|༺☬༻|
General POV
Kinabukasan. Kasalukuyang naka-upo ang anim na preso sa isang mahabang upuan at sa harap naman nila ay si Damon at ang babaeng police na si Alarice Archer, ang Police Master Sergeant ng Quezon City. Mayroong mahabang lamesa na namamagitan sa kanilang walo kung saan nakalapag ang mga braso ni Damon.
"Sino ba sa inyo ang totoong Hurricane?" Tanong ni Alarice na nakatayo sa tabi ni Damon.
"Ako," sabay na tugon ng anim kaya nagkatinginan sila sa isa't-isa.
"Sino ba?!" Naiinis na saad ni Alarice.
"Ako nga!" Sabay na saad ng anim.
"Kung hindi kayo sumagot ng maayos, pasasabugin ko talaga 'yang mga bungo ninyong anim!" Asik ni Damon kaya tinapik ni Alarice ang balikat ng lalaki para pakalmahin ito.
"Kalma lang, Chief," pagpapakalma ni Alarice kay Damon kaya napabuntong-hininga na lang si Damon at nanatiling masama ang tingin sa anim na nasa harapan niya.
"Sige, ito na lang, sino ba ang nag-utos sa inyong anim na gawin ito? Alam naming may nag-utos sa inyo kaya sabihin niyo na para makalaya kayo," kondisyon ni Alarice kaya nagkatinginan naman ang anim sa isa't-isa.
"Gusto niyo ba talagang malaman kung sino ang mastermind ng lahat ng ito? Siya ang totoong Hurricane na matagal ng inaalam ng buong Cyrene Group," paninimula ni Heidi at umismid siya habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa gilid ni Damon.
"Sino?" Kunot-noong tanong ni Damon kay Heidi.
"Siguro, masyadong bulag lang ang mga empleyado ng Cyrene kaya hindi nila alam kung sino ang Judas sa kompanya, actually, nagta-trabaho siya sa Cyrene," saad naman ni Cloud kaya nalipat ang tingin ni Damon at Alarice sa kan'ya.
"Sino nga?" Nagtitimping tanong ni Damon.
"Walang iba kung hindi ay si..." Nakangising saad naman ni Laurence.
|༺☬༻|
Stella's POV
Kasalukuyan kami ngayong nasa isang conference. May meeting ang mga matataas na opisyal ng Cyrene, kasama rin kaming mga sekretarya nila. Ang topic namin ngayon ay tungkol sa expansion ng Cyrene sa Russia.
Medyo pino-problema rin namin kung paano kami makakapasok sa Russia, pili lang kasi ang mga negosyong pinapapasok sa Russia dahil sa nangyari noong mga nakaraang taon. Gusto kasi ni Ma'am V na ipasok ang Cyrene sa Russia pero 'yung ibang mga opisyal naman ay tutol habang ang iba naman ay sang-ayon pero ang last decision ay mula sa gobyerno ng Russia.
"I need to make a deal with the foreign affairs, alam kong makakapasok ang Cyrene sa Russia," paniniguradong saad ni Ma'am V kaya nagkatinginan naman kaming lahat sa isa't-isa.
"How can you be so sure, Victoria?" Tanong ng isa sa mga Director ng kompanya.
"I have a key, an alas, to help me para makapasok ang Cyrene sa Russia," simpleng tugon ni Ma'am V kaya napabuntong-hininga naman si Sir Gideon.
"Then ano namang key or alas na sinasabi mo?" Kunot-noong tanong ni Sir Gideon at seryosong tiningnan si Ma'am V.
"Not 'what', it is 'who'," pag-correction ni Ma'am V. Sino?
"Then who?" Tanong naman ni Wild at umismid naman si Ma'am V sa kan'ya.
"That's a secret for now, saka ko na sasabihin kapag gusto na niyang isabi sa inyo," kondisyon ni Ma'am Victoria.
Napalingon naman kami ng sabay-sabay nang biglang bumukas ang pinto ng conference room at may mga pulis na pumasok at isa sa kanila ay si Mr. Reduxé. Napatingin ako kay Mr. Reduxé na ngayon ay nililibot ang tingin sa buong paligid, natuon ang atensyon niya sa isang tao kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin, kay Ma'am V!
"Mr. Re-Reduxé, what are you... doing here?" Kinakabahang boses ni Ma'am Victoria na ngayon ay mabilis na tumayo.
"Good afternoon, Ms. Villafuentes, sorry for disturbing your meeting, actually, may huhulihin lang kaming traydor at mamamatay-tao rito sa meeting na ito," saad naman ng babaeng may kulay dark brown na mga mata at taas-noo niyang sinabi iyun.
"S-Sino?" Nagtatakang tanong ni Sir Gideon at napatingin din siya sa babaeng pulis at tiningnan niya rin ang mga kasamahan namin dito sa conference room.
"You are under arrest for murdering numerous people, Mr. Wild Fuero, you have the right to remain silent, all you said will be used against you," saad ni Mr. Reduxé at binigyan niya si Wild ng warrant of arrest.
"Teka, what are you talking about, Reduxé? You are now accusing me na ako si Hurricane?!" Depensa naman ni Wild at kunot-noong tiningnan ang papel na tinanggap niya at binalik ulit ang nagtatakang tingin kay Mr. Reduxé.
"Ikaw na mismo ang nagsabi, Mr. Reduxé, wala akong sinabi," naka-ismid na saad ni Mr. Reduxé kaya napatayo naman ako.
"T-Teka, baka nagkakamali kayo, h-hindi po siya si Hurricane, nahuli na si Hurricane, 'di ba?" Depensa ko naman at naluluha kong tiningnan ang mga pulis na ngayon ay nakatingin sa akin.
"We have the evidence at lahat ng ebidensiyang nakuha namin ay lahat ng iyun nagtuturo kay Wild Fuero, may mga witness na kami para gamitin laban sa kan'ya, now men, pusasan niyo siya," saad ng babaeng pulis at sumunod naman ang dalawang lalaking pulis sa inutos niya, pupusasan na sana si Wild nang pigilan ko sila.
"Please, wala po siyang kasalanan, hindi po siya si Hurricane, nahuli na si Hurricane, wala po siyang kasalanan!" Pigil ko pero hindi pa rin nagpapatinag ang dalawa at pinusasan nila si Wild sa likod.
"Sir Wild, please, wala naman po kayong kasalanan, 'di ba? Alam ko po 'yun," naiiyak na saad ko at lalapitan ko na sana si Wild nang pigilan ako ng isang pulis.
"Don't touch her! Or else I'll kill you!" Pagbabanta ni Wild sa pulis at nagpupumiglas siya.
"Wild, please!" Saway naman ni Mr. Reduxé.
Galit na galit na tiningnan ni Wild si Mr. Reduxé. "Ikaw ang traydor! Alam mong hindi ako si Hurricane! Kaya nga hinuhuli ko ang mga proxy niya, tapos ngayon ako naman ang huhulihin mo?! Ano 'to, Damon?!"
"I'm doing my job for the peace of this country, Wild, dalhin niyo na siya sa prisinto!" Matigas na saad ni Mr. Reduxé kaya hinawakan ng mga pulisya ang magkabilang braso ni Wild at tinulak ito.
"Please! H'wag niyo siyang hulihin!" Naiiyak na sigaw ko.
"Don't worry, Stella, hindi ako magtatagal, ipapangako ko iyan," paniguradong saad ni Wild at saka ay lumabas na siya kasama ang mga pulis sa conference room.
"Nat," naiiyak na saad ko at niyakap ang kaibigan ko. Naramdaman ko ang magagaang paghagod niya sa likuran ko.
"Hush, Stella," pagpapakalma niya sa akin.
"Nat, wala siyang kasalanan, hindi siya si Hurricane, ramdam ko 'yun," humihikbing saad ko habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat niya.
"Puntahan natin siya, Nat, please," pagmamakaawa ko pa at naramdaman ko ang paggalaw ng ulo niya.
"Oo, pupuntahan natin siya, tahan na, Stella, hush," pagpapagaan niya sa loob ko.
Sinundan namin agad ang mga kotse ng pulisya. Umiiyak ako habang nagbabyahe kami ni Natalia, walang kasalanan si Wild, pero siya ang inaakusahan, kahit noon ay pinagdududahan ko siya, pero alam kong hindi siya si Hurricane.
Nakarating na rin kami sa prisinto kung saan dinala si Wild. Sinundan namin sila sa loob at umiiyak akong naglalakad papasok sa loob.
"Wild!" Tawag ko sa kan'ya kaya napalingon siya sa direksyon ko.
"Stella, what are you doing here?" Nag-aalalang tanong ni Wild at lumapit na ako sa kan'ya.
"Please, h'wag niyo po siyang ikulong, Mr. Reduxé, 'di ba tumutulong naman siyang hulihin si Hurricane? Alam niyo 'yun kasi nandoon din ako sa araw na hinuli ninyo si Hurricane," depensa ko naman at malamig lang akong tiningnan ni Mr. Reduxé at hindi siya umimik.
"Sino ba 'yang witness niyo? Papatunayin naming hindi si Sir Wild si Hurricane!" Saad naman ni Natalia kaya napatango naman 'yung babaeng pulis sa mga kasamahan niya.
Umalis ang tatlong lalaking pulis mula sa kinatatayuan nila dahil sa utos ng babaeng pulis sa kanila. Ilang sandali pa ay bumalik ang tatlong pulis at may kasama silang anim na tao at naka-posas ang mga kamay nila, isang babae at limang lalaki, isa sa mga lalaki ay pamilyar sa akin, siya 'yung nahuli namin ni Wild!
"Sila, sila ang witness namin," saad ng babaeng pulis, tiningnan ko ang nakalagay na name tag sa kan'yang damit, Archer ang apelyido niya.
"Kayo? Sila ang proxy ni Hurricane, sila ang mga hinuli ko," nagtatakang saad ni Wild kaya nagulat ako sa sinabi niya, so ibig sabihin ay hindi lang pala isa, kung hindi ay anim! Akala ko si Hurricane na 'yung nahuli namin!
Napapahid ako sa mga luha ko para klaro kong makita ang anim na tao sa harapan namin.
"Yes, they're Hurricane's proxy, or should I say, your proxy, Wild," saad ni Mr. Reduxé kaya kunot-noong tiningnan ni Wild ang pulis.
"What are you talking about?!" Asik ni Wild kaya hinipo ko ang kan'yang likod para pakalmahin dahil baka ano pa ang gagawin niya.
"Boss, pakawalan niyo ako rito!" Saad ng isang lalaki at tumakbo papunta sa harapan ni Wild at lumuhod.
"Vostra Maestà, mi dispiace tanto aver detto loro che siete Hurricane, volevamo solo essere liberi perché siamo innocenti, (Your Majesty, I'm so sorry for telling them that you're Hurricane, we just wanted to be free because we're innocent)" saad nung babae at saka ay lumakad siya papunta sa harapan ni Wild at lumuhod.
"Spare our lives, Your Majesty!" Sabay na saad ng anim at lumuhod naman 'yung natirang apat na lalaki na katabi lang ng tatlong pulis.
"Pero, hindi nga ako si Hurricane! Hindi ako siya!" Depensa naman ni Wild kaya yumuko ng husto ang babae at saka ay hinawakan ang binti ni Wild.
"Your Majesty! Patawarin niyo po kami! H'wag niyo po kaming patayin, maawa po kayo!" Umiiyak na saad ng babae kaya hindi ko na talaga naiintindihan ang mga nagaganap.
"No, this is all set up! Frame up 'to, Damon, pinagkakaisahan nila ako!" Galit na saad ni Wild at saka ay inilayo niya ang kan'yang binti mula sa pagkakahawak sa babae.
"Set up? Frame up? How can you explain all of this?!" Galit na saad ni Mr. Reduxé at saka ay kinuha niya ang isang brown envelope at malakas niya itong inilapag sa sahig kaya lumabas ang ibang laman nito, ang nakakita ko ngayon ay mga litrato kaya nilapitan ko ang envelope at kinuha ito.
"A-Ano 'to?" Kunot-noong tanong ko at binuksan ang envelope at kinuha ang mga litratong nandoon.
May nakita akong picture na magka-usap si Wild at ang isa sa mga nahuli niya, ang ibang picture naman ay nasa isang park at si Wild naman ito at 'yung babae at magkaharap pa sila.
Marami pang mga picture ang nandito at hindi ko na kayang tingnan pa isa-isa dahil labag sa kalooban ko at parang dudurugin ang puso ko kapag titingnan ko pa ang mga litratong 'yun. Napa-angat ang tingin ko kay Wild na ngayon ay naluluha pero nanatili pa rin ang matigas niyang emosyon na nakapaskil sa kan'yang mukha.
"Wild... Totoo ba 'to?" Kunot-noong tanong ko sabay pakita sa litratong kasama niya ang babae. Sa isang picture naman ay nag-shake hands pa sila.
"It's not what you are thinking, Stella, that day, nagkabunggo lang kami, I remember now!" Depensa niya.
"Do you think 'yan lang ang ebidensiya na mayroon kami? Look inside, Ms. Levesque," saad ni Mr. Reduxé kaya kinuha ko ang isang flash drive na nandoon at may mga papel pa at kinuha ko rin ang mga 'yun.
"That papers are the agreement between you and your proxies, may signature ka pa nga riyan, all written using a black ball point pen, not a stamp nor a print, all are handwritten signature, so how can you explain that? That flash drive also have more evidence and videos at lahat ng 'yun ay ikaw ang tinuturo, Wild, now you have the chance to defend yourself," naka-ismid na saad ni Ms. Archer, 'yung pulis na babae habang tinitignan ko isa-isa ang mga papel na sinasabi niya.