The Dress Code kick-off night;
"Ms. Sevilla! One of the models is injured on her way here. She met an accident d'yan sa may intersection. She can't make it tonight po pa'nu na to!" Nagdedeliryong sabi ng baklang event organizer na si Lexus.
"C'mon that's not true! The show is about to begin hanapan mo ng paraan yan!."
Mataray na sagot nito ng senior designer na si Ms. Sevilla.
"Oh God help me. Kulang talaga ang models madaaamm!" Naluluka at mahabang sagot ng organizer na kung pwede lang sana siya na lang ang magproxy sa naturang modelo kaso ang macho nito.
"Bakit anung kagulohan to?" Sambat ni Atalia na kakapasok lang sa backstage.
May inaayos din kasi s'yang designs saka nakitulong na sa backstage.
"OMG! Bilis ni God tumugon!" Mas nakakalukang tili pa ng bakla.
"Ms. Suarez ikaw nga ang pampalit sa model na na-aksidente.
Bawal humindi kasi masisira ang show na to." Nagbabala pa ang kaibigang organizer kay Atalia para hindi ito makatanggi.
"Day! Dami pa namang bigating bisita ng amo n'yo!"
Dagdag pangungumbinsi nito.
"Lex naman di ako pwede n'yan. Mas masisira ang show kung ako ang ipapalit mo!" Maagap na tanggi ni Atalia.
"Kaya hahanap tayo ng iba, halika!"
Sabay hila ky Lex para maghanap ng maipapalit na model.
"No more enough time Ms. Suarez! Magsisimula na ang show." Masungit na sambat ni Ms. Sevilla.
"Please darling nakasalalay sayo ang success ng show na to." Ayun kay Lexus na s'yang natahasan na mag-organize sa buong event kaya numero uno itong malalagot kung magkaproblema ito.
"Nakita mo na man di ba ang plotting at ang rampa kaya alam mo kung ano dapat gawin at saan punpunta.
Please na!" Dagdag pa nito.
"Gossssh kung di pa kita lab iwan ko nalang sayo." Napipilitang sagot ni Atalia ngunit kinakabahan. Wala sa forte nya ang ganitong mga bagay.
"Sige tara na nga!" Bagnot na sabi ng dalaga dahil wala na talagang oras at syempre, wala na rin s'yang choice."
Basta 'wag mo kong isali sa swimwear ha. Sa active wear at summer dress lang kaya ko day."
Palala n'ya sa kaibigang organizer.
"Naku darling hindi pwede kasi tatlo yang susuotin mo, kasali dapat si swimwear or beach attire. Sige na, kaya mo yan. Mas maganda't sexy ka pa kesa ibang models d'yan noh."
Paalala nito sa dalaga na walang halong bola dahil totoo naman na mas lamang ng milya-milya si Atalia sa mga models na meron sila. Isa nga siya sa mga nagkumbinsi noon ni Atalia na maging modelo, pero mahigpit naman itong inayawan ng dalaga.
"Suusss nambola pa. Tara na nga!"
At mabilisang inayusan at nagbihis ang dalaga.
Nagsimula ng rumampa ang lahat ng models starting with summer dresses.
Habang abala si Hunter sa pakikipag-negotiate sa mga dayuhang fashion icons.
Someone caught his attention.
At a glance, he froze.
A gorgeous beautiful model is conquering the ramp stage like a Queen.
Atalia did the catwalk like a pro.
Like a Goddamn gorgeous supermodel perhaps.
Rumampa na daig pa ang ibang models sa ganda at appeal nito.
Even Hunter's business partners ay biglang natahimik at napatutok sa dalaga.
Admiration is screaming all over their faces.
"Woaah who's that beautiful lad out there?"
Singit ng isang mukhang playboy at bata na business partner n'ya. Si Gideon Moulin.
"I gotta get her number man!"
Dagdag nito na nakapag-painit ng ulo ni Hunter.
"Oh but she's taken. I personally know her." Maagap na pagsisinungaling ng binata.
Kahit anong mangyari, hindi niya sasabihin na empleyada n'ya ang pinapantasyahang dalaga at baka kukulitin pa s'ya nito para makipagkilala.
Sh*t! Why is he feeling possessive towards this woman. And he hates it.
"Well it doesn't matter man, she's one hotta chick to just glide by."
Pangungulit pa nito.
Gusto nang ipatigil ni Hunter ang show dahil sa paglabas muli ni Atalia ay sobrang sexy ang suot nito na active wear.
At alam n'yang swimwear na ang susunod na i-rarampa pa nito.
Kaya bago pa magkagulo, dapat magawan n'ya ng paraan dahil halos lumuwa na ang mga mata ng mga katabi n'yang negosyante.
Sa lahat ba naman ng models eh ky Atalia pa napako ang mga mata nito.
Is he jealous?! Damn no! Bilis na sagot ng utak niya.
Kaya the moment na lumabas na ang girls wearing sexy and daring swimwears, only Atalia has a cover-up dress. Ha ha ha
What a swift and clever idea Hunter! Good job! Napailing na napaisip ang binata.
Kaso kahit man nahanapan agad ng organizer ng cover-up si Atalia dahil sa urgent na tawag ni Hunter at request nito, ay hindi pa rin maitatago ang magandang hubog ng katawan at ang makikinis na balat ng dalaga.
Dagdag pa ang mata nito na parang laging nangugusap at nang-aakit. Mas lalo tuloy na hindi mapakali ang gwapong CEO nila.
"Damn!" Tiim-bagang bulong ng binata sa sarili.
"What a stunner!" Di mapigilang bulalas ni Gideon Moulin ang batang french business partner n'ya na may maraming clothing lines abroad na tulad rin n'ya.
May tinatago palang galing itong babaeng 'to sa pagrampa.
Nagmamaktol na isipan ni Hunter.
Dahil kung nalaman n'ya ng maaga, eh di sana mas gusto n'yang itali na lang ito sa dressing room para di na makita pa ng ibang naglalaway na kalalakihan.
The show ended successfully and profitably.
Marami ang deals na nakuha ni Hunter sa show at mas lalong mag-e expand ang business n'ya sa fashion ventures na 'to.
He congratulated everyone.
At hinarap si Atalia na kakatapos lng magbihis galing backstage.
"Hey I thought you were a designer here?" Pairap na tanong ni Hunter sa dalaga.
'Why a sudden change of career?"May tonong inis na dagdag ng binata.
Natulala si Atalia at bakit parang galit pa ang boss nila na kung tutuusin ay s'ya ang nagsakripisyo ng kahihiyan niya para maging successful ang show.
"Ahmm excuse me Ms. Suarez thank you so much for that impromptu yet elegant catwalk of yours. Buti nalang napapayag kita kahit last minute na. Lab na lab talaga kita!"
Malanding talak ng baklang organizer kay Atalia. Na ikanabigla naman ni Hunter.
Yun pala at napilitan lang pumalit ang dalaga sa naturang rampahan at the very last minute.
"Your welcome Lex, basta wala ng ganito sa susunod ha." Patawa n'yang sagot at nilagpasan ang boss.
Oh diba? Natahimik ito. Baka akala n'ya gusto ko yung parampa rampa dun.
Inis na reklamo ni Atalia pero syempre hanggang isipan lang n'ya.
Buti na lang at may naisipan pang cover dress ang baklang si Lex at hindi masyadong daring ang last na inirampa n'ya.
Hindi lingid sa kaalaman ni Atalia na si Hunter pala ang may pakana sa cover-up na suot n'ya para di s'ya lalong pagpiyestahan ng ibang mga lalaki sa show.
"Atalia tara na at ida-drop kita pauwi. I know nagpahatid ka lang kanina right?" Tanong ni Jake na designer rin tulad nya. Dahil sira pa rin ang mirage ng dalaga.
"Oo sure— " sasagot sana si Atalia ngunit ...
"No, I'll be the one who will drive her home."
Maagap at ma-autoridad na sagot ni Hunter.
Saka pa napansin ni Jake na nandun pala ang boss n'ya. Na mukhang wala sa mood habang nakatitig kay Atalia.
"Ay Good evening po sir Williams. Ok po sir I'll go ahead."
"Teka Jake!" Habol ni Atalia.
Kaso walang lingon-lingon na umalis ang binata dahil sa talim ng tingin ng boss n'ya.
"Get in the car. I'll drive you to your home." Boses iyon ng CEO nila.
It sounded like an order, but it wasn't rude.
Pairap na sumakay si Atalia, kung di nga lang to boss n'ya nungka sumabay s'ya ng wala man lang pormal na alok.
Medyo may tupak kasi ito ngayon pagkatapos ng event nila.
"Where exactly in Pasay you are staying at?"
Tanong ng binata na nasa kalye ang atensyon.
Boses pa lang ni Hunter ay parang nakakakilig na. Daig pa nito ang mga bigating dj sa lalim ng boses.
"Uhm sa Shell residences sir. Malapit lang."
Kiming sagot ni Atalia. Buti na lang at gabi kaya hindi masyadong halata namumula ang pisngi niya. Ang yummylicious naman kasi ng boss n'ya. At ang bango-bango pa. Baka amoy perfume talaga pati pawis nito? Kwelang napaisip ang dalaga. Kaso parang nagme-menupause yata sa bilis ng mood swing nito.
Tumango lang ito bilang sagot..
Ilang minuto lang na walang kiboan at narating na nila ang address n'ya na Shell residences. Buti na lang at hindi traffic.
As she was about to unfasten her seatbelt.
Suddenly, Hunter acted faster and fasten her seatbelt with a snap.
She was stunned for a moment but before she gets back to her senses, a soft kiss landed on her soft red lips.
Gently and passionately.
Hindi s'ya marunong kung papaano humalik but she just found herself slowly responding to his kisses. His passionate kiss?.
Sinubukan n'ya lang gayahin ang ginagawa sa kanya ng binata na ngayo'y mahigpit na hawak ang likuran ng ulo n'ya na parang takot na maglaho s'yang bigla.
He stopped because they are both breathless.
Saka lang nakabawi si Atalia at kulang nalang mag-ala invisible sa hiya.
Pulang pula ang mukha nito at nagmamadaling bumaba.
"Thank you for dropping me by." She said na hindi tumitingin sa kausap at patakbong pumasok sa condominium.
Hindi n'ya lubos maisip kung bakit hindi s'ya nagalit nung halikan s'ya ng gwapong boss.
In fact parang nagustohan pa yata n'ya.
'Sh*t Atalia ano baaa!' Gigil na inis ng dalaga sa sarili.
That was her first passionate kiss though.
......
Meanwhile. Lutang rin ang isipan ni Hunter.
He despise himself for losing control.
Mukhang nabigla n'ya yata ang dalaga.
Bakit lage s'yang nawawala sa tamang pag-iisip kung si Atalia na ang kaharap.
Ito lang ang bukod tanging nakapagpatulala sa kanya.
D*mn that woman and her soft, sweet lips!.
Parang nakaka-addict.