Capítulo Cuarenta y Tres punto dos (43.2)

1859 Words
"Syempre, kaya ko siyang patawarin, hindi naman matigas ang puso ko," tugon ko naman at napatango siya. "Hindi ka naman galit sa kan'ya, 'di ba?" Tanong niya at umiling lang ako. "Kung ganoon, then bakit ka umiiyak dahil sa kan'ya? Bakit hindi ka natulog ng maayos kaka-isip sa kan'ya? Hm?" Sunod-sunod na tanong niya kaya napatigil ako sa realisasyon na pumasok sa isip ko dahil sa sinabi ni Natalia sa akin. "Eh..." Saad ko sabay kamot sa batok ko. "Hayst, Drama Queen nga naman," iling na saad ni Natalia kaya napatingin na lang ako sa bote na hawak-hawak ko. |༺☬༻| General POV Kinabukasan. "Sige, magkita na lang tayo sa lokasyon na sinabi ko, papunta na rin kaming lahat," saad ni Ace sa katawag niya at saka ay ibinaba na niya ang cellphone. "Handa na ba ang lahat?" Tanong ni Kingstone sa mga kasamahan nila at nagtanguan naman sila bilang sagot. Tapos na rin ang lahat sa paghahanda sa mga armas nila at mga kinakailangang dalhin. "Okay, all set, let's go?" Anyaya ni Matthew sa mga kasamahan. "Yeah, let's go," saad naman ni Eunice at naunang umalis at sumunod naman sa kan'ya sina Shane, Yoshida, at Lorean. Dumating na rin sina Ace sa isang seaport, which is seaport ni Thaddeus, nasa seaport din na ito ang mga Atlantis Cruise ships, ang cruise ships ni Thaddeus. Maraming mga container van sa seaport na ito, at sa ibang parte ng port ay may mga nagta-trabaho naman doon. Pumasok na sina Ace at ang mga kasamahan niya sa seaport. Nang makapasok na sila ay siya namang pagdating ng tatlong itim na van. Lumabas mula sa itim na van ang labing-apat na mga tao at sunod-sunod silang pumasok sa port. Nang makapasok na ang labing-apat ay may lalaking sumalubong sa kanila mula sa loob. "Dito po kayo," saad ng lalaki at sumunod naman ang labing-apat na tao. Ilang sandali ay nakarating na rin ang labing-apat sa isang lugar kung saan nandoon din sina Ace at ng mga kasamahan niya. Napatingin sina Ace at ng mga kasamahan niya kung sino ang mga bisita nila at laking gulat na lang nila nang kilalang-kilala nila ang mga bisita nila. "Krypton Vallesh? Damon Reduxé? Trixo Fellior? Daniella Percival? Cyprus Villamore? Xaivery Gallardo? Severn Gray? And Zachareous Luxeriel?" Hindi makapaniwalang saad ni Ace nang makita niya ang mga bisita, at may iba pang kasamahan sina Krypton na hindi nila kilala. "Wow! Just wow! Hindi ko in-expect na 'yung mga ally natin ay mga taong nagseserbisyo sa bansa!" Natutuwang saad naman ni Kingstone at sinalubong si Krypton at nagkamay silang dalawa at ng mga kasamahan niya. "Mayor Percival! Oh my! I didn't expect!" Hindi makapaniwalang saad ni Shane at sinalubong naman si Daniella kaya nagbeso naman silang dalawa. "So... Nasa iisang grupo lang kayo, Mayor Gallardo?" Hindi makapaniwalang tanong naman ni Thaddeus kay Xaivery na kaharap niya. "Yeah, nasa iisang grupo lang kaming lahat," nakangiting tugon ni Xaivery kay Thaddeus. "Senate President Trixo Fellior! Grabe!" Hindi makapaniwalang saad naman ni Matthew at sinalubong niya si Trixo, ang pinakabata sa grupo. "Uy! Mat! Long time no see!" Magiliw na bati ni Trixo at saka ay niyakap si Matthew. "Kasama niyo pala ang PNP Chief na si Damon? Also the Secretary of the Department of Justice, Cyprus Villamore, then the Mayors of NCR, Mayor Percival of Manila City, Mayor Vallesh of Quezon City, Mayor Gallardo of Valenzuela City, Mayor Gray of Caloocan City, and Mayor Luxeriel of San Juan City," hindi makapaniwalang saad naman ni Matthew matapos silang magyakapan ni Trixo. "Yes, mga kaibigan ko sila, kasama kami sa isang Mafia," tugon naman ni Trixo at napatango naman si Matthew. "Oh, by the way, sino pala 'yang ibang mga babaeng kasama ninyo, Mayor Percival? And the other guys na hindi namin kilala?" Tanong ni Lorean habang nakatingin sa dalawang babae at apat na lalaking walang bumati. "Oh, yes, I forgot," saad ni Daniella at saka ay lumingon sa likuran niya at nagtama naman agad ang tingin ng anim sa kan'ya. "Come here!" Tawag ni Daniella sa anim na naiwan kaya lumapit naman sila agad sa pwesto nila Daniella. "This is Heidi Aruxada, our Mafia Boss' Consigliere," pakilala ni Daniella sa babaeng itim ang buhok na may kulay abong mga mata. "Hi! I'm Shane," pakilala ni Shane kay Heidi at nagkamayan naman sila. "This is Aestherielle Selenio, isa rin siya sa mga kasamahan namin, she is the President of Foxes Empire," pakilala naman ni Daniella sa babaeng kulay dark brown ang buhok at may kulay bughaw na mga mata. "Oh! Ikaw pala ang unknown President ng Foxes? I've been searching about you all over the internet kasi hindi ko kilala kung sino ba talaga ang CEO or President ng Foxes Empire, and it's you!" Hindi makapaniwalang saad naman ni Lorean at tuwang-tuwa pa siya nang makilala na niya ang Presidente ng Foxes Empire. "He is Skyler Greco, our bodyguard," pakilala ni Daniella sa lalaking may mahaba at kulay itim na buhok. "Siya naman si Hades Wujiko, our bodyguard," pakilala naman ni Daniella sa lalaking matangkad at may singkit na mga mata. "Zaqutus Fuego and Tres Lybory," pakilala pa ni Daniella sa natirang dalawang lalaki. "Ang pogi naman nila," bulong ni Eunice kay Yoshida kaya siniko naman siya agad ng kaibigan. "Tumigil ka nga, isusumbong talaga kita sa boyfriend mo," saway ni Yoshida kay Eunice kaya napatikom na lang si Eunice sa bibig niya. |༺☬༻| "So, ikaw na pala ang bagong underboss ng Mafia ninyo?" Tanong ni Kingstone kay Krypton at tumango naman si Krypton. "Yeah, nakulong kasi ang Boss namin, and as his underboss, ako muna ang papalit sa kan'ya for the meantime. Also, hindi lang naman ako ang underboss, Daniella, Trixo, Aestherielle, Damon, Cyprus, Xaivery, Severn, and Zachareous are the underbosses, too. Pero for the meantime, ako muna ang head ngayon," tugon naman ni Krypton. "Oh, by the way, ano pala ang tawag sa Mafia Clan ninyo? Hindi lang kasi ako makapaniwala na kayo pala ang miyembro," tanong naman ni Travis kaya napatingin si Damon sa kan'ya. "We are the 'Ndrangheta Mafia," malamig na tugon ni Damon kaya nanlaki na lang ang mga mata nila Ace at ng mga kasamahan niya dahil sa gulat. "Kayo ang 'Ndrangheta?!" Gulat na gulat na saad ni Emmanuel. "Yeah," tugon naman ni Daniella sabay tango. "Oh my! 'Ndrangheta, the most dangerous mafia in the world!" Hindi makapaniwalang saad naman ni Lorean. "I didn't expect na ang isang napakadelikado at pinakamakapangyarihang Mafia sa buong mundo ay magiging kasama namin," hindi makapaniwalang saad ni Ace. "You have such a good instinct, Ace," iling na saad ni Kingstone. "So, since nagpakilala na kami, and we already know you, now let's start our negotiation, we need to rush kasi may kailangan muna kaming gawin sa mga trabaho namin sa bansa," inip na saad ni Damon. "Oh, yes, nadala niyo ba ang kailangan namin?" Tanong naman ni Matthew at tumango naman si Krypton. "Yeah, Skyler, Hades, Tres, and Zaqutus, the briefcases," utos ni Krypton kaya naglakad ang apat na lalaki na may dala-dalang tigdadalawang briefcases. Sabay-sabay na inilapag ng apat ang malalaking briefcase na dala nila sa isang malaking lamesa kung saan nandoon sila Ace. Binuksan nila ang mga briefcase at tumambad sa harapan nila ang maraming pakete ng sh-bu. "Dala niyo rin ba ang 10 Billion Pesos?" Tanong naman ni Krypton kila Ace at tumango naman pabalik si Ace. "Danezza and Aicelle, the money," utos naman ni Ace sa dalawang babae kaya naglakad din papunta sa lamesa ang dalawa na may dala-dalang tigdadalawang briefcases at sabay nilang inilapag ang apat na briefcases sa lamesa. Kinuha ni Daniella, Damon, Trixo, at Cyprus ang apat na briefcases at sabay-sabay nila itong binuksan at tumambad sa harap nilang apat ang kulay bughaw na mga pera. "Kahit bilangin niyo pa iyan, that's a fixed 10 Billion Pesos," paniguradong saad naman Ace. "Partners?" Tanong ni Krypton at naglahad ng kamay sa harap ni Ace. "Partners," tugon ni Ace sabay tanggap sa kamay ni Krypton at nag-shake hands sila ng isang beses. |༺☬༻| "Argh! Exhausting day!" Saad ni Kingstone sabay upo sa sofa at sumandal. "Hindi ko in-expect na may underground business pala ang mga taong 'yun," hindi makapaniwalang saad ni Matthew at napa-iling. "Senate President, Secretary ng Department of Justice, PNP Chief, tapos mga Mayor ng ibang siyudad sa NCR, unbelievable!" Saad naman ni Travis. "And look, they are the 'Ndrangheta! We can say that they are the real 'Ndrangheta dahil sa logo na nakatatak sa briefcase na dala nila," saad naman ni Lorean at inalala ang logo na nakita niya sa takip ng briefcase. "Because they are the real 'Ndrangheta!" Sang-ayon naman ni Ace. "Kanina ko pa talaga 'to iniisip no'ng umuwi na tayo, sino ba ang current boss ng 'Ndrangheta? Naghanap ako kanina sa internet pero ang nakalagay roon ay ang former Mafia King na si Nicola 'Ndrangheta, he was dead way back July 13, 2017, the question is, sino ang pumalit na Boss ng 'Ndrangheta sa loob ng higit anim na taon?" Takang tanong ni Shane at napatingin siya sa mga kasamahan niya. "As far as I know, I've read the history of the 'Ndrangheta, ang pinaka-tragic na taon na nangyari sa buong 'Ndrangheta ay 'yung naubos lahat ng heirs ng 'Ndrangheta sa isang iglap. That was 2014, walang natira sa lahat ng angkan ng 'Ndrangheta, including the children of Nicola, basta lahat ng relatives ng 'Ndrangheta ay namatay, ang natira na lang ay si Nicola 'Ndrangheta at ang asawa niyang si Czarina Solntsevskaya, ang Heir ng Solntsevskaya Bratva ng Russia, ang pinakamakapangyarihang mafia clan sa buong Russia. After mamatay ang buong angkan ng 'Ndrangheta ay sumunod naman si Czarina noong 2015, she was shoot by an unknown shooter, isa sa mga kalaban din nila, she got killed along with the Solntsevskaya, kaya ubos lahat ng heir ng Solntsevskaya, then after that, 2017, Nicola was shoot and died, at hindi ko na alam sino ang pumalit sa kan'ya. I thought nawala ang 'Ndrangheta sa mundo after mamatay ni Nicola, pero patuloy pa rin pala sila hanggang ngayon," pagkukwento ni Lorean at taimtim naman na nakikinig ang lahat sa kan'ya. "Baka taga Solntsevskaya ang pumalit?" Tanong naman ni Emmanuel pero agad umiling si Lorean. "No, that's impossible, partnership lang ang ginawa ng 'Ndrangheta at Solntsevskaya through arrange marriage of Nicola and Czarina, and as far as I know, one of the rules of the 'Ndrangheta na dapat ang susunod na mamumuno ng 'Ndrangheta ay dapat kadugo ng 'Ndrangheta at nagmamay-ari sa apelyidong 'Ndrangheta. Additionally, ubos na rin ang lahat ng heirs ng Solntsevskaya," tugon ni Lorean kaya nagkatinginan sila sa isa't-isa. "Then... Papaanong may susunod na mamumuno sa 'Ndrangheta kung ang lahat ng angkan nila at kadugo nila ay pinatay sa isang iglap? How that's possible?" Naguguluhang tanong ni Kingstone at palipat-lipat ang tingin niya sa mga kasamahan niya. "Unless..." Saad naman ni Yoshida at napatingin sa kan'ya ang lahat at nag-aabang sila sa susunod niyang sasabihin. "Unless what?" Kunot-noong tanong ni Travis sa babae. "Unless, kung may tinatagong heir ang 'Ndrangheta na hindi alam ng kalaban nila," patuloy ni Yoshida kaya nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa. "Then, who?" Kunot-noong tanong ni Ace.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD