Can’t hide it anymore

1931 Words
After magweekend; Monday na naman. Busy na ulit ang lahat. Maliban kay Hunter na sadyang dumadaan sa designers department. Kunwari meron s'yang pinapasilip na new trends na pwedeng-pwede naman ang sekretarya n'ya ang gagawa. His eyes are searching for that God-damn gorg woman Atalia. Kahit habang kausap n'ya si Ms. Sevilla ang Head sa fashion design department ay wala doon ang isipan n'ya. Ngayon lang s'ya nagkaganito. Never in his precious time na magiging idle sa trabaho para masulyapan lang ang hinahanap ng mata at isipan n'ya. Pero ang sinadya n'yang puntahan ay hindi man lang ito tumingin sa gawi n'ya. Nakibati lang 'to saglit kasabay ng kasamahan n'ya at tutok na ulit sa trabaho n'ya. Dapat matuwa s'ya dahil focus sa trabaho ang empleyada n'ya, pero naiinis ang binata sa sitwasyon n'ya ngayon. Hindi nakatiis si Hunter kaya sinadya n'yang puntahan ito sa sariling cubicle. As if hindi s'ya contented sa suggestion ng naunang designer. Para-paraan lang diba? "What do you think about these new trends Ms. Suarez?" Paseryosong tanong ni Hunter kay Atalia. Damn that voice and charm. She cursed. Bakit ang lakas ng epekto nito sa kanya. Reklamo ng isipan ni Atalia. Kailangan ba talagang pati s'ya tanongin nito eh kanina pa sila nagdaldalan ni Ms. Sevilla na sa tingin ng dalaga ay mukhang nag-eenjoy pa sa ito habang kausap ang head nila. "Well, I think all these, except the last one are good sir." Her candid answer. With a slight trembling voice. Shocks masyado kang halata bruha ka. Kastigo ng dalaga sa sarili. Ni konting titig man lang sa mga mata ng amo n'ya ay hindi magawa ni Atalia dahil na-aalala n'ya ang huling ginawa nila pagkatapos ng kick-off show ng The Dress Code. "But it can be enhanced." Dagdag ng dalaga na ibig sabihin ang last pic na di n'ya masyadong bet. Para na rin hindi masyado obvious na umiiwas s'ya sa mala-Adonis na CEO nila. "I see, well, can you come to my office so we can discuss more on the enhancements and anything else that will make this better?" Derestahang tanong ng binata. Bahala na kung masyado s'yang halata basta gusto n'yang masolo ang dalaga at makausap ito ng masinsinan. Propesyonal ang dating ng tanong ni Hunter pero parang kinilabutan ( or shall I say, kinilig?) si Atalia sa tanong, kahit alam n'yang trabaho lang naman ang gusto ng boss n'ya. "I bet Ms. Sevilla can do better on that part sir, these are her specialty. She is best in cocktail and coat dresses." Tugon n'ya na tama naman kasi nasa active wear at casual s'ya naka-focus. May sasabihin pa sana ang boss n'ya pero mabuti nalang at mabilis sumabat si Ms. Sevilla na obvious namang gustong mapalapit sa bata at gwapong boss. "Yes sir Williams, I can discuss it to you in full details anytime you want." Flirt na sabat nito. "Ok then, I'll inform my secretary on this. Thanks." At sumulyap pa ky Atalia. Parang kulang yata ang araw ni Hunter kung hindi niya masilayan ang maliit at maamo na mukha ng dalaga. Worst is nawalan na ata s'ya ng appeal kasi parang wala man lang gana sa kanya ang babaeng 'to. Ni sulyap ay di magawa sa kanya. Dati naman mga babae ang lumalapit sa kanya. Kaya di na kelangan n'yang manligaw o magpacute man lang. Wala s'yang talent dun. This woman is really getting into my nerves! Nanggigigil na turan ni Hunter sa sarili. One week na mula ng matapos ang event ng The Dress Code, Isang semana na rin umiiwas si Atalia sa boss n'ya. Ayaw kasi ng dalaga ang nararamdaman n'ya. At lalong ayaw n'yang maging 3rd party. Lahat ng paraan ginawa n'ya di lang s'ya mapalapit o makasalubong nito. Iba na rin kasi ang naramdaman n'ya dito. Alam niya ang t***k ng traydor n'yang puso. Araw-araw itong dumadaan sa department nila. Kahit anu-ano nalang ang pinapatingin at nagpatawag pa ng meeting minsan na dagli n'yang nagawan ng dahilan para hindi makasali. Patapos na s'ya para sa kanyang design kaya inihanda na ang sarili para umuwi. Pagdating n'ya sa parking area papunta sa sasakyan n'ya, ay kamuntik n'yang masagasaan. Biglang humarurot ang isang sasakyan papunta sa kanyang gawi. "Oh my Gggg!!!!." Nanginginig at pikit mata n'yang sambit. Mukhang katapusan na yata ng mundo n'ya ang tanging naisip ng dalaga. Ngunit, kinapa n'ya ang sarili maya-maya at dahan-dahan s'yang dumilat dahil wala namang tumama sa kanya. Pero sa pagkadilat n'ya, a beautiful pair of deep gray eyes met hers. At sa sobrang lapit nito ay bigla s'yang napaatras kaya napatumba s'ya ng wala sa oras. Maagap na kamay ng binatang boss niya ang pumulupot sa maliit n'yang beywang kaya di s'ya tuluyang bumagsak. "Are you avoiding me?" May hinanakit pero suplado pa ring tanong ni Hunter sa dalaga. Lage kasi s'yang gumagawa ng paraan para mapalapit dito pero ang galing din nitong umiwas ng dalaga sa kanya. "Uhm no s-sir. Me-medyo busy lang. Daming naka-pila na kailangan tapusin." Nauutal na sagot ni Atalia. "Really?" Tanong ng binata na mas lalo pang pinagdikit ang katawan nila. Amoy na amoy ng dalaga ang fresh na hininga nito na mas lalong naka-kapagpakilig sa dalaga ngunit kinakabahan rin s'ya. Kaya na-alarma ang dalaga at napaamin bigla. "I-I mean Yes. Oo iniiwasan kita." Lakas loob n'yang sagot sa binata baka sakaling bitawan s'ya nito. "Why?" Hindi parin s'ya binibitawang tanong nito na kulang na lang lamunin s'ya sa pahigpit na pahigpit na hawak nito sa maliit na beywang n'ya. "Do I really have to remind you that you have a girlfriend. And I thought you never cheat, sir?" Ganting tanong n'ya sa binata na mas binigyan diin nito ang huling salita para ma-alala nito na boss ito at empleyada lamang s'ya. Hindi s'ya manhid para hindi maramdaman ang kakaibang kinikilos nito at obvious na mga titig sa kanya. Kaya s'ya na rin ang kusang umiwas. Galing lang s'ya sa break up na ibang babae ang dahilan kaya ayaw na ayaw n'yang ganun din ang magiging role n'ya sa ibang magkarelasyon. "Ouh, so are you saying that I'm hitting on you while having a girlfriend?" Sinabayan ito ng mapaklang tawa ng binata. "Nonsense!" Mahina at mabigat na dagdag sabi nito. "Trina and I broke up the very night you also broke up with your stupid boyfriend!." Dagdag ng boss n'ya kulang nalang buhatin s'ya sa posisyon nila. "Whaaat?! How did you know—" naputol ang tanong n'ya because he pushed her into his car. "Get in kung ayaw mong maraming makakita na hinahalikan kita dito." Saad ng binata na pinamulahan ng mukha ni Atalia. He's so shameless! Gigil ni Atalia sa sarili habang pinagmasdan ang binata na umikot papuntang driver's seat. "Wait. Paanong? Tanong ulit sana ng dalaga. "I saw you talking to your ugly ex that night. Putol ulit ng binata sa tanong ni Atalia. "Dont get me wrong, Im also there because Trina and I were having a dinner date in the same place where you and your ex met. Next table to be exact." "Di mo nga pala ako napansin dahil puno ng luha ang mata mo dahil sa kakaiyak dun sa walang kwentang ex mo!" Tiim bagang sabi nito. Na mukhang s'ya ang niloko kaya para itong lalamon ng tao sa galit na nakikita n'ya sa magandang mga mata nito. "We also broke up dahil na confirmed ko that she's playing two time with me and my cousin. And its been awhile before I knew it." Natameme si Atalia. Pareho pala silang pinaglaruan lang ng mga kasintahan nila. Sa part nya, kapani-paniwalang lukuhin at paikotin, pero for Hunter? Really? Ano pa ba ang hahanapin ng babae sa iba kung ganito ka gwapo at ka yaman ang boyfriend mo at never daw nagcheat. 'Well according to him yan ha.' "Time. She is blaming me for being so busy kaya humahanap s'ya pansamantala ng kalinga sa pinsan ko." Sagot ng binata na parang nababasa ang tanong sa isipan ng dalaga. Matalino nga pala ang kausap n'ya kaya nababasa agad nito ang gusto n'yang itanong. At dahan dahan itong lumapit sa mukha ng dalaga. "Are we now clear young lady?" Pag-iiba ng tuno nito at may nakakalokong ngiti na ngayon lang niya nakita while holding her chin. Napalunok si Atalia. Wala naman pala s'yang relasyong naaapakan kung magpapakarupok s'ya ngayon. Before she could answer him, He claimed her lips already. They shared that long passionate kiss again 'til they're out of air. And then she blushed again. "Stop being so shy baby." Malambing na sabi ng binata habang pinisil-pisil nito ang medyo namamaga n'yang labi. Hindi nakaimik si Atalia. Masyadong mabilis sa kanya ang mga pangyayari. Gusto n'ya pero hindi s'ya handa. "May I go home now?" Pagdidivert n'ya sa usapan dahil naiilang s'ya dito. "Nope, not until you become my woman." Titig na titig na sabi ng binata. Kaya kinabahan na naman si Atalia. "Uhmm. Manligaw ka muna hoy ano ka!" Pagbibiro n'ya pero ang lamig na ng kamay nya. Tumawa lang ang binata at sabay kamot sa batok. "Panu yan di ako marunong manligaw?" Ngayon lang nakitaan ni Atalia ng ganun na expression si Hunter na parang nahihiya. Naku punyetang tawa yan. Jusko nakakalunod. Sa loob-looban ni Atalia. Kung gwapo man ang mokong na to kahit nakasimangot, dumudoble ang kagwapohan n'ya kapag ngumingiti lalo na't tumawa pa. Paano ko matatagalan ang pagpapakipot nito?. Namomroblemang isip ni Atalia. "Pwes problema mo na yun kung pano manligaw!" Taray-tarayang namang sagot ng dalaga. Pinihit n'ya ang pintuan ng sasakyan para makalabas pero locked ito. Nang lingunin n'ya ang binata ay ang nakakalokong ngiti na naman ang sumalubong sa kanya. "Let me out or else—" Putol na sabi n'ya dahil hinablot na naman s'ya palapit nito. "Or else what? You are going to file a case for harassment? or worse rape eh pananagutan naman kita." Natatawang sabi ni Hunter. Bakit ba ang sexy ng dating ng tawa nito sa kanya. "Hindi ganyan ang manligaw noh. Ano, dadaanin mo ko sa takotan?" Nakangusong sagot ng dalaga. "Okay I'll let you slip this time. I'll drive you home coz its getting late." Prenting sagot ng binata. "Hindi pwede kasi nagdrive ako kanina papunta rito. Maiiwan yang sasakyan ko dito." "That's fine, may guards naman dito so it's safe to leve it here." At pinaandar na ang sasakyan n'ya. Wala na s'yang nagawa sa kakulitan nito. Bawal palang tumanggi sa isang Hunter Williams. Magtataxi na lang s'ya ulit bukas papasok sa trabaho. Habang nagmamaneho ay inabot ni Hunter ang kamay ng dalaga at mahigpit na hinawakan ito. Mabilis talaga ang mga "the moves" ng mokong na to. Reklamo ni Atalia ngunit hanggang isip nga lang n'ya. Nang dumating na sila sa address n'ya ay pinagbuksan pa s'ya nito ng pintuan at inalalayan pababa. "Kung makahawak tayo d'yan boss ah, parang sinagot na kita ha." Hindi mapigilang angil ni Atalia dahil parang nanamantala na ito. "Doon naman tayo papunta kaya ginagawa ko nalang ng advance." Nakangiting sagot ng pilyong binata. Jusko 'di yata nauubusan ng rason ang taong to. Mukhang champion yata ito lage sa school debate compition dati. Bagnut na sabi ni Atalia sa sarili. "Talaga eh kung bastedin kaya kita jan?" Pang-iinis na sabi ng dalaga. "Don't you dare." Mabilis na sagot nito. At mas mabilis pa ang kilos para makalapit sa kanya at biglang nagnakaw ng halik. "Good night baby see you tomorrow." At nagmamadali ng bumalik sa kanyang sasakyan. Parang naging tuod si Atalia sa ginawa ni Hunter. Pilyo talaga ang mukhang supladong boss n'ya. Inantay lang s'ya nitong makapasok bago pumaharurot paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD