Capítulo Cuarenta y Ocho punto uno (48.1)

1839 Words
"So, ikaw nga si Hurricane? Wow! I can't believe it!" Hindi makapaniwalang saad ni Ava kaya itinulak ko papasok ang drawer at naluluha akong tumingin sa kan'ya. "H-Hindi, hi-hindi, A-Ava, hindi ako si Hurricane," naluluhang depensa ko. "Eh, bakit may hawak-hawak kang baril at bulaklak na pagmamay-ari ni Hurricane?" Nakataas na kilay na tanong niya. "H-Hindi, nakita ko lang 'yun sa drawer ko—" "Drawer mo, 'Mo', ibig sabihin 'sa iyo'," sabat niya kaya naitikom ko ang bibig ko at napahikbi ako ng tuluyan. "Teka, ano ba ang ginagawa mo rito, Ava?" Naiinis na tanong ni Natalia. "Of course, I must be here, this is my office, I'm still a part of this," depensa naman ni Ava at nag-cross arm. "Wow! Wala kana rito ilang buwan na ang nakaraan, Ava, nandoon kana sa opisina ng CEO mong bulok!" Asik naman ni Natalia at napayuko na lang ako dahil umiiyak na ako rito. "Oh, ganoon ba? Speaking of Ms. CEO, isusumbong ko kayo na magkasabwat kayo, lalong-lalo kana, Stella! After all this time, ikaw pala si Hurricane, tapos si Ms. V ang pinaghihinalaan ninyo? Mahiya naman kayo!" Saad ni Ava kaya napa-angat ang tingin ko sa kan'ya. "Ava, h'wag!" Pigil ko pero umalis na siya sa bungad ng pinto at sinarado pa ang pinto. "N-Nat, hindi naman ako si Hurricane, bakit ako na ang pinaghihinalaan ngayon?" Umiiyak na saad ko at dinaluhan agad ako ni Natalia ng yakap kaya napasubsob ang mukha ko sa balikat niya. "Hush, Stella, alam ko, naniniwala ako sa 'yo, hush now," pagpapakalma niya sa akin at napahikbi pa ako sa balikat niya. "H-Hindi ko naman alam na m-may baril d'yan, eh, h-hindi ko naman alam na nand'yan pala ang phone ko, h-hindi ko naman nilalagay ang phone ko sa loob ng drawer," humihikbing saad ko at hinagod ulit ni Natalia ang likod ko. "Hush, Stella, h'wag kang mag-alala, hindi ka paghihinalaan, I swear," pagpapakalma niya sa akin at napatango naman ako. Napahiwalay na lang ako sa yakap naming dalawa nang marinig naming bumukas ang pinto. Paglingon ko sa aking likuran kung saan banda ang pinto ay nakita ko si Ma'am V at Ava na nakatayo roon sa bungad ng opisina. "Ma'am V..." Mahinang tawag ko sa kan'ya at tiningnan ko siya na nagmamakaawa. "Is it true, Stella?" Ma-awtoridad na tanong ni Ma'am V at saka ay naglakad papunta sa pwesto namin. Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko, magkasing-tangkad lang kaming dalawa, at matigas niya akong tiningnan ng diretso sa aking mga mata. Bumaba ang tingin niya sa drawer ng table ko. "Ma'am V, mali po ang iniisip ninyo, h-hindi—" "Shut up, Stella," sabat niya kaya naitikom ko na lang ang bibig ko. Binuksan niya ang drawer ng lamesa at kinuha niya ang baril at bulaklak na nandoon. "Is this yours?" Nakataas na kilay na tanong niya sabay pakita sa baril na hawak-hawak niya. Umiling ako. "H-Hindi sa akin—" "Then, bakit nasa lamesa mo ito?" Sabat niya. "May naglagay niyan d'yan," depensa ko naman. "Then, who might it be? Multo? May sisisihin ka bang ibang tao without valid evidence? May ituturo ka bang tao na p'wedeng gumawa nito without proof? Now, who might it be?" Sunod-sunod na tanong niya at umismid siya sa akin kaya napayuko na lang ako sabay iling bilang sagot. "Then, you are the one who is responsible with these things since nasa property mo ito, in your table, actually, so these are your things, not mine, not Ava, nor Natalia, these are yours," matigas na saad niya sabay lapag sa dalawang bagay sa ibabaw ng table ko. Napa-angat na lang ang tingin ko nang biglang bumukas ang pinto sa likod ni Ava at napatingin ako sa lalaking pumasok. Punong-puno ng pagtataka ang mukha niya nang tingnan niya ang mga tao sa loob ng silid na ito habang may dala-dala siyang isang tangkay ng bulaklak at isang piraso ng maliit na papel. "Victoria, Ava, what are you doing here?" Baritonong boses na saad ni Wild kaya napalingon si Ma'am V sa likuran niya. "Wild..." Mahinang saad ni Ma'am V. "I found out that your secretary, Ms. Stella Levesque, own these things," patuloy niya pa sabay kuha sa bulaklak at baril na nasa lamesa at pinakita niya ito kay Wild. Nagmamadali namang naglakad si Wild papunta sa pwesto namin at kunot-noong tiningnan ni Wild ang hawak-hawak ni Ma'am V. Tiningnan niya ito na punong-puno ng pagtataka at kitang-kita ko sa mukha niya na parang ayaw niyang maniwala. "Hurricane's, that's from Hurricane, Victoria, hindi kay Stella 'yan," depensa sa akin ni Wild. "How can you say so, Fuero? Nakita ni Stella ito sa mismong drawer niya, from her property, from her table!" Depensa naman ni Ma'am Victoria kaya napatingin si Wild sa akin. "Sir, hindi ko nga alam paano gumamit ng baril, eh, nabibigatan nga ako nang hawakan ko 'yan kanina," depensa ko naman sa sarili ko. "Wild, wala pang hustisya ang pagkakulong mo, and after all this time, si Stella mismo ang nagpakulong sa 'yo, because she's Hurricane!" Saad naman ni Ma'am Victoria at binalik ulit ni Wild ang tingin niya kay Ma'am V. "Is it true, Stella?" Mahinang saad ni Wild sabay tingin sa akin. "Naniniwala ka sa kan'ya, Sir? Kung ayaw ninyong maniwala sa akin, ako mismo ang magdadala kay Hurricane sa harapan ninyo!" Galit na saad ko sabay kuha sa gunting na nasa ibabaw ng lamesa ko at saka ay umalis sa harapan nilang lahat. "Saan ka papunta, Stella?!" Sigaw ni Natalia bago ako lumabas sa opisina. |༺☬༻| Nakarating ako sa isang hallway kakalakad ko para lang mahanap si Hurricane, at sa 'di kalayuan ay may nakita akong naka-itim na naglalakad sa pinakadulo ng hallway kung saan ay wala masyadong dumadaan at medyo madilim na bahagi rin ito. Alam kong si Hurricane 'yun kaya dahan-dahan akong naglakad para hindi niya ako marinig at sinundan ko siya. Ilang sandali pa ay naabutan ko siyang lumabas sa fire exit at agad akong nagtago sa isang pader, mabuti na lang din at hindi niya ako nakita rito. Nang makalabas na siya sa fire exit ay sumunod naman ako sa kan'ya at dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng fire exit at saka ay lumabas na rito at tahimik ko ring sinarado ang pinto. Dahan-dahan din akong bumaba sa hagdanan at pinakiramdaman ko siya na naglalakad papunta sa baba. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa ground floor ng building, kung saan nandoon ang parking area ng kompanya. Lumabas na siya sa pinto ng fire exit papuntang parking area. Hinintay ko pa siya na tuluyang makalabas sa fire exit at ilang sandali pa ang lumipas at sumunod na rin ako palabas sa fire exit. Paglabas ko ay hindi ko siya mahagilap, tanging mga kotse lang ang nandito at tahimik lang ang buong lugar. Walang tao, wala na si Hurricane, pero hindi ako p'wedeng mawalan ng pag-asa, kailangan ko siyang hanapin at makita siya para patunayan na hindi totoo ang bintang nila sa akin na ako si Hurricane, ang injustice nila, nadamay nga lang ako rito, isa lang naman ako sa mga biktima ni Hurricane dito, eh! Sa paglalakad ko ay napahinto ako nang bumungad ang pigura ng isang tao na nakatayo sa hindi kalayuan sa akin. Nakasuot siya ng itim na kapa at may itim din na hood at sa kan'yang kamay ay itim na gloves at may dala-dala pa siyang mahabang katana at may bahid pa ito ng dugo, nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kung ano man ang nasa harap niya pero alam kong may pinatay siya. Agad kong kinuha ang gunting na nasa bulsa ko at agad kong hinawakan ito gamit ang dalawang kamay ko at saka ay itinaas sa aking harapan at itinutok ito kay Hurricane na nakatayo sa hindi kalayuan sa akin. "Papatayin kita! Hayop ka!" Nanginginig na saad ko at umalingawngaw ang boses ko sa buong parking lot. Agad akong napa-atras nang gumalaw siya at dahan-dahang ipinihit ang kan'yang katawan paharap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makaharap ko na siya, hindi ko pa rin nakikita ang kan'yang mukha dahil nakasuot siya ng maskara na kulay puti. Dahan-dahan siyang umabante papunta sa akin at ako naman ay napa-atras sa kan'yang paggalaw. "D-D'yan ka lang! Papatayin kita kung lalapit ka! Sinasabi ko sa 'yo!" Nanginginig na saad ko. Hindi ko dapat ipapahalatang natatakot ako, pero nang makita ko lang siya ay nanghihina na ang aking mga tuhod at parang matutumba na ako. Hindi siya huminto sa paglalakad papunta sa akin habang dala-dala niya ang kan'yang mahabang katana. Natuon agad ang atensyon ko sa kan'yang likuran nang makita kong may taong nakahandusay roon at maraming dugo na ikinalaki ng mga mata ko. Naagaw naman agad ang atensyon ko mula sa nakahandusay na tao papunta sa taong naglalakad papunta sa akin nang mapansin kong papalapit na ito. Patuloy ang pag-atras ko pero parang nasemento ang aking mga paa nang makita ko ang pamilyar na kulay ng kan'yang mga mata. Parang nakita ko na 'to noon pero hindi ko maalala kung kanino dahil ilang beses na rin akong nakakita ng ganitong kulay ng mga mata. Agad nabalik ako sa ulirat nang nakatayo na siya sa harapan ko, napa-angat ang tingin ko dahil sa tangkad niya kumpara sa tangkad ko. Agad kong itinuon ang aking dala-dalang gunting sa harapan niya pero parang hindi siya natinag. "H-Hayop ka, mamamatay-tao ka!" Singhal ko sa kan'ya. "Of course, I'm a killer, little angel. Put your scissors down because I know you can't kill me, you don't know how to kill a person," saad niya sa malalim na boses. Hindi ko matyansa kung ano ang totoo niyang boses dahil malalim ito at parang may device na ginamit dito kaya gan'yan ang kan'yang boses. Napahigpit ang hawak ko sa gunting nang umatras siya ng dalawang hakbang mula sa kinatatayuan niya. "You're right, I'm not just a killer, but a psychopath who kills no mercy to everyone who hinders my path, I'm Hurricane, everything who hinders my path will hush their mouth to their own grave," saad niya at tumawa nang itinaas niya ang kan'yang espada at agad niya itong itinutok sa gilid ng aking leeg. Napasinghap ako sa kan'yang ginawa at parang malagutan ako ng hininga. Parang nangangatog ang aking tuhod, nanghihina, at hindi na normal ang matinding kabog ng aking puso na para bang nais na nitong kumawala sa aking dibdib at umalis. "I have a gift for you, Ms. Levesque. I hope you'll love it," sarkastikong saad niya na ikinakunot ng aking noo. Gamit ang kan'yang libreng kamay, may kung anong hinalughog siya sa ilalim ng kan'yang mahabang kapa at may kinuha roon. Natuon agad ang atensyon ko sa kan'yang kabilang kamay na may dala-dalang picture at agad niya itong itinapon sa sahig kaya napatingin ako sa aking paanan. Isiningkit ko ng maigi ang aking mata para maaninag ko ng husto ang tao na nasa litrato. Nang maaninag ko ito ay parang huminto ang aking mundo nang makita ko kung sinong babae itong nandito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD