Capítulo Cuarenta y Tres punto uno (43.1)

1860 Words
Naluluha ako habang binabasa ang mga papel na binubuklat ko. Bakit parang totoo? Totoo ba talaga ang lahat ng 'to? "Wild? Ano 'to? Bakit lahat ng 'to ikaw ang tinuturo?" Naiiyak na saad ko at saka ay pinakita ko ang mga papel na dala ko. "Please, Stella, h'wag ka maniwala sa lahat ng nababasa mo riyan, sinet-up ako, hindi 'yan totoo, maniwala ka sa akin please," naiiyak na saad niya kaya parang nadurog ang puso ko habang nakikita ko ang pagmamakaawa ng kan'yang mga mata sa akin. "Stop denying things, Wild, wala kanang kawala sa problemang ito, kailangan mong harapin ang problemang ginawa mo noon hanggang ngayon, call your lawyer para sa kaso mo," ma-awtoridad na saad ni Mr. Reduxé kaya napatingin ako sa kan'ya na punong-puno ng pagmamakaawa ang mga mata, sana ay pagbigyan niya ako, pero hindi! Nanatili lang siyang nakatingin kay Wild. Akala ko tapos na ang problemang ito dahil nahuli na si Hurricane pero hindi pa pala. Akala ko magiging tahimik na ang lahat pero para akong mababaliw sa nangyayari, punong-puno pa rin ng mga katanungan ang isip ko na hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sagot. Kay Wild? Pero hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin. Hindi ko alam kung kaya niya bang sagutin ang mga tanong na ibabato ko sa kan'ya dahil alam kong subrang dami niyang iniisip ngayon, alam kong isa na ako sa mga iniisip niya, ayaw ko pang mas maging mabigat pa ang lahat para sa kan'ya. Gusto ko siyang tulungan, pero hindi ko alam kung papaano dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula, hindi ko alam ano ang una kong gagawin, lahat blanko sa isip ko, hindi ako makapag-isip ng mga bagay-bagay dahil sa subrang gulo ng isip ko. Umuwi ako sa apartment ko at doon na ako umiyak nang umiyak. Ayaw ko munang tapusin ang trabaho ko ngayong araw dahil alam kong subrang daming magtatanong sa akin, at alam kong marami na ang galit kay Wild ngayon. Hindi ko kayang harapin ang mga tao, dahil isa sa kahinaan ko ay ang mga confrontation dahil hindi ko alam paano ko dedepensahan ang sarili ko lalo na ngayong wala akong alam sa nangyayari at hindi ko pa naiintindihan ang mga bagay-bagay dahil pati ako ay marami pang tanong sa isip ko. Lahat inilabas ko sa pamamagitan ng matinding pag-iyak. Ang bigat sa dibdib dahil sa nangyari ngayong araw, ayaw ko sanang pagdudahan si Wild pero dahil sa nalaman ko, nabasa ko, at nakita ko ay bumabalik na naman sa akin ang lahat ng pagdududa ko sa kan'ya noon na matagal ko na sanang ibinaon. Kung totoo man 'yun lahat, subrang hirap naman tanggapin! Hindi ko kayang lunukin lahat ng nalaman ko! Muntik na rin akong mamatay dahil kay Hurricane, muntik na akong malason dahil sa kabaliwan niya, muntik na akong matamaan ng bala nung pina-ulanan niya ako ng bala noon sa isang event sa Cyrene. Lahat ng trauma ko na nabuo sa Cyrene ay bumabalik lahat sa akin, lahat ng takot ko ay ngayon ay kumakain na sa akin, natatakot ako, para akong sinasakal sa mga nangyayari, sa mga traumas ko, sa mga takot ko, para akong sinasakal at binabangungot ng gising. "Wild..." Naiiyak na saad ko at napahikbi na lang ako ulit dahil sa pangalan niyang ibinigkas ko. "Sana panaginip lang ang lahat ng 'to, sana hindi ito totoo," naiiyak na saad ko at pinahid ko ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko. Kasalukuyan ako ngayong nakayakap sa aking mga tuhod habang naka-upo sa paanan ng pinto, naka-upo ako sa sahig at isinubsob ko ang aking mukha sa pagitan ng dalawang tuhod kong nakabaluktot. Naramdaman ko ang pagbigat ng aking mga talukap sa mata at unti-unti akong dinalaw ng antok dahil sa tindi ng aking pag-iyak. |༺☬༻| "Please, please, gising! Please!" Pagsisigaw ko. Bigla kong ibinuka ang aking mga mata at madilim na kisame agad ang una kong nakita. Malamig at matigas ang aking hinihigaan, makinis ito at ramdam ko ang kaunting mga alikabok. Ramdam ko ang pagsakit ng likod ko, ngayon ko lang narealize na sa sahig na pala ako nakahiga! Madilim ang paligid nang inilibot ko ang aking paningin. Amoy na amoy ko ang aking apartment, nasa apartment nga ako. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkahilata ko sa sahig at ramdam ko talaga ang sakit sa likuran ko. Bakit ba ako nandito sa sahig? Ang huli kong ala-ala ay umiiyak ako at nakatulog. Teka, umiiyak ako? Teka, nanaginip ako bago ako nagising, 'yung panaginip na palagi kong napapanaginipan. Totoo ba lahat ang nangyari na nakulong si Wild? Or kasama 'yun sa panaginip ko? Dahan-dahan akong tumayo at saka ay napahawak ako sa doorknob ng pinto, nasa tabi ako ng pinto! Nang makatayo na ako ay kinapkap ko ang switch ng ilaw dahil sa subrang dilim ng paligid. Nang mahawakan ko na 'to ay saka ko ito pinindot kaya lumiwanag ang buong paligid. Dali-dali akong nagtungo sa comfort room para tignan kung namamaga ba ang mga mata ko. Pumasok ako sa madilim na banyo at binuksan ko ang ilaw at nagtungo agad ako sa harap ng salamin at tiningnan ang buong mukha ko. Oh... My... "Gosh! Umiyak nga ako!" Hindi makapaniwalang saad ko. Halatang-halata talaga ang mga mata kong namumugto at 'yung mga luha kong natuyo na sa paligid ng aking mga mata. Ibig sabihin ay hindi panaginip 'yung pagkakulong kay Wild! Pagkatapos kong gawin ang kailangan kong gawin sa loob ng banyo, nagtungo ako sa higaan ko at tiningnan ang orasan. Alas tres ng madaling araw? Nagbihis na rin ako ng pambahay kasi 'yung suot ko ay 'yung suot ko pa simula kaninang umaga. Hindi na ako dinalaw ng antok simula nung magising ako kaya buong magdamag lang akong nakahiga at nakatunganga sa kisame habang iniisip ang lahat ng nangyari. Pumasok lahat sa utak ko ang lahat ng hinala ko kay Wild, simula noong nasaksihan ko siyang makapatay ng tao ng unang beses, noong kapag tumitingin ako sa mga mata niya ay may kung anong kakaiba talaga sa kan'ya, may kung anong tinatago talaga siya na hindi ko mawari o parang ayaw niyang ipa-alam sa akin kung ano man ang tinatago niya. Naalala ko rin 'yung mga hinala nila Natalia kay Wild na pumasok sila sa kompanya noong pagkamatay ng mga totoong may-ari nito, at 'yung mismong araw ng pagpasok nila ay 'yun daw ang unang araw na may namatay sa Cyrene. Ewan ko ba, ayaw ko sanang maniwala o manghinala pero mayroon na namang parte sa isip ko na paniwalaan ang mga hinala ko kaya naguguluhan ako kung ano ang susundin ko. Nalilito na rin ang puso ko kung saang parte sa isip ko ang susundin ko. Kakatitig ko sa kisame ay saka lang ako natauhan nang tumunog na ang alarm clock ko. Napalingon ako sa digital clock at alas singko na nga ng umaga. Ewan ko ba, pagod ang isip ko, pagod ang kaluluwa ko para pumasok pero kailangan ko talagang pumasok para gawin ang trabaho ng boss ko. Kahit wala akong gana ay bumangon pa rin ako. Bumalik ulit ako sa banyo para maligo, alam kong wala akong tulog ng maayos at masama ito sa katawan na maligo kahit walang tulog, pero kailangan ko namang maligo, bahala na, ipapagamot ko na lang kung magkasakit ako. Pumasok ako sa headquarter nang dumating na ang alas otso ng umaga. Lahat ng mga taong dinadaanan ko ay nakatingin sila sa akin at parang may kung ano silang sinasabi na hindi ko naman maintindihan dahil mahina at nagbubulung-bulungan lang sila. "Stella!" Tawag sa akin ng isang empleyadong babae kaya napahinto ako sa paglalakad at napalingon ako sa gilid ko. Nakita ko siyang naglalakad papunta sa pwesto ko. "Stella, totoo bang si Sir Wild si Hurricane?" Agad-agad na tanong niya nang makarating na siya sa harap ko. "H-Hindi ko—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dinumog na agad ako ng mga tao at lahat sila ngayon ay nagtatanong tungkol kay Wild. Ang iba ay nagagalit at muntik pa akong saktan. "Hey! Stop that!" Sigaw ng isang lalaking pamilyar sa akin ang boses kaya natigil ang mga empleyado sa pagtatanong sa akin at napalingon sila sa direksyon kung saan galing ang boses ng lalaki. "S-Sir Gideon," saad ng ibang empleyado kaya napalingon ako sa kabila kung saan nandoon si Sir Gideon na naglalakad papunta sa pwesto namin. "H'wag niyo nga siyang tanungin ng maraming tanong, may pinagdadaanan ang tao, paki-reserve na lang ang lahat ng tanong ninyo dahil napagdesisyonan namin na dalhin sa isang conference si Fuero para magsagot sa lahat ng tanong ninyo," saad ni Sir Gideon nang makatayo na siya sa tabi ko. "P-Pasensya na po, Sir," tugon ng mga empleyado at umatras sila. "Go back to your work," ma-awtoridad na saad ni Sir Gideon at saka ay nag-alisan na rin silang lahat sa harapan namin. Nagtungo na ako sa opisina at bumungad agad sa akin si Natalia. "Nagkagulo raw sa lobby, ayos ka lang?" Tanong agad sa akin ni Natalia nang pumasok na ako sa opisina. Tumango lang ako bilang sagot at saka ay dumiretso na ako sa upuan ko. "Ayos ka lang ba talaga? Bakit parang wala ka sa mood?" Takang tanong niya at saka ay dali-daling lumapit sa akin sabay hipo sa noo ko. "Wala ka namang sakit, ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong niya. "Wala akong maayos na tulog," walang ganang tugon ko at saka ay napasubsob ang mukha ko sa lamesa. "Abay, ba't 'di ka natulog ng maayos?" Saad niya at napabuntong-hininga lang ako. "Dami kong iniisip, eh! Kakaisip ko kay Wild," tugon ko at umayos ng upo at saka ay tiningnan ko si Natalia, nanlalabo na naman ang paningin ko, hudyat na nagbabadya na naman akong maiyak. "H'wag ka ngang umiyak, mamaya mo na 'yan iiyak, inom tayo mamayang gabi after work, libre ko," anyaya niya sa akin at tumango lang ako kaya pinigilan ko na lang ang kung ano mang luha na nagbabadyang lumabas sa akin. |༺☬༻| Kinagabihan. Nagtungo kami ni Natalia sa bar at saka ay nag-order na rin kami ng mainom, maraming bote ang nakalagay sa lamesa, puro beer. "Sayo na 'yan lahat, hindi ako iinom, baka ikamatay pa natin mamaya pag-uwi," saad niya kaya kumuha ako ng isang bote ng beer at tinunga agad ito. "Ilabas mo lang 'yan, Stella," saad niya kaya napa-iyak na lang ako. "Ba-Bakit... Tinago... Niya... Sa-sa... Akin... A-Ang... La... hat..." Humihikbing saad ko at umiyak ng malakas. "Siguro... Ayaw niyang matakot ka sa kan'ya, ayaw niyang layuan mo siya. Stella, kailangan ngayon ni Sir Wild ang tulong mo, kailangan niyang mayroon siyang karamay, kahit maraming galit sa kan'ya, pero kailangan niyang may taong aagapay sa kan'ya, kailangan niya ng may masasandalan," paliwanag niya sa akin kaya mas lalo lang akong umiyak. "E-Eh... Ba-Bakit hindi niya... Si-Sinabi sa akin i-in the fi-first place? Bakit kailangan pang umabot sa-sa ganito? Hi-Hindi naman ako matatakot sa kan'ya," humihikbing saad ko at tinunga ang alak na hawak-hawak ko. "Bakit ngayon? Natatakot ka ba sa kan'ya? Hindi mo ba siya kayang tanggapin? Hindi mo ba siya mapapatawad?" Seryosong tanong niya kaya napatingin ako sa kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD