Note: Before reading this part, highly recommended po na pakinggan niyo po ang Danse Macabre habang nagbabasa kayo sa part na ito. Enjoy reading, everyone!
"M-Ma..." Mahinang saad ko at nag-uunahan na ang mga luha ko sa pagtulo. Agad kong inangat ang aking tingin at diretsong tinignan ang taong nakatayo sa harapan ko.
"A-Anong ginawa mo sa nanay ko?!" Nanginginig na singhal ko sa kan'ya kaya napansin ko ang pagtaas-baba ng kan'yang balikat, hudyat na tumatawa siya ng mahina.
"H-Hayop ka! Anong ginawa mo sa kan'ya?!" Singhal ko at parang may kung anong bumara sa lalamunan ko dahil sa matinding paghikbi ko.
"Surprise! Plano ko sanang isusunod kita sa mahal na mahal mong nanay, Stella, kaya natutuwa nga ako nang ikaw mismo ang lumapit kay Kamatayan, natutuwa nga ako na ikaw ang lumapit sa sarili mong hukay," sarkastikong saad niya at tumawa ng malakas.
"Hayop ka! Walang hiya ka! Mamamatay-tao!" Singhal ko sa kan'ya.
"Bla-bla-bla-bla! Paulit-ulit! Mamamatay-tao na kung mamamatay-tao! Ang ingay mo! Kaya patatahimikin kitang babae ka!" Malakas na saad niya kaya itinapon ko sa malapad niyang dibdib ang gunting pero parang nag-bounding lang ito na ikinatawa niya kaya napa-atras ako at nanlaki ang aking mga mata nang tingnan ko siya ulit.
Wala na akong ibang magagawa, tatakbo na lang ako hangga't sa kaya ko. Naramdaman ko ang pagbaba niya sa katana na itinuon niya sa aking leeg.
"Now, I'll give you a chance to run and save your life. Go, run!" Sigaw niya kaya agad kong tinanggal ang suot kong sandal at kumaripas ng takbo.
"Run! Little angel! Run!" Sigaw niya at umalingaw-ngaw ang boses niya sa buong parking lot. Agad-agad akong bumalik sa pinto ng fire exit at pinihit ito pero hindi ito mabuksan at parang naka-lock pa ito mula sa loob.
Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita ko si Hurricane na dahan-dahang naglakad papunta sa akin. Itinuon ko ulit ang tingin sa harapan ko at malakas itong pinagpupukpok.
"Buksan niyo 'tong pinto, please! Please! Maawa kayo!" Umiiyak na sigaw ko at patuloy na pinagpupukpok ang pinto pero walang nakakarinig sa akin.
"Run, little angel!" Sarkastikong sigaw niya kaya binitawan ko agad ang doorknob at tumakbo sa kabilang direksyon. Nagtago ako sa likuran ng mga kotse at nagulat na lang ako nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa parking lot kaya subrang dilim ng paligid.
Nakaramdam ako ng matinding panlalamig dahil sa takot. Mas lalong nanginig ang buong sistema ko nang marinig ko na ang pamilyar na tugtugin ni Hurricane, ang Danse Macabre!
"Stella, do you want to play hide and seek?" Matilis na saad niya. Nag-iba ang kan'yang boses, hindi na ito ang boses niyang naririnig ko kanina, boses na ito ng isang babae.
"Stella, Hurricane is here to kill you!" Nagiging boses matandang lalaki na naman ito. Bakit pa-iba-iba ang boses niya?
"Gotcha!" Saad niya, nag-iba na naman 'to at boses lalaki na naman.
"Hi there, little angel! Nice to meet you!" Saad niya kaya napa-angat ang tingin ko sa gilid ko at naaninag ko ang puting maskara niya sa buong mukha.
"Ah!" Sigaw ko kaya agad-agad akong tumayo at kumaripas na naman ng takbo.
"HAHAHA! Run, little angel!" Tawa niya, bumalik na naman ang boses niyang malalim na parang boses na ginamitan ng device.
Kasabay ng aking pagtakbo ay ang kantang umaalingawngaw sa buong parking area. Mas lalo akong nakaramdam ng matinding takot nang naririnig ko na ang nakakatakot na parte ng kanta. Sumasabay ang nakakatakot na parte nito habang ako'y tumatakbo.
Rinig na rinig ko rin sa likuran ang isang metal na nakalapat sa sahig at parang hinatakhatak ito. Agad akong lumingon sa aking likuran at nakita ko si Hurricane na mabilis na naglakad habang ang dulo ng kan'yang katana ay nakalapat sa sahig at nagbibigay ito ng matulis na ingay.
Patuloy pa rin ako sa aking pagtakbo kasabay ng tugtugin na naririnig ko. Madilim sa aking harapan, pero unti-unti ko na ring naaaninag ang aking paligid dahil parang nag-adjust na rin ang aking paningin sa dilim.
Nagtungo ako sa isang kotse at binuksan ang pinto nito pero naka-lock ito. Nagtungo pa ako sa ibang kotse at binuksan ang pinto rito para magtago. Mabuti na lang at hindi ito naka-lock kaya pumasok ako rito at nagtago sa loob.
"Stella! You little angel, hiding to save her life, poor little angel," saad ni Hurricane sa kalayuan. Rinig na rinig ko ang kan'yang boses, kasabay ng tugtugin at paulit-ulit itong tumutugtog kapag natatapos na.
Napababa ang katawan ko nang husto nang makita ko siyang dumaan sa harapan ng kotse pero malayo lang siya sa kotseng pinagtataguan ko. Agad akong napatakip sa aking bibig para hindi kumuwala ang ingay ng aking pag-iyak nang tumitindi na naman ang paghikbi ko.
Sinundan ko pa siya ng tingin pero hindi ko na siya makita dahil may mga kotse ng nakaharang. Nasaan na ba siya? Wala na ba siya?
Agad akong napa-igtad at napasigaw ng malakas nang biglang nabasag ang windshield ng kotse at tumagos mula rito ang matulis na katana. Dahan-dahang ibinaba ni Hurricane ang kan'yang ulo at sumilip siya mula sa taas. Nasa ibabaw siya ng kotse at nakadungaw siya sa windshield na binasag niya.
"Hi there, little angel!" Natatawang saad niya kaya dali-dali kong binuksan ang pinto ng kotse at agad na namang lumabas. Tatakbo na sana ako nang makalabas na ako nang napangiwi ako sa sakit nang maramdaman kong may humatak sa aking buhok.
"M-Maawa ka please, h-h'wag mo akong patayin, maawa ka, please lang po," pagmamakaawa ko at napaiyak na lang ng husto.
"Ugh... Kawawa ka naman, Stella, pero sa tingin mo ba maaawa ako sa isang katulad mo?" Gigil na saad niya at hinatak na naman ang buhok ko kaya napasinghap ako kasabay ng aking pagngiwi nang panggigilan niya ang aking buhok.
"Stella! Stella!" Rinig kong sigaw mula sa hindi kalayuan.
"P-Paparating na sila rito, sa tingin mo ba ay mananalo kang hayop ka?" Sarkastikong saad ko at tumawa ng mahina.
"Walang hiyang babae ka!" Sigaw niya kaya agad niyang tinulak ng malakas ang aking ulo kaya nabagok ito sa gilid ng kotse na katabi lang ng kotseng pinagtataguan ko. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo nang tumama na ang aking katawan sa malamig na sahig at unti-unti ay bumibigat na ang talukap ng aking mga mata na ikinawala ko ng malay.
|༺☬༻|
"Stella, gising," boses ng isang babae ang nag-echo sa aking tainga. Naramdaman ko rin ang mahina na pagtampal niya sa aking pisngi.
"Stella, gising," tawag pa ng babae sa akin kaya unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at tumambad sa paningin ko ang nag-aalalang mukha ni Natalia. Agad akong napabalikwas ng bangon at napa-iyak na lang ako nang bumalik na ako sa reyalidad.
"Stella," mahinang saad ni Natalia at nilingon ko siya. Dinaluhan niya ako ng yakap at kasabay nu'n ang paghagod niya sa likuran ko.
"N-Natalia, natatakot ako, natatakot ako, Nat. S-Si Mama, pinatay siya, Nat, si Mama," umiiyak na saad ko.
"Kumalma ka muna, uminom ka muna ng tubig, may dala ako," mahinang saad niya at humiwalay ako sa yakap niya at saka ay kinuha ang isang bote ng tubig na nasa sahig. Binuksan niya ang takip nito at ibinigay sa akin.
Tinanggap ko naman agad ang tubig at ininom ito. Nang matapos kong inumin ang tubig ay napalibot ang tingin ko sa paligid, nandito pa rin pala kami sa parking lot, at kung saan ako huling nagkamalay kanina ay nandito pa rin ako sa pwesto ko. Bukas na ang lahat ng ilaw at tahimik pa ang lugar, wala pa akong naririnig na mga tao at tunog ng sasakyan na paalis.
"Ikaw ba 'yung tumawag sa akin kanina rito?" Tanong ko sa kaibigan ko at tumango naman siya.
"Alam kong delikado ang gagawin mo kaya sinundan kita, pero natagalan lang ako dahil hinahanap pa kita at huling pumasok sa isip ko ay itong parking lot. Kaya nung makababa ako sakay ng elevator, pagdating ko rito ay na-confirm ko kaagad na nandito ka dahil naririnig ko ang sigaw mo at madilim ang buong paligid," paliwanag niya at tumango ako.
"Muntik akong patayin ni Hurricane kanina, mabuti na lang at dumating ka kaagad," walang ganang saad ko at napatulala na lang nang bumalik na naman sa ala-ala ko ang nangyari kanina. Parang bangungot ang eksena ko kanina, bangungot na totoong nangyari.
"Hindi ko naabutan si Hurricane, binuksan ko pa kasi ang ilaw para mahanap ka, at nang makita kita ritong nakahandusay at walang malay, wala na akong ibang taong nakita, maliban lang doon sa namatay na nakahandusay riyan," saad ni Natalia sabay turo sa direksyon kung saan nakita niya ang pinatay ni Hurricane kanina.
"Oo, pinatay ni Hurricane 'yan kanina, mukhang ginamitan niya ng mahabang katana, 'yun din sana ang gagamitin niya sa pagpatay sa akin kanina kung hindi ka dumating," saad ko at napatango naman si Natalia.
"Grabe na talaga si Hurricane, pati ikaw ay dinamay na niya, pati pa ang nanay mo na labas naman sana sa problemang ito," saad ni Natalia at napaluha naman ako nang marinig ko ang tungkol sa nanay ko at pinahid ko naman agad ang luhang lumabas sa mga mata ko.
"Siguro masyado na akong nangingi-alam sa problemang ito, kaya ako naman ang biktima ni Hurricane ngayon, pinaghihinalaan na nga ako na ako si Hurricane," iling na saad ko at napabuntong-hininga na lang.
"Naalala mo 'yung sinabi ko dati na h'wag na h'wag kang maki-alam sa problemang ito?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Hindi ko maiwasan, Nat, eh, boss ko si Sir Wild, at siya ang naglilinis sa kalat ni Hurricane, kaya damay ako rito, damay ka rin dahil tumutulong din si Sir Gideon sa kan'ya," saad ko naman at napatango naman ang kaibigan ko.
"Yeah, mabuti pa si Ava at Ma'am V, chill lang silang dalawa habang tayo rito naghihirap," saad ni Natalia at napabuga ng hangin.
"Ang mga boss naman kasi ang nangingi-alam sa problemang ito, eh, kung hindi nila ginawang responsibilidad ang problemang ito, chill din sana tayo kagaya ng dalawa," saad ko naman at napakamot si Natalia sa batok niya dahil sa inis.
"Paano ba naman kasi, 'yung magaling nating CEO na dapat siya ang naglilinis sa problemang ito, siya pa 'yung may ganang manahimik at may ganang sabihing h'wag i-report sa awtoridad, kaya tayo ang naging responsible sa lahat ng ito hanggang nadadamay na tayo," naiinis na saad niya kaya tinapik ko ang balikat niya.
"Tama na, Nat, uwi na lang tayo, gusto ko ng magpahinga," saad ko at tumango naman siya. Inalalayan niya rin akong tumayo dahil naka-upo lang ako sa sahig ng parking lot at pinagpag niya ang suot kong pencil skirt.
"Sa condo ka na lang matulog, baka bangungutin ka mamaya, walang gigising sa 'yo, alam ko namang traumatic ang nangyari sa 'yo ngayong gabi dahil kay Hurricane," suhestyon niya at tumango naman ako.
"Salamat, Nat, salamat talaga," nakangiting saad ko at niyakap ko ulit siya.
"Wala 'yun, tayo-tayo lang naman ang magtutulungan dito, eh, kung ayaw kang paniwalaan ng lahat, nandito lang ako para maniwala sa 'yo," mahinang saad niya.
|༺☬༻|
General POV
Sunod-sunod na apak ng isang pares ng pulang stiletto ang naririnig. Puting tiles at maraming sapatos at sandals na suot ng mga tao ang palakad-lakad sa paligid. Sa paglalakad ng babaeng nagmamay-ari ng pulang stiletto, napahinto siya at pinulot ang isang black bacarra rose na nasa sahig at may nakasulat pa itong Hurricane sa tangkay.
"Black bacarra rose 'yan, 'di ba?" Tanong ng isang babaeng empleyado na nakasalubong ng babaeng may hawak-hawak na rosas.
Mahaba ang kan'yang buhok at kulay light brown ito at mayroon pang mga highlights. Bughaw ang kulay ng kan'yang mga mata at matangkad siyang babae. Pulang-pula rin ang lipstick na suot niya. Nakasuot din siya ng itim na strappy back dress ngunit natatabunan naman ng mahahaba niyang buhok ang likod niya.
Napatingin ang babae sa kausap niya at umismid. "Yes, indeed, but this is not just an ordinary rose, it's a souvenir."