipinikit ko ang aking mga mata para umidlip sana ng biglang nagba-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napakunot ang noo ko ng isang unknown number ang lumitaw sa screen. At sino naman kaya to? Hindi ko ito sinagot at inilapag nalang sa lamesita. Hindi kasi ako basta-basta sumasagot sa mga tawag lalo na t unknown number ito. Malay ko ba kasi kung scammer or kung ano ba. Mabuti na iyong nag-iingat. Nagbeep ang aking cellphone hudyat na may nagtext. Tiningnan ko kung ano iyon. From: +639********* It's me. Pick it up. Matapos kong basahin iyon ay tumawag na naman ang parehong number. Sinagot ko na ito. "Bakit bigla kang nagbago ng number?" Salubong kong tanong sa kaniya. "Ang galing. Wala man lang 'hello'?" Tugon niya. "Tsk. Galit ako sayo ngayon. Huwag mo akong asarin. Hindi mo sinasagot ang tawag ko." Kunwari galit kong sagot sa kaniya. "Mahal na prinsesa, ako po ay humihingi ng tawad sapagkat ako ay may ginagawa kanina. Pagpaumanhin niyo po ang aking pagkalapastangan sa hindi ko pagsagot sa inyong tawag. Nawa'y magawa niyo po akong patawarin sa aking naging kasalanan." Natatawang saad ni Zach sa kabilang linya. Hindi ko na rin mapigilan ang hindi mapangiti sa kalokohan niya. "Oo na! Ang badoy mong pakinggan Zachariah! Hindi bagay sa iyo." Ako na natatawa. "Atleast, I make you laugh. I made a great job, right?" Umirap ako sa sinabi niya. Napapailing din ako. "Sige nalang. Pero bakit nga nagbago ka ng number?" Pagbabalik tanong ko sa kaniya. "Grabe talaga to. Trip ko lang magbago ng number. Pakialam mo ba?" "Ah ganun ba? E kung trip ko din na iblock ka at huwag kanang kausapin?" Kunwari galit na naman ako sa kaniya. "Hahaha. Siyempre biro lang iyon boss. Ikaw naman. So, how's your day, today?" Tanong niya kapagkuwan. "Good. I drove my scooter." Pagbibigay alam ko sa kaniya. Lagi niya kasi akong pinipilit na dapat sanayin ko daw ang sarili ko sa pagda-drive. "That's good to hear. Did you wear your helmet? Hindi naman ba mabilis ang pagpapatakbo mo?" Sunod-sunod niyang tanong. He really acts as my older brother. And he trully treats me as his younger sister. Nakakatuwa lang. "Nakasuot po ako ng helmet. At opo hindi po mabilis ang pagpapatakbo ko, KUYA." pagbibigay diin ko sa salitang kuya. Narinig ko siyang umismid sa kabilang linya na nagpangiti sa akin. "Sige na mahal na prinsesa. I need to hang up. I'll call you again next time." Paalam niya sa akin. "Sige kuya. Ingat ka diyan." Paalala ko sa kaniya bago namin pinutol ang tawag. Nakangiti akong tumayo at nagpuntang kusina para makapagluto ng hapunan ko. ZACHARIAH POINT OF VIEW "Who was your talking to?" Tanong ni Samson sa akin ng makabalik siya mula sa conference room. Isinilid ko ang telepono ko sa aking bulsa. "Someone you didn't know." Tanging sinagot ko nalang sa kaniya. Pinakatitigan naman ako ni Samson. "May tinatago ka ba sa akin, Gonzales?" Seryosong tanong ni Samson sa akin. I just gave him a smug smile. "You know what Samson, I'll go ahead. Stop asking me some pointless questions." Tugon ko at lalampasan na sana siya. "Siguraduhin mo lang Gonzales. Hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag may itinatago ka sa akin." Pagbabanta niya. Hinarap ko siyang muli at nginitian. Tinapik ko ang balikat niya. "Gasgas na 'yan pare. Hindi na ako natatakot diyan. Subukan mo din pare baka mabigo ka lang. Huwag mong isisi sa akin ang kapabayaan mo, Samson. Huwag kang puro salita lang Samson. Kung tingin mo kaya mo pa ribg kontrolin lahat nagkakamali ka Samson. Tatlong taon na ang lumipas. Marami na ang nagbago." Sagot ko sa banta niya. "Goodluck nalang pare. Adios." At nilisan ko na ang opisina niya. Nakapamulsa lang ako habang lumalabas ng opisina ni Samson. I smirked as I stormed out the building. Masira na ang dapat na masira Samson. Wala na akong pakialam. Kung inaakala mong matatakot pa ako sayo Samson, puwes nagkakamali ka. Sumakay na ako sa kotse ko at minaneho ito patungo sa bahay ko. Dahan-dahan lang ang pagpapatakbo ko ng mapansin kong may sumusunod sa akin sa di kalayuan. Napangisi nalang ako. Mas mautak ako sayo Samson. Kahit ilang tao pa ang ipasunod mo sa akin hinding-hindi ka magtatagumpay. Kahit ano pa ang gawin mo hinding-hindi mo mahahanap si Rania. Bigla kong inapakan ang gasolinador dahilan para humarurot ang sasakyan ko at makalayo sa sasakyan na sumusunod sa akin. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa hindi ko na makita ang kotseng sumusunod sa akin. Lumiko ako para i-wala ito at humarurot na namana ko. Game on Samson. Game on. Ngumisi ako ng makitang hindi na nga ito nakasunod sa akin. Nagsisimula na ang laro at sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa larong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD