Capítulo Diecinueve punto dos (19.2)

1304 Words
"Ah, Sir, hindi po si Stella 'yan," pigil naman ng isang lalaki. "You want me to kick you out here?" Pagbabanta ni Sir Wild kaya agad akong napalunok ng ilang beses nang maramdaman ko ang presensya ni Sir Wild papalapit sa akin at napansin ko ang sapatos niya na nasa gilid ng lamesa na pinagtataguan ko. "Lumabas ka riyan, Stella," malamig na saad ni Sir Wild. "Hindi po ako si Stella, Sir—aray!" Saad ko at napadaing sabay hipo sa ulo ko nang tumama sa gilid ng lamesa ang ulo ko nang tatayo na sana ako. "A-Ako po si Star," nakangiting saad ko sa amo ko at hinarap ko siya habang hipo-hipo ang ulo ko. Agad akong tumalikod sa kan'ya at dali-daling lumabas ng opisina. Mabuti na lang talaga at flat shoes ang suot ko ngayon at hindi ako nakatakong. Dali-dali akong pumunta sa elevator at agad-agad na pumasok at sinarado ang pinto. Huli kong kita kay Sir bago sumarado ang pinto ng elevator ay 'yung papalabas pa lang siya ng opisina. Nang makarating ako sa ika-109th floor ay agad-agad akong nagtungo sa opisina ni Sir Gideon at mabilis itong kinatok. Agad naman bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Sir Gideon na punong-puno ng pagtataka. Hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok at saka ay nagtago sa ilalim ng lamesa ni Sir Gideon. "Isarado niyo po ang pinto, Sir, h'wag niyong sabihin sa magaling kong amo na nandito ako," mabilis na saad ko habang nakatago sa ilalim ng lamesa. Napansin ko ang pagsara ng pinto at saka ay sinilip ako ni Sir Gideon sa ilalim ng lamesa niya. "Oh, bakit ka umiiwas sa amo mo?" Takang tanong niya sa akin. "Masama ang loob ko sa kan'ya, Sir, ayaw ko po muna siyang makita ngayon," tugon ko at napabuntong-hininga na lang si Sir Gideon at saka ay umupo siya sa swivel chair niya. "Magtago ka lang d'yan, ako ang bahala sa 'yo, hm?" Nakangiting saad niya sabay tap sa ulo ko. "Thank you, Sir," nakangiting tugon ko pabalik. Napansin ko ang pagbukas ng pinto at malalakas na tagaktak agad ng sapatos ang narinig ko mula sa sahig. "Pumunta ba ang sekretarya ko rito?" Diing saad ni Sir Wild. "Hindi siya pumunta rito, at bakit naman siya pupunta rito, eh, hindi ko naman siya sekretarya?" Pagsisinungaling ni Sir Gideon. "Alam kong nandito siya kaya ilabas mo siya," galit na saad ni Sir Wild kaya napatayo si Sir Gideon mula sa inuupuan niyang swivel chair at saka ay umalis sa table niya. "Wala nga rito si Stella, ano ba, Wild?! Baka nasa opisina nila o 'di kaya ay nasa baba, kaya please, be professional na lang, nagta-trabaho ako rito at h'wag mo akong gambalain," depensa ni Sir Gideon. "Sa oras na malalaman kong tinatago mo siya rito, papatayin kita, nagkakaintindihan ba tayo?!" Pagbabanta ni Sir Wild kay Sir Gideon. "Mr. Fuero, ako ang Presidente mo rito, Vice-President lang kita, kaya h'wag na h'wag mo akong pagsalitaan ng gan'yan, baka unahan pa kita, naiintindihan mo?!" Asik ni Sir Gideon. "I'm your Senior President here, Mr. Fuero, and I have a greater authority than yours, now leave this office kung ayaw mong si Victoria ang ipatawag ko at magpaalis sa 'yo rito, leave!" Sigaw ni Sir Gideon at napansin ko ang papalayong mga yapak ng boss ko. Ngayon ko lang narinig ang ganoong boses ni Sir Gideon simula noong nagtrabaho ako rito. Bumalik na si Sir Gideon sa swivel chair niya at sinilip ako sa ilalim ng lamesa niya. "You are safe now, Stella," nakangiting saad niya. "Thank you po," nakangiting tugon ko. Buong araw akong nasa loob ng opisina ni Sir Gideon at minsan ay nag-uusap naman kami ng kahit ano-anong topic. Nakakatuwa rin pala siya kausap, mas palabiro, palatawa, at madaldal pala itong si Sir Gideon kumpara sa magaling kong amo. Akala ko kasi ay masungit din siya pero subrang bait niya, kasing green ng mga mata niya ang pagiging green flag niya. |༺☬༻| Kinagabihan ay nag-text ako kay Natalia na kunin ako rito sa opisina ng boss niya. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at pumasok doon si Natalia. Agad napatingin si Natalia sa akin at tuwang-tuwa dahil nakita na niya ako matapos ang buong araw naming hindi nagkita. "Ayos ka lang ba rito? Pinakain kaba ng lunch ni Sir Gideon?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Natalia at tango-tango lang ang naging sagot ko. "Thank you, Sir, sa pagkupkop mo sa kaibigan ko, the best ka talaga!" Natutuwang saad ni Natalia sa boss niya. "Wala 'yun, maliit na bagay lang 'yun, sige na umalis na kayo bago pa lumabas si Wild sa opisina niya," taboy sa amin ni Sir Gideon. Nagpasalamat pa kami ng huling beses at saka ay tuluyan ng lumabas sa opisina ni Sir Gideon. Wala namang Wild Fuero na nagpakita sa amin sa hallway kaya safe kaming nakarating sa elevator. Nakababa na rin kami sa floor ng opisina namin at saka ay inayos na ang mga dala kong gamit doon sa table ko. Bumaba na rin kami ng kaibigan ko papuntang parking lot at saka ay sumakay na kami sa kotse niya at umalis na rin. Kasalukuyan naming binabaybay ang highway habang tahimik na nagda-drive si Natalia. Nakatingin lang din ako sa labas habang tinitingnan ang mga street lights na dinadaanan namin ngayon. "So, hindi mo pa nai-kuwento sa akin kung bakit mo iniiwasan ang boss mo," pambabasag ni Natalia sa katahimikan namin sa loob ng kotse niya. "Ano kasi, 'di ba hindi natuloy ang lakad natin kahapon?" Paninimula ko sabay tingin sa kan'ya. Tumango siya habang nanatili ang tingin niya sa daan, "Oo, tapos?" "Then, dinala ako ni Sir sa mall tapos tinuruan niya ako mag-ice skating doon, then after namin sa ice skating ay dinala naman niya ako sa amusement park, at nung nasa ferris wheel na kami ay tinanong ko siya kung anong mayroon sa aming dalawa, kung ano ang relasyon namin," pagku-kwento ko sa naganap namin ni Sir Wild kahapon. "Tapos? Ano sagot niya?" Tanong niya sabay tingin sa akin at binalik ulit ang mga mata sa daan. Napabuntong-hininga ako sa tanong niya. "Wala, wala siyang sinagot, at simula sa oras na tinanong ko siya hanggang sa umuwi na ako ay tahimik lang siya at hindi na niya ako iniimik," nakayukong tugon ko. "Baka ano, iniisip niya muna siguro kung ano nga ba ang mayroon sa inyo," depensa naman ni Natalia. "Pero umaasa ako sa mga binibigay at pinapakita niyang mixed signals, eh, umaasa ako na baka may nararamdaman din siya sa akin, kasi hindi ko siya naiintindihan kung ano ba talaga ang laman ng puso niya, at kung ano ba ang habol niya sa akin, ang katawan ko ba o ako mismong tao," naluluhang saad ko at dali-dali ko namang pinahid ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko. "Well, nand'yan na rin ako noon, naranasan ko na rin 'yan, at ang ginawa ko ay iniwasan ko ang taong 'yun, at pinagmasdan ko pa siya kung siya ba ang unang lalapit sa akin o maghahabol sa akin," pagku-kwento niya sa akin. "Anong ginawa niya sa 'yo?" Tanong ko sa kan'ya at umiling lang siya. "Wala, wala siyang ginawa, at doon ko napatunayan na hindi pala ang pagmamahal at puso ko ang habol niya sa akin, kasi pinalitan naman niya ako agad ng bago nang lumayo ako sa kan'ya," patuloy niya pa. "Tama rin ba ang ginawa ko?" Tanong ko sa kaibigan ko at tumango siya. "Tama ang ginawa mo, at sa mga panahon na iiwasan mo siya ay doon mo malalaman kung hahabul-habulin ka ba niya o iiwas din siya sa 'yo, at mapapatunayan mo sa sarili mo kung siya na ba ang tamang tao o hindi," paliwanag niya sa akin kaya napatingin ulit ako sa harapan ko at nag-isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD