"You know why I called you? Hm?" Saad niya sa malalim na boses at umiling lang ako habang siya ay naglakad papalapit sa akin at ako naman ay paatras. Bigla na lang akong napa-upo sa couch na inatrasan ko at nakayahat pa rin ang ulo ko sa kan'ya. Dahan-dahan siyang yumuko at direkta niya akong tinitigan sa mata.
Titig na titig ako sa kulay karagatang mga mata niya, mga matang walang ka-emosyon-emosyon, mga matang binabalutan ng mesteryo at nakatagong sekreto sa likod nito, mga matang parang mahihipnotismo ka kapag matitigan mo ito sa malapitan, mga matang malulunod ka sa ilalim ng madilim at bughaw na dagat, mga matang parang nakikita niya ang kaluluwa ko sa pamamagitan ng malalim na titig niya direkta sa aking mga mata, mga matang kaya kang malagutan ng hininga, mga matang naging dahilan ng abnormal na pagtibok ng puso ko. Nakita ko kung paano lumawak ang kan'yang itim na balintataw na nasa gitna ng kan'yang bughaw na mga mata habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.
"Be my secretary, from now on, ikaw na ang secretary ko," naka-ismid na saad niya.
Agad akong nabalik sa ulirat pagkatapos kong malunod sa pantasya ng kulay karagatang mga mata niya dahil sa sinabi niya, saka ko lang din na-realize na hindi na pala ako humihinga katulad ng kung paano ako hindi humihinga sa ilalim ng dagat. Ilang hinga pa lang ang iginawad ko nang bigla niyang sinunggaban ang labi ko. Matagal na nag-sink in sa utak ko ang ginagawa niya dahil hindi pa ako tuluyang naka-ahon sa kulay karagatang mga mata niya at mahigpit na napakapit sa couch ang dalawa kong kamay.
Pilit niyang binubuksan ang bibig ko kaya napatugon na lang ako sa halik niya, unti-unti ay bumibigat ang talukap ng aking mga mata at sinasabayan ang marahas niyang halik sa akin at tuluyan na akong nalunod sa pantasyang kanina ko pang walang balak na ahunin kahit subrang lalim at subrang dilim nito. Mainit at malambot ang mga labing ito, naamoy ko rin ang minty na amoy ng bibig niya, naramdaman ko rin ang pagkagat niya sa ibabang labi ko gamit ang kan'yang ngipin at paminsan-minsan ay dinidilaan niya rin ito upang mapawi ang hapding dulot ng pagkagat niya.
"Uhm..." Ung-l ko sa pagitan ng mga labi naming naka-lock pa sa isa't-isa nang maramdaman kong naglalakbay ang mainit niyang dila sa iba't-ibang parte sa ilalim ng bibig ko.
Ilang sandali pa ay humiwalay na siya sa halik namin at tumayo ng tuwid at tumalikod na agad sabay alis, napakurap-kurap ako ng ilang beses dahil sa biglaang pag-alis niya. Saka lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag nang humarap na sa akin ang malapad, mabato, at matipuno niyang likod at humahapit pa sa katawan niya ang suot niyang itim na coat.
Namamasa pa ang labi ko dahil sa laway naming dalawa at dahil dito ay nag-sink in na sa huli ang lahat ng nangyari ilang segundo pa lang ang lumipas.
"Tomorrow, 8 AM, magsisimula kana sa trabaho mo, h'wag na h'wag kang ma-late sa first day of work mo, nagkakaintindihan ba tayo?" Saad niya sabay upo ulit sa upuan niyang umiikot kaya napa-upo ako ng tuwid nang marinig ko ang malalim na boses niya na umugong sa dalawang tainga ko na naging dahilan kaya naging alerto ako at napatingin ng direkta sa mukha niyang walang bahid na kahit anumang emosyon at tinaasan niya pa ako sa kan'yang makapal na kulay brown niyang kilay kaya napalunok na lang ako ng laway dahil sa matalim na tingin niya sa akin.
"Y-Yes po," nanginginig na saad ko at napayuko sabay kagat sa ibabang labi ko dahil nanginginig ito at hindi ko kayang kontrolin.
"Good, get lost," saad niya na nagpa-alerto sa akin kaya agad akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa couch at mabilis na yumukod bilang paggalang sa kan'ya.
"Maraming salamat po, Mr. Fuero, utang na loob ko sa iyo ang apartment ko," malakas na saad ko habang nakayuko pa rin at saka ay tumayo na ako ng tuwid at dali-daling lumabas ng opisina niya. Agad akong napasandal sa pader ng opisina niya nang makalabas na ako rito.
"Yes! Thank you! May work na ako!" Masayang sigaw ko at napatakip ako sa bibig ko nang marealize kung may mga tao pala rito na naglalakad sa hallway. Napahawak naman ako sa labi ko nang maalala ko ang halik niya, ang init tapos nakakapanindig balahibo.
Masaya akong naglakad papunta sa elevator dahil tuwang-tuwa ako na magkakatrabaho na ako bukas na bukas. Aayusin ko na talaga itong buhay ko, gagawin ko ang lahat maging maayos ang trabaho ko, ang laki pa naman ng sweldo bilang isang sekretarya ng isang Vice President ng Cyrene Group.
|༺☬༻|
Kinabukasan. Hingal na hingal akong dumating sa opisina ni Mr. Fuero dahil late na ako ng sampung minuto. Kunot na kunot ang noo niyang tumingin sa akin.
"Kakasabi ko lang kahapon, Blondie, na h'wag na h'wag kang ma-late sa first day mo, at alam mo bang sa loob ng sampung minutong pagka-late mo, marami ng tambak na appointment at trabaho na nag-aantay sa 'yo?" Sigaw niya na ikinagulat ko, nagpadala iyun ng panginginig sa buong kalamnan ko dahil sa pagtaas ng malalim niyang boses. Parang isang malakas na kulog ang boses niya na umalingawngaw sa loob ng opisina niya.
"Pasensya na po, na-traffic lang, sorry," pagpapaumanhin ko at yumuko.
"Now, leave this office at pumunta ka sa Office of the Secretaries, tinawagan ko na si Ms. Natalia Servanda para sa training mo, siya ang mag-aasikaso sa 'yo!" Galit na habilin niya kaya yumukod ako.
"M-Masusunod po, Mr. Fuero, aalis na po ako," kinakabahang saad ko at umayos ng tayo at dali-daling lumabas ng opisina nang hindi man lang siya tinitignan dahil parang bibigay ang tuhod ko kung makita ko ang mukha niya lalong-lalo na ang nakakalunod niyang kulay karagatang mga mata, baka tuluyan na akong mahila pa-ilalim at hindi na maka-ahon at ikamatay ko pa. Mabilis akong bumaba sa kabilang palapag gamit ang elevator at naglakad sa hallway para hanapin ang opisina ng mga secretary.
Saan ba sa mga pintong ito ang opisina ng mga secretary? Ang dami kasing mga pinto rito, eh! Nakaka-inis, kasalanan ko rin naman kung bakit ako na-late!
"Hey!" Bigla na lang akong napatalon sa gulat nang may kumalabit sa akin. Agad akong napalingon sa kung sino man 'yun at nakita ko ang isang babaeng maganda na kulay itim ang buhok at maputi ang balat, matangkad siya, halos magkasing tangkad lang kami pero hanggang ilong ko lang ulo niya. Bumungad din sa akin ang kulay putik niyang mga mata na kumislap at nagningning sa tuwa.
"Ikaw si Stella Levesque, right?" Nakangiting tanong niya at tumango naman ako sabay ngiti.
"Y-Yes, ako nga po," nahihiyang tugon ko.
"Good, I am Natalia Servanda, secretary ako ng President ng Cyrene Group, at ako ang mag-training sa 'yo sa araw na ito sa mga gagawin mo bilang isang secretary ni Mr. Wild Fuero, nice to meet you, Ms. Stella Levesque," magiliw na pagpapakilala niya sa sarili sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.
Tinanggap ko naman ito. Mainit ang palad niya kaya nakaramdam ako ng komportable mula rito.
"N-Nice to meet you po," nakangiting saad ko.
"H'wag mo na akong i-po, magkasing edad lang tayo, ano ka ba," natatawang saad niya at saka ay tumango ako.
"Sige, sige, ano ba itatawag ko sa 'yo? Ma'am? Miss?" Interesadong saad ko.
"Just call me Nat," nakangiting sagot niya.
"Sige, sige," nakangiting tugon ko naman.
"So, sa unang gagawin natin ngayong umaga, i-tour na muna kita sa buong Cyrene Group, kung okay lang ba sa 'yo?" Nag-aalinlangang saad niya.
"Eh, ang laki naman nitong building, eh," kamot-ulong tugon ko.
"Kaya nga, buong araw tayong maglalakad dito," saad niya na ikinaawang ng bibig ko. "Kaya mo ba?"
"Kakayanin," pagpapatatag ko sa loob ko.
"Good, magpalit na muna tayo ng suot sa paa natin, mag-tsinelas tayo para hindi masakit sa paa natin," nakangiting saad niya at saka ay hinila ako at naglakad na kami papunta sa isang silid. Naabutan namin ang isang babae roon na kaka-ayos lang sa mga gamit doon.
"Jenny, may available pa bang mga tsinelas?" Tanong ni Natalia sa babae.
"Oo, nasa locker lang," tugon niya at saka ay lumapit na kami roon sa locker at binuksan ni Natalia ang isang locker at kinuha ang dalawang pares ng tsinelas at ibinigay niya sa akin ang isa.
Sinuot ko naman ito agad at saka ay umalis na rin kami pagkatapos. Ilang oras ang nakalipas, buong araw kaming nag-tour sa buong building at huminto lang kami nung mag-lunch na kami.
Marami akong nalalaman tungkol sa kompanya, lalo na sa trabaho ko, pero ang ibang nalaman kong chismis na labas sa trabaho ko ay ang tungkol sa nakakagimbal na m******e na nangyari sa buong pamilya ng Cyrene.
Hating gabi raw iyun ng December 28 last year ay pinatay ang buong pamilya ng Cyrene at sinunog pa raw ang mansion nito na nasa Forbes Park Quezon City, ang bahay daw na 'yun ay nagkakahalaga ng 5 Billion Dollars. Tapos pinatay pa ang buong pamilya pati ang mga guards at mga kasambahay nito.
Duda raw nila ay ang mga kalaban sa kompanya ng Cyrene Group ang pumatay sa buong pamilya, at ang isa pang duda nila na pumatay sa buong pamilya ay si Ma'am Victoria Villafuentes, ang naging CEO ng Cyrene Group pagkatapos mamatay ang former CEO nito na si Luke Timothy Cyrene. Duda talaga nila na si Ma'am Victoria kasi bakit daw siya agad ang pumalit sa pwesto ni Luke Timothy Cyrene na hindi naman daw nila ito kapamilya at hindi kadugo, parang family friend lang daw nila ang babae.
Isa rin sa pinagdududahan nila ay si Sir Wild, kasi parehas ni Ma'am Victoria, pumalit din agad si Sir Wild sa posisyon ni Martzia Cyrene, ang former Vice President din ng Cyrene Group na asawa ni Luke. Maliban pa roon, may isa pa rawng pinagdududahan kung sino ang nasa likod nito pero nung tinanong ko si Natalia kung sino pa ay hindi siya nakapagsalita at parang may kung anumang bumara sa lalamunan niya na naging dahilan kaya napipi siya kanina at base sa ekspresyon ng mukha niya kanina ay bumahid doon ang takot at pag-aalinlangan at kitang-kita ko rin kung paano namutla ang mukha niya kaya hindi na lang din ako nag-udyok pang pasagutin siya.
Wala silang proof kung sino ba talaga, at hindi rin nila puwedeng akusahan ang mga pinagdududahan nila hangga't wala raw ebidensya kaya sabi nga nung nag-assist sa akin kahapon na hanggang ngayon ay controversial pa rin ang kaso tungkol dito at wala pa ring justice tungkol sa mas-acre ng buong pamilya.
Hindi na lang sana ako naki-chismis tungkol sa pamilya na hindi ko naman kilala, pati ako napa-isip din, at naaawa rin sa nangyari, nakakasakit din sa ulo. Basta ang habilin ni Natalia sa akin ay h'wag daw talaga ako makiki-alam sa problemang ito at manatili na lang tahimik hangga't wala pang ebidensya.
Ewan ko ba, pero nakakapagtataka lang din talaga, nakakaloka at nakakalito kung sino ba talaga ang mastermind sa pagkamatay ng buong pamilyang Cyrene, mas naalala ko pa ang chismis ni Natalia sa akin kaysa sa mga tinuro niya sa akin tungkol sa trabaho ko. Hindi ko pa nakikita si Ma'am Victoria at Sir Gideon, ang President ng Cyrene Group, nung maglalakad-lakad kami sa buong building, masyado kasing busy ang dalawa, well, CEO at President nga naman, palaging nasa opisina lang nila.
|༺☬༻|
Alas 7 na ng gabi nang matapos na kaming maglakad. Grabe nakakapagod! Huminga ako ng malalim nang maka-upo na ako sa swivel chair, swivel chair pala tawag nung umiikot na upuan.
Sa buong araw na pagsasama namin ni Natalia, ang sarap niya kausap. Tapos puro tawanan lang kami kanina kaya nakaka-enjoy rin! Nakakatuwa lang.
Ipinikit ko ang mga mata ko kasi nakakapagod. Nakasandal ako ngayon sa swivel chair dito sa loob ng opisina ng mga Secretary, pero tatlo lang kami ang nandito, si Ava Roman, secretary ni Ma'am Victoria, si Natalia, at ako. 'Yung mga secretary ng ibang mga officials ay nandoon sa kabilang silid.
Nakarinig na lang ako bigla ng isang tugtog ng piano. Maganda ito pakinggan pero kumunot ang noo ko nang parang unti-unting nakakatakot na pakinggan ang kanta.
Ibinuka ko ang mga mata ko at tiningnan ang dalawang babae na kasama ko. Punong-puno ng takot ang buong mukha nila at halos maubusan na sila ng dugo sa mukha dahil namumutla sila.
"Anong kanta itong naririnig natin?" Takang tanong ko.
"D-Danse Macabre," kinakabahang saad ni Natalia.
"Bakit gan'yan ang mga mukha ninyo?" Nagtatakang tanong ko at nakakaramdam na ako ng takot dahil sa mga ekspresyon nilang dalawa.
"Anong araw ngayon?" Tanong ni Natalia.
"February 10, bakit?" Takang tanong ko.
"Si Hurricane... Nandito na naman siya," natatakot na sagot ni Ava.