Isang oras ang nakalipas. Kasalukuyan na kami ngayong nag-aayos ni Natalia sa mga gamit namin dahil uuwi na kami, napagdesisyonan na naming umuwi dahil delikado ang Cyrene sa gabing ito dahil sa black panther, baka makasalubong pa namjn 'yun at kami pa ang mapatay nu'n.
"Tapos kana, Nat?" Tanong ko sa kan'ya sabay sarado sa laptop.
"Oo, sandali na lang 'to," tugon niya habang focus siya sa ginagawa niya sa mga papeles na nasa lamesa niya.
"Lalabas muna ako, ha, antayin na lang kita sa baba sa may parking lot," paalam ko sa kan'ya.
"Sige, mag-ingat ka, ah?" Habilin niya sa akin habang nakatuon pa rin ang atensyon niya sa mga papel. Napangiti naman ako ng tipid habang minamasdan ko si Natalia na busy sa trabaho niya.
"Sige, mag-ingat ka rin sa pagbaba mo, ah?" Habilin ko pabalik sa kan'ya at tumango na lang siya ng kaunti bilang tugon.
Nauna na akong lumabas at nagmamatyag ako sa paligid dahil baka may kung anong aatake sa akin, mahirap na, hindi ko pa naman alam paano makatakas sa mga delikadong hayop.
"Please, Lord, h'wag niyo sana akong ipakain sa panther, papakasalan ko pa si Sir Wild," taimtim na pananampalataya ko habang naglalakad sa hallway papuntang elevator. "Marami pa akong pangarap sa buhay na hindi ko pa naaabot."
Nang makarating na ako sa elevator ay agad ko na itong binuksan at pumasok na agad. Sinarado ko na ito at baka kung ano-ano pa ang makikita ko bago ako makababa.
Ilang sandali ay ligtas akong nakarating sa pinaka ground floor, kung saan nandoon ang parking lot. Bumukas na ito nang maramdaman ko na ang paghinto ng elevator at saka ay tahimik lang akong lumabas sa elevator na 'yun.
"Please, ayusin mo 'yang panther na 'yan, baka kahit saan-saan lang 'yan magpagala-gala sa kompanya ko..." Saad ng isang pamilyar na boses ng isang babae kaya napahinto ako sa paglalakad at nagtago agad sa isang poste na malapit lang sa akin.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Ma'am Victoria na may katawag sa cellphone niya, nakatayo siya sa gilid ng kotse niya habang may hinihithit na sigarilyo. Nagsisigarilyo pala siya?
"... And please, 'yung viral video na kumalat kanina, fix that mess, nai-stress na ako sa mga tao rito," patuloy na saad ni Ma'am Victoria. Patuloy lang ako sa pagmamasid at pakikinig sa kan'ya. Dudang-duda na talaga kami sa babaeng ito pero patuloy lang siya sa pagdeny na hindi siya si Hurricane.
"Argh! Right now, please! Gusto ko ng matahimik ang lahat! H'wag mong antayin na ako ang mag-aayos sa lahat ng 'yan, ah?! Understood?!" Kondisyon niya kaya napabuga ng usok si Ma'am Victoria at pinatay ang cellphone niya. Humithit pa siya ng malalim sa sigarilyo at saka ay nagbuga ng maraming usok mula sa bibig niya at itinapon na ang sigarilyo sa paanan niya at inapakan ito.
Kinuha niya ang susi sa kotse na nasa ibabaw ng kotse niya at 'yung isang maliit na bagay kasama sa susi niya. Naririnig ko ang matulis na pagpitik ng bagay na ito, binubuksan at sinasarado niya ang takip nito, siguro lighter ito, 'yung kagaya sa mamahaling lighter na maliliit na hugis square na gawa sa metal at binubuksan ang takip nito at sinasarado.
Siguro satisfying siguro ang ganitong lighter lalo na kapag nilalaro, like sinasarado at binubuksan kasi mayroon itong ingay na lumalabas. Ilang sandali pa at binuksan na niya ang pinto ng kotse niya at saka ay pumasok na rito at sinarado ulit, ilang segundo lang ang lumipas at umilaw na ang headlight ng kotse niya at umandar na ito at umalis.
"Sino 'yung katawag niya? At alam kong related ang topic nila sa ganap kanina, pero sino 'yun?" Takang tanong ko sa sarili.
"Hoy, anong ginagawa mo riyan?" Kalabit ng kung sino mang tao na nasa likod ko. Gulat na gulat akong napalingon sa likuran at nakita ko si Natalia na punong-puno ng pagtataka ang mukha habang nakatingin sa akin.
"Ha? Ah, wala, wala, tara na?" Anyaya ko at tumango naman siya.
"Gora, pero magdinner muna tayo, nagugutom na ako, eh," saad niya kaya ngumiti ako sa kan'ya sabay tango. Nagtungo na kami sa kotse niya at saka ay umalis na agad.
|༺☬༻|
General POV
"Natutuwa kana sa paglalaro sa lighter mo, Your Majesty," saad ni Heidi kay Hurricane na ngayon ay pinaglalaruan ng kamay niya ang lighter na dala-dala niya. Binubuksan niya ang takip nito tapos sisindihan at isasarado na naman ang takip at bubuksan ulit at sisindihan at isasarado.
"Yeah, I like how it tingles my ear," tugon ni Hurricane habang patuloy siya sa pag-iingay sa lighter niya.
"Your Majesty, nandito na kami," saad ng isang lalaki kaya napatigil si Hurricane sa paglalaro sa lighter niya. Napa-angat ang tingin niya mula sa lighter papunta sa dalawang lalaking nakatayo sa tabi ni Heidi.
"Heavens, Hellions, you're here," nakangising saad ni Hurricane sa dalawang lalaki.
"Mission accomplished, Your Majesty. Hindi namin inakala na pupunta ka rin pala roon sa CCTV Room kanina kasama sila, all I know is you don't really care about what's happening in your company, you are that kind of person na mahilig mag-chill despite of chaos inside the company," natatawang saad ni Heavens.
"Of course, Skyler, not all the time I should chill, dapat may kaunting 'ambag' naman ako sa paghahanap sa sarili ko," natatawang saad ni Hurricane at nag-quotation sign siya sa word na ambag.
"You're somewhat funny naman pala, Your Majesty. I thought you are this serious person all the time," saad naman ni Heidi kaya napatawa naman si Hurricane.
"Yeah. By the way, congrats, Skyler and Hades, and Heidi, thank you for helping me lately," pagbati ni Hurricane sa tatlong taong nakatayo sa harapan niya.
"And Hellions, thank you for uploading my vlog, the world is now in chaos, all social media can't take it down," nakangising saad ni Hurricane at tiningnan niya ang tatlo sa harapan niya.
"So, ano na ang gagawin mo sa Cy-Collagen, Your Majesty?" Tanong ni Heidi kay Hurricane. Pinaglaruan ulit ni Hurricane ang lighter niya at bumuntong-hininga habang kinakalikot ng kamay niya ang lighter.
"Bukas ko na 'yan isipin, kailangan ko na munang magpahinga ngayong gabi. Kailangan ko na munang umuwi sa La Casa tonight, I miss my home," tanging sagot ni Hurricane sabay tayo at isinuksok sa bulsa niya ang lighter na nilalaro niya.
"Heidi, call Bloodstone to accompany me in LCA, we have something to discuss the Cy-Collagen," utos ni Hurricane sa babae.
"Copy, Your Majesty," agad-agad na sagot ni Heidi at saka ay umalis na rin si Hurricane habang pinapalo sa palad niya ang pamalo sa kabayo.
|༺☬༻|
Pabagsak na umupo si Hurricane sa mahabang sofa niya na kulay itim. Hinipo-hipo niya ang hayop na natutulog sa tabi niya. Isa itong malaki at itim na sawa.
"Basilisca is sleepyhead," natutuwang saad ni Hurricane.
"Yeah, she's like you, sleepyhead. Minsan ang hirap mo nga gisingin, eh, nagmumura ka pa gamit ang 15 languages bago ka babangon," asar ni Bloodstone kaya sinamaan siya ng tingin ni Hurricane.
"You better shut up or else ipapasakal kita kay Basilisca," banta ni Hurricane.
"Okay fine, titigil na," surrender ni Bloodstone.
"Good. You have this employee sa Wolves Empire Hospital, her name is Saintess Yves Morocov, and she's your Medical Director. Since you are the President of Wolves Empire, tell Ms. Morocov to research the issue of Cy-Collagen. I know many people will trust her statement since she's the youngest Medical Director and she's known in the Philippines for being a wizard and genius in the Medical field. As a CEO of Wolves Empire, I have the right to command you," atas ni Hurricane kay Bloodstone kaya tumango naman ang lalaki sa sinabi ng boss niya.
"Copia, Maestà, (Copy, Your Majesty)," tugon ni Bloodstone sabay yuko bilang paggalang sa taong naka-upo sa harapan niya.
"Evaporate now, Bloodstone, I need to rest," taboy ni Hurricane sa lalaki kaya tumango ulit si Bloodstone. Umalis na ang lalaki sa harapan ni Hurricane kaya nakahinga ng maluwag si Hurricane nang umalis na si Bloodstone.
Nagsalin na si Hurricane ng alak sa baso niya at saka ay isang beses niya lang ito tinunga at naubos agad. Nagsalin pa siya ng isang beses at itinunga ng isang beses lang.
|༺☬༻|
Stella's POV
Titig na titig ako sa laptop habang binabasa ang mga reviews tungkol sa Cy-Collagen. Patuloy pa ring nakakatanggap ng bad review ang Cyrene, mga balita tungkol nito. Ang iba ay gusto na ngang ipa-take down ang Cy-Collagen sa market.
"Mabuti pang manahimik na lang muna tayo, Stella, subrang lala na ng pangyayari ngayon, mahirap kalabanin ang sandamakmak na tao ngayon," suhestyon ni Natalia. May point naman siya, mas mabuti pang manahimik na lang kami.
"Mabuti pang magtrabaho na lang dahil magkakapera pa tayo, pero 'yang issue na 'yan, hindi, mas lalo lang bababa ang sales natin," sang-ayon ko naman kaya ibinalik ko na ang atensyon ko sa trabaho ko.
"Siya nga pala, ano kaya 'yung mayroon sa numbers na nasa tangkay ng black bacarra rose ni Hurricane, 'no? At saka 'yung number 18 na nakasulat sa papel, alam kong connected ang dalawang 'yun, pero ang problema lang ay hindi natin alam kung saan natin gagamitin ang mga numerong 'yun," pag-iiba ni Natalia sa topic kaya napatigil ako sa pagtitipa sa laptop at napatingin sa kan'ya.
"What if code pala 'yun?" Suhestyon ko kaya napa-isip din siya.
"Halata namang code 'yun, subrang daming code na associated sa numero, kaso lang hindi natin alam kung saang mga code ang possible niyang ginamit, what if equation pala 'yun ng isang calculus? Or algebra? E 'di mas mahihirapan tayo," tugon naman niya kaya natahimik ako dahil iniisip ko kung saan ba namin p'wedeng magamit 'yun.
"Siguro, kailangan na muna natin mag-antay ng iilang araw para sa susunod na pagpatay ni Hurricane sa isa niya pang biktima sa buwan na ito, kung may ibibigay man siyang mga numero, kailangan na lang nating pagkonektahin ang mga 'yun," suhestyon ko naman kaya napatango siya.