Capítulo Veintinueve punto dos (29.2)

1463 Words
"Yung oras bago marinig ang kantang tumugtog kanina, 10 minutes before tumugtog ang kanta," tugon ni Sir Wild at saka ay tiningnan ang mga monitor na nasa harapan namin. "Copy, Sir," tugon nung Hades at saka ay seryosong tinignan ang mga screen sa monitor. Napatingin din kaming lahat sa monitor at ifinocus ng monitor ang Camera Number 4. Seryoso namin itong tiningnan, sa simula palang ay parang wala lang ito. Tahimik pa tingnan ang hallway. Maya-maya ay may nakita kaming taong naglalakad sa hallway at may nakasunod sa kan'ya. Mas lalong kumunot ang noo ko nang titigan ko ng husto kung ano ang nakasunod sa kan'ya. Hininto ang video at saka ay izinoom-in ang video at ifinocus iyun sa taong naka-itim at sa nakasunod sa kan'ya. "Ano 'yan?" Takang tanong ko dahil hindi ko masyadong maaninag ang itim na bagay na nakasunod sa kan'ya. "Black Panther," mahinang saad ni Sir Wild, sakto lang na marinig ng ilang taong malapit lang sa kan'ya. "Black Panther? Ibig mong sabihin, Sir, 'yung malaking pusa na kulay itim?" Tanong ko at tumango naman siya. Nag-play ulit ang video at nagpatuloy sa paglalakad 'yung tao at 'yung Black Panther na kasama niya. Pagkatapos ay huminto sila sa kalagitnaan ng hallway at huminto rin 'yung hayop. Ikinalas nung tao 'yung nakatali sa leeg ng hayop at saka ay hinipo ang ibabaw ng ulo nito. Ilang sandali lang ay umalis na 'yung tao at pumasok sa comfort room ng mga babae. CR ng mga babae? Ano ang ginagawa niya sa CR ng mga babae? Maya-maya ay may dumating sa kabilang dulo ng hallway, tiningnan namin ito ng husto at laking gulat na lang namin na si Rance iyung babaeng nandoon, siya 'yung namatay sa may hallway! Agad napahinto si Rance sa paglalakad nang makita niya ang panther na naglalakad papunta sa kan'ya. Napa-atras ng kaunti si Rance pero tumakbo na ang panther papunta sa kan'ya. Nakita sa sariling mga mata namin kung paano walang awang pinatay ng hayop si Rance. Agad akong napaluha at saka napatakip na sa aking mga mata dahil hindi ko kayang tignan kung paano pinatay 'yung babae. "Grabe!" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia kaya napatingin ulit ako sa video at naabutan ko kung paano iwinasiwas ng panther ang ibang lamang-loob ni Rance. Naramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng hindi maganda sa kalamnan ko. Agad akong tumalikod at nagtungo sa isang sulok ng silid at doon ako nagsuka ng husto. Ang sakit sa tiyan, naiimagine ko kung paano kinain ng hayop si Rance dahil sa bangkay niya na nakita ko kanina sa hallway. Ilang sandali pa ay bumalik ulit ako sa puwesto ko kanina ngunit wala na roon ang hayop, ang tanging nandoon na lang ay ang bangkay ni Rance. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Natalia sa akin kaya tumango ako. "Hindi ko kinaya, Nat, nandidiri ako," mahinang tugon ko sabay tingin sa kan'ya at ibinalik ko ulit ang tingin ko sa monitor at ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng CR kung saan doon pumasok 'yung taong may dalang black panther. Mas ikinakunot ng noo namin nang ibang tao ang lumabas nito, instead 'yung taong naka-itim, si Ma'am V ang lumabas mula sa CR na 'yun! Nakita ko kung paano siya napahinto at napatingin sa sahig kung saan nandoon ang bangkay ni Rance. Nakita ko kung paano siya nataranta dahil sa nakikita niya. Agad namatay ang video na ikipinagtataka namin. "Bakit namatay ang video?" Takang tanong ni Sir Wild kay Skyler. "Bigla na lang nag-black out kanina, Sir, hindi namin alam kung bakit namatay ang CCTV sa mga oras na 'yan," tugon nung Skyler kaya napahipo na lang si Sir Wild sa bridge ng ilong niya. "Pero, Sir, bumalik naman agad 'yung video after mga dalawang minuto," saad naman nung Hades. Napatingin ulit kami sa monitor at bigla ulit bumukas ang video at ang nagpakita na roon ay 'yung mga oras na nandoon na kaming lahat sa hallway. "V, explain this to us," seryosong saad nung isang Director na kasama namin dito sa CCTV Room. "What do you mean, Mr. Cuengco?" Kunot-noong tanong ni Ma'am Victoria. "We know na si Hurricane 'yung pumasok sa CR ng mga babae, pero bakit ikaw ang lumabas?" Takang tanong ni Sir Cuengco kay Ma'am V. "So, sinasabi mong ako at si Hurricane ay iisa? Puro na lang ako?! Hindi nga ako si Hurricane!" Deny ni Ma'am V. "Don't deny it, Victoria, I thought enough na 'yung viral video kanina para iturong ikaw si Hurricane pero ngayong may CCTV na, mas itinuturo na nitong ikaw nga si Hurricane, ikaw ang lumabas sa CR kahit si Hurricane ang unang pumasok," saad naman ni Sir Wild kaya nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Ma'am V, mas lalo itong nagalit. "I've been there before it happened, Wild, nasa loob na ako! Pero alam kong may pumasok sa CR na 'yan habang nasa loob ako pero hindi ko nakita kung sino dahil sa oras na pumasok si Hurricane sa comfort room ay nasa cubicle ako, I'm doing my business there! At ngayon ako ang paghihinalaan ninyong ako si Hurricane? Check the CCTV before that, at makikita niyong mas nauna akong pumasok sa CR kaysa sa Hurricane na 'yan!" Depensa ni Ma'am V. "Check it now!" Ma-awtoridad na saad ni Ma'am V kaya nataranta naman ang dalawang lalaki sa pagreplay ng video ngunit error ang mga oras sinasabi ni Ma'am V dahil walang record sa CCTV na pumasok si Ma'am V sa comfort room. Ang tanging record lang ay 'yung pagdating ni Hurricane kasama ang black panther niya. "Hindi, no, no, stop accusing me, Wild! Hindi nga ako si Hurricane!" Naiiyak na saad ni Ma'am V dahil wala kaming makitang ebidensiya na mas una siyang pumasok sa CR bago dumating si Hurricane. "Anong ebidensiya pa ba ang kailangan namin para patunayang ikaw at si Hurricane ay iisa? Binigyan na kami ng ebidensiya ngayong gabi bilang patunay na ikaw at si Hurricane ay iisa, bakit kailangan pa namin ng maraming ebidensiya kung ang lahat ng 'yun ay ikaw at ikaw lang ang ituturo?" Naiinis na saad ni Sir Wild kaya napabuga ng hangin si Ma'am V. "Fine, you want more evidence? Dapat ikaw mismo at ang sariling mga mata mo ang makakita kay Hurricane at makita mo ang mukha niya, hindi sapat ang pang-aakusa mo hangga't hindi ikaw mismo ang makakita sa kan'ya! I have to go! Daming stress dito!" Saad ni Ma'am V at umalis at saka sumunod naman si Ava sa kan'ya. "I'll find a way, ako ang bahala, at ako ang magpapatunay na si Victoria at Hurricane ay iisa. I need to formulate my plan now. Mauna na ako," saad ni Sir Wild at umalis na rin. Nagsi-alisan na rin ang ibang Director hanggang sa kami na lang ni Natalia ang naiwan kasama ang dalawang lalaki sa CCTV Room. "Aalis na rin po kayo?" Tanong nung Hades kaya sabay kaming napalingon ni Natalia sa kan'ya. "Oo!" Sabay na sagot namin ni Natalia at saka ay nagmartsa na kami palabas sa CCTV Room. Sa paglalakad namin ay nakasalubong namin si Sir Gideon na punong-puno ng pagtataka ang mukha. "Sir! Kamusta ang imbestigasyon?" Tanong ni Natalia sa boss niya. "Malabo pa rin, pero inayos ko na. And I found this," saad ni Sir Gideon at itinaas niya ang dala niyang black bacarra rose at isang puting papel na may bahid na ng dugo. "Ano po 'yan?" Tukoy ko sa papel. Napatingin naman ni Sir Gideon sa papel na dala niya. "I don't know kung ano'ng ibig-sabihin sa numerong nakasulat dito. Nakita ko ito kanina sa bulsa ng pantalon ni Rance," tugon ni Sir Gideon kaya tiningnan ko kung ano ang nakasulat sa papel. "18? Anong mayroon sa numerong 'yan?" Takang tanong ko pero napa-iling lang si Sir Gideon. "Iyan ang hindi ko alam," tanging tugon niya. "But I found something sa rosas na ito. Noon, tanging Hurricane lang ang naka-ukit sa tangkay ng bulaklak, pero ngayon, mayroon na namang ibang naka-ukit sa ilalim ng pangalan ni Hurricane." Agad akong napatingin sa tangkay ng rosas at ang unang nakita ko ay ang malaking pangalan ni Hurricane at sa ibaba nito ay mayroong mga numero. Bakit ang daming numero sa nangyari ngayon kay Rance? "7,678?" Takang saad ni Natalia. "Ano namang mayroon sa mga numerong 'yan?" Takang tanong ko at hindi nakasagot si Sir Gideon kaya hindi na lang namin siya ipinilit, dahil gaya namin, wala rin siyang alam tungkol sa mga numerong dala-dala niya ngayon. "Sa past victims ni Hurricane, walang numbers ang naka-ukit sa tangkay ng rosas na ginagamit niya, pero ang ikipinagtataka ko lang ay kung anong mayroon sa mga numerong 18 at 7,678," tugon niya at seryosong tinignan ang dala-dala niya at saka ay napatingin siya sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD