Capítulo Veintinueve punto uno (29.1)

1437 Words
"V? Hindi ba ito ang damit mo that night?" Kunot-noong tanong ni Sir Wild sabay tingin kay Ma'am Victoria at iniharap niya ang cellphone niya kay Ma'am Victoria at napatingin naman si Ma'am Victoria sa screen ng cellphone ni Sir Wild. "W-What are you talking about, Mr. Fuero? H-Hindi ako 'yan! Stop accusing me! I will never be Hurricane, baka may ibang naka violet that night, hindi lang naman ako ang nagsusuot ng gown sa gabing 'yun, 'di ba?" Depensa agad ni Ma'am Victoria at kunot-noong tiningnan si Sir Wild. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot at pagka-inis naman sa kan'yang mukha. "Why are you defending yourself, Victoria? Ikaw lang naman ang naka-violet sa gabing 'yun, as far as I remember, ikaw lang ang naka-violet that night. You know my ability to have a photographic memory, I remember every detail of my history, I remember every happening in my lifetime. Also, you are the one who designed this gown on your own, this dress looks exactly like your design, right?" Naka-ismid na saad ni Sir Wild kaya napa-igting ang panga ni Ma'am Victoria at padabog siyang tumayo sabay hampas sa lamesa. "I'll sue all of you kapag mapapatunayan kong hindi ako si Hurricane! Bwesit!" Galit na saad ni Ma'am Victoria at tinuro niya kaming lahat na may panlilisik sa kan'yang mga mata at padabog na umalis sa conference room. "So ito nga si Hurricane? Unbelievable, nagpakita na pala siya publicly, not that publicly, worldwide pa nga, eh," iling na saad ni Sir Gideon at nilapag ang cellphone niya sa lamesa sabay sandal sa upuan niya. "She's already known publicly, Gideon, Victoria is Hurricane, tinuturo na, oh," tugon naman ni Sir Wild kaya napatingin ulit ako sa video at pinapakita ni Hurricane ng harap-harapan kung paano niya detalyadong pinatay si Lara. Umabot na ito ng bilyon-bilyong views kaya pinatay ko na ang phone ko dahil hindi ko na kayang panoorin pa ang kung anuman ang ginagawa niya sa video. Hindi ba nila tinake down ng site na ito ang video? 'Di ba kapag nagpapakita ng violence ay automatically tatanggalin ng kahit saang social media sites ang mga video na kagaya nito? "E 'di ipakulong na natin si Ma'am Victoria! Very easy!" Puna naman ni Natalia. "We can't, Natalia, hangga't hindi makikita ng sarili nating mga mata na si Victoria at Hurricane ay iisa at walang makaka-witness nito, hindi natin siya maipapakulong at kung hindi rin siya aamin na siya si Hurricane, hindi pa natin siya mapapakulong," tugon ni Sir Gideon kaya napatingin kami sa kan'ya. "Ako na ang bahala, hahanap ako ng paraan na mahuli ko si Hurricane at ma-prove ko na si Hurricane at Victoria ay iisa," suhestyon naman ni Sir Wild kaya nabaling din ang tingin namin sa kan'ya. "Anong pinaplano mo, Wild?" Tanong ni Sir Gideon sa kan'ya sabay tingin niya kay Sir Wild at napalingon naman si Sir Wild kay Sir Gideon. "I'll keep this to myself, baka may kasabwat si Hurricane dito sa loob. Unless, kung magsusumbong itong si Ava na may pinaplano ako," tugon ni Sir Wild sabay tingin kay Ava na ngayon ay tahimik lang at nakikinig sa amin. Agad napatingin si Ava kay Sir Wild na punong-puno ng gulat at takot ang mukha niya. "Why scared written on your faces, Ava? Are you Victoria's accomplice? Well, secretary ka naman niya so kasabwat ka nga," saad naman ni Natalia kaya siniko ko na siya at baka mag-away pa silang dalawa rito, pero mukhang magkakatotoo nga, kasi namumula na sa galit ang mukha ni Ava. "You shut up!" Galit na sigaw ni Ava sabay tayo para sugurin si Natalia pero agad siyang pinigilan ni Sir Gideon na katabi lang niya kaya napa-upo siya ulit sa upuan niya. "H'wag nga kayong mag-away rito, if gusto niyong magpatayan, h'wag dito sa loob ng conference room, doon kayo sa Gladiator!" Galit na saad ni Sir Gideon sa kanilang dalawa kaya natahimik sila. Napatigil na lang kami nang may tumunog na namang kanta. Agad akong napatingin sa wall clock at alas 7 na pala ng gabi! Kaya pala tumutunog na naman ang theme song ni Hurricane. "Uh-oh," saad ni Natalia at napatayo siya sa upuan niya. "May pinatay na siya, kailangan natin siyang mahanap at baka maabutan natin si Hurricane o Victoria," nagmamadaling saad ni Sir Wild at mabilis pa sa alas-kwatro nag-ayos ng mga gamit niya kaya nadala na rin kami sa pagmamadali niya kaya nagmamadali na rin kaming mag-ayos sa mga gamit namin at nag-uunahan sa paglabas sa conference room. Nilakad namin ng sabay-sabay ang hallway at hinanap kung saan namin makikita si Hurricane o Ma'am Victoria at ang biktima niya. Sa hindi kalayuan ay may narinig kaming malakas na sigaw ng babae at kasabay nito ang mabibilis na yapak dahil sa pagtakbo. Napatingin kami sa kabilang side ng hallway at nakita namin si Ma'am Victoria na patakbong lumapit sa amin. "Wild! Wild! M-May bangkay, may bangkay roon!" Natatakot na saad ni Ma'am Victoria nang makalapit na siya sa amin, puno ng takot ang mukha niya at namamasa na rin ang mga mata niya. "Saan? Saan mo nakita?" Seryosong tanong ni Sir Wild kaya napatingin si Ma'am Victoria sa amin at saka ay binalik ulit ang tingin kay Sir Wild. "Nandoon, malapit sa fire exit," turo ni Ma'am Victoria sa hallway papuntang fire exit. Napatingin naman kami sa bandang itinuro niya kaya napatingin din ako kay Sir Wild na parang nag-aalangan na pumunta roon kaya napatingin si Sir Wild sa akin at saka ay hinawakan ang kamay ko at mahigpit niya itong hinawakan at saka ay umalis na kami. Kasama namin ang lahat ng Board pati si Ma'am Victoria at Sir Gideon, marami kami ngayong nagtatakbuhan papunta sa lokasyon kung saan ang biktima. Saktong pagliko namin sa kabilang hallway ay napatigil kami nang mamataan namin sa malapitan ang babaeng biktima na nakahiga sa sahig at naliligo sa sariling dugo at nakalabas ang lamang loob niya. Agad binitawan ni Sir Wild ang kamay ko at nilapitan ang babae at yumukod nang makarating na siya sa hinihigaan ng biktima. Sumunod din kami sa kan'ya at napasinghap na lang kami nang makita namin ang sitwasyon ng biktima kung ano ang nangyari sa kan'ya at kung anong klaseng pagpatay ang natamo niya. "Hindi ito gawa ng isang tao," saad ni Sir Wild at napatayo siya sabay tingin sa amin. "Parang hindi nga gawa ng tao ang pagkamatay niya, para siyang inatake ng isang hayop," saad naman ng isang lalaking board at saka napatingin ulit ako sa babae. Maraming malalalim na kalmot ang natamo sa mukha, braso, at hita niya. May kagat din siya sa binti at subrang lalim ng pagkabaon ng ngipin nito sa binti niya. 'Yung kagat ay hindi kagat ng tao, kagat ito ng isang malaking hayop na may gan'yang kalaking kagat na para bang sakop ang binti niya. "Isang hayop, isang hayop ang pumatay sa kan'ya, at hindi tao," saad ni Sir Wild kaya napatingin ang lahat sa kan'ya. "Wait, puntahan niyo ang CCTV Room, ako na muna ang bahala rito, baka may copy ang CCTV kung anong klaseng hayop ang pumatay sa kan'ya," suhestyon ni Sir Gideon kaya napatingin din kami sa kan'ya at tumango naman kami. "Let's go," tipid na saad ni Sir Wild at saka ay hinawakan ang kamay ko at umalis na kami. Nagtungo kami sa CCTV Room at naabutan namin doon ang dalawang lalaki na nag-operate sa CCTV, 'yung isang lalaki ay mahaba ang itim niyang buhok, 'yung isa naman ay singkit ang mga mata niya, parang may halong Japanese o Chinese siya. "Sir Wild, Ma'am Victoria," bati ng dalawang lalaki kay Sir Wild at Ma'am V sabay tayo mula sa inuupuan nila. Kumunot naman ang noo ni Sir Wild nang tignan niya ang dalawang lalaki. "Ngayon ko lang kayo nakita rito, ah, bago lang ba kayo?" Takang tanong ni Sir Wild sa dalawang lalaki. "Ah, oo po, ako po pala si Skyler Greco, kasama ko si Hades Wujiko, mga technician po kami," pakilala nung lalaking may mahaba ang buhok at napapahid siya sa kan'yang mga palad sa kan'yang pantalon at naglahad ng kamay kay Sir Wild pero hindi niya ito tinanggap kaya napababa ang kamay nung Skyler. "Hindi ba naka-shut down ang CCTV sa Floor 109?" Tanong ni Sir Wild sa lalaki. "Yes po, anong camera number po?" Tanong nung Skyler. "Camera number 4," tugon ni Sir Wild at seryosong tinignan ang lalaki kaya napalunok ang lalaki at saka ay binaling ang tingin sa mga monitor. "Anong oras po exactly ang gusto ninyong i-review, Sir?" Tanong naman nung Hades habang may kinakalikot sa keyboard ng mga monitor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD