|༺☬༻|
General POV
Days had passed. Kasalukuyang nasa isang abandunadong gusali sila Hurricane at ang mga kasamahan niya. Kagaya ng dati, nakasuot sila pareho ng puting maskara at itim na suot sa katawan at mahabang kapa dahil kaharap nila ngayon ang kabilang panig, sila Ace at ang mga kasamahan niya.
Maiingay na putukan ang umalingawngaw sa buong gusali, sunod-sunod na paghulog ng mga bala mula sa baril ni Hurricane at kasabay nu'n ang patuloy na pagbilang niya. Lahat ng mga napapatay niya ay parehong natatamaan sa kanilang kanang mata at kasunod nu'n ang pagbaril sa kanilang noo.
Lahat ng mga natatamaan ng Nebuchadnezzar o 'Ndrangheta ay mga tauhan lang nila Ace dahil sa plano nilang pananatilihing buhay ang mga pinuno. Walang nasugatan sa grupo ni Hurricane kahit isa habang sa kabilang grupo ay nagkaka-ubusan na ng mga tauhan habang ang mga tauhan nila Hurricane na kasama nila ay kompleto pa.
Sa kabilang banda naman. Nakikipagpatayan pa si Heavens sa mga tauhan sa kabila at ang mga kasama niya sa lugar na iyun ay si Hurricane, Amethyst, at Bloodstone na parehong nakikipagpatayan din. Napansin ni Hurricane ang isang babae mula sa kalaban na kasalukuyang nakikipaglaban kay Heavens.
Habang nakikipaglaban si Hurricane ay nandoon ang atensyon niya sa babaeng kalaban ni Heavens. Kinuha ni Hurricane ang katana na nasa likuran niya at walang pasabi-sabing itinaga niya ito sa kasalukuyang kalaban niya.
"7,749," saad ni Hurricane matapos niyang patumbahin ang isa sa mga tauhan ng mga kalaban nila. Napatingin si Hurricane sa mga kinakalaban nila Bloodstone, Amethyst, at Heavens.
"What's with Skyler this time? Kanina ang bilis niyang makapatay pero sa isang babaeng 'yan hirap na hirap siya? Kung p'wede namang barilin niya ng diretso 'yan?" Nagtatakang bulong ni Hurricane sa sarili at napalapit na lang si Hurricane sa pwesto ni Heavens at ng babae nang biglang matumba si Heavens at binaril siya ng babae sa kan'yang balikat.
"Your Majesty! H'wag!" Nahihirapang sigaw ni Heavens nang muntik nang tagain ni Hurricane ang babae gamit ang katana pero agad naman tumakbo ang babae papalayo sa kanila.
"Heavens! Are you insane?! Bakit hindi mo mapatay-patay ang babaeng 'yun sa simpleng pagkalabit ng baril mo? At ngayon ikaw na 'yung natamaan?!" Galit na sigaw pabalik ni Hurricane kay Heavens.
"Your Majesty..." Mahinang saad ni Heavens at lumapit naman si Amethyst at Bloodstone sa pwesto ng dalawa nang matapos na nilang mapatumba ang kalaban nila.
"Anong nangyayari rito?" Nagtatakang tanong ni Bloodstone at inalalayan niya si Heavens na makabangon at makatayo mula sa pagkakahiga sa sahig.
"He didn't even hesitate to kill that girl! At hinayaan niya pang matamaan siya ng babaeng 'yun!" Asik ni Hurricane.
"Wait... That girl... Hindi ba agent 'yun ni Archilles Riego?" Tanong naman ni Amethyst at napatango naman si Hurricane.
"Indeed," tangong tugon ni Hurricane.
"Siya ba ang tinutukoy mong may nagugustuhan kanang babae ngayon, Heavens? 'Yung babaeng nakalaban mo?" Tanong naman ni Bloodstone.
"Bloodstone!" Saway ni Amethyst sa lalaki.
"Wait, what? May gusto ka sa babaeng 'yun?! She's from our enemy, are you insane, Heavens?" Hindi makapaniwalang saad ni Hurricane kaya napayuko na lang si Heavens.
"I–I'm so sorry, Your Majesty—"
"Sorry is not on my vocabulary, Heavens, I don't forgive people, instead I kill them immediately," matigas na tugon ni Hurricane.
"Your Majesty, papatayin mo si Heavens?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amethyst.
"Bloodstone, call the 'Ndrangheta, babalik na tayo sa Casa de Sheol," habilin ni Hurricane kay Bloodstone at nauna na siyang umalis sa harapan ng tatlo.
"Iyan ba ang epekto basta hindi ma-crushback ni..."
"Amethyst, tumigil ka nga, broken pa 'yan ngayon," putol ni Bloodstone sa sasabihin ni Amethyst.
"Totoo naman, eh, lahat naman tayo hindi na-crushback dito, ewan ko na lang kay Heidi, mukhang nag-eenjoy naman si Kamahalan sa kan'ya," depensa naman ni Amethyst kaya napabuntong-hininga na lang si Bloodstone.
"Ewan ko sa 'yo, kahit hindi ako ma-crushback mananatili pa rin ang nararamdaman ko sa kan'ya. Tulungan mo na lang ako kay Heavens, tatawagan ko pa ang iba para maka-uwi na tayo," iling na saad ni Bloodstone at pinindot niya ang earpiece na suot niya.
"Uuwi na tayo, mukhang tinakbuhan na tayo ng mga kalaban," saad ni Bloodstone sa earpiece. Inalalayan ni Bloodstone at Amethyst si Heavens kahit sa balikat lang naman siya natamaan.
|༺☬༻|
"Ah!" Malakas na sigaw ni Heavens nang nilatigo ulit siya ni Hurricane sa likod. Nakamasid lang kay Heavens at Hurricane ang labing-tatlong mga matataas na opisyal ng 'Ndrangheta. Umiiyak si Amethyst habang pinagmasdan si Heavens na namimilipit sa sakit na natamo niya sa kan'yang likod.
"Do you like her, Heavens?!" Sigaw ni Hurricane habang mahigpit na hinahawakan ang mahabang latigo sa kan'yang kamay.
"Oo!" Sigaw ni Heavens at sunod-sunod siyang nagpakawala ng malalakas na daing at sigaw nang nilatigo ulit siya ni Hurricane ng dalawang beses.
Hindi kayang maka-alis si Heavens sa pwesto niya dahil nakatali sa kadena ang kan'yang mga braso at nakaluhod siya sa sahig. Nakahubo't hubad siya habang nakatalikod kay Hurricane.
"Do you love her?!" Muling sigaw ni Hurricane.
Tumango naman si Heavens. "Louder!" Sigaw ni Hurricane sabay latigo sa likuran ni Heavens.
"Ah! Yes!" Daing na sigaw ni Heavens at muli siyang nilatigo ni Hurricane sa likod. Namimilipit sa sakit si Heavens pero nanatili pa rin siyang matatag mula sa pagkaluhod niya sa sahig.
"Love is insane, love is crazy, love is traumatic!" Sigaw ni Hurricane at muli ay nilatigo niya sa panghuling beses si Heavens sa likod kaya nagpakawala ng malakas na sigaw si Heavens mula sa kan'yang bibig.
"Cover him up and bring him to my chamber!" Matigas na utos ni Hurricane sa kan'yang mga kasamahan kaya dali-daling lumapit si Moonstone na may dala-dalang kumot at agad niyang tinakpan ang hubo't-hubad na katawan ni Heavens.
|༺☬༻|
Stella's POV
"Coffee? Tea? Or me?" Nakangising tanong ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko at masungit na naman itong nakatingin sa akin ngayon.
"S-x with you," mariing tugon niya kaya nahampas ko siya sa balikat.
"Nabubuang ka ba? Nasa trabaho tayo," saway ko kay Wild na ngayon ay naka-ismid pa ang labi.
"Why? A q-ickie?" Anyaya niya kaya tinampal ko ang bibig niya.
"Bibig mo ha, tatahiin ko na talaga 'yan, bahala ka riyan! Bababa na lang ako kung hindi mo naman ako sasagutin ng seryoso," nakangusong saad ko at tatalikod na sana nang magsalita siya.
"Then, why you include yourself in the choices? I only asked for coffee," saad niya.
"E 'di, sorry! Ang landi ko, 'no? Sige, bibilhan na kita ng kape, tapos lalagyan ko ng robust," tugon ko at inirapan siya sabay talikod at mabilis na umalis sa opisina niya.
Grabe! Mag-aalas siyete na ng gabi tapos nanghihingi pa siya ng kape? Mabuti na lang talaga at tapos na ang work ko bago niya ako utusang bumaba sa cafeteria.
Kasalukuyan na ako ngayong naglalakad papuntang elevator nang bigla akong napatigil nang may marinig akong kanta na umalingawngaw sa buong hallway. Anong araw ba ngayon? Napatingin ako sa cellphone ko at alas-siyete na pala ng gabi at ika-25 ngayon ng Abril!
"Si Hurricane, nandito na naman siya," bulong ko at nagmamadaling lumakad pero napatigil na lang ulit ako nang may tumawag sa akin at napalingon ako sa likuran ko.
"Blondie, where are you going?" Tanong ni Wild na ngayon ay mabilis na naglakad papunta sa akin.
"Pupuntahan sana si Natalia sa baba," tugon ko at nakalapit na ng tuluyan si Wild sa akin.
"Sige, sabay na tayong bumaba, kailangan ko pang hanapin kung saan na naman nilagay ni Hurricane ang biktima niya," tugon niya at napatango ako at tuluyan na kaming pumasok sa elevator.
|༺☬༻|
Napatakip na lang ako sa aking bibig nang makita ko ang babaeng biktima ni Hurricane ngayong araw. Nasa banyo kami ngayon na nasa ika-66 na palapag kung saan dito namin natagpuan ang babaeng nakahubo't-hubad at nakasabit ang leeg sa kisame.
"Why sudden change of killing style?" Tanong ni Natalia sa akin kaya napatingin ako sa katabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya.
"I mean, binalik niya ang way of killings niya sa mga babaeng biktima, kagaya ngayon," pagkaklaro ni Natalia.
"Oo nga, 'no? Wala na yatang naisip si Hurricane na ibang killing method kaya binalik niya ang dating method niya," bulong ko kay Natalia at napatango naman siya sabay thumbs up.
Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa babae na ngayon ay dahan-dahang ibinaba ni Wild at ng mga lalaking empleyado. Lumapit agad kami sa pwesto nila nang mailapag na ni Wild ang babae sa sahig at kinuha niya ang bulaklak na nakabaon sa dibdib ng babae.
"7,750," saad ni Wild pagkatapos niyang basahin ang mga numerong naka-ukit sa tangkay ng bulaklak. Kinuha niya rin ang papel na nakadikit sa noo ng babae at binasa ang nakalagay roon.
"15," mahinang saad niya, sakto lang para marinig ng mga taong malapit lang sa kan'ya.
"Nat, nadala mo ba ang phone mo?" Tanong ko sa kaibigan ko kaya napakapkap siya sa kan'yang mga bulsa.
"Hindi, mukhang naiwan ko yata sa opisina," tugon niya at napatango ako.
"Sige, tara kunin na muna natin 'yun sa taas," anyaya ko at tumango naman siya at saka ay umalis na kami sa banyo.
Nagpunta kami sa opisina namin para kuhanin ang phone ni Natalia. As usual, tahimik lang ang opisina at kung ano ito nung umalis kami ay ganoon ito ngayong bumalik kami.
"Kukunin ko rin pala 'yung phone ko, 'di ko rin pala 'yun dala," saad ko kay Natalia nang makapasok na kami sa opisina. Agad kong tinungo ang aking table at hinalughog ko ang bag ko dahil hindi ko iyun makita sa ibabaw ng aking lamesa.
"Nasaan naba 'yun? Dito ko lang naman 'yun nilagay," saad ko habang sinisilip ang bag ko.
"Ayan, nakita ko na," saad ni Nat sabay pakita sa phone niya. "Bakit? Hindi mo pa ba nakikita 'yung sa 'yo?"
Umiling ako. "Hindi pa, eh, baka nandito sa drawer. Pero hindi naman ako naglalagay ng phone dito," saad ko sabay lipat sa atensyon ko sa drawer.
"Tingnan mo lang d'yan, baka nakaligtaan mo lang at napasok mo sa drawer," saad niya at tumango naman ako at binuksan ang drawer ng table ko. Pagbukas ko ay laking gulat ko na lang sa kung ano-anong mga bagay ang nakita ko rito.
"Bakit, Stella?" Nagtatakang tanong ni Natalia at napatingin ako sa kan'ya na punong-puno ng takot. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa loob ng drawer at nanginginig ang mga kamay kong pinulot ang dalawang bagay na nandoon katabi ng aking cellphone.
"Hurricane..." Mahinang bulong ko sabay angat sa baril na kulay itim at may naka-ukit pang malaking pangalang 'HURRICANE' sa handle nito. Mabigat ang baril, at ngayon lang ako nakakahawak ng ganito. Pinulot ko rin ang black bacarra rose na may 'HURRICANE' din sa tangkay nito, ngunit ang kaibahan lang sa bulaklak na ito ay wala itong mga numero sa bulaklak.
Napalingon na lang kami ng sabay ni Natalia sa pinto nang bigla itong bumukas at nagulat na lang kami kung sino ang babaeng nakatayo roon sa bungad at nakatingin sa akin pababa sa mga hawak ko.
"Stella?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ava kaya nabitawan ko ang mga dala-dala ko at nagbigay ingay ang baril sa drawer na gawa sa kahoy nang mabitawan ko ito.