Surprise lunch date

1707 Words
Inspired si Atalia na gumising ng maaga at magbihis. Hindi s'ya nagmamake up lage, hanggang lipstick at Eyebrow lang ginagawa n'ya. Natural naman kasing maganda ang mukha at skin n'ya kaya di na s'ya nag-abalang magmake-up at foundation man lang. Pagkababa n'ya sa kanyang unit ay nakasabayan ang isang dating manliligaw na may-ari ng chain of convenience stores. Tumigil lang ito sa panliligaw dahil nagkaroon s'ya ng nobyo. "Hi gorgeous!" Nakangiting bati nito. "Hello Brent. Nice to see you again." Sagot n'ya habang lumalakad palabas ng condominium. "Yeah I'm glad to bump into you again. Bye the way, I saw Kurt yesterday with a new girl. Do you guys broke up?" Magkasunod nitong tanong. Aba may pagkamarites pala ang lalaking to! Natawa si Atalia bago sumagot. "Yup." Maiksi n'yang tugon. "Great! Now I got a chance to court you again then?" Puno ng pag-asang tanong nito. Ngunit..... "Hi baby good morning!" Biglang sulpot ni Hunter sa gilid nila. Di n'ya alam kung kanina pa ba ito nakamasid at narinig ang pinagsasabi ng kausap n'ya. Kasi may pa sma-smack pa itong nalalaman. Namimihasa na ata ito sa kakakiss kahit hindi pa sila. "What are you doing here this early?" Tanong n'ya instead sumagot sa bati nito. "Marking my territory baby." Pasimpleng sagot nito sabay sulyap sa kausap n'yang si Brent. "Ah by the way, meet Brent, my good old friend." Aniya ni Atalia. "Nice meeting you Brent, Im Hunter." Sabay akbay kay Atalia. Wala man itong sinasabi pero obvious naman kung ano ang gustong iparating sa karibal nito. Hindi nalang kumibo si Atalia para hindi rin ito mapahiya. "Uhm... Nice meeting you too Hunter. Excuse me guys, but I really have to go, I have a meeting in 30 minutes. So, see you around." Mabilis pa sa alas kwatrong alibi ni Brent at umalis. Tanging kaway na lang ang isinagot ni Atalia sa dating manliligaw. Siniko ni Atalia ang gilid ni Hunter dahil naka-akbay pa rin ito sa kanya. "What?" Maang-maangan pang tanong ng binata sa kanya. "Ay hindi ako na inform na nang-aakbay na pala ang nanliligaw pa lang?" Taas kilay na tanong ng dalaga. Why? Hindi pwede? So you want that your former ugly suitor can court you again?" Nakasalubong ang kilay na balik tanong nito sa kanya. Wow possesive lang ang dating teh? bulong ng isipan ng dalaga. "Luh, male-late na po ako boss." Biro at pag-iiba ni Atalia. "Ok lets go. I also have commitments today." Seryoso pero hindi pa rin inaalis ang kamay sa pagkaka-akbay sa kanya. Ayaw ni Atalia na mabahiran ng issue ang trabaho n'ya kaya pinaki-usapan n'ya si Hunter na walang ligawang mangyayari sa kompanya. They should remain professional at their workplace. Ayaw sana ni Hunter pero napapayag rin ni Atalia. "Gurl! Mukhang pablooming tayo everyday ha." Puna ni Nina sa dalaga. "Kaw talaga gurl, may kelangan ka noh kaya't bola agad ang salubong mo sakin?" sagot ni Atalia. "Tsk! tsk! Wala kaya. Sana kasing blooming mo rin ako." Baka sakali may chance pa na mapansin ako ng love na love kong si boss Hunter." Parang teenager na kinikilig ang kausap n'yang si Nina. "Alam mo ba? Parang may pinupormahan si sir Hunter dito. Lage kasing dumadaan sa department natin." Dagdag chika ni Nina na nakapagpakaba kay Atalia. "Di kaya nagkaka-crush na s'ya sa 'kin gurl?" Halos mabulonan si Atalia sa sarili n'yang laway sa tawa dahil sa mga pinagsasabi ng kwela n'yang kaibigan. "O Di kaya nanliligaw s'ya kay Ms. Sevilla?" Daldal pa uli nito. "H-hindi ko alam. Baka nga." Patay malisyang sagot ng dalaga. "Naku! Promoted agad yang si Ms Sevilla 'pag nagkataon." Sabat ni Claire na nasa likuran lang pala nila. "Ahm.. Di naman siguro. Magaling din na man si Ms Sevilla, just incase mapromote sya, t'yak pinaghirapan n'ya yon." Pagdadahilan nya. Ito na nga ang ayaw n'ya. Yung magkaka-issue sa trabaho kung ganoon. Kelangan n'yang makausap ng masinsinan si Hunter. Kaya oras ng uwian ay nagpupumilit na si Atalia na hindi na ihatid ng binata. Gusto n'yang umurong sa nasimulang ligawan nila ng binata. Mahal n'ya ang trabaho n'ya at ayaw n'yang maging issue ito pagdating ng panahon. Kaya balik iwas na naman s'ya sa binata. Pero sino ba naman ang makaka-iwas ng matagal sa isang Hunter Williams? Lalo na't boss nya ito. "Pick up your damn phone and answer me or you want all your collegues to know that I'm courting you? Choose." Maaga at mahabang text ni Hunter ky Atalia. Ilang araw na kasi n'ya itong iniiwasan na nakakalusot naman dahil busy ito sa mga meetings kaya hindi ito nakapangulit masyado. Kaya nung tumawag ulit ito ay sinagot nalang n'ya at pumunta sa pantry ng department nila. "What's wrong with you again Atalia?" Galit na tanong ng binata. Kahit hindi n'ya nakikita ang kausap ay alam n'ya ang galit na hitsura nito na naka-tiim baga. Pero kahit anong expression ng mukha ng binata ay kikiligin pa rin ang kahit na sinong babae na madapuan ng tingin nito. Sinalo n'ya 'ata ang lahat ng kagwapohan sa mundo. Hindi man lang nagshare ng konti para mabawas-bawasan man lang sana. "What stupid things I did to offend you? Don't keep me guessing or Im going crazy." Dagdag sabi ng binata na kahit hindi n'ya kaharap ay alam n'yang mukhang kakain ng tao sa galit sa paraan pa lang ng pagsasalita nito. "Uhm, no it's just that, I really have so much errands to attend to." Palusot ng dalaga na sa tingin n'ya ay medyo sablay naman. "Really? That much that even answering my calls ay hindi mo magawa?" Sarkastikong tanong nito saka binaba ang tawag ng walang paalam. Napatulala si Atalia, kilala n'ya ang puso n'ya pero mas gusto na rin n'ya na wala silang ugnayan sa gwapo at napakayaman na manliligaw. Naduduwag kasi s'ya sa layo ng estado nila. Pero.. Few hours later... Hunter: 'Let's have lunch together.' Text ni Hunter ky Atalia. Atalia: Nope Hunter: Why? Atalia: What if someone will see us? Hunter: Is that a problem? Atalia: Of course yes. You are my boss. Remember? Ring... ring... "And what the hell is wrong with that again Atalia??" Galit na tanong ni Hunter. "I understand that you dont want me to court you in the company, but even outside, you still don't want to be with me?!" May halong tampo sa boses nito lalo na sa mga huling salita ng binata Never in his wildest dream to deal a very difficult woman just to be with her. Na halos kidnapin na lang para masolo n'ya. "Can you just tell me frankly if I do have a chance on you?" Inis na tanong ng binata. Dahil ang totoo may dalawang meetings s'yang kinancel para lang makasama sa lunch date ang dalaga. Hindi kasi n'ya ito nakita kanina dahil na rin sa mga naunang meetings. Bakit yong ibang babae nag-uunahan pa para mapansin lang n'ya at makasama. Samantalang si Atalia kung makaiwas ay para s'yang may malalalang sakit na nakakahawa. Galit s'ya dahil sa isip n'ya baka mahal pa rin nito ang manlolokong ex ng dalaga na para kay Hunter eh sobrang layo naman nito kumpara sa kanya. Totoo naman dahil s'ya lang naman ang number 1 na pinagkakagulohang bachelor in his circle kaya kahit sikat na mga artista ay kusang kumakatok sa pintuan n'ya. Hindi s'ya ganito ka clingy or ka attached sa past relationships n'ya. Sadyang kay Atalia lang talaga kahit nililigawan pa lang ito. And to think unang beses n'yang nangligaw. Kahit yung flowers na pinapadala n'ya ay ito mismo ang nag-order at hindi nito ini-asa sa secretary n'ya. "Alam mo naman kasi—" Litong paliwag ni Atalia pero pinutol ito agad ng binata. "Just say yes or no. Do I have a f**k'n chance Atalia?" "YES!" nabiglang sagot ni Atalia. Kani-kanina lang nakapagdesisyon s'yang iwasan ang binata pero ngayon napaamin na lang s'ya bigla. Tut tut tut.. He just hung up?! Narinig ba talaga n'ya ang yes ko? Nalilito tuloy ang dalaga. ANNOUNCEMENT (URGENT) TO: ALL EMPLOYEES FROM: HUNTER WILLIAMS-CEO SUBJECT: HALFDAY WORK Everyone is requested to leave the workplace before 12:00 pm sharp for disinfection purposes. You may continue your pending work/assignments tomorrow, Jan 6, 2022. Thank you. "Wow ngayon lang nangyari to!" Masayang balita ni Claire na unang nakabasa sa announcement thru their company email. "Guys halfday lang tayo today. Go ra nah! Malapit ng mag 12." Sabat ni Nina na mabilis nakapag-impaki ng mga nagkalat na gamit. "Oo nga noh. Ano lunch tayo?" Sabi ni Jake na kay Atalia nakatingin. "Kayo na lang guys tatapusin ko na lang 'tong ginagawa ko." Sagot ni Atalia. Muntik na s'yang malaglag sa upuan paglakatapos n'yang mabasa ang online announcement na pinadala ng secretarya ni Hunter. Alam n'ya kung bakit biglang may ganuong announcement. Kaya pala ito nag-hung up agad-agad kanina. Samantalang mukhang teenager na kinikilig si Hunter sa yes ni Atalia kani-kanina lang. Kahit alam n'yang chance ang sinasabing yes nito. Kaya ang bilis n'yang nakagawa ng rason masolo lang ang dalaga. He doesn't even mind if it's a very lame excuse basta makasama niya ang pinopormahang dalaga. Nagsilabasan na ang kasamang designers ni Atalia sa department nila. Kaya nagulat s'ya nang maya-maya may pumasok bigla sa department nila. "Lunch is ready!" Ngiting abot tenga na bungad ni Hunter sa kanya. "Since ayaw mong may makakita sa 'tin sa labas, So I let my secretary arranged our lunch in my office. Let's go. Umuwi na rin s'ya so hindi n'ya alam sinong makakasama kong kakain." Mahaba at excited na saad ng binata. Hindi makapaniwa si Atalia. Lutang na lutang pa rin s'yang sumama sa binata at sinundo pa talaga s'ya nito na pwede naman i-text or tawag man lang just like what he did a while ago. Pagkapasok ni Atalia sa opisina ni Hunter ay bumungad sa kanyang paningin ang romantic na set-up ng pananghali-ang pagsasaluhan nila. Ang sekretarya nga nito ang pinag-ayos ng binata, pero hindi naman siguro magiging ganito ka ganda at ka romantic kung hindi ito aprobado kay Hunter. Meron din naman palang natitirang ka-sweetan sa katawan ang pogi n'yang boss kahit napaka-intimidating lage ng aura nito. May pa bouquet pa ang loko at ang hindi matanggal-tanggal na ngiti sa labi nito ang mas lalong nagpapaganda ambiance nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD