Capítulo Cuatro punto dos (4.2)

1477 Words
"Oo, ganito rin ang ginagawa ni Hurricane sa mga naunang biktima niya at palagi na lang naabutan ni Sir Wild ang buong pamilya ng biktima na wala ng buhay at duguan na sa sariling bahay, same method of killings, binibitin rin ni Hurricane ang buong pamilya at may trace ng r-pe ang mga kababaihan sa pamilya, ganoon din kay Jenny, lahat ng babaeng biktima ni Hurricane ay ginagahasa niya at pinapatay," sagot niya. "Ginagahasa? So ibig mong sabihin na lalaki si Hurricane?" Naguguluhang saad ko. "Siguro? Kaya nga pinagdududahan din namin si Sir Wild," pabulong na sagot niya kaya naguguluhan din ako dahil tumutulong naman si Sir Wild sa pag-aayos ng problemang ito, so kung siya man ay parang nagpapakitang tao lang siya? Pero ang hirap paniwalaan, pero may kung anong parte din ng utak kong maniwala na siya rin si Hurricane dahil kitang-kita ko rin sa mga mata niya nang titigan ko ito sa malapitan kahapon na may kung anong dumaan dito, na parang isang mesteryo para sa akin at parang ang hirap kubliin kung ano man iyun. Hindi naman ako bihasa at magaling sa pagbasa ng ekspresyon ng mukha at pag-interpret sa kung ano man ang nakikita ko sa mata ng mga tao, pero expressive lang ako sa kung ano man ang nakikita ko mula rito at kung ano man ang nararamdaman ko sa kung ano man ang nakikita ko sa kanila. "Kaya mag-ingat ka talaga rito, Stella, kasi hindi natin alam kung sino ang susunod na papatayin ni Hurricane. Si Hurricane ang pinakamadilim na sekreto ng Cyrene Group na kinakatakutan ng lahat at takot din kaming i-report ito sa police dahil sa pagbabanta rin ni Ma'am Victoria sa amin noon, kaya wala kaming magagawa kung siya na ang magsabi na manatili pa rin kaming tahimik," paliwanag niya sa akin. "Ang hirap naman alamin kung sino ba talaga si Hurricane," naguguluhang saad ko. "Kaya nga hindi na lang namin inaalam dahil sumasakit lang ang ulo namin, pati nga si Sir Wild na pinakamatalino sa lahat ng tao rito sa building na ito ay nahihirapan din siyang alamin kung sino si Hurricane dahil pabalik-balik na lang din ang iniiwan niyang ebidensya, ang rosas na hindi namin alam kung saan hahanapin dito o kung sino ang nagtatanim ng ganoong rosas dito kasi hybrid rose daw 'yun sabi ni Sir Wild," paliwanag niya pa. "Kung si Sir Wild ang pinakamatalinong tao rito, ibig sabihin ay mas wais at mautak si Hurricane kaysa sa kan'ya?" Namamanghang saad ko na natatakot din. "Oo, kasi hindi siya nahuhuli, eh," tugon niya kaya napa-isip ako at biglang ngumiti kay Natalia na ikipinagtataka naman niya. "Baka ako na ang susi para mahuli ko siya, baka ako na 'yung inaantay ninyong superhero?" Natutuwang saad ko. "H'wag ka ngang delusional d'yan, Stella, para kang hindi nag-grade 6, ay oo nga pala, 'no? Hindi ka nga pala nag-grade 6 kasi hanggang grade 4 ka lang pala, kaya nakakapagtataka rin talaga at bakit ikaw ang tinanggap ni Sir Wild bilang magiging secretary niya, eh," pangungutya ni Ava sa akin. "Hoy, Ava, 'yung bibig mo, ha! Noon ka pa talaga," pagbabanta ni Natalia sa kan'ya. "At ikaw naman d'yan, Natalia, isarado mo rin 'yang bunganga mo sa chismis na naririnig mo, pati si Ma'am Victoria ay dinadamay ninyo riyan sa mga pang-aakusa ninyong siya ang pumatay sa buong pamilya ng Cyrene at inaakusahan niyo rin siya na siya si Hurricane? Ang kapal naman ng pagmumukha mo!" Inis na sigaw ni Ava kay Natalia. "Bakit defensive ka sa Boss mong wala rin namang inambag sa kompanyang ito? Kung hindi ay puro pagpapaganda lang at hindi nga tumutulong kapag may pinapatay si Hurricane dito, eh! Siya 'yung CEO pero wala rin siyang ginagawa para ayusin ang gulo na ito," sumbat pabalik ni Natalia. "Ay gan'yanan pala? Siraan ng boss gusto mo? O siraan ng mukha?" Pagbabanta ni Ava at dali-daling nilapitan si Natalia at sinabunutan ito. Agad naman akong tumayo para awatin ang dalawang nag-aaway. "Itigil niyo na nga 'yan!" Awat ko sa dalawa. "Siya kasi!" Inis na turo ni Natalia kay Ava. "Anong ako? Ikaw kaya itong kahit ano-ano na lang ang chini-chismis pero walang katotohanan!" Turo rin pabalik ni Ava sa kan'ya. "Manahimik na nga kayo, hayaan na lang nating si Sir Wild ang umayos nito, at huwag na tayong mangi-alam sa diskarte at desisyon niya," awat ko sa dalawa. |༺☬༻| Buong araw na ako ang ginawang substitute ni Sir Wild sa trabaho dahil inaayos niya pa ang nangyari kahapon. Tambak ako sa trabaho at ako lahat ang gumagawa sa mga trabaho niya. Naiintindihan ko naman siya dahil sa nangyari, sinabi rin ni Natalia sa akin kanina na palaging ganito si Sir Wild ka-busy kung nangyayari ito. Napasandal na lang ako sa swivel chair ko nang natapos ko na ang lahat ng trabaho ko. Nakakapagod din at subrang sakit na ng kamay, batok, at likod ko dahil sa ginagawa ko rito. "Tara inom tayo?" Anyaya sa akin ni Natalia. "Refresh lang mula sa stressful na trabaho ngayong araw?" "Kaso hindi ako umiinom, eh," nahihiyang saad ko. "Kung ayaw mo sa alak, then juice? Basta punta tayo sa bar, mag-unwind lang sandali," anyaya niya sa akin. "Game!" Masayang tugon ko. Tapos na rin siya sa trabaho at umalis na kami. Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na kami sa bar. Rinig na rinig na namin ang ingay ng bar mula rito sa labas. Sa totoo lang, unang beses ko pa itong pumasok sa bar at hindi ko talaga alam ano ang exact na mukha ng bar sa loob. Hinatak na ako ni Natalia papasok sa loob ng bar. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa malalakas na tugtog ng mga speaker sa loob ng bar nang makapasok na kami rito. Nasisilawan ako sa mga ilaw nito na kulay blue, yellow, red, at violet. Nakakahilo na 'yung ilaw at parang mabubulag ka talaga. Dinala niya ako sa isang table na bakante habang ang mga tao sa paligid namin ay sumasayaw na. Agad naman kaming nilapitan ng isang waiter. "Isang bote ng whiskey, at isang baso ng cocktail, please?" Saad ni Natalia sa waiter at agad naman itong sinunod ng waiter at umalis na. Ilang saglit pa ay dumating na rin ang in-order ni Natalia na alak at ibinigay niya sa akin ang isang baso ng cocktail. Kulay pink ito at may lemon pang nakatusok sa bibig ng baso. "Juice din ba ito?" Takang tanong ko kay Natalia sabay turo sa baso. "Oo, juice 'yan," nakangising sagot niya kaya tinikman ko ito. Agad nasira ang mukha ko nang matikman ko ang juice na sinasabi niya. "Masarap, 'di ba?" Nakangiting tanong niya at nagsalin ng alak sa baso niya. "Anong masarap, eh, ang pait pa rin nito," pagmamaktol ko. "Stella, matuto ka namang uminom, kailangan ng katawan ang moderate na alak, alam mo ba 'yan?" Saad niya at umiling lang ako, malay ko bang kailangan pala ng katawan ang alak. "Fine," saad ko at ininom na ang cocktail. Unti-unti ay nasanay na ang dila ko sa lasa ng cocktail hanggang sa naubos ko ito. "Goods, ito whiskey, tikman mo," saad niya pa at nilahad sa akin ang isang baso na may lamang whiskey at ininom ko ito. Ramdam na ramdam ko na ang init ng katawan ko at sumasabay na ang katawan ko sa malalakas na tugtog dito sa loob ng bar. "Tara! Sayaw tayo, Stella!" Anyaya ni Natalia sa akin at dinala niya ako sa gitna at doon kami sumayaw. Umiikot na rin ang paningin ko dahil nahihilo na rin ako. Bagsak na bagsak na ang talukap ng mga mata ko dahil unti-unti na akong nilalamon ng antok at sakit ng ulo, pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtalbog sa dance floor dahil parang hindi ko na kontrolado ang katawan ko, parang kontrolado na ng malalakas na musika ang katawan ko kaya hinayaan ko na lang ito dahil ang sarap sa pakiramdam, para akong lumilipad! "Stella," isang malalim na boses ng lalaki ang tumawag sa akin at nakahawak ako sa magkabilang balikat niya habang sumasayaw ako sa harap niya. "I-uuwi na kita, Stella," saad pa ng lalaki. "You are drunk already, Blondie," saad pa ng lalaking kaharap ko. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa hangin at 'yung matipuno na mga brasong nagbuhat sa akin. Amoy pa lang ng lalaki ay kilala ko na kung sino ito. Naramdaman ko ang pag-iba ng sikmura ko at napasuka ako sa balikat ng bumubuhat sa akin. Agad akong ngumiti sa lalaki. "Sir Wild, sorry," nakangiting saad ko at nag-peace sign sa kan'ya gamit ang daliri ko, hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa nanlalabong paningin ko at dahil na rin sa iba't-ibang kulay ng ilaw na sumasagi sa mukha niya na nakakalula at mas lalong nagpapahilo sa akin. Antok na antok na ako kaya napabagsak ang ulo ko sa hangin at nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD