Capítulo Diecinueve punto uno (19.1)

1375 Words
Stella's POV Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko nang marinig ko ang tunog ng alarm clock. Wala akong tulog buong magdamag kakaiyak dahil sa nararamdaman kong sama ng loob kay Sir Wild kagabi. Ang sakit lang kasi na umaasa ako sa mga mixed signals na binibigay niya sa akin, eh. Wala akong ganang bumangon at saka ay pinatay ang alarm clock kong subrang ingay. Pagewang-gewang akong naglakad papunta sa switch ng ilaw at kinapkap ko pa ito dahil sa subrang dilim, alas singko pa kasi ng umaga, eh. Nang mabuksan ko ang ilaw ay nagtungo agad ako sa banyo at pinagmasdan ang mga mata kong namamaga kakaiyak kagabi. Naghilamos ako sa lababo pero hindi pa rin ito nawawala. Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko at malaki ang eye bags nito. Napaiyak ulit ako habang iniisip ang lahat dahil hindi ako sinagot ni Sir Wild kung ano ba ang mayroon sa aming dalawa. Pasensya na kung umaasa ako, pinaparamdam niya kasi sa akin na importante ako sa kan'ya, oo, importante nga ako sa kan'ya para sa sariling kaligayahan niya lang. Ang sakit niya sa apdo, pero mas masakit ang puso ko dahil sa nararamdaman ko. "Ganito ba ang magmahal? Palaging nasasaktan?" Pagkanta ko at napa-iling-iling na lang ako. "Maling lyrics 'yun, eh!" "Paano ba ang magmahal Palagi bang nasasaktan Umiiyak na lang palagi~" pagkanta ko sa banyo habang nakatingin pa rin sa salamin at umiiyak. "Paano ba ang magmahal Kailangan bang nasasaktan Lagi na lang, di maaari Ngunit ayaw lumisan~" pagkanta ko pa at umiyak ng husto. "Bakit ba kita nagustuhan bwesit ka! Nakakainis! Kaya ganito ang nangyayari sa akin, oh! Umaasa at nasasaktan sa 'yo!" Inis na saad ko at nakatingin pa rin sa salamin at bigla akong ngumiti at nagpa-cute sa sarili. "Ang ganda ko pa rin talaga kahit nagagalit at naiinis, makaligo na nga lang at baka mahuli pa ako ng pasok," nakangiting saad ko sa sarili ko at saka ay naghubad na ng pajama at binuksan na ang shower. "Woh! Lamig!" Sigaw ko sa loob ng banyo nang talsikan na ako ng malamig na tubig mula sa shower. "Kasing lamig ng treatment ni Sir Wild sa akin!" |༺☬༻| Ilang oras ang nakalipas. Nandito na ako ngayon sa harapan ng pinto ni Sir Wild kaya huminga ako ng malalim at nag-compose ng sarili ko para ihanda ang sarili ko. Baka madala na naman ako sa tingin niya kaya dapat ay hindi ko siya tingnan sa mata, dapat sa tablet lang ako nakatingin at hindi ko hahayaang titingin sa kan'ya. Tumikhim ako ng mahina at saka ay kinatok ang malaking pinto ng opisina ni Sir Wild. Ilang sandali ay binuksan ko na ang pinto ng opisina niya at naabutan ko si Sir Wild doon na nakatayo at nakaharap sa malaking bintana na nasa likuran ng swivel chair niya. "S-Sir, magandang umaga po sa inyo..." Sana all maganda ang umaga habang ako nabu-bwisit na rito sa lalaking masculado na nakatayo at nakapamulsa habang nakatingin sa labas. "Ito na po ang schedule ninyo sa araw na ito," patuloy na saad ko at napayuko agad at tinuon ang tingin ko sa tablet ko nang muntikan na kaming magkatinginan nang lumingon siya sa akin. "M-May appointment po kayo kasama ang mga investors ngayong araw, tapos mamayang alas dos ng hapon ay mayroon po kayong meeting kasama ang CEO at President para sa paparating na event na gaganapin ngayong sabado para sa launch ng bagong produkto ng Cyrene Pharmaceuticals, 'yun lang po, Mr. Fuero," saad ko habang binabasa ang schedule ng amo ko at yumuko ako sa kan'ya bilang paggalang. "Mauna na po ako, Mr. Fuero," malamig na paalam ko at saka umayos ng tayo at nanatiling nakatingin sa ibaba ang mga mata ko at mabilis na tumalikod at humakbang. "May gagawin kaba mamayang 7 pm?" Boses ni Sir Wild ang nagpahinto sa paghakbang ko palabas sa opisina niya. Agad na naman kumakawala ang baliw kong puso nang marinig ko ang boses niyang subrang lamig at subrang lalim. "Yes po, may overtime po kami mamaya para sa paparating na event ng Cyrene ngayong Sabado, Mr. Fuero," tugon ko habang nakatalikod. "Mauna na po ako, Mr. Fuero." "Ms. Levesque, look at—" hindi ko na narinig ang kasunod na sinabi niya nang mabilis akong lumabas sa opisina niya. Hawak-hawak ko ang dibdib ko dahil sa kaba, hindi ko nakita ang mukha niya, sana lang talaga at hindi ako gambalain ng lalaking 'yun sa opisina mamaya. Dali-dali akong pumunta sa elevator at baka masundan pa ako ng magaling kong amo. Agad akong nakababa papuntang ika-108th floor kung saan ang opisina namin. Dali-dali kong nilapitan si Natalia nang makapasok ako sa loob ng opisina namin. "Nat, ilayo mo ako rito, baka puntahan ako ni Sir Wild dito mamaya, umiiwas ako sa kan'ya ngayon," pagmamakaawa ko sa kaibigan ko habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya ang isa kong kamay habang ang isa naman ay nakahawak din sa tablet na dala-dala ko. "Umiiwas ka sa Boss mo? Bakit naman?" Takang tanong ni Natalia sa akin at napakunot ang noo niya. "Basta, masama ang loob ko sa kan'ya, saka ko na ipaliwanag sa 'yo kung wala na tayo rito sa opisina," diretsahang tugon ko at napabuntong-hininga naman ng malalim si Natalia habang nakatingin sa akin. "Eh, saan naman kita itatago na hindi ka makikita ng amo mo?" Takang tanong niya. "Sa... Sa opisina ng mga secretary ng board! Itago mo ako roon!" Suhestyon ko at nag-snap sa daliri ko. "Sure ka bang hindi ka niya hahanapin doon?" Paninigurado niya. "Oo, kakausapin ko naman sila na h'wag sabihin na nandoon ako para hindi ako hanapin ng magaling kong Boss, basta ikaw, sabihin mo lang sa kan'ya na nag-cr lang ako kapag pupunta siya rito," suhestyon ko. "Sige, sige, lumayas kana at baka maabutan ka pa ng magaling mong boss," taboy sa akin ng kaibigan ko at agad-agad na kinuha ang mga envelope, laptop, folder, at tablet ko at pinatong-patong ko ito. "Paki-sunod na lang ng ibang papeles, ah, hindi na ako lalabas sa opisina mamaya pagdating ko roon," paalam ko sa kaibigan ko at tinanguan lang niya ako at dali-dali akong lumabas ng opisina. Nagtungo ako sa opisina ng secretary ng board at nagtataka naman silang tumingin sa akin. "H-Hi? Uhm, p'wedeng mag-evacuate muna ako ng isang araw rito sa opisina ninyo? Kailangan ko kasing umalis doon sa opisina namin, eh, baka hahanapin ako ng boss ko," nahihiyang saad ko sa kanila. "Pasok ka, Stella, mabuti at nagpunta ka rito," anyaya sa akin ng lalaking secretary kaya umaliwalas ang mukha ko at napangiti ng malapad sa kan'ya nang inanyayaan niya akong pumasok at agad-agad naman akong pumasok sa opisina nila. "Kapag ano, kapag pupunta si Sir dito, h'wag niyo sabihin na nandito ako, umiiwas ako sa kan'ya, eh, please?" Pagsusuyo ko sa ibang empleyado roon. "Sure, sure, saan mo gustong magtago na hindi ka nakikita? Marami kang pagtataguan dito," saad naman ng babae sa akin. "Dito na lang po ako sa sulok, uupo na lang ako sa sahig, itago niyo ako kapag pupunta siya rito, ah," habilin ko sa kanila sabay lakad doon sa bandang sulok ng opisina. "Oh, siya, sige, magtago ka lang hangga't sa gusto mo," saad naman ng isa pang babae. "Thank you po," masayang saad ko sa kanila at saka ay umupo na ako sa sahig at nagsimula na akong magtrabaho. Dumaan ang ilang oras at naramdaman ko na ang pamamanhid ng aking paa at pangangawit ng aking likod. Napatingin na lang ako sa mga empleyado nang mapansin ko ang sabay-sabay nilang pagtayo mula sa kani-kanilang inuupuan. "Good morning Mr. Wild Fuero," bati ng lahat sa kung sino man ang pumasok kaya agad-agad akong yumuko para hindi ako makita. "Nakita niyo ba si Stella Levesque dito? Kanina pa siya wala sa opisina niya," tanong ng isang malalim na boses ng lalaki ang narinig ko, si Sir Wild nga! "Ay hala, Sir, wala rito ang sekretarya ninyo, eh, hindi naman kasi niya opisina ito, baka ano lang Sir, baka nag-absent siya," pagsisinungaling ng isang babaeng empleyado. "Really? Then, who's that blonde hair who were hiding?" Tanong ni Sir Wild. Patay! Napansin niya ako kaya agad-agad kong sinarado ang laptop at nag-impake na para ihanda ang sarili ko sa takbuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD