Capítulo Cuatro punto uno (4.1)

1446 Words
"Hurricane? Ibig mong sabihin ay Bagyo? May bagyo rito sa loob?" Sunod-sunod na tanong ko. "Oo, dumating na naman ang malakas na bagyo sa Cyrene Group, kaya halika," tugon ni Natalia sa akin at saka ay kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng opisina at pareho na kaming tatlo naglabasan doon. Umiiyak na rin ang iba, at ang ibang mga tao rito sa hallway ay natatakot na. "Teka, ano ba ang nangyayari? Bakit nagkakagulo?" Naguguluhang tanong ko. "Halika na lang," walang pakundangang saad ni Natalia sa akin at saka ay hinila na naman niya ako. Dumating na si Sir Wild. "Sir!" Sabay na tawag namin sa kan'ya at agad siyang lumapit sa pwesto namin, medyo humihingal pa siya nang makarating sa harapan namin pero agad naman niyang inayos ang postura niya at tumikhim. "Ayos lang ba kayong lahat? Narinig ko na naman ulit ang kanta niya," nag-aalalang saad ni Sir Wild sa amin pero masungit pa rin ang mukha niya. Bumahid sa puso ko ang saya at init nang marinig ko ang nag-aalalang boses niya kahit halos malukot na ang guwapo niyang mukha dahil sa pagiging masungit niya. Bigla na lang tumunog ang cellphone ni Sir Wild kaya kinuha niya ito at sinagot ang tawag. "Sige, papunta na kami riyan," saad ni Sir sabay baba sa cellphone niya. "Nasa cr ng locker room ang biktima," agad-agad na saad ni Sir sa amin nang maibaba na niya ang cellphone niya. "Anong biktima? Sir, ano po ba ang nangyayari?" Naiiyak at naguguluhang saad ko. "I-explain namin sa 'yo mamaya, kaya halika at puntahan natin ang locker room," si Natalia na ang sumagot at hinila na niya ako at sabay kaming apat nagtungo sa elevator at bumaba na roon at nagtungo kami sa ika-35th na palapag ng gusali. Pagdating namin doon ay marami ng tao sa hallway. Agad-agad naman nagpuntahan sa magkabilang gilid ang mga empleyado nang dumaan na kaming apat sa harap nila. Nagtungo kami sa locker room, ito 'yung pinuntahan namin kaninang umaga nung kumuha kami ng tsinelas ni Natalia. Pumasok na kami roon at nagtungo si Sir Wild sa cr. Sumunod naman kami sa kan'ya at napasigaw na lang ako sa takot nang makita ko ang isang babae na nakabitin sa kisame ng cr at walang saplot ang buong katawan niya at naliligo na siya sa sariling dugo niya. Namumukhaan ko siya, siya si Jenny na kinausap ni Natalia kaninang umaga rito sa locker room, at may isang tangkay pa ng dark red na rosas na nakasaksak sa dibdib niya. Agad akong niyakap ni Natalia at nagtago ako sa kan'ya para hindi ko makita ang bangkay ng babae na nakatali ang leeg. Umiiyak na ako sa takot at nanginginig ang buong katawan ko dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong pangyayari. "Ayaw kong tingnan, ayaw kong tingnan," umiiyak na saad ko habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg ni Natalia. Ramdam ko ang paghagod niya sa likod ko at pagpapakalma niya sa akin. "Hush now, hush," pagpapakalma niya sa akin. "Sino bang gumawa niyan?" Umiiyak na saad ko. "Ipapaliwanag namin sa 'yo mamaya, kailangan na munang tapusin ang gulong ito," pagpapakalma ni Natalia sa akin. "Hush, Stella, hush," bulong niya at hinahagod ang likod ko. |༺☬༻| Isang oras ang nakalipas. Nandito na kami sa opisina naming mga secretary, nandito rin si Sir Wild, at kami lang ding apat ang nandito. Pinapakalma pa rin ako hanggang ngayon ni Natalia dahil hindi maiwaksi sa isip ko ang nakita ko kanina. "Tubig pa," saad ni Natalia at sinalinan niya ng tubig ang baso ko. Ininom ko naman ito ng isang lagukan. "Sir, anong respond ni Ma'am Victoria?" Tanong ni Natalia. "Wala, wala siyang sinabi," saad ni Sir sa malalim na boses. "Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit biglang naging ganoon ang nangyari? Buhay na buhay pa 'yung babae kanina noong hiningian natin siya ng tsinelas, 'di ba?" Nanginginig ang boses ko at napatingin ako kay Natalia at unti-unting lumabo ang paningin ko sa kan'ya dahil binalutan na ng mga luha ang mga mata ko na nagbabadya na ring mahulog. "Si Hurricane, siya ang gumagawa sa lahat ng ito," si Ava ang sumagot kaya napatingin ako sa kan'ya kasabay nang pagtulo ng luha kong kanina pa nagbabadya. "Sino ba kasi 'yang Hurricane na 'yan?" Nanginginig na saad ko habang kunot ang noo ko at napatingin kay Sir Wild, agad siyang nag-iwas ng tingin nang titigan ko siya sa mata. "Unidentified siya, Stella, walang nakakakilala sa kan'ya, basta ang alam lang namin na nandito siya ay kapag naririnig na namin ang kantang pinapatugtog niya sa piano," si Natalia ang sumagot. "Bakit hindi siya nahuhuli?" Tanong ko at tumingin ulit kay Sir Wild at bumuntong-hininga lang siya. "Mailap siyang tao, kahit anino man niya ay hindi namin nahuhuli, hindi talaga namin alam ang mukha niya dahil wala pang nakakakita sa kan'ya, pumupunta lang siya rito sa kompanya para pumatay ng tao, ginagawa niya ito simula noong namatay ang buong pamilya ng Cyrene Group, kaya isa rin siya sa pinagdududahan namin na pumatay sa buong pamilya, at gusto niyang pati mga empleyado ng kompanyang ito ay pinapatay niya," paliwanag ni Natalia. At ngayon lang naging klaro ang lahat sa akin dahil nagtataka din ako kung sino ang isa pang pinagdududahan nilang likod sa pagkamatay ng buong pamilya. "Aalis na ako, kailangan ko pang asikasuhin ang problema ngayon," malamig na saad ni Sir Wild at agad ng umalis. Bumuka ang bibig ko para magsalita sana pero napakagat na lang din sa ibabang labi pagkatapos nang buksan na ni Sir Wild ang pinto at napatigil siya. "Ava, puntahan mo muna ang Boss mo at kausapin mo na gumalaw man lang sa problemang ito," huling habilin ni Sir Wild bago siya lumabas ng tuluyan sa opisina. Tumayo naman si Ava at sunod na umalis. "So ito, may chismis nga ako," agad-agad na saad ni Natalia nang kami na lang dalawa ang naiwan dito sa loob. "Ano'ng chismis?" Takang tanong ko. "Duda rin namin na either si Sir Wild at Ma'am Victoria si Hurricane," saad ni Natalia sa akin kaya napakunot ang noo ko at napatingin ng direkta sa kan'ya. "Bakit naman? Nahahalataan niyo ba sila?" Takang tanong ko. "Oo, lalo na itong si Ma'am Victoria kasi alam mo ba, dalawang buwan na itong nangyayari pero hindi talaga siya nangingi-alam sa mga pangyayaring ganito, sinabi pa nga niya sa amin nung unang beses itong nangyari na h'wag daw itong i-report sa pulis dahil ang unang pinangangalagaan niya ay ayaw niyang masira ang pangalan niya bilang CEO ng Cyrene Group at ayaw niya ring masira ang buong kompanya. Pinagbabantaan niya pa nga ang kung sino man ang magrereport nito sa police," paliwanag ni Natalia sa akin na ikinagulat ko naman kaya napalunok ako ng laway, balak ko pa namang mag-report sa pulis. "Ginagawa niya 'yun? Para sa sariling kapakanan at sa kompanyang hindi naman totoong sa kan'ya?" Hindi makapaniwalang saad ko. "Kaya nga. Simula nung mamatay ang buong pamilyang Cyrene, simula noong dumating ng sabay-sabay rito si Sir Wild at Ma'am Victoria, ganito na ang nangyayari sa buong kompanya sa loob ng dalawang buwan dahil dumating din si Hurricane dito," sagot niya. "Pero out of curiosity lang, paano niyo nalaman na Hurricane ang pangalan niya?" Takang tanong ko, ngayon ko lang din naisip na itanong 'yan. "Iyan palagi ang nababasa naming pangalang naka-ukit sa tangkay ng rosas na sinasaksak niya sa puso ng mga biktima niya, kaya Hurricane ang tawag namin sa kan'ya," sagot niya sa akin at bigla kong naalala 'yung rosas na nakita ko kanina na nakasaksak sa dibdib ni Jenny. "Yun ba 'yung rosas na nakasaksak sa dibdib ni Jenny kanina?" Hindi makapaniwalang saad ko at napatango-tango siya. "Oo, 'yun, pero ang kakaiba lang sa rosas na ginagamit niya ay hindi ito normal na pulang rosas, dark red ito hanggang sa nagiging kulay itim na," paliwanag niya. Ang daming mga impormasyong pumapasok sa isip ko ngayong araw, unang araw ko pa lang ito sa trabaho pero ang dami nang nangyayari sa araw na ito. |༺☬༻| Kinabukasan. Bigla-bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina at napatingin naman ako roon at nakita ko si Natalia na hinihingal. "May balita ako," hinihingal na saad niya. Dali-dali siyang umupo sa harap ko. "Pinapahanap ni Sir Wild kagabi ang pamilya ng biktima at natagpuan nila ito sa sariling bahay na patay na, lahat sila ay patay na, 'yung buong pamilya rin ng biktima ay pinatay rin kahapon," balita niya sa akin. "Ha? So, ibig mong sabihin ay pati buong pamilya ni Jenny ay pinatay rin ni Hurricane?" Hindi makapaniwalang saad ko. Namumuo na naman ang takot ko dahil sa nabalitaan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD