THIRD PERSON POINT OF VIEW Igting ang panga at nakakuyom ang kamao ni Samson habang nakatanaw sa buong syudad. Hindi niya matrace kung saan nagpunta si Zachariah. Kung nasaan na ito ngayon. Malakas talaga ang kutob ni Samson na may alam si Zachariah kung nasaan si Rania. Kapag kinukompronta niya ito wala naman siyang makuhang matinong sagot. Nagkakainitan lang sila ng ulo dalawa. Pero kung totoo man ang hinala niya gagawin niya ang lahat para mapatunayan ang hinala niya. Naglakbay ang isip ni Samson tungkol sa mga bagay na pwede niyang magawa sa kaibigan kapag napatunayan niya na tama nga ang hinala niya. Patawarin siya ng Diyos sa maaari niyang magawa kung sakali. Isinantabi na muna ni Samson ang tungkol doon at bumalik nalang sa ginagawa niya kanina. Hindi niya kailangang mastress